You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
Sta. Magdalena National High School
Sta. Magdalena, Sorsogon
IKATLONG MARKAHAN
S.Y. 2023 – 2024

NARATIB REPORT
(ANEKDOTA)
Inihanda nina:
PANGKAT 1
Dhenver C. Forte
Rupert Bryan Grilles
John Marvy Fulgar
Ray Christopher H. Lauro
Aloysius Niño Trinidad
Julianna Felicity F. Camu
Shaina Mikaela Correa
Cheska Grilles
Trixia Mae B. Furton
Gwen Galindes

Ipinasa kay:
VICKY V. BITAS
Teacher I
TALAAN NG NILALAMAN
I. Panimulang Konsepto
II. Talakayan
● Ano ang anekdota
……………………………………………………………………………………………………
Aloysius & Trixia
● Mga katangian ng anekdota
………………………………………………………………………………………………………
Ray Christopher & Shaina
● Pagsusuri sa anekdotang “Mongheng Mohametano sa Kanyang Pag-iisa”
………………………………………………………………………………………………………
John Marvy, & Gwen & Rupert
● Pagsusuri sa anekdotang “Nagpaligsahan Sila”
………………………………………………………………………………………………………
Julianna, & Cheska & Dhenver
● Paano magsulat ng anekdota
………………………………………………………………………………………………………
Ray Christopher
III. Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Ebalwasyon
I. PANIMULANG KONSEPTO
ANEKDOTA
Isang malikhaing akda ang anekdota; ito ay isang pagsasalaysay ng isang
makatawag-pansin o nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasan ay
kilala o tanyag. Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli lamang na hango sa totoong
pangyayari sa buhay ng isang tao. Maaari rin namang likhang-isip lamang subalit
nahahawig sa katotohanan.
Layon nito na magpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito'y
magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
Ang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad. Ito rin ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Hindi dapat mag-iwan ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari
MONGHENG MOHAMETANO SA KANYANG PAG-IISA
Ang anekdota na ito ni Idries Shah ay mula sa anekdota ni SAADI ng Persia o Iran; na
isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgulles. Tungkol ito sa Mongheng Mohametano na
napagsabihan dahil sa kanyang hindi pagtaas ng ulo sa Sultan. Ipinapakita sa anekdota
na ito ang reyalidad ng papel ng mga mamamayan at ng pinuno nito.
NAGPALIGSAHAN SILA
Ang anekdota na “Nagpaligsahan Sila” ay tungkol sa dalawang mahusay na pintor na
sina Dr. Jose Rizal at Juan Luna kung saan sila’y nagpagalingan sa pagpinta sa
pamamagitan ng pagpinta ng makatotohanang bagay.
PAANO ANG MAGSULAT NG ANEKDOTA?
● Sumulat ng karanasan at pagdaragdag ng mga sumusuporta sa katotohanan gaya
ng aral.
● Gumuhit ng isang diagram na may maraming mga asosasyon. Ito ay
makatutulomg sayo na magpasya ng mga ideyang nais mong isulat.
● Pumili ng isang paksa upang isulat.
● Piliin ang istilo ng pagsulat na nais mong gamitin; tula, isang paglalarawan, isang
monologo, o isang artikulo.
II. TALAKAYAN
ANO ANG ANEKDOTA?
Ang anekdota ay isang pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o nakakatuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasan ay kilala o tanyag. Ang pagsasalaysay ay
karaniwang maikli lamang na hango sa totoong pangyayari sa buhay ng isang tao.
Maaari rin namang likhang-isip lamang subalit nahahawig sa katotohanan.
Layon nito na nagpapabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito'y magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng
interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapanapanabik. Ang
isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat
na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

ILANG KATANGIAN NG ANEKDOTA:


a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng
anekdota Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong
ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan
na may susunod pang mangyayari

MONGHENG MOHAMETANO SA KANYANG PAG-IISA


Isang araw, ang Mongheng Mohametano ay nag-iisa at nananampalataya sa disyerto.
Ang Sultan naman ay namamaybay sa kanyang ruta, sa kanyang nasasakupan ay
matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika "Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad
siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob".
Kung kaya ang vizier o ministro ay nagwika "Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng
buong mundo ay dumaan sa iyong harapan Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?"
Sumagot ang Mongheng Mohametano, "Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo
sa kanya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at hindi
nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan".
PAGSUSURI sa akdang "Mongheng Mohametano sa Kanyang Pag-iisa"
1. Paksa
-Ang anekdota na ito ay binibigyang-diin ang paggalang at inilalarawan kung ano ang
totoong papel ng isang mamamayan at saultan.
2. Tauhan
-Mongheng Mohametano
-ang Sultan
-Vizier o ministro
3. Tagpuan
-Ang tagpuan ng anekdotang ito ay sa disyerto dahil dito ang lugar kung saan ang
Mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata. Ito din ang lugar kung saan ang
Sultan ay namamaybay sa kanyang ruta.
4. Motibo o Layunin ng Awtor/May Akda -Ang akda ay naglalayong iparating na ang
mamamayan ay hindi nilikha upang paglingkuran ang hari o sultan at ang sultan
naman ay nilika para sa kanyang nasasakupan.
5. Paraan ng Pagsulat
-Ang paraan ng pagsulat ng may akda ay gumamit siya ng malalalim na salita na
madaling maintindihan at maipahatud sa mga mambabasa kung anong tunay na
mensahe nito.

NAGPALIGSAHAN SILA
Batid ng lahat na magaling na pintor si Dr. Jose P. Rizal, Gayon man,higit na kilala sa
husay magpinta ng larawan si Juan Luna. Noong nag- aaral sa Madrid ang dalawang
ito, madalas silang magkasama sa kahit anong lakaran. Doon ay naging magkaibigan
sila.
Isang araw, naisipan ni Jose Rizal na gumuhit ng silya sa dingding. Nang dumating si
Juan Luna, kanya itong inanyayahang maupo sa silyang iginuhit sa dingding. Hindi
marahil pinagmasdan ni Juan Luna ang silya bago siya naupo kaya bumagsak siya sa
lapag. Ang lahat ng naroroon ay nagkatawanan.
Isang umaga naman, gumuhit si Juan Luna ng pintong nakabukas sa dingding. Nang
dumating si Jose Rizal ay pinapasok siya ni Juan Luna sa naturang pinto. Tuloy-tuloy
na pumasok si Rizal sa buong pag-aakalang bukas na pinto nga iyon. Ang lakas ng
kalabog ng pagkakauntog ni Jose Rizal sa dingding! Nagkaroon siya ng bukol sa noo.
PAGSUSURI sa akdang “Nagpaligsahan Sila”
1. Ano ang kahusayang ipinamalas ng dalawang tauhan sa salaysay?
-Ang kagalingan nila sa pagpinta
2. Ano ang pag-uugali ang ipinakita ng dalawang tauhan sa kwento?
-Pagpapahalaga sa mga relasyon (pagkakaibigan)
-Pagiging kompetitibo
PAANO ANG MAGSULAT NG ANEKDOTA?
Ang anekdota ay nakatuon sa isang tukoy na kalagayan, damdamin, gana, karakter, o
bagay. Kaya naman, mas nabibigyan buhay ang isang kuwento.
-Maaaring magawa ito ng tagapagsalaysay sa pamamagitan ng pagsulat ng karanasan at
pagdaragdag ng mga sumusuporta sa katotohanan. Maaari rin itong isama ang mga
aralin sa buhay na natutunan mula sa mga pagkakamali.
-Magsimula sa pamamagitan ng pagguhit ng isang diagram na may maraming mga
asosasyon. Ito ay isang nakakatuwang na aktibidad upang matulungan kang magpasya
kung ano ang isasama sa iyong pagsasalaysay.
-Pumili ng isang paksa upang isulat. Maaari itong maging isang solong salita o isang
pangkat ng mga salita na nauugnay sa isa sa mga konsepto ng iyong diagram.
-Piliin ang istilo ng pagsulat na nais mong gamitin. Maaari itong isang tula, isang
paglalarawan, isang monologo, o isang artikulo.

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Ang pag-aaral ng anekdota ay may malaking kahalagahan sa iba't ibang aspeto ng
ating buhay. Sa aspeto ng edukasyon, ang mga anekdota ay ginagamit para palakasin
ang pag-unawa at pag-aplikasyon ng mga konsepto. Ang mga kuwentong ito ay nagiging
malapit at personal na bahagi ng ating pagtuturo, na nagpapalakas ng kaalaman ng
mga mag-aaral. Bilang isang anyo ng libangan, ang mga anekdota ay nagbibigay ng
kalituhan at kasiyahan sa mga tao, naglalaman ng mga nakakatawa o kawili-wiling
pangyayari na nagpapatawa o nagbibigay aliw. Sa larangan ng komunikasyon, ang mga
anekdota ay maaaring magamit upang pasiglahin ang isang pag-uusap o gumawa ng
isang punto. Ito ay isang epektibong paraan upang makapaghatid ng mensahe o
opinyon. At sa panitikan, ang mga anekdota ay isang mahalagang bahagi na
nagpapahintulot sa mga mag-aaral na linangin ang kanilang kreatibidad at kakayahang
magpahayag ng kanilang mga ideya at karanasan sa isang makabuluhang paraan. Sa
kabuuan, ang pag-aaral ng anekdota ay isang mahalagang bahagi ng ating pag-unlad
bilang mga indibidwal at bilang isang lipunan.
IV. EBALWASYON
1.Ito ay isang salaysay na may punto, tulad ng pagbabatid ng isang ideyang mahirap
unawain tungkol sa isang tao, lugar o bagay.
a. Sanaysay b. Anekdota c. Kwento
2.Sino ang nagsalin sa filipino ng "Mongheng Mohametano sa kanyang pag- iisa"?
a. Idries Shah
b. SAADI
c. Roderic P. Urgelles
3-5. Sino-sino ang mga tauhan sa Mongheng Mohametano sa Kanyang Pag-iisa"?
● Mongheng Mohametano, Sultan, Vizier o ministro

6. Saan ang tagpuan ng "Mongheng Mohametano sa Kanyang Pag-iisa"?


a. Dalampasigan b. Disyerto c. Damuhan
7.Sino ang kilalang magaling na pintor sa anekdota na "Nagpaligsahan sila"?
a. Juan Luna
b. Dr.Jose P. Rizal
c. Andres Bonifacio
8.Sino ang kilalang mahusay magpinta ng larawan sa anekdota na "Nagpaligsahan sila"?
a. Juan Luna
b. Dr. Jose P. Rizal
c. Andres Bonifacio
9. Ano ang iginuhit ni Dr. Rizal na dahilan ng pagbagsak ni Juan Luna sa lapag?
a. lamesa b. hagdan c. silya
10. Ilarawan ang (karakter) Mongheng Mohametano.
● (Ang mga sagot ay subhetibo)

You might also like