Replektibong Sanaysay

You might also like

You are on page 1of 2

Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay ang pagsasatitik ng mga ideyang


bunga ng pagmumuni-muni o repleksyon hinggil sa isang paksa
o pangyayari.

Layunin
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkap
na paggamit ng wika.

Paano Magsulat ng Replektibong Sanaysay


• Tatandaang hindi ito diary o journal dahil maaaring
magamit ang dalawang ito para makabuo ng isang
Replektibong sanaysay.
• Hindi literal o simpleng buod. Higit itong pormal kaysa
sa diary at journal. Ang pagbubulalas ay nakabatay sa
tunay na reaksyon at pagsusuri sa isang paksa.
• Maaaring humugot sa personal na karanasan o ibang
tao nang hindi lumalayo sa paksa.
• Marapat na organisado pa rin ang pagsulat nito.
• Marapat na maihayag ang iyong tunay na damdamin sa
binasa o pinanood.
Mga dapat tandaan sa pag sulat ng Replektibong sanaysay
• Mga iniisip at reaksyon
• Buod
• Organisasyon

Gabay sa pag sulat ng replektibong sanaysay


• Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon
• Maaaring magsulat ng isa hanggang dalawang pahina lang
• Huwag magpaligoy-ligoy
• Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbensyonal
• Magbigay ng mga kongkretong halimbawa o pangyaayari
• Huwag babalewalain ang mga tuntunin sa pagsulat
bagaman ito ay isang personal na gawain
• Ipaloob ang sarili sa micro (maliit) at macro (malaki)
nalebel ng pagtingin sa mga konseptong tinatalakay
• Kilalanin o banggitin ang mga ginamit na sanggunian
• Maglagay ng kawili-wiling pamagat

You might also like