You are on page 1of 11

WIKA MIDTERM REVIEWER, 1ST SEMESTER

WIKA: Ang wika ay masistemang balangkas na


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa
isang kultura. – Henry Gleason

KATANGIAN NG WIKA:

● Dinamiko
● Malikhain
● Makapangyarihan
● May politika

TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA

BOW-WOW: nagpapakita ng ideya na ang wika ay unang natutunan ng mga tao mula
sa mga tunog na kanilang narinig mula sa kalikasan, partikular na mula sa mga tunog
na galing sa hayop. Ang pangalang "bow-wow" ay nagmula sa tunog ng aso na
tumutunog ng "bow-wow."

DING DONG: tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

POOH-POOH: Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha


ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

TATA: Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag


ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o
pababa.

TA-RA-RA BOOM DE AY: Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay
galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng
ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

SING-SONG: Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
YUM-YUM: Ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alin mang bagay na nangangailangan ng aksyon. ng bahagi ng
pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig. Halimbawa: sa pagkain o
pagnguya ay may tunog na naririnig, ang tunog “yum-yum” o “nam-nam.”

YO-HE-HO: Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng
kaniyang puwersang pisikal.

MAMA: Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang
salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

TORE NG BABEL: Batay sa istorya ng Bibliya, Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang
mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

TAGALOG -> WIKANG PAMBANGSANG PILIPINO -> PILIPINO -> FILIPINO

Bago Dumating ang mga Kastila o Katutubong Panahon/Sinaunang Panahon

Negrito – awitin at pamahiin

Indones – alamat, epiko at mga kuwentong bayan

Malay – sistema ng pamamahala, balangay (sasakyang


pandagat), wika at sistema ng pagsulat
➢Baybayin – sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino

Intsik, Bumbay, Arabe at Persiyano – makipagkalakalan


● PANAHON NG KASTILA

Miguel Lopez de Legazpi


3G’s –God. Gold. Glory.

IMPLUWENSYA NG KASTILA

• Alpabetong Romano
• MgaAklat Pangwika
• MgaAkdang Panrelihiyon
• Mga Dula
• Mga Patulong Pasalaysay

● Panahon ng Himagsikan/ Panahon ng Rebolusyong Pilipino (1896)

Tagalog – wikang opisyal (Saligang Batas ng Biak-na-Bato)


-Batangas, Bulacan, Bataan, Quezon, Tarlac, Laguna, Cavite, Rizal

● Panahon ng Amerikano (1898)

➢Philippine Commission Batas Blg.74 – Ingles – wikang panturo sa


paaralan

● Panahon ng Makasariling Pamahalaan

-Treaty of Paris (Espanya at Amerikano)


-Nakapagtatag ng pinakaunang Republika ng Pilipinas (Pamahalaang Komonwelt)
➢Manuel Luis Quezon Y Molina (1935-1944)
➢Saligang Batas ng 1935, Artikulo
13, Seksiyon 3 – Ingles at Kastila bilang opisyal na wika ng bansa

Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) – Surian ng Wikang Pambansa (SWP)


Tagapangulo – Jaime C. de Veyra
Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap – Cecilio Lopez
Mga Kagawad:
➢ Santiago Fonacier (Ilokano)
➢ Casimiro Perfecto (Bikolano)
➢ Hadji Butu (Muslim)
➢Filemon Sotto (Cebuano) > Isidro Abad
➢Felix Salas-Rodriguez (Hiligaynon)
➢Lope K. Santos (Tagalog) > Iñigo Ed Regalado

KautusangTagapagpaganap Blg. 134 (1937) –Tagalog bilang batayan ng wikang


pambansa

Delegasyon:
1. Hermegildo Villanueva (Negros Oriental)
2. Wenceslao Vinzons (Camarines Norte)
3. Felipe Jose (Mt. Province)
4. Tomas Confesor (Iloilo)
5. Norberto Romualdez (Leyte)

● Panahon ng Hapon/IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

➢Order Militar Blg. 13 – wikang Hapon at wikang Tagalog


● Panahon ng Kalayaan/Panahon ng Pagsasarili

➢Batas ng Komonwelt Blg. 570 (1946) – Wikang


Pambansang Pilipino
➢Proklama Blg. 12 (1954- Pang. Ramon Magsaysay) –
Linggo ng Wika (Marso 29-Abril 4)
➢Proklama Blg. 186 (1955) – Linggo ng Wikang Pambansa
(Agosto 13-19)
➢Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) – Pilipino
(Kalihim Jose B. Romero)

● Panahon ng Batas Militar (1972)/REHIMANG MARCOS

➢Saligang Batas ng 1973 – Filipino bilang wikang pambansa

● Kasalukuyang Panahon (1986-Kasalukuyan)

➢Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 – Filipino


➢Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7 – wikang opisyal
(Filipino at Ingles) , wika ng rehiyon – pantulong sa wikang opisyal
➢Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (1987 – Pang. Corazon C.
Aquino) – Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
➢Batas Republika Blg. 7104 (1991) – Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF)
➢Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Buwan ng Wikang Pambasa
(Agosto 1-31)
ANG BAYBAYING TAGALOG
Ang Baybayin ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.
Ito ay ginagamit na bago pa man dumating ang mga mananakop tulad ng Kastila.

Ang salitang ito ay nangangahulugang ‘to spell’ sa wikang Ingles.

May iilang paniniwala na ito ay hinango rin sa salitang BAYBAY na


nangangahulugang ‘sea shore’.

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKANG FILIPINO

-Pansamantalang Barayti
Pansamantala dahil kagyat o
mabilis lamang ang sitwasyong
pinaggamitan ng pagpapahayag.

Pansamantalang Barayti:
-Rehistro
-Moda
-Estilo

Rehistro: gamit ng wika sa isang tiyak na larang.


Domeyn: tawag sa tiyak na larang
na gumagamit ng wika.

Paano matutukoy ang Rehistro ng wika?

Titingnan ang moda o paraan ng paggamit ng wika, (kung ito ay pasulat o


pasalita). Susuriin din ang tenor/estilo na ginamit,(pormal ba ang pagkakagamit
ng wika o di-pormal)
Hal.
Domeyn: Edukasyon
Moda: Pasalita at pasulat
Tenor/Estilo: Pormal

Domeyn: Negosyo
Moda: Pasalita at pasulat
Tenor/Estilo: Pormal at Di-Pormal

Barayti

❑aktuwal na wika o kaanyuang pangwika na nagtataglay ng mga partikular na


katangiang tangi sa iba.
❑Mula sa bawat indibidwal na may sariling paraan ng paggamit ng wika.

Klasipikasyon

❑Permanenteng Barayti
➢Diyalekto
➢Idyolek
➢Sosyolek

❑Pansamantalang Barayti
➢Rehistro
➢Moda
➢Estilo
Diyalekto
➢Dimensyong heyograpiko
➢160-170 na wika sa Pilipinas ayon sa
KWF (Komisyon Sa Wikang Filipino)
➢100 na wika at may 400 na diyalekto
ayon kay Constantino

Halimbawa:
• Tagalog (Quezon, Cavite, Batangas,
Bulacan, Bataan, Manila, Rizal)
• Ilokano/Iloko (La Union, Ilocos Norte,
Ilocos Sur, Cagayan Valley, iba bahagi
ng Pangasinan)

Idyolek
➢Paggamit ng wika tangi sa isang tao

Halimbawa:
• Ok ...
• Ammmm ...
• So ...
• Anong nangyari, pare? Bakit
ganoon, pare?
Sosyolek
➢Wikang ginagamit ayon sa
edukasyon, trabaho, edad, kasarian
at iba pang pamantayang
Panlipunan

1.Sosyo-edukasyonal
2. Jargon - okupasyonal
3.Argot o sikretong lingo
4.Euphemism

1. Sosyo-edukasyonal
• Balbal/slang – pinakamababa at sinasalita
ng mga hindi nakapasok sa paaralan
(Bulgar – pinakamababa at
kinabibilangan ng mga mura at
malalaswang salita ayon kina
Bernales et al.)

• Lalawiganin/provincialism – mataas-taas
at ginagamit ng di gaanong nakapag-aral

• Kolokyalismo – mataas
▪ Kolokyalismong pangkaraniwan –
halo-halong talasalitaan
▪ Kolokyalismo ng mga may talion –
maingat at repinado sa paggamit ng
wika

• Pamantayang pampanitikan/literary level


Baryasyon

❑ Pekulyar na katangiang mayroon sa


isang wika o kaanyuang pangwika.
❑ Salitang nabubuo sa pagsasama-sama
ng mga pantig ng iba’t ibang salita

NEOLOHISMO
-Pagbuo ng mga bagong salita
Neo - Bago
Logos - Salita

You might also like