You are on page 1of 3

Christian P.

Talledo November 16, 2023


BSED Filipino 2-1 FIL 105
Gawaing Pampagkatuto 14: Manaliksik ng mga teorya tungkol sa pagtuturo ng kasanayan
sa pagsasalita.
Awtor Teorya

(Tanawan, 2002) Ang kasanayan sa pagsasalita ay isang


mabisang paraan upang matamo ang matagumpay
na pagtuturo. Sa matagal na panahon, ang
kasanayan sa pagsasalita ay isang pagsubok sa
ginawang pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat
ang kakayahan ng mga guro sa tungkuling
maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting
pakikipagtalastasan o makipag-unawaan sa
kaniyang kapwa. Ito’y kawakasan ng sunud-sunod
at binabalangkas ng mga aralin mula sa
pagpapayaman ng talasalitaan hanggang sa
malikhaing pagsasalita.

(Lachica, 2001) Isa sa mga kasanayang napapaloob sa


paglinang ng makrong kasanayan sa pagsasalita
ay ang pagkukwento. Likas na sa tao ang
magkwento. Ang kahusayan sa pagtatalumpati ay
natatamo sa puspusang pag-aaral at pagsasanay
sa pagsasalita. Ang kaalaman at kahandaan ay
dapat ipakita sa aktwal na pagsasalita. Dahil dito,
kailangang isaalang-alang ng guro ang gawaing ito
sa loob at labas man ng klasrum.

(Sauco, 2001) Sa pamamagitan ng pagsasalita ay


nagkakaroon siya ng pagkakatao ng
makipagpalitan ng kuru-kuro, maisalaysay ang
kaniyang mga karanasan at magpamana ng
karunungan. Hindi mapapawi ang katotohanang
ang pagsasalita ang pinakamadali at
pinakamabisang paraan ng pakikipagtalastasan.

(Macaraig, 2000) Ang kakayahan ng bawat isa na


maipapahayag nang lubos ang sariling damdamin,
maisalaysay ang mga karanasan at maisalin ang
sariling kaalaman sa pinakamadali at pinakatiyak
na paraan ay matatamo sa pagsasalita. Ito’y
kanilang magagamit sa pakikipag-usap,
pagkukwento o pagsasalaysay,
pakikipagtalakayan. Higit na nabibigyang
katuparan ng isang indibidwal ang kaniyang mga
hangarin sapagkat naipahayag nang lubos ang
damdamin, naisalaysay ang kaniyang mga
karanasan at nasabi ang kaalaman sa paraang
pagsalita. Makikita rin ang kasanayan sa
pagsasalita ng isang tao kung nagpamalas ito ng
matatag na damdamin, malawak na kaisipan at
kasanayan sawika, retorika at balarila.

(Espina at Borja) Ayon kina Espina at Borja,mula sa aklat ni


Bernales, 2013, ang pagsasalita ay ang
kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama
sa pamamagitan ng pagbigkas. Ito ay karaniwang
nangangahulugang pag-uusap ng hindi kukulangin
sa dalawang tao.

Gawaing Pampagkatuto 15: Ipakita ang pagkakaiba ng tatlong dulog na natalakay gamit
ang angkop na graphic na organizer at ang paraan kung paano ito isasagawa.

1. Ang tradisyunal na paglalahad (present), pagsasanay (practice), produksyon (production): PPP


na dulog.
2. Ang pagsusulit (test), ituro (teach), test (pagsusulit): TTT na dulog.
3. Ang pagtuklas na dulog (discovery approach) batay sa pagpapataas, paglalaan at pagsasariling
kamalayan.

Rubrik: Kaangkupan ng Graphic Organizer - 8


Kalinawan ng Presentasyon -8
Pagpapaliwanag -4
Kabuuan 20

DULOG PARAAN KUNG PAANO ITO


KAHULUGAN
ISASAGAWA

Ang tradisyunal na Ang pinakakaraniwang Ang unang hakbang ay ang


paglalahad (present), modernong dulog na ginamit paglalahad (present) kung
pagsasanay (practice), ng mga guro sa buong mundo. saan ang guro ay nagbibigay
produksyon (production): Nabuo ito noong 90's. Ito ay ng pagpapaliwanag sa paksa.
PPP na dulog nalinang bilang "malambot na Pangalawa, ang pagsasanay
dulog sa Commmunication (practice), ang yugto para sa
Language Teaching (CLT), mga mag-aaral sa paggamit
kombinasyon ng CLT at mga ng wika na bahagyang
tradisyunal na dulog. kontrolado na gawain.
Panghuli ay ang produksyon
(production) na bahagi kung
saan bibigyan ang mga mag-
aaral ng oportunidad na
malayang gamitin ang wika.

Pagsusulit (Test), Ituro Isang dulog ng pagtuturo kung Batay sa problemang


(Teach), Pagsusulit (Test): saan ang mag-aaral ang makikita, ang guro ay
(TTT na Dulog) unang kukumpleto sa gawain magpaplano at maglalahad sa
na walang tulong mula sa target na wika. Pagkatapos ay
guro. magsasagawa na naman ng
bagong gawain bilang
pagsasanay sa bagong wika.
Pagtuklas na Dulog Tinatawag din na obserbahan Ang gampanin ng guro ay ang
(observe), hypothesize, gabayan at bigyan ng mga
eksperimento (experiment) na halimbawa ng mga aytem ng
dulog. Ang dulog na ito ay wika at tulungan na tuklasin
nanghihikayat sa mga mag- ang tuntunin.
aaral na gumamit ng pasaklaw
na pangangatwiran upang
mapansin at madiskubre ang
paulit-ulit na huwaran o
tuntunin.

You might also like