You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I.Layunin
Pagkatapos ng 45 minuto ang mga mag aaral ay inaasahang:
A.Nabibigyang kahulugan ang mga idyoma o matalinhagang salita at
nagagamit sa pangungusap
B.Naiibigay ang kahalagahan ng idyoma o matalinhagang salita.
C.Nakapag-bibigay ng halimbawa ng idyoma o matalinhagang salita.

II.Paksang aralin
Paksa:Idyoma o Matalinhagang salita
Sanggunian:’’Yamang Filipino:batayan at sanayang aklat sa
filipino”,Curriculum Guide
Kagamitan:Larawan,Tsart,Flash card
Pagpapahalaga:Pag-sasaisip ng mga matatalinhagang salita

III.Pamamaraan
A.Panimulang gawain
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng isang larawan at ilalarawan ng mga mag-aaral.

Ano nakikita ninyo sa larawan?


C.Gawain
Papangkatin ng guro ang mag-aaral sa apat,bawat pangkat ay makakatanggap ng
envelop.sa loob nito’y mga jumbled letters na kailangan niyong buuhin.

Pangkat 1
TLUOGANMITAK

Pangkat 2
DASUGNOGAP
Pangkat 3
NGATNGEWKAAIL

Pangkat 4
KP SIAATAM

Ang maunang makabuo ng salita sa pisara ay siyang panalo!

D.Pagsusuri
Idyoma
Ang isang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyonal -sa ibang salita,hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo.Ito ay di tuwirang pagbibigay kahulugan
at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa
 Anak-Dalita - Mahirap
Halimbawa:
Nagsusumikap sa pag aaral si jay sa kabila ng pagiging isang anak dalita.

 Tingang kawali -Nagbibinggi-binggihan


Halimbawa:
Umiiral nanaman ang taingang kawali ni fidel nang tawagin siya ng kaniyang ina
para maghugas ng pinngan.

 Usad-pagong-Mabagal
Halimbawa:
Halos araw araw na lang na usad pagong ang mga sasakyan sa metro manila.

 Kapit- bisig - Pagtutulungan


Halimbawa:
Ang mga magkakapit bahay ay kapit-bisig na itinataguyod ang kanilang kultura.

 Bukas Palad-Mapagbigay
Halimbawa:
Si Nathan ay bukas palad sa mga taong nangangailangan.

E. Paglalahat
Anu nga ulit mga bata ang idyoma o matalinhagang salita?
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga idyoma o matalinhagang salita.

Bakit mahalaga pag-aralan natin ang idyoma o matalinhagang salita?

F.Paglalapat
1.Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na ideya o matalinhagang salita.
1.Pag-iisang dibdib
2.Balat-sibuyas
3.Akyat-bahay
4.Kapit-bisig
5.Kisap- mata

2.Pangkatang Gawain
Muling papangkatin ng guro sa 4 ang mga mag aaral ang bawat groupo ay
makakatanggap ng 2 idyoma o matatalinghaga salita at gagamitin ito sa
pangungusap at kinakailangan maepresenta ang bawat groupo.

IV. Pagtataya
Bilugan ang tamang sagot.
1.Balat kalabaw talaga ang mga taong hindi man lang imbitado ngunit
kumakain sa mga handaan.Ano ang ibig ipakahulugan ng may salungguhit?

a. masipag
b. makapal ang muka
c. mapagbigay
d. matakaw

2.Umuwi na ang itinuturing na itim na tupa sa kanyang mga anak.Ano ang ibig sabihin
ng may salungguhit?

a. lasenggero anak
b. mabuting anak
c. masunuring anak
d. Masamang anak

3.kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nangmaliit sa kanila.Ano ang ibig
ipakahulugan ng may salungguhit?
a. Masayahin
b. galit na galit
c. Matampuhin
d. Bugnutin

4.Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kanyang ama ay mabigat ang
kamay.Ano ibig ipakahulugan ng may salungguhit?

a. mapanakit
b. mabait
c. basagulero
d. maalalahanin

5.Ibaon na natin sa hukay.ang galit at poot sa ating kapwa at matutung


magpatawad.Ano ang ibig ipakahulugan ng may salungguhit?

a. ibisto na
b. Itanim sa isipan
c. Kalimutan na
d. ipagtapat

V.Takdang aralin

Magbigay ng limang idyoma o matatalinghagang salita at gamitin ito sa


pangungusap.

Inihanda ni:
MARINEL M. BARIS
BEED-2B

You might also like