Mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan.
3 Uri ng Salitang Impormal o Di-Pormal
1. Balbal (Slang) - wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng Wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha. Halimbawa: Bagets – kabataan lespu – pulis Datung – pera Charing – biro nenok – nakaw sikyo – guwardiya Ermat – nanay utol – kapatid yosi – sigarilyo Erpat – tatay gurang- matanda junakis- anak Lafang- kain alaws- wala tsekot - kotse 2. Kolokyal - Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles. Madalas ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita. Halimbawa: Pa’no mula sa paano meron mula sa mayroon Hayan mula sa hayaan kelan mula sa kailan Te’na mula sa tara na antayan mula sa bantayan P’re mula sa pare nasan mula sa nasaan
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa ng wattpad.
Maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan. 3. Lalawiganin o Dayalektal - Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitawasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan. Halimbawa: Ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan” ditse matandang kapatid na babae sa Tagalog Kaon mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “kain” Biag mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay “buhay” Mga salita sa Luzon na ginagamit sa ibang rehiyon/lugar Kaunin (sunduin) – Batangas Danum( tubig) - pangasinens Mabanas (mainit ang panahon) – Abiarin (asikasuhin) – Quezon Laguna Balaw (alamang) – Aurora Mga salita sa Visayas na ginagamit sa Ibang rehiyon/lugar Bana - asawang lalaki Sugba – ihaw Onse – labing-isa Kadyot – sandali lang Mga salita sa Mindanao na ginagamit sa ibang rehiyon/lugar Malong – kasuotan ng mga kapatid na Muslim Kulintang – instrumenting pangmusika Mga salitang Pormal Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal. 1. Pampanitikan- ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan kabilang dito ang matatalinhagang salita at pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa . Halimbawa:
Mahal na tao Mahabang dulang May bahay
Nakakabinging Kisap mata Ama at Ina katahimikan Nagpupuyos sa galit Salapi o yaman Nalalagas ang dahoon 2. Teknikal – ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon. Ito rin ay ginagamit na may kaugnayan sa ICT. Halimbawa: Internet Facebook Instagram Mouse Google Chat Windows Basher Messenger Ilan sa mga salitang ginagamit sa Bangko. Account Savings