You are on page 1of 1

Bukambibig:

Ito ay mga salita o pahayag na madalas nasasambit o ginagamit ng isang tao sa pang-araw-araw na komunikasyon.

Talinhaga:

Ang "talinhaga" ay mga pahayag o pangungusap na gumagamit ng makulay na wika o mga metapora upang magbigay-diin
sa mensahe o ideya. Ito ay karaniwang ginagamit sa panitikan at iba't ibang anyo ng masining na komunikasyon.

Ang mga talinhaga ay nagbibigay kulay at malalim na kahulugan sa wika. Ito ay madalas gamitin sa mga tula, kuwento, at
mga sanaysay upang magbigay buhay sa mga konsepto at ideya.

Saan at Kailan Ginagamit

~ Kung minsan, ito' y isang sinasadyang paglayo sa tunay na ibig sabihin upang iwasan marahil ang pagkapahiya o ang
matinding damdamin nalilikha ng tuwirang pagtukoy o pagbanggit.

Halimbawa:

Siya' y namamangka sa dalawang ilog. sa halip na sabihing ang isang tao' y may dalawang asawa o dalawang kasintahan.

© Kung minsan nama' y gumagamit ng mga paghahambing na nagbibigay ng halos literal na paglalarawan sa tinutukoy.

Halimbawa:

Hinahabol ng gunting. / sa may mahabang buhok na dapat nang magpagupit.

© Kung minsan nama' y gumagamit ng mga pagpapahayag na punung-puno ng pagmamalabis.

Halimbawa:

Hinahabol ng isang kabayo./ para sa isang nagmamadali

You might also like