You are on page 1of 6

9

Learning Activity Sheet


Filipino 9
Kuwarter 3 – MELC 12
Paggamit ng Angkop na Pang-ugnay na
Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari sa Kuwento

REGION VI-KANLURANG VISAYAS


Kuwarter 3 , Linggo 5

Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 12


Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas Ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang


Visayas Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 9

Manunulat: Elmer H. Balicuatro


Tagaguhit : Jerome Jordan Z. Ponsica
Tagalapat : Eldiardo E. Dela Peña

Division Quality Assurance Team


Diana P. Agupasa Perly M. Mapa
Cynthia C. Caspe Rosie C. Cabus
Marie Antoniette M. Villar Angela Mae D. Lim
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora., CESO VI
Atty. Fevi S. Fanco, EdD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alicia M. Geroso
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico, EdD, CESO IV
Pedro T. Escobarte, Jr., PhD, CESO V
Elena P. Gonzaga, PhD
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

i
Kuwarter 3 , Linggo 5

MABUHAY!

Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod
Escalante at Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator: Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga
mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit
na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral: Ang Filipino 9 Learning Activity Sheet na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na
wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Kuwarter 3 , Linggo 5

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 12

Pangalan:______________________Grado at Seksiyon: _______________

Petsa: ____________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

Paggamit ng Angkop na Pang-ugnay na Hudyat ng Pagsusunod-


sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari sa lilikhaing kuwento. (F9-WG-III-e-54)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang pang-ugnay o panandang pandiskurso ay mga salita, parirala at


sugnay na nag-uugnay at nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap.
Ito ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di
kaya’y maghimaton tungkol sa pagkabuo ng diskurso. Karaniwan nang ito ay
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.
Halimbawa:
> at, saka, pati -ito ay nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng
impormasyon
Halimbawa:
Binigyan si Steffany ng isang mamahaling kuwentas ng kaniyang ina pati ang
kaniyang kapatid.
> maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – ito ay nagsasaad ng
pagbubukod o paghihiwalay.
Halimbawa:
Bukod sa isang ina, gumaganap din siya bilang isang ama sa kaniyang tatlong
anak.
> tuloy, bunga nito,kaya, naman- nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan
Halimbawa:
Maagang nag-asawa at nagkaanak si Gani ngunit mabilis din silang
nagkahiwalay ni Evelyn. Bunga nito, siya’y nanirahan na sa abroad kapiling ng
kaniyang bagong pamilya.
> kapag, sakali, kung- ito ay nagsasaad ng kondisyon o pasubali

1
Kuwarter 3 , Linggo 5

Halimbawa:
Sasagutin kita ng oo kung bibigyan mo ako ng isang mamahaling laptop.

III. Sanggunian
Ambat, Vilma C. et al (2015) Panitikang Pandaigdig, Modyul ng mga
Mag-aaral sa Filipino 10, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

IV. Mga Gawain


Gawain 1
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-ugnay o panandang
pandiskurso na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. (sa
madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa)

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at


maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng
masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada’70 sa ilalim ng batas militar.
(1) ______ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na
pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian.
Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang Kalayaan sa
pagpapahayag ng damdamin (2) __kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na
mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) _____dito’y sumali sa
kilusang makakaliwaang kanyang panganay na si Jules, (4) _______ naging
makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si
Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman
taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) _______ nanatiling matatag ang
pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin
nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si
Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta
ng lipunan, at ng asawa.

Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pang-ugnay o panandang
pandiskurso o hudyat sa pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagsasalaysay ng isang napanood mong palabas sa telebisyon.
1. Magsisimula ako sa ____________________________________________
2. Huwag lang __________________________________________________
3. Bunga nito ___________________________________________________
4. Sakali _______________________________________________________
5. Sa ibang sabi _________________________________________________

Gawain 3

2
Kuwarter 3 , Linggo 5

Panuto: Mag-isip ng isang maikling kuwento tungkol sa buhay ng isang


karaniwang Asyano na puwede ring magbigay ng inspirasyon sa iba.
Magsaliksik kung kinakailangan. Gamitan ito ng mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso. Salungguhitan ang mga panandang ginamit mo.

Tandaan:

Mahalaga na alam natin ang mga salita, kataga, o pahayag na nagpapakita


ng wastong pagkasusunod-sunod ng pangyayari para magamit natin sa
pagbuo ng talata sa mga akda o iba pang pormal na sulatin.

V. Repleksiyon

Sa iyong palagay, Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay o


panandang pandiskurso sa pagbuo ng kuwento?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

V. Susi sa Pagwawasto

sabi
Sa madaling 5.
Saka 4.
Dahil 3.
Kung 2.
Bukod sa 1.

GAWAIN 1

You might also like