You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Aklan
District of Buruanga
ALEGRIA ELEMENTARY SCHOOL

COT 1 HEALTH 5

COT: QUARTER 1 HEALTH 5

Learning Competency/ies: Describe mentally, emotionally, and socially healthy person (H5PH-lab-10

Key Concepts/Understandings Ang mga katangian ng isang taong may kalusugang mental, emosyonal, at
to be Developed: sosyal

Objectives:

Knowledge Nakikilala ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal, at
sosyal.

Skills Nasisiyasat ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal, at
sosyal.

Attitudes Napapahalagahan ang mga katangian ng taong may kalusugang mental,


emosyonal, at sosyal sa pamamagitan ng pagsulat ng isang maikling
repleksiyon.

Values Kamalayan sa sarili at disiplina

1. Content/Topic Kalusugang Pansarili (Kalusugang mental, emosyonal, at sosyal)

2. Learning Masigla at Malusog na Katawan at isipan 5


resources/Materials/
Equipment

3. Procedures

3.1 A. Panalangin
Introductory Activity B. Pagtsek ng Attendance
C. Balik aral

Suriin ang mga larawan na ipapakita. Isulat ang Tama kung ito ay
nagpapakita ng mabuting gawaing pangkalusugan at Mali naman kung
ito ay nagpapakita ng masamang gawain na nakakasira sa ating
kalusugan.
D. Pagganyak

Pagganyak na tanong:

1. Ano-ano ang katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at


sosyal?
Ipakita ang larawan ni Jane at Krizzy.

Itanong: Ano ang pagkakaiba ni Jane at Krizzy?

4. Presentation Itugma ang mga salita sa Hanay A sa mga larawang tinutukoy sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

Palakaibigan

Nakapaglilibang

Masakitin

May pananalig sa Diyos


Katangian ng Taong May Kalusugang Mental

1. Paggawa ng desisyon
2. Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin
3. Pagpapahayag ng kailangan
4. Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na
problema

Katangian ng Taong May Kalusugang Emosyonal

1. Maging masaya at magkaroon ng dahilan/kakayahang pasayain ang


sarili
2. Kakayahan na mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong
nakakasama
3. Pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa sarili
4. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
5. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
6. Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
7. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay
8. Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari
9. Kakayahang tanggapin ang mga limitasyon sa lahat ng pagkakataon
10. Kakayahang tanggapin ang ga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa
positibong pamamaraan

Katangian ng Taong May Kalusugang Sosyal

1. Palakaibigan
2. Bukas sa pakikipagkomunikasyon
3. Marunong makisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao
4. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa tao
5. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
6. Kayang harapin at lutasin ang mga suliranin o tensyon
7. May tiwala sa mga ataong nakapaligid sa kanya
8. May paggalang sa nararamdaman ng kapwa
9. Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-
anak, o katrabaho
10. Marunong makinig at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa

5. Generalization Ano-ano ang ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal
at sosyal?

Gumawa ng isang maikling repleksiyon batay sa tanong na ito: Bakit mahalaga


sa isang indibidwal na magkaroon ng kalusugang mental, emosyonal at sosyal?
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

6. Application Pangkatang Gawain

Ibibigay ng guro ang mga panuntunan sa bawat pangkat.

Unang Pangkat: Magtala ng tatlong(3) katangian ng taong may kalusugang


Mental.

Isulat ang inyong repleksyon sa tanong na ito: Paano mo pahahalagahan ang


iyong kalusugang Mental?

Katangian ng Taong May Kalusugang Mental

1.
2.
3.
Ikalawang Pangkat: Magtala ng tatlong(3) katangian ng taong may kalusugang
Emosyonal.

Isulat ang inyong repleksyon sa tanong na ito: Paano mo pahahalagahan ang


iyong kalusugang Emosyonal?

Katangian ng Taong May Kalusugang


Emosyonal

1.
2.
3.

Ikatlong Pangkat: Magtala ng tatlong(3) katangian ng taong may kalusugang


Sosyal.

Isulat ang inyong repleksyon sa tanong na ito: Paano mo pahahalagahan ang


iyong kalusugang Sosyal?

Katangian ng Taong May Kalusugang


Emosyonal

1.
2.
3.

7. Assessment Panuto: Isulat ang KM kung ang mga pangungusap ay snagsasaad ng


kalusugang mental, KE kung kalusugang emosyonal at KS kung kalusugang
sosyal.

_____1. Si Anna ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumadating sa


kaniyang buhay.
_____2. Ako ay may positibong pananaw sa buhay.
_____3. Isang masayahing bata si Lino kaya marami siyang kaibigan.
_____4. Tinanggap ni Roel ng maluwag sa kalooban ang mga payo na ibinigay
sa kanya ng kaniyang guro.
_____5. Si Daryl ay sumali sa patimpalak sa pagkanta dahil siya ay may tiwala
sa kanyang sarili.
8. Assignment Magtala sa kwaderno ng tig-tatlong(3) paraan upag mapanatili ang iyong
mental, emosyonal, at sosyal na kalusugan.

Inihanda ni:

SHIELA ME D. BOLENA Sinuri ni:


Teacher
DANIEL E. PRADO
School Principal II

You might also like