You are on page 1of 15

Senior High School

Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG


(Akademik)
Unang Kwarter-Ikalimang Linggo-Aralin 8

Adyenda

Baitang 12
Baitang 12 -- Filipino
Filipino sa
sa Piling
Piling Larang
Larang (Akademik)
(Akademik)
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan
Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang ang mga
mga terminong
terminong akademiko na may kauganayan sa
piniling sulatin CS_FA12-PT-lb-90; at natutukoy
akademiko na may kauganayan sa piniling sulatin ang 1
mga mahahalagang impormasyon
CS_FA12-PT- sa isang
pulongatupang
lb-90; makabuo
natutukoy ng sintesis
ang mga sa napag-usapan
mahahalagang CS_FA11/12-PN-0j-l-92
impormasyon sa
isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan
CS_FA11/12-PN-0j-l-92
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Adyenda
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Joeven A. Baludio, Shannon Khey A. Amoyan


Mary Cris B. Puertas, Jane Bryl H. Montialbucio

Illustrators: Roel S. Palmaira, Neil Anthony A. Alonday

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Gelnn S. Lapor


Joeven A. Baludio

Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan


Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
JV O. Magnabua

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)
kauganayanNabibigyang
Kompetensi: sa piniling sulatin CS_FA12-PT-lb-90;
kahulugan at natutukoy ang mga
ang mga terminong
mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang 2
makabuo ng sintesis sa
akademiko na may kauganayan sa piniling sulatin CS_FA12-PT-
napag-usapan
lb-90; CS_FA11/12-PN-0j-l-92
at natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa
isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan
CS_FA11/12-PN-0j-l-92
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mag aaral sa malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay
ng mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na ito. Basahin at
unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
akademiko
kauganayan nasamay
piniling
kauganayan
sulatin CS_FA12-PT-lb-90;
sa piniling sulatin at
CS_FA12-PT-
natutukoy ang mga
3
lb-90;
mahahalagang
at natutukoy
impormasyon
ang mga mahahalagang
sa isang pulongimpormasyon
upang makabuo sa ng sintesis sa
isang
napag-usapan
pulong upang
CS_FA11/12-PN-0j-l-92
makabuo ng sintesis sa napag-usapan
CS_FA11/12-PN-0j-l-92
Adyenda
Magandang araw!
Pinaniniwalaang ang susi ng tagumpay ng mga kompanya, organisasyon,
negosyo o trabaho ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtatrabaho bilang isang
team o koponan labis na pinapahalagahan sa kasalukuyan ng bawat isa ang
pagbabahaginan ng mga ideya at epektibong pagpaplanong mga proyekto na
mabisang maisasagawa o maisasakatuparan sa pamamagitan ng epektibo at
maayos na pagpalano. Kung kaya, ang pagpupulong o miting ay bahagi
kinakailangan ng bawat samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon,
at iba pa.
Nararapat na malinaw ang mga pag-uusapan at mga paksang tatalakayin
upang maging maayos ang daloy ng isang gawain o pagpupulong.
Tutugunan natin sa bahaging ito ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat
pati na rin ang uri ng akademikong pagsulat batay sa mga sumusunod na
kompetensi:
 nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90 at;
 natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa napag-usapan CS_FA11/12PN-0j-l-92.
Bilang pagtugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang
mga tiyak na layunin:
 nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa adyenda; at
 natutukoy ang kaibahan ng adyenda sa iba pang akademikong sulatin.

TUKLASIN NATIN!
Ang adyenda ay isang uri ng akademikong sulatin na may layuning
maghatid ng mahahalagang impormasyon na siyang tatalakayin sa isang
gagawing pagpupulong.
Sa bahaging ito ng modyul ay alamin natin mga salitang ginagamit sa isang
pagpupulong.

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na titik para malaman kung ano-anong mga
terminolohiya na ginagamit sa pagpupulong ang tinutukoy ng mga
sumusunod.

1. nitigm = isa pang katawagan sa


pagpupulong

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
2. tesap = panahon kung kailan
gaganapin ang pagpupulong

3. oqumu = tawag kung mayorya ng mga


tao ay dumalo sa pagpupulong

4. daeynad = mga paksang pag- uusapan


sa isang pagpupulong

5. yosmon = isang pormal na panukala


na inihaharap sa isang komite

Gawain 2
Panuto: Gamit ang dayagram sa ibaba, ibigay ang kaugnayan ng adyenda
sa iba pang sulating akademiko gaya ng katitikan ng pulong at
memorandum.

Memorandum

Adyenda

Katitikan ng Pulong

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Magaling! Matagumpay mong natukoy ang mga mahahalagang salitang
may kaugnayan sa pagpupulong. Ngayon naman, ating sagutin ang paunang
pagtataya.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek () kung ang
mga pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at ekis () naman kung
nagsasaad ng kamalian.

1. Ang tagasuri ang kadalasang gumagawa ng adyenda.

2. Malalaman sa adyenda kung ilang oras tatagal ang pulong.


3. Ang pangulo ang siyang maglalahad ng adyenda.

4. Pwedeng talakayin ang mga paksang hindi kasama sa adyenda


kung may sapat na oras.

5. Isinasaayos ang adyenda mula sa hindi mahalagang paksa


hanggang sa mahahalagang paksa.

6. Kailangang bigyan ng sipi ng adyenda ang mga taong dadalo sa


pulong isang araw bago ang aktuwal na pagpupulong.
7. Ang suliranin sa basura ay isang halimbawa ng adyendang
nagbibigay ng impormasyon.

8. Ipinapadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo sa araw ng


pagpupulong.

9. Ginagawa ang adyenda para sa maayos na daloy ng pulong.


___________10. Hindi na kailangang sundin ang adyenda sa pagsasagawa ng
pagpupulong.

LINANGIN NATIN!

Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at tutugunan


natin sa pamamagitan ng aralin ang mga konseptong kinakailangan mo pang
matutuhan. Bago iyon ay basahin muna natin ang teksto at sagutin ang mga
tanong sa kabilang pahina.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Basahin at Suriin Natin!

Basahin ang isang halimbawang teksto at sagutin ang mga tanong sa


kabilang pahina.

Buwanang Pagpupulong ng mga guro ng


Kagawarang Filipino ng Bright Learning School Inc

Petsa: Hulyo 5, 2020 Oras: 9:00- 11:00 ng umaga

Lugar: Bright Learning School Audio Visual Hall


Mga Dadalo:
Rafael T. Castro (Asst. Principal)
Juvy S. Gustilo (Puno ng Kagawaran)
Mary O. Penre (Pangulo ng PTA)
Glenn J. Ticar (Master Teacher)
Lorjay S. Ciriaco
Edwin A. Paguntalan
Julie S. Aranquil
Gladys D. Delfin

Mga Paksa o Adyenda Taong Tatalakay Oras na


Gugugulin
1. Paghahanda para sa pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa Juvy S. Gustilo 30 minuto
2. Pag-uusap tungkol sa mga gagawing
aktibidad Glenn J. Ticar 30 minuto
 Lakan at Mutya ng Wika
 Pista sa Nayon
 Parada ng Kasuotang Filipino
 Pinas Sayaw
 Programa
 Iba pang Suhestiyon
3. Pagsasaayos ng pagkakasunod-sunod Juvy S. Gustilo 20 minuto
ng mga gawain
4. Pagtatalaga ng mga gawain sa
pagdiriwang Rafael T. Castro 20 minuto
5. Pagkukuwenta ng mga kailangang
materyal at gastos Mary O. Penre 20 minuto

1. Anong ang paksa ng tekstong iyong binasa?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
2. Kailan at saan gaganapin ang pagpupulong?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano-anong mahahalagang impormasyon ang tatalakayin sa pagpupulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Sino-sino ang mga inaasahang darating sa pagpupulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Ano ang layunin ng tekstong binasa?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Alamin Natin!

Bago ka magpatuloy, alamin muna natin ang kahulugan at mga konsepto


tungkol sa adyenda.

Adyenda
 Nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
 Ang maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi sa
matagumpay na pagpupulong.
 Ipinababatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Kahalagahan ng Adyenda

1. Ito ang nagsaaad ng mga sumusunod na impormasyon:


a. mga pakasang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpapaliwanag sa paksa
c. oras na itinakda para sa bawat paksa

2. Nagtatakda ng mga balangkas ng isang pulong tulad ng pagkakasunod-


sunod ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong at kung gaano
katagal pag-uusapan ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak


na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
4. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging
handa sa mga paksang tatalakayin sa pagpupulong.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang mapanatiling nakapokus sa mga
paksang tatalakayin.

Nilalaman ng isang adyenda

1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at


matatapos?
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo?
Dito sinasagot ang tanong na “Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong?”
3. Ano-ano ang mga paksa o usapin na tatalakayin?
Maaaring maikli lamang o detalyado depende sa pangangailangan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasakatuparan ng Adyenda

1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay makatatanggap ng sipi ng


adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang mahahalagang paksa ng
adyenda.
3. Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung
kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa takdang oras ng napag-usapan.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kalakip na rito ang adyenda.

Dalawang Uri ng Adyenda

1. Adyendang Nagbibigay ng Impormasyon - layunin ng adyendang ito na


magbigay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa.
Halimbawa: Pinansyal na Ulat

2. Adyendang Nangangailangan ng Tugon - layunin ng adyendang ito na


bigyan ng kaukulang tugon o aksyon sa isang problema o
pangangailangan.
Halimbawa: Pagsugpo sa Covid 19.

Upang matiyak natin ang iyong mga nalaman hinggil sa adyenda, sagutin ang
mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang nilalaman ng isang adyenda?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
2. Bakit dapat mong matutuhan ang pagsulat ng adyenda?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga ang pagbuo ng agenda bago pa ang pagpupulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano-ano ang sangkap sa isang matagumpay na pagpupulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Natapos mo ng basahin ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman


tungkol sa akademikong sulatin na adyenda, ngayon ay mas higit pa nating
palawakin ang iyong nalalaman batay sa mga sumusunod na gawain.

PAGYAMANIN NATIN!
Gawain 1.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng memorandum at adyenda? Ipakita


sa pamamagitan ng Venn Diagram?

Adyenda Memorandum

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Gawain 2
Panuto: Humiram ng isang sipi ng adyenda sa inyong barangay at idikit dito. Suriin
ang nasabing adyenda gamit ang tamang pamantayan sa pagsulat. Ilagay
ang sagot sa ilalim ng sipi ng adyenda.

Gawain 3
Panuto: Punan ang grid ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
gaganaping pagpupulong na may kinalaman sa nalalapit na pagdiriwang ng
World Teachers Day.
.
Petsa ng Pagpupulong :
Oras ng Pagpupulong :
Layunin ng Pagpupulong:
Mga Dadalo:
Pangalan: Posisyon
1.
2.
3.

Mga Paksa/Adyenda: Taong Tatalakay Oras na Gugugulin


1.
2.
3.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Gawain 4
Panuto: Suriin ang adyenda at sagutin ang mga taong sa ibaba.

Pagpupulong ng mga Empleyado


ng SK Construction Inc.

Petsa: Hunyo 8, 2020 Oras: 9:00- 11:00 ng umaga

Lugar: SK Conference Hall


Mga Dadalo:
Joeven A. Quinto (President)
Maria S. Aranbi ( Admin Director)
Mila S. Jose (Company Nurse)
Luzel B. Tria (Human Resource)
Joevelyn S. Maria (Engineer)
Mary O. Coro
Glenn J. Ticar
Edwin A. Tagurigan

Mga Paksa o Adyenda Taong Tatalakay Oras na


Gugugulin

1. Pag-uulat hinggil sa mga proyektong


nakuha ng SK Construction Joeven A. Quinto 30 minuto
2. Pag-uusap tungkol sa mga gagawing
mga proyekto Maria S. Aranbi 30 minuto
3. Pag-iisa-isa sa mga kailangang
trabahador o manggagawa Joevelyn S. Maria 30 minuto
4. Pangangailangan at requirements
ng mga mag-aaplay Luzel B. Tria 30 minuto

1. Tungkol saan ang adyendang binasa?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sino-sino ang mga dadalo sa pagpupulong?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng adyenda sa pagpupulong sa isang


organisasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
TAYAHIN NATIN!
I. Panuto: Isulat ang salitang Impormasyon kung ang tinutukoy ay isang adyendang
nagbibigay ng impormasyon at Tugon naman kung adyendang
nangangailangan ng tugon.
______________1. Pagsugpo sa sakit na Dengue
2. Alay-lakad
3. Pondo ng Baranggay
4. Mga Bagong Proyekto
___________ 5. Curfew sa Baranggay
___________ 6. Status ng Enrolment
___________ 7. Kakulangan sa Pondo
___________ 8. Fiesta ng baranggay
___________ 9. Pagbaha sa barangay
___________10. Mataas na bilang ng nabubuntis

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang
ipinapahayag ng mga pangungusap may katotohanan at MALI naman kung
hindi.

1. Ang pangulo ang kadalasang gumagawa ng adyenda.


2. Malalaman sa adyenda kung ilang oras tatagal ang pulong.
3. Ang pangulo ang siyang maglalahad ng adyenda.
4. Pwedeng talakayin ang mga paksang hindi kasama sa adyenda
kung may sapat na oras.
5. Nakaayos ang mga adyenda ayon sa kahalagahan nito.
6. Kailangang bigyan ng sipi ng adyenda ang mga taong dadalo sa
pulong isang araw bago ang aktuwal na pagpupulong.
7. Ang suliranin sa basura ay isang halimbawa ng Adyendang
nagbibigay ng impormasyon.
8. Isinusulat din sa adyenda ang mga taong hindi dadalo sa pulong.
9. Ginagawa ang adyenda para sa maayos na daloy ng pulong.
___________10. Ang adyenda ay kinakailangan munang iaproba ng mga taong
dadalo sa pulong.

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Gawain 2

Sitwasyon: Nalalapit na ang liga ng basketbol sa inyong barangay. Bilang


isang SK Chairman, ikaw ay magpapatawag ng pagpupulong sa kapwa mo mga
opisyal upang mapag-usapan ang mga bagay-bagay.
Panuto: Gumawa ng isang adyenda para sa isang pagpupulong tungkol sa
Sitwasyong binaggit sa itaas. Sundin ang pamantayang natutunan sa
paggawa nito.

Rubrik sa Paggawa ng Adyenda

Iskor
10 7 5 2

Pamantayan

Kompletong- Kompleto ang Hindi gaanong Hindi kompleto


kompleto ang mga paksang kompleto ang ang mga
Nilalaman mga paksang tatalakayin sa mga paksang paksang
tatalakayin sa pulong tatalakayin sa tatalakayin sa
pulong pulong pulong

Napakaganda at Maganda at Maganda Di maganda at


napakalinaw ng malinaw ang ngunit hindi malabo ang
Pagkamalikhain pagkakasulat
mga salita
ng pagkakasulat
ng
malinaw ang
pagkakasulat
pagkakasulat
ng
mga salita ng salita mga salita

May malaking Di gaanong Konti lang ang Walang


kaugnayan sa may kaugnayan sa kaugnayan sa
pangunahing kaugnayan sa pangunahing pangunahing
Kaugnayan sa agenda ang mga pangunahing agenda ang agenda ang
paksang agenda ang mga paksang mga paksang
Paksa tatalakayin sa mga tatalakayin sa tatalakayin sa
pulong paksang pulong pulong.
tatalakayin sa
pulong

Maayos na Maayos ang Di gaanong Di maayos


maayos ang pagkakaksunod maayos ang ang
pagkakaksunod ng mga paksa pagkaka- Pagkakasunod
Organisasyon ng mga paksa ayon sa halaga sunod ng mga paksa
ng mga paksa nito sa pulong ng mga paksa ayon sa halaga
nito sa pulong ayon sa nito sa pulong
halaga
nito sa pulong

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin Natin!
Gawain 1
1. miting 3. quorum 5. mosyon
2. petsa 4. adyenda

Gawain 3
1.  3.  5.  7.  9. 
2.  4.  6.  8.  10. 

Linangin Natin!
A. Basahin at Suriin Natin
1. Buwanang pagpupulong ng mga guro ng Kagawarang Filipino ng Bright Learning School
2. Hulyo 5, 2020 sa Bright Learning School Audio-Visual Hall
3. Paghahanda para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, pagsasaayos ng
pagkakasunod-sunod ng mga gawain, pagtatalaga ng mga gawain sa pagdiriwang
4. Rafael T. Castro, Juvy S. Gustilo, Mary O. Penre, Glenn J. Ticar, Lorjay S. Ciriaco, Edwin
A. Paguntalan, Julie S. Aranquil, Gladys D. Delfin.
5. Ilahad ang mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
B. Alamin Natin!
1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong, paksang tatalakayin
2. Ang maayos at sistematikong adyenda ay susi sa matagumpay na pagpupulong.
3. Magsisilbing gabay sa isang maayos na talakayan sa pagpupulong at upang hindi
makaligtaan ang mga importanteng paksa.
4. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay makatatanggap ng sipi ng adyenda, talakayin sa
una ang mahahalagang paksa ng adyenda, manatili sa iskedyul ng adyenda

Pagyamanin Natin!
Gawain 1
1. Pagkakatulad - ipinababatid at ipinadadala sa mga tao; Pagkakaiba - adyenda ay paksang
tatalakayin sa isang pagpupulong samantala ang memorandum ay kasulatang nagbibigay-
kabatiran tungkol sa gagawing pagpupulong o paalala

Gawain 4
1. Pagpupulong Sk Construction Inc. tungkol sa pag-uulat sa mga nakuhang proyekto,
kailangang manggagawa at requirements ng mga mag-aaplay
2. Joeven A. Quinto, Maria S. Aranbi, Mila S. Jose, Luzel B. Tria, Joevelyn S. Maria, Glenn J.
Ticar , Edwin A. Tagurigan
3. Upang maging maayos ang takbo ng isang pagpupulong at mapag-usapan ang mga bagay
na kailangang pagtuunan ng pansin sa ikauunlad ng isang organisasyon.

Tayahin Natin!

1. Tugon 5. Impormasyon 9. Tugon


2. Tugon 6. Impormasyon 10. Tugon
3. Impormasyon 7. Tugon
4. Impormasyon 8. Impormasyon

1. MALI 5. TAMA 9. TAMA


2. TAMA 6. TAMA 10. TAMA
3. TAMA 7. MALI
4. MALI 8. MALI

Baitang 12 - Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Kompetensi: Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko
CS_FA11/12PB-0m-o-90; at nakasusulat nang maayos na akademikong
sulatin CS_FA12PU-If-92.

You might also like