You are on page 1of 1

Panuto: Kung nagbago ang Ama sa kuwento, maaari siyang tumulong sa kanilang

kabuhayan kung matututo siyang magluto ng lugaw. Matutulungan mo kaya siyang


ayusin ang mga paraan sa pagluluto ng lugaw na nasa ibaba? Lagyan ng bilang 1
hanggang 6 ang mga patlang upang maayos ang mga hakbang.

______1. At sa huli, kapag ihahain na ay maaaring timplahan ito ng pamintang durog o


lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at kalamansi.
______2. Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo sa lugaw ang itinabing pinagpakuluan ng
manok laksan ang apoy upang kumulong muli.
______3. Pagkatapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang pinagpirapirasong
manok at sibuyas saka timplahan ng patis ayon sa panlasa.
______4. Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman hanggang mahinang apoy
upang lumambot ang bigas. Halo-haluin nang madalas upang hindi dumikit ang kanin
sa ilalim ng kaldero o kaserola.
______5.Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa kumukulong tubig at saka
haluin.
______6. Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking kaldero o kaserola.

You might also like