You are on page 1of 4

28 FEBRUARY 2023

MARTES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na may
kinalaman sa bansa at global na kapakanan
Kompetensi
Nakakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad
EsP5PPP - IIc – 26
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Naisasaisip ang pagiging laging handa sa panahon ng paglindol.
b. Saykomotor
Naiguguhit ang kanilang paraan upang maipakita ang palaging handa sa paglindol.
c. Kaalaman
Naiisa-isa ang mga nararapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol.

II. PAKSANG-ARALIN
 Kaligtasan sa Lindol
Kagamitan: Kuwento (powerpoint presentation/ tsart), larawan, TV, Aklat, Manila Paper
Sanggunian: Curriculum Guide 2016, Patnubay ng Guro
www.youtube.com/itsmorevidz

https://www.google.com/search?q=lindol+sa+pilipinas+picture&tbm=isch&
source=iu&ictx=1&fir=EHJm1gVohIT2SM%253A%252CB40Fmbsxzml2TM%2

52C_&usg=AI4_-kSuYevJhQXA6hhyzC-
7a7Zs27niVA&sa=X&ved=2ahUKEwjVzfbQ37beAhWTAIgKHRbHCboQ9QEw
AXoECAUQBg#imgdii=tvuCU1aCYY4CpM:&imgrc=WRtSUp9HNAWhC

Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging matalino at masusi sa pagpapasiya para sa kaligtasan
Pagsasanib: ARTS
(Pagguhit)

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. disiplina
3. alituntunin
4. kaugalian
5. kapakanan
1. Balik – aral
Ano-ano ang mga paraan para makaiwas sa sunog?

2. Pangganyak
Tanong:
1. Ano ang posibleng mangyayari kapag may lindol?
2. Ano ang dapat nating tandaan para sa kaligtasan sa lindol?
3. Anu-ano ang ating ihanda para sa mga hindi inaasang kalamidad?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Papanuorin ang mga bata ng video clip tungkol sa Lindol.
http://www.youtube.com/itsmorevid

https://www.google.com/search?q=lindol+sa+pilipinas+picture&tbm=isch

source=iu&ictx=1&fir=EHJm1gVohIT2SM%253A%252CB40Fmbsxzml2TM%

AXoECAUQBg#imgdii=tvuCU1aCYY4CpM:&imgrc=WRtSUp9HNAWhC

https://www.google.com/search?q=lindol+sa+pilipinas+picture&tbm=isch

source=iu&ictx=1&fir=EHJm1gVohIT2SM%253A%252CB40Fmbsxzml2TM%

2. Pagsusuri (Analysis)

Tanong:
1. Tungkol saan ang videong napanood?
2. Ano-anong paghahanda ang ating maaaring gawin sa ganitong pangyayari?
3. Paghahalaw (Abstraction)
Kaligtasan sa Lindol
Bago ang Lindol
1. Maging alerto sa pag-uga ng kapaligiran, lalo na kung ito ay lumalakas.
Dapat magkaroon ng kaalaman ang lahat ng miyembro ng pamilya sa kung ano
ang aksiyong gagawin. Alamin ang pinakaligtas na lugar sa bahay at huwag
lumapit sa mga bintana, malalaking salamin, mga nakabitin na bagay, mabibigat
na gamit, at mga lugar na madaling magkasunog.
3. Maghanda ng emergency supplies katulad ng de-bateryang radyo, flashlight, first
aid kit, imbak na tubig sa bote, pandalawang linggong pagkain, gamot, at pito.
4. Alamin ang main switch ng inyong tubig, gas, at elektrisidad para mas madali para
sa inyo kung kinakailangan na itong gamitin.

Habang Lumilindol
1. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay, manatili sa kinalalagyan. Pakiramdamam ang
kapaligiran at saka lumipat sa ligtas na lugar.
2. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay at nagluluto, patayin ang kalan at isara ang
tangke ng gas. Pumunta sa ligtas na lugar.
3. Kung ikaw nasa labas ng bahay, pumunta sa lugar na maluwag ang espasyo
upang makaiwas sa bumabagsak na bagay.

Pagkatapos ng Lindol
1. Tingnan kung may mga nasaktan, tiyakin kung ligtas ang mga tao sa iyong paligid.
2. Tingnan kung may sira ang bahay o gusali. Kung malaki ang pinsala/sira,
kinakailangang masuri ng mga eksperto.
3. Kung nakaamoy ng gas, sabihan ang lahat ng miyembro na lumabas ng
bahay.Sikaping mabuksan ang mga bintana at pinto. Kung magagawa nang
maingat at ligtas, isara ang tangke ng gas, Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na
istasyon ng bumbero.
4. Kung walang kuryente, tanggalin ang lahat ng mga nakasaksak na de-kuryenteng
gamit. Isara ang main fuse o breaker ng kuryente. Kung may panganib, kailangang
propesyunal o may sapat na kaalaman sa kuryente ang magsasagawa nito.
4. Paglalahat (Generalization)
Tandaan:
Dapat ba tayong susunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat at paalaala kung
may kalamidad?Bakit?

5. Paglalapat (Application)
1. Sumulat ng talata tungkol sa larawan at iugnay ito sa paksang ating natalakay.
IV. Pagtataya

Panuto: Sa isang short bond paper, gumuhit ng dalawang paraan upang maipakita ang
pagiging lagging handa sa paglindol.

V. Takdang aralin

Ilista sa short bond paper ang mga bagay na nasa


loob ng “emergency kit”

VI. Index of Mastery

ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher I Master Teacher I

You might also like