You are on page 1of 3

ALAMAT

"Alamat ng Pananaliksik"

ni Carla Mae Cantor

Isang umaga sa kasalukuyang panahon ,may isang grupo nang mag-aaral mula sa Tiwi , Community,
College na nag lalakad patungo sa isang paaralan kung saan sila mag sasagawa ng pangangalap ng mga
datos na gagamitin sa kanilang sininasagawang pag aaral.

Masaya silang nag kukwentohan tungkol sa kung anu anong mga bagay habang sila ay papasok sa
paaralang iyon, nang bigla silang hinarang ng gwardya ng paaralan upang tanungin kung ano ang
kanilang pakay sa wikang Filipino .Ngunit hindi maka sagot ang mga mag-aaral dahil hindi nila
maunawaan ang tinuturan ng gwardya, dahil ang mga mag-aaral ay pawang wikang Ingles lamang ang
nauunawaan. Ni isa sa mga mag-aaral ay walang naka intindi sa kung ano ang ibig sabihin ng mga tinuran
ng gwardya sa paaralan.

Buti na lamang ay naisipan ng isa sa mag-aaral na kuhanin ang kanyang selpon at pumunta sa isang apps
sa kanyang selpon na kung tawagin ay voice translator na kung saan maari ditong malaman kung ano
ang tinuran ng gwardya sa wikang Filipino patungo sa wikang Ingles, Malalaman din dito kung ano ang
gustong iparating nang mga mag-aaral sa gwardya sa wikang ingles patungo sa wikang Filipino upang
maintindihan din ito ng gwardya .

At ang unang binangit ng mag-aaral apps na iyon ay ang salitang Research na ang ibig sabihin pala sa
wikang Filipino ay Pananaliksik. Doon pa lamang naintindihan ng gwardya ang nais nilang sabihin at nung
oras ding iyon ay pinayagan na silang maka pasok upang maisagawa ang pangangalap ng datos.

At doon nag simulang bangitin ng mga mag-aaral ng paulit ulit ang salitang Pananaliksik upang sa
susunod na mga araw na pumunta sila sa paaralang iyon ay alam na nila ang kanilang gagawin at
sasabihin.
TULA

"KABATAAN"

Kabataan,kabataang pag asa ng bayan.

Salitang binitawan ni Rizal na makabayan,

Ngunit nasaan na ang mga kabataan na yan?.

Nalulong na sa bisyo't sinira ang kinabukasan,

II

Masasabi pa bang sila'y pag asa ng bayan?.

Kung mismong sila'y sira na ang kinabukasan,

Hindi na ba mababago ang kanilang nakasanayan.

Sila'y ating tulungang baguhin at imulat sa katotohanan,

III

Huwag ng hintaying kabataa'y maubos pa.

Ito'y sugpuin habang maaga pa,

Lalo na yung mga kabataang nasa katinuan pa,

Sila'y gabayan nang di na magaya sa iba.

IV

Oh kapwa ko kabataan ugali'y ibalik.

Bisyo'y kalimutan huwag ng masabik,

Nang katinua'y muling manumbalik.


At ating bayan muling matahimik,

-😅

You might also like