You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

NORTHERN SAMAR COLLEGES INC.


Catarman, Northern Samar

Inihanda ni: TUMANDAO, JOHN AENON N.


Degree Program: BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Major in Filipino- 2
Kurso: Filipino M16 – PANUNURING PAMPANITIKAN
Instraktor: G. RONALDO N. VERANO
Petsa: Ika-10 ng Pebrero, 2024

Layunin

 Maipaliwanag ang kahulugan ng panitikan at kahalagahan ng pagsusuri ng panitikan.


 Mailatag ang mga pangangailangan ng panunuri.
 Maipamalas ang kasanayan mapanuring pagbabasa.

Paksa: Paggamit ng Palabantasan, Pagpapantig, at Gamit ng Maliit at Malaking Titik ng


Pahayagan

Nilalaman:
PAGGAMIT NG PALABANTASAN
1. Tuldok (.)
- Ito ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na isinalaysay sa balita.
Halimbawa:

Pagsapit ng bagong taon, masigabong na ipinagdiriwang ng buong mundo.

- Ito ay ginagamit sa mga salitang dinaglat tulad ng mga tao, titulo, ranggo, pook, at
sangay ng pamahalaan.
Halimbawa:

Pahina 1
Sa Posisyon o Sa Buwan: Sa Ngalan ng
Ranggo:  Jan. Tao
 Pang.  Feb.  G.
 Atty.  Mar.  Gng.
 Engr.  Bb.
 Hen.  Jr.
 Kap.  Sr.
 Sen.  I.
 Dr.  II.
 III.
 IV.

- Kadalasan rin itong inilalagay sa loob ng panipi, ngunit sa labas ng panaklong.


Halimbawa:

Tinalakay ni Hon. Manuel B. Villar Jr. ang paksang “Ang Pangangalaga sa


Kapiligiran.”

2. Pananong (?)
- Sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan sa katumpakan ng sinusundan.
Halimbawa:

Kathniel, totoo bang nagbreak na?

3. Kuwit (,)
- Ang mga kuwit ay mahalaga sa pagsusulat ng balita upang mapanatili ang
kalinawan at pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.
- Isang halimbawa nito sa pagsulat ng balita, maaaring gamitin ang kuwit
pagkatapos ng isang pangungusap na naglalaman ng impormasyon o detalye. Ito
ay upang magbigay ng paghihiwalay sa mga pangungusap at maging mas
madaling basahin at maunawaan ng mga mambabasa. Ang mga kuwit ay isa sa
mga elemento ng tamang paggamit ng bantas sa pagsusulat ng balita.
Halimbawa:

Barangay kagawad, patay sa saksak dahil sa paghukay ng ube sa Rosario,


Northern Samar.
Patay sa saksak ang isang barangay kagawad sa Rosario, Northern Samar dahil
sa paghuhukay ng ube.

4. Tutuldok (:)

Pahina 2
- Ang paggamit ng tutuldok o colon ay maaaring gamitin sa pagsulat ng ulo ng
balita na sinusundan ng impormasyon ng balita tungkol sa isang pangyayari o
paksa na tinalakay sa pamagat o lead ng balita.
Halimbawa:

QUIZON, LUMALAPIT SA TITULO:

Lumalapit si International Master Quizon sa asam na korona sa


Philippine National Chess Championship.

- Ginagamit din ito upang maipaliwanag ang mga pahayag ayon sa mga taong nasa
posisyon mapa pribadong kompanya man o maging sangay ng pamahalaan.
Halimbawa:

Center For Media and Responsibility: Sus! Kalian ba naging true blue
journalist ang mga pabida-bida’t maingay na ilang mambabatas na ‘to para
maintindihan ang ethics, laws and sacredness of journalism as a profession?

5. Tuldok-kuwit (;)
- Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsusulat ng ulo ng balita sa paggitan ng mga
sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng mga pangatnig.
Halimbawa:

Hiniling ng mga opisyal ng NTC na ipatigil ang kaso ng SMNI; Ilang


mambabatas, walang nakikitang batayan para patigilin.

6. Gitling (-)
- Ito ay ginagamit upang makabuo ng tambalang salita lalong-lalo na sa pagsusulat
ng ulo ng balita.
Halimbawa:

Bantay COVID at magnanakaw sa panahon ng traslacion.

- Ginagamit rin ito kung ang tao sa balita ay konktado o may kaugnayan sa isang
organisasyon at ginagamitan ng panlaping “taga”.
Halimbawa:

Mga Taga-SMNI, nakiusap sa tatlong opisyal ng NTC upang ipatigil ang


kanilang kaso.

- Ginagamit ito upang magtambal ng mga salita na nagsisimula sa katinig o kung


itatambal ito sa mga salitang mula sa wikang ingles at ginagamitan ng panlaping
“mag”, “nag”, at “pag”.
Halimbawa:

Pahina 3
Hiniling ng mga opisyal ng NTC na mag-inhibit sa kaso ng SMNI; Ilang
mambabatas, walang nakikitang batayan para patigilin.
7. Panipi (“”)
- Sa pagsusulat ng balita, ang panipi ay isang mahalagang bahagi upang ipakita ang
mga salitang sinabi ng isang tao o pinagmulan ng impormasyon. Mayroon
dalawang uri ng panipi, ito ay Direkta at Hindi Direktang Panipi.
1. Direktang Panipi (Direct Quotation) – Ginagamit ang panipi upang iderekta
ang mga sagutang sinabi ng isang tao.
Halimbawa:

Ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang mabilis na pag-reset ng NGCP rates


matapos ang pagkawala ng kuryente sa Panay.

2. Hindi Direktang Panipi (Indirect Quotation) – Ginagamit ito kung ang mga
pahayag ay hindi direktang sinabi ng tao.
Halimbawa:

Ipinag-utos ng pamahalaan ng gobyerno ang mabilis na pag-reset ng


NGCP rates matapos ang pagkawala ng kuryente sa panay.

PAGPAPANTIG
Ang pagpapantig ay isa sa mga mahalagang aspekto sa pagsusulat ng balita. Ito ang
tumutukoy sa tamang pagkakabahagi ng mga salita sa mga pantig o sulat. Ang wastong
pagpapantig ay nagbibigay ng tamang daloy sa pagsusulat ng balita. Sa pagsusulat ng balita,
ang pagpapantig ay maaaring maiugnay sa mga sumusunod na paraan.
1. Emphasis sa mga salita
Ang pagpapantig ay maaaring gamitin upang bigyang-diin ang mga salita o bahagi ng
salita na may malalaking kahalagahan o impormasyon sa balita.
Halimbawa:

Naglabas ng pahayag ang pangulo ukol sa isyung ito.


Nag-la-bas, ng, pa-ha-yag, ang, pa-ngu-lo, u-kol, sa, is-yung, i-to.

2. Pagpapakita ng tamang pagbigkas


Ang pagpapantig ay nagbibigay ng tamang pagbigkas ng mga salita, na nagtutulong
sa mga mambabasa na maunawaan nang tama ang salitang sinusulat sa balita.

PAGGAMIT NG MALAKI AT MALIIT NA TITIK


Ang tamang paggamit ng malaking titik at maliit na titik sa pagsusulat ng balita ay
mahalaga upang magkaroon ng malinaw at organisadong pagpapahayag ng mga ideya

Pahina 4
at impormasyon. Ito ay nagbibigay ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga bahagi ng
balita at nagtutulong sa pag-unawa ng mga mambabasa. Ang malalaki at maliliit na
mga titik ay nakatutulong upang kilalanin ng mambabasa ang pamagat ng balita at
ang impormasyon nito. Ang mga malalaking titik o All Caps ay karaniwang
ginagamit sa pamagat o lead ng balita, habang ang maliit na titik naman ay ginagamit
sa pagpapahayag ng buong impormasyon ng balita. Nagkakaroon rin ng iba’t-ibang
istilo sa pagsusulat ng balita, narito ang:

1. Malaking Titik (All Caps) – Ito ay isang uri ng ulo ng balita na gumagamit ng
malalaking titik para sa bawat salita.
Hal. NSC AT SAN LORENZO RUIZ DE MANILA, MAHUHULI SA
PAGSASARA NG SEMESTER.
2. Malaki-Maliit na Tikik (Cap and Lower Case o Clc) - Ito ay isang uri ng ulo ng balita
na gumagamit ng malalaking titik para sa unang letra ng bawat salita at maliliit na
titik para sa iba pang mga letra.
Hal. NSC at San Lorenzo Ruiz De Manila, Mahuhuli sa Pagsasara ng
Semester; San Lorenzo Nasa Midterm Pa Lang.
3. Pababang Istilo (Down Style) - Ito ay isang uri ng ulo ng balita na gumagamit ng
pababang istilo ng pagsulat.
Hal. NSC at San Lorenzo Ruiz De Manila, mahuhuli sa pagsasara ng
semester; Ilang subject sa NSC, nasa Midterm pa lang.

Mga Sanggunian:
1. Palabantasan
https://www.slideshare.net/emmaurikasabado/palabantasan#22

Pahina 5
Pahina 6

You might also like