You are on page 1of 3

FLAG RAISING CEREMONY

Paggunita kay San Maximiliano Maria Kolbe, pari at martir

Deuteronomio 10, 12-22


Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,


ang Panginoong butihin.

Mateo 17, 22-27

Memorial of Saint Maximilian Mary Kolbe, priest and martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa


Lunes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 10, 12-22

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao, “Bayang Israel, ito ang nais sa inyo ng Panginoon: Magkaroon
kayo ng takot sa kanya, lumakad sa kanyang mga daan, ibigin siya, paglingkuran nang buong
puso’t kaluluwa, at sundin ang kanyang Kautusan at mga tuntunin. Ito naman ay sa ikabubuti
rin ninyo. Isipin na lang ninyo na ang langit, ang daigdig at lahat ng narito ay sa Panginoon.
Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna
ng maraming bansa. Kaya nga, buksan ninyo ang inyong mga puso at alisin ninyo ang
katigasan ng inyong mga ulo. Pagkat ang Panginoon ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng
mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot. Pantay-pantay ang tingin niya sa mga tao
at hindi napasusuhol. Iginagawad niya ang katarungan sa mga ulila at balo; nilulukuban niya
ng pagmamahal ang mga taga-ibang bayan at binibigyan ng kanilang pangangailangan. Ibigin
ninyo ang mga taga-ibang bayan pagkat kayo ma’y naging taga-ibang bayan sa Egipto.
Magkaroon kayo ng takot sa Panginoon. Paglingkuran ninyo siya, huwag kayong hihiwalay
sa kanya, at ipahayag ninyo ang kanyang pangalan. Siya lamang ang dapat ninyong pag-
ukulan ng pagpupuri, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-kilabot na
mga bagay na inyong nasaksihan. Pitumpu lamang ang inyong mga ninuno nang pumunta sila
sa Egipto ngunit ngayo’y marami na kayo, sindami ng bituin sa langit.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,


ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,


purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,


ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,


bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,


ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,


ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,


ang Panginoong butihin.

ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 17, 22-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nagkakatipon sa Galilea sina Hesus at ang mga alagad, sinabi
niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay
sa ikatlong araw.” At sila’y lubhang nagdalamhati.

Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa
templo. Tinanong siya, “Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong Guro?” “Opo,”
sagot ni Pedro. At nang dumating siya sa bahay, tinanong na siya agad ni Hesus, “Ano ba ang
palagay mo, Simon? Kanino sumisingil ng bayad sa lisensya o buwis ang mga hari sa lupa?
Sa mga mamamayan ba o sa mga dayuhan?” “Sa mga dayuhan po,” tugon niya. Sinabi ni
Hesus, “Kung gayun, hindi pinagbabayad ang mga mamamayan. Gayunman, para wala silang
masabi sa atin, pumaroon ka sa lawa at ihagis mo ang kawil. Kunin mo ang unang isdang
mahuhuli. Ibuka mo ang bibig nito at may makikita kang isang salaping pilak. Kunin mo ito
at ibayad sa buwis nating dalawa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Sa ating kahinaan at pangangailangan, dumulog tayo sa Diyos na ating dapat sundin at


paglingkuran sapagkat siya ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan sa sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


o kaya
Ama, mamuhay nawa kami sa espiritu ng iyong Anak.

Ang Simbahan saanmang dako ng daigdig nawa’y walang takot na magpahayag ng


pinahahalagahang katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makabahagi nang tama sa mga materyal at espiritwal na bagay ng
daigdig at ang mga organisasyong sibiko at estado nawa’y makatulong sa pagtatanggol sa
mga mahihina at mga mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mamamayan nawa’y magkaroon ng malakas na kamulatan sa sibikong


tungkulin at maging aktibo sila na makilahok tungo sa pangkalahatang kabutihan, manalangin
tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga daan ng pag-ibig at kalinga ni Kristo para sa mga maysakit at mga
nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa kaharian ng kapayapaan, manalangin


tayo sa Panginoon.

Ama ng awa, dapat na gamitin ang lahat ng talento sa lupa, para sa pagsusulong ng paghahari
ng iyong katarungan, kapayapaan, at pagkakapatiran ng iyong bayan. Sa pamamagitan ng
aming bukas-loob na pagsuporta nawa’y maging instrumento kami ng pagtatatag ng iyong
Kaharian dito sa lupa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

You might also like