You are on page 1of 2

JANUARY 15, 2024

WEEK 3: INTEGRIDAD
Sino dito ang hindi nangongopya? O kaya’y hindi nagsisinungaling? Sino dito ang hindi nalelate sa
pagpasok at pagpasa ng mga output? Sino dito ang nagpapasa ng proyekto o output na malinis at may
kahusayan? Kung isa ka sa mga nagtataglay ng mga katangiang ito, ikaw ay isang mag-aaral na may
integridad. Ang "integridad" ay isang salitang naglalarawan ng kahusayan sa moral na pamantayan,
katiwasayan sa gawain, at pagiging buo at tapat. Narito ang ilang mga aspeto ng integridad:
1. Katapatan: Ang isang taong may integridad ay nagtataglay ng katapatan sa lahat ng kanyang
mga gawain. Ito ay ang kakayahang panatilihin ang kasunduan at pangako sa ibang tao.
Halimbawa, pagsauli ng bagay o pera na hind isa iyo, hindi pangongopya, pagsasabi ng totoo
at pagtupad sa pangako.
2. Kahusayan: Ang integridad ay naglalabas sa kahusayan sa trabaho at sa mga gawain.
Halimbawa, pagpasa ng maaga ng mga output at mga proyekto na nagpapakita ng iyong
kahusayan, at pagtupad ng iyong tungkulin ng buong puso at kahusayan.
3. Katapangan: Ang integridad ay nangangailangan ng katapangan upang panindigan ang tama,
kahit na ito ay maaaring makakita ng pagtutol o hamon.
4. Pagsunod sa Etika: Ang integridad ay may kaugnayan din sa pagsunod sa mga etikal na
pamantayan at regulasyon sa anumang larangan o trabaho. Halimbawa, pagsusuot ng tamang
uniporme at di pagsusuot ng hikaw ng mga kalalakihan.
Sa pangkalahatan, ang integridad ay naglalarawan ng kahusayan sa pagtupad ng moral na
pananagutan at pagtitiyak na ang lahat ng gawain ay nakaayon sa tamang prinsipyo. Ito ay isang
halaga na kinikilala sa maraming larangan ng buhay, kabilang na ang trabaho, edukasyon, at personal
na buhay.
Mga Dapat Gawin:
1. Sundin ang Mga Patakaran at Etika ng Paaralan:
2. Iwasan ang Plagiarismo:
3. Maging Responsable sa Pag-aaral:
4. Iwasan ang anumang uri ng pandaraya sa pagsusulit, tulad ng pagsusulat ng mga sagot sa mga
papel ng ibang estudyante o pagsusulit sa ilalim ng pangalan ng iba.
5. Magkaroon ng Kakaibang Pananaw sa Kaalaman
6. Maging Bukas sa Pagbabago at Pag-unlad
7. Maging Responsable sa Paggamit ng Teknolohiya
8. Huwag magsinungaling at panindigan ang mga pangako at kasunduan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaaring mapanatili ng isang mag-aaral ang kanyang
integridad at maging ehemplo ng tamang asal sa kanyang komunidad.

Deklarasyon:
Ako si, [Pangalan], mag-aaral ng Bagong Silang 2 National High School, ay nangangakong
itinatanggi ko ang anumang anyo ng pandaraya, panlilinlang, at kahit anong gawain na magiging
hadlang sa pag-unlad ng aking sarili at ng aking komunidad. Mula ngayon ay uugaliin ko nang
sumunod sa mga patakaran ng aming paaralan. Ako ay magiging tapat sa pagsusumite ng gawaing
akademiko, magiging responsible sa pggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan at higit sa lahat
magiging tapat sa aking sarili at kapwa sa pamamagitan ng pagsabi ng totoo at pagtupad sa mga
pangako.
Ito ay isang pangako na inilalatag ko sa harap ng Diyos at ng aking sariling konsiyensiya. Sa tibay ng
aking pananampalataya sa prinsipyong ito, ipinapangako ko ang aking buong pagsusumikap sa
pagsunod at pagtataguyod ng integridad sa bawat hakbang na aking tatahakin.

Pananalangin para sa Integridad ng Mag-aaral at Guro


Ama naming mapagmahal,
Lubos kaming nagpapasalamat sa biyayang itinaguyod Mo sa amin sa pagkakaroon ng edukasyon at
pagtuturo. Kami'y humihingi ng iyong gabay at grasya, lalo na sa aspeto ng integridad, sa aming
paglalakbay sa landas ng kaalaman.
Sa mga mag-aaral, ituro Mo po sa kanila ang halaga ng katapatan at responsibilidad sa kanilang mga
gawain. Palalimin Mo ang aming pang-unawa sa kahalagahan ng tamang asal at tamang pananaw sa
buhay. Tulungan Mo po silang makamtan ang mga mataas na pamantayan sa moral at etika, at patuloy
na ituro ang katotohanan at katuwiran.
Sa aming mga guro, bigyan Mo kami ng lakas ng loob na maging halimbawa ng integridad sa lahat ng
oras. Palakasin Mo ang aming kakayahan na ituro sa mga mag-aaral hindi lamang ang mga aralin,
kundi ang mga prinsipyong nagbibigay saysay sa kanilang pagkatao. Palalimin Mo ang aming pang-
unawa sa aming mga pangangailangan at pagtulong sa aming pag-unlad.
Ama, gabayan Mo kami sa bawat hakbang na ginagawa namin sa aming pag-aaral at pagtuturo. Ituro
Mo sa amin ang landas ng pagiging tapat, matapat, at bukas sa pagbabago. Alisin Mo ang anumang
uri ng panggigipit o kasinungalingan sa aming landas, at palakasin ang aming determinasyon na
maging mga mamamayang may integridad.
Sa pangalan ni Hesus, aming Tagapagligtas. Amen.

You might also like