You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

4th QUARTER
Pangalan ng Guro Catherine Sampiano- Famor
Asignatura Filipino
Baitang Ikatlo
Quarter 4TH

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Naibibigay ang kahulugan ng pandiwa.
ng
Pangnilalaman
B. Pamantayan Nakatutukoy sa mga salitang kilos.
sa Pagganap
c. Pamantayan Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa ibat ibang gawain sa tahanan,
sa Pagkatuto paaralan at pamayanan.
F3WG-IVe-f-5

II. Paksang Aralin Pandiwa


III.
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Quipper Philippines Study Guide

B. Mga
karagdagang
Kagamitan
IV. Pamamaraan GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Paghahanda 1. Pagbati Magandang umaga din po sa inyo Gng.
Isang magandang umaga sa inyong lahat Catherine.
Grade 3 ___________!

Kamusta naman po kayo ngayong umaga? Mabuti naman po Gng. Catherine.

2. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating talakayan sa araw
na ito, tayo muna ay manalangin. Magsitayo ang (Tatayo ang lahat ng mga mag-aaral)
lahat at ating damhin ang presensya ng ating
panginoon. (Ang mga bata ay mananalangin)

(Tumawag ng isang mag-aaral upang mamuno sa


panalangin) (Magpupulot ng mga nasura ang mga
mag-aaral at aayusin ang kanilang mga
Bago kayo magsi-upo ay tingnan muna ninyo ang upuan)
inyong paligid at pulutin ang mga kalat na nasa ilalim
ng inyong mga upuan at ilinya ito ng maayos. (Magsisisupo na ang mga mag-aaral)

Kung malinis at maayos ay maari na kayong


magsiupo.

(Titingnan ng mga mag-aaral ang


3. Pagtala ng Liban kanilang katabi at iuulat sa guro kung
sino-sino ang lumiban)
Ngayon nais kong malaman kung meron at sino-sino
ang mga liban sa ngayon sa ating klase? Tingnan
ninyo ang inyong mga katabi sa upuan at iulat kung -Making po nang mabuti Gng. Catherine.
sino-sino ang mga lumiban sa klase ngayong umaga.

4. Pagpapaalala ng mga panuntunan sa silid-aralan


Mga bata ano po ang dapat nating gawin kapag -Itataas po ang kamay at hintaying
nagsasalita ang guro dito sa harapan? tawagin ng guro upang sumagot sa mga
katanungan.
Wow! Napahusay naman ng iyong sagot _____!

Ano naman po ang gagawin kapag may tanong si


titser?

Kamangha-mangha ang naisip mong sagot ______!

B. Balik-aral at/o Bago tayo dadako sa ating aralin ngayong araw na


pagsisimula sa ito, magbalik aral muna tayo sa ating nakarang
bagong aralin leksyon.

Panuto: Magbigay ng isang salitang naglalarawan sa (sasagot ang mga mag-aaral)


iyong sarili.

C. Paghahabi sa Pagganyak
layunin ng aralin Gusto ba ninyong maglaro? Opo Gng. Catherine!
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat at (Mag-iisip ang bawat pangkat ng bayani
bawat pangkat ay pipili kayo isang bahagi ng ating na gusto nila)
katawan na ginagamit sa pandama.

Alam niyo ba ang bahagi ng ating katawan na Opo Gng. Catherine!


ginagamit sa pandama?

Ngayon ay mayroon akong isang kahon na (Nakikinig ang mga bata sa panuto ng
naglalaman ng mga salita. Ang inyo lamang gagawin guro.)
ay iaarti sa harap ang nabunot ninyong salita na
nakasulat sa papel. Ang gustong sumagot ay
babanggitin lamang ang napili ninyong bahagi ng
katawan na ginagamit sa pandama at ang unang
grupong makakahula ay magkakaroon ng
pagkakataong pumunta sa harap at kayo naman ang
magpahula.

Naintindihan ba mga bata?


Opo Gng. Catherine!

Basahin ang salita na inyong ginawan ng kilos.

Lakad, takbo, sulat, kanta, laro, tulog

(Babasahin ng mga bata ang mga


salitang kilos na kanilang nahulaan)

C. Pag-uugnay Pagpresenta ng isang teksto:


sa mga
halimbawa sa Mayroon ako ditong isang kwento. Basahin at
bagong aralin unawain upang masagot ang ilang katanungan.

Ang Batang Masipag

Sa bahay nila ay lagi mo siyang makikitang may


ginawa nagwawalis at nagdidilig ng halaman, (Magbabasa ang mga bata)
nagpupunas siya ng mga alikabok sa upuan.
Pagkatapos ng kanilang gawain ay hindi niya
nalilimutang mag-aral, nagbabasa siya ng mga
kwento, nagsusulat ng pangalan at kung minsan ay
gumuguhit ng larawan at nagkukulay. Kay sipag
talaga ni Tina. Tuwang-tuwa ang kanyang ama’t ina.

Naintindihan niyo ba ang kwento? Opo Gng. Catherine!

Ngayon meron akong katanungan sa inyo.

Sino ang bata sa kwento?


Tina
Anu-ano ang ginawa ni Tina?
Nagwawalis, nagdidilig ng halaman,
nagbabasa, nagsusulat, gumuguhit,
Tama ang lahat ng sinabi niyo ay ginagawa ni Tina. nagpupunas ng upuan.
Nagwawalis, Nagdidilig ng halaman, Nagbabasa,
Nagsusulat, Gumuguhit, Nagpupunas ng alikabok. Ito
ay halimbawa ng pandiwa o salitang kilos.

Ngayon isasakilos nating ang mga bagay na


ginagawa ni Tina. Lahat tayo ay tumayo.
Nagwawalis
Ano ang unang ginawa ni Tina?

Paano ang magwalis? (Ang mga bata ay magwawalis)

Magaling! Anu ang sumunod na ginawa ni Tina? Nagdidilig ng Halaman

Paano magdilig ng halaman? Ang mga bata ay:


-magdidilig ng halaman
Paano naman kung si Tina ay nagpupunas ng -magpupunas ng alikabok sa upuan
alikabok?
-magbabasa
Paano naman kung si Tina ay nagbabasa. Paano
magbasa? -magsusulat

Mahusay! Paano naman kung si Tina ay nagsusulat


ng panagalan? -guguhit

Paano naman kung si Tina ay gumuguhit?

Maraming salamat! Kabigha-bighani ang inyong


ipinamalas ngayong umaga!

D. Pagtatalakay Sa binasa nating teksto kanina ay may mga aksyon


sa bagong na siyang isinagawa din ninyo.
konsepto at Nagwawalis, nagdidilig, nagpupunas,
paglalahad ng Ano-ano nga ang mga iyon? nagbabasa, nagsusulat, gumuguhit.
bagong Salitang nagsasaad ng kilos po Gng.
kasanayan #1 Ano ang tawag sa mga salitang ito? Catherine!

Pagtatalakay:

Ang pangungusap ay may binubuo ng iba’t ibang


bahagi. Isa na rito ang pandiwa o salitang kilos.
Mahalaga ang pandiwa sa ating pang-araw-araw na
buhay dahil ito ang kumakatawan sa ating ginagawa
at kilos sa bawat sandali ng ating buhay.

Ilan sa mga halimbawa ng pandiwa ay: alis, kumain,


umiinom,at magliligpit.
Malinaw na ba sa inyo kung ano ang salitang kilos o
Pandiwa?

E. Pagtatalakay Pinatnubayang Gawain: (We do) (Magbibigay ang mga bata ng kanilang
sa bagong Ngayon meron tayong gawain. salitang kilos)
konsepto at Meron akong ipapakitang mga pangungusap na may
paglalahad sa larawan. Ang gagawin ninyo ay susundin ninyo ang
bagong mga panuto.
kasanayan #2 Pagsasanay I-click mo?

Panuto: Piliin ang pandiwa sa bawat pangkat ng


salita na ipinapakita sa larawan.

F. Paglinang sa Word Search (Literacy Skills)


Kabihasan
(Tungo sa Mayroon akong puzzle dito, hanapin ninyo ang
Formative salitang kilos at isulat ito sa pisara.
Assessment)

S A Y A W S S T
N A L I L I G O
M O P Q R L S T
K U M A K A I N
S M L T A K B O
P S A R U A X M
O P B S B D Y Q (Hahanapin ng mga bata ang pandiwa
R Q A T W M Z R sa puzzle)

G. Paglalapat sa (Gawaing Panggrupo ng may 5 minuto) (Sasagutan ng bawat grupo ang


aralin sa pang- nakaatang na Gawain)
araw-araw n Pamantayan sa Gawaing Panggrupo
buhay
A. Gumawa ng tahimik
B. Gumawa ng may kooperasyon
C. Pakinggan ang mga ideya ng bawat miyembro
D. Piliin ang pinakmalapit na sagot/ideya.

RUBRICS
PUNTOS NILALAMAN
5 Nagpapakita ng
pagkasabik at
pakikipagtulungan sa
gawain, aktibo sa
pakikilahok at may
malaking naiambag.
4 Nagpakita ng pagkasabik
sa Gawain, aktibo sa
pakikilahok at mabuting
tagasunod lamang.
3 Nakilahok ngunit huli na
sa pamamagitan ng
pagpuna ng guro.
2 Natapos ang gawain
ngunit hindi nagpakita ng
pagakasabik sa gawain.
1 Hindi nagpakita ng interes
sa gawain.

Pangkatang Gawain:
Pangkat-pangkatin ang mga bata. Ibigay ang mga
pamantayan sa paggawa ng grupo. Ibigay ang mga
panuto sa paggawa. Ipaskil sa pisara ang natapos na
gawa ng bawat pangkat.

Pangkat A: Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa


mga gawain sa paaralan, tahanan at pamayanan.

Pangkat B: gumuhit ng larawan na nagpapakita ng


pandiwa.

Pangkat C: Dula-dulaan, mag-isip ng isang sitwasyon


sa silid-aralan na nagpapakita ng kilos at isadula ito.

H. Paglalahat ng Ano ang Pandiwa? Magbigay ng Halimbawa. Gamitin Ang pandiwa ay salitang nagpapakita po
Aralin ito sa Pangungusap. ng kilos ma’am!
I. Pagtataya ng Gamitin ang wastong salitang kilos o pandiwa sa
Aralin bawat pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon sa
ibaba.

nagdidilig sinusulat naglilinis

nagluluto naglalaro nagbabasa

1. Si nanay ay _________ ng masarap na pagkain.

2. Tuwing umaga ay _________ kami ng tanim.

3. ________kami ng iba’t ibang kwento.

4. Kami ay ___________ ng aming kapaligiran sa


pamayanan.

5. ____________ nami ang aming pangalan sa


papel.
J. Karagdagang Magbigay ng isang salitang kilos na makikita sa iyong
Gawain para sa thanan at gawan ng pangungusap.
takdang aralin.

3 2 1
Wasto at Wasto at Di-malinaw
malinaw ang malinaw ang ang
paglalarawan; paglalarawan; paglalarawan.
ang kop ang di wasto ang Di wasto ang
mga paggamit ng paggamit ng
panghalip na bantas at bantas at
ginamit, malaking titik malaking titik
bantas at sa sa
malaking titik pangungusap. pangungusap.
sa
pangungusap.

VI. Reflections
A) Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya.
B) Bilang nga
mag-aaral
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
nag rmedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punongguro?
G) Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais ibabahagi
sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by:

CATHERINE S. FAMOR
T-1 APPLICANT

You might also like