You are on page 1of 2

FEATURE

MAKABAGONG DAIGDIG
Andrea Oliveros

Sa isang kisapmata, nagbago ang lahat ng ating nakikita. Tayo’y tila mga bisita
sa mundong halos teknolohiya na ang nagpapagana.
Kring…kring…kring.. ito ang mga tunog na sa nambulabog sa umaga ng mag
inang Jun at Aling Perlita.
Linggo noon at maaga pa lang ay abala na si Jun-jun sa paggamit ng kaniyang
gadyet. Isang makabagong bagay na siyang nagbibigay aliw, at nagsisilbing katuwang
nya.
Napakunot-noo ang ina pagkakita sa anak na gadyet agad ang hawak. Bakas sa
mukha ng ina ang pagtutol sa bagay na ito. Hindi siya sang-ayon sa mga gadyet na
naglipana, hindi sa kadahilanang takot siyang kasangkapin ito, bagkus ay takot siya sa
posibilidad na maaaring palitan ng gadyet ang kaniyang gampanin sa anak katulad ng
paghahanda ng pagkain at pagbibigay ng emosyonal na pangangailangan nito.
"Ano ang kayang gawin ng gadyets na hindi ko kaya?" sambit ni Aling Perlita sa
sarili.
Dahil napukaw ang pansin ni Jun sa tila blankong mukha ng kaniyang ina,
ipinaliwanag niya rito ang laganap ngayon sa larangan ng teknolohiya-ito ay ang AI o
Artificial Intelligence.
“Inay, ang AI ay isang larangan ng computer science na naglalayong bumuo ng
mga computer systems o programa na nagagawa ng mga gawain na kadalasang
ginagawa ng tao, tulad ng pag-aaral, pagdedesisyon, at pagpaplano. Ito ay
nagsasangkot ng mga teknik at algorithm na pinapayagan ang mga computer na matuto
mula sa mga datos at magpasya batay sa mga nakalap na impormasyon,” ani Jun.
“Napapadali ba talaga ng AI ang mga Gawain ng tao?” naguguluhang taong ng
ina.
“Aba syempre naman, inay. Ang AI ay laganap ng ginagamit sa iba’t ibang
sangay ng gobyerno, maging sa larangan ng edukasyon o sa kahit ano pa mang
gawain ng tao,” paliwanag niya.
Tila hindi pa nakuntento si Jun, patuloy pa rin ang kaniyang pagpapaliwanag.
“Ilan pa sa mga kabutihang dulot ng AI at mga gadyet ay mas napapadali ang
trabaho at nababawasan ang pagkakamali. Sa medisina, halimbawa, mas mabilis na
makapagtatag ng mga diagnosis at magbibigay ng tamang lunas sa mga pasyente dahil
sa teknolohiya,” dagdag pa niya.
Tila nahawi ang mga ulap ng pagtataka sa mukha ni Aling Perlita. Dahil sa
matiyagang pagpapaliwanag ng kaniyang anak. Unti-unting naliwanagan si Aling Perlita
sa konsepto ng AI at ang mga gadyet.
Pagkatapos ng mahabang paliwanagan ay biglang sinambit ni Jun ang mga
salitang, “Siri, play a love song.”
Napasigaw sa gulat ang ina ng tumugtog ang paborito niyang kanta. “Ay! Diyos
ko po!” bulalas niya. Sabay halakhak naman ni Jun na may halong pang-iinis sa
kaniyang gulat na ina.
Sa huli, naging mahalaga ang pagkakaroon ng tamang paliwanag upang
makasabay sa pagbabago ng panahon. Ang mga bagong kasanayan sa paggamit ng AI
at mga gadyet ay kaakibat ng pag-unlad ng teknolohiya.
Ang pagbabago ay hindi maiiwasan, ngunit ang tamang edukasyon at
pagtanggap dito ay makatutulong sa paglago ng lipunan.

You might also like