You are on page 1of 13

Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ‘70

Batayang Konseptuwal

Tulad ng agham at ng mga agham-panlipunan, isa ring anyo ng pagdalumat sa realidad-


makataong realidad-ang paniitikan.Sinasalamin raw ng ng kamalayan ang realidad sa anyo
ng dalumat.Ang realidad ay isang likha o kayarian, wala tayong mararanasang realidad kung
hindi sa pamamagitan ng ng sariling pananaw at pagpapakahulugan.Sa lipunang nahahati
sa mga uri ng sa atin,hindi maiwasang maging ideolohikal ang nasasapol na realidad ng
indibidwal.Inililipat-tanim na sa miyembro mula sa kanyang pagkabata ang kakanyahang
pagtingin o ang ideolohiya ng uri ng kinabibilangan o di kaya ang namamayaning ideolohiya
sa lipunanan sa pamamagitan ng mga institusyong panlipunan ng sosyalisasyon.Maaring
matuto ng mga bagong kaparaanang magiging daan ng panibagong pagtingin sa
realidad.Tulad ng kapwa, ideolohikal din ang dalumat sa realidad ng manunulat kaya lamang
paglalarawan-diwa ang natatanging anyo ng pagdalumat niya.Kung kaya naman sining ng
paglalawan-diwa ang panitikan at tumatayong talinghaga ng realidad.Yamang lumalabas na
ideolohikal ang kalikasan ng panitikan umaalinsunod na ang ideolohiya ay kategoriyang
anatikal na makapagpapaliwanag sa kalikasan at tungkuling panlipunan ng panitikan.Bilang
katunayang pampanitikan, sangkap ng nilalaman at anyo ng akdang pampanitikan ang
ideolohiya.Hindi nagkakasiya lamang sa pagtulad ng makataong realidad ang manunulat
kung hindi magkapanabay niya itong nililinaw,binibigyang-kahulugan at tinatayo ayon sa
pinanghahawakang ideolohiya.Umaalinsunod sa batayang prinsipyo tin ng pagsasaayos ng
ideolohiya-bilang bahagi ng wika at pamamaraan ng paglalarawan at pagsasadula ng
manunulat sapagkat ang panitikan ay isang personal na pananawa sa buhay.Ang pananaw
ng manunulat,samakatwid,ang pinagmulan ng panloob na kaisahan ng likhang daigdig sa
akda.Ang ideolohiya naman ang siyang nag-uugnay sa panitikan at sa lipunan.Ang
nilalaman at anyo ng akda ang magpapakita na ang pagkapangkasaysaan ay estetikong
sangkap na likas sa panitikan.Mahihinuha sa mga kaisipan,saloobin at pagpapahalaga sa
pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao na itinatampok ng manunulat sa kanyang mga akda
ang sariling proseso ng sosyalisasyon.Sa lipunang makauri ang pagpanig ay kalikasan
mismo ang obhetibong realidad.Kaangkinang likas din ito ng ng panitikan bilang ng
kamalayan.Sa pagtural niya sa mga puwersang kanyang tinataguyod o nilalaban higit siyang
nagiging malay at mulat sa kanyang pakikipamuhay sa makauri ang pakikimuhay na ito ay
may katangiang ideolohikal.Ang wika na material ng lipunan ay likhang panlipunan,may
takdang ideolohikal at pangkasaysayan..Bawat uri ay may sariling wikang kinapapalooban
ng mga sangkap ng pinanghahawakang ideolohiya.Totoo rin ito sa manunulat ang
pansariling wika niya ay ang kanyang paraan ng pag-iisip,pagdama at pagpapahayag ay
hindi maihihiwalay sa isang tiyak na kontekstong panlipunan.Sa loob naman ng isang
tradisyon/kumbensiyong pampanitikan lumilikha ang manunulat.Ideolohikal din ang
tradisyon/kumbensiyong pampanitikan.Nakasalig sa kalikasang ideolohikal ang panitikan
ang tungkulin nitong ideolohikal.Hindi nagsusulat an gang manunulat para sa sarili
lamang,bagamat ang malikhaing gawain ay isang paraan ng kaganapan ng pagkatao o ng
indibidwasyon.Kanyang naimumulat ang mambabasa sa pananagutan nitong panlipunan na
tumulong baguhin ang umiiraal na makauring kaayusang panlipunan upang ang mithiing
makataong lipunan ay maisakaganapan.Hindi man mababago ng panitikan ang naturang
kaayusan ay manihahanda naman nito ang pagbabago sa larangan ng kamalayan.

Pagsusuring Ideolohikal sa Dekada ‘70

Tatangkaing maibalangkas ang ideolohiyang nahahalaw sa nobelang Dekada ’70.Ang


malikhaing pagsulat ay isang pagbubunyag sa sarili ng manunulat yamang siya ang
katalinuhang namamahala sa akdang pampanitikan.Ang akda ng manunulay ay ang
sumasalamin sa kanyang buhay.Ang nobela ay maipapalagay na isang tala ng sariling
pagbabayuhay o pag-aanyo na ideolohikal ng nobelistang si Lualhati Bautista.Ang sariling
kamalayan ang nakakaharap sa pagbabasa ng isang nobela.Sa pamamagitan ng pagsulat
ay nililikha ng manunulat ang kanyang sarili at inaasahan.

Dalumat sa Tao/Sarili:Pagpapakatao

Makikita sa paglalarawan-tauhan at aksong isinadula na ang pagpapahalagang sinasanigan


ng dekada ’70 ay ang karapatan at pananagutan ng bawat tao.Pinakatema ng nobela ang
panloob na kaganapan ng indibidwal sa kaniyang sarili at ang panlabas niyang kaganapan
sa kaniyang lipunan.Tungkulin ng mga tauhan na kilalanin ang sarili upang maisakaganapan
ang kani-kanilang sarili.Ang kaunahang krisis ni Amanda na pangunahing auhan ay alamin
kung ano at sino siya bukod sa pagging ina at asawa.Hinahayaan nilang ang mga anak ang
magpasya kung ano ang buhay na kanilang nais,ang patakkaran ng amang si Julian.Sinabi
ng ina sa mga anak na isang bagay lamang ang makakapagpasaya sa amo ayun ay ang
maging maligaya sila sa kanilang pinili.Ang nagpapakatao ay mapagkakatiwalaan.Kinilala’t
tinanggap ni Julian na tulad ng kanyang anak na si Jules ay karapatan din ng iba na sundin
ang sarili nila.Malalim ang paniniwala ni Julian na ang indibidwal ang gumagawa ng sarili
niyang kapalaran sa pamamagitan ng pagsisikap.Pinanghawakan niyang ang kaparaan sa
pagsasakatuparan nito ay ang edukasyon.Nang lumaon sa pamamagitan ng paglilimita sa
pagkilos ay nagawang maligtasan nina Amanda,Julian,Jules at Em ang pagkatiwalag na
bunga ng ideolohiyang indibidwalismong liberal.Ngunit mangyayari lamang ito kng
natagpuan na nila ang tunay na pagkatao o sarili.Unti-unting nadadamat ang mag-asawang
Amanda at Julian sa mga ideolohikal na tunggalian na nilalahukan ng mga anak nila.Naging
pansamantalang ina si Amnda ng mga ibang biktima katuwang ang asawa niyang si
Julian.Sinabi sa nobela na sa panahon ngayon ay nararapat lamang na makibilang sa
alinman sa dalawang magkatunggali.Ipinnakita rin ditto ang pagbabanhuyay ng ideolohiya
mula sa indibidwalismong liberal tungo sa nasyonalismo.Nilinaw na ang kamalayan na
tinataglay ng tauhan ay humihigit sa kamalayang makakapwa o makalipunan.Binubuo ng
mga uring pinagsasamantalahan sa lipunang mala-kolonyal at mala-piyudal ang masa ng
sambayanan.Ito ang mapanlikhang lakas ng kasaysayan na siyang magbubunsod ng
pagbabagong panlipunan.Ipinakita ng nobela na ang kaganapan ng pagpapakatao ay nasa
pagkakaisa’t pagtataguyod sa rebolusyonaryong mithiin ng sambayanan, ang mapalaya ang
sarili sa pagkatanikala sa mga lakas na umuunsiyami sa kaniyang pagiging tao.

Dalumat sa Lipunan:Pakikipagkapwa-tao

Malalaman sa nobela na ang dalumat sa lipunan ay yaong sa kabuuan ng mga institusyong


panlipunan at ang kaakibat na ugnayang panlipunang ibinubuga.Ang mag-asawang Amanda
at Julian sa simula ay likha ng panlipunang papel na siyang kalakaran sa lipunang
ginagalawan.Sa simula ang pagbabago ng mag-asawa ay bunsod ng damdaming-magulang
na nag-aalala sa sasapitin ng mga anak.Ang mga nakita rin sa kanilang lipunan ang siyang
humubog sa pananaw nina Jules,na nagging aktibista at Em,na nagging
manunulat.Gayundin kina Gani na nag-US navy at Bingo na malamang ay kumuha ng
kriminolohiya at maging militar.Pinanghahawakan nannang lipunan na binubuo ng kairalan
at kamalayang panlipunan ang siiyang humuhubog sa kamalayan ng indibidwal.Binuod ang
dalumat sa sinipi ni Jules na mga taludtod mula sa isang tula ni Kahlil Gibran na kaniyang
ipinadala nang isilang ang pamangking si Anna Lisa.Ang huwarang pakikipagkapwa-tao o
ugnayang pamlipunan ay pinasalamin sa ugnayang pampamilya.Dito unang nalilinang sa
katauhan ng bata ang mga pagpapahalagang pangkalinangang gumagabay sa ugnayang
panlipunan tulad ng pag-iibigan,pagmamalasikan,paggagalangan at pagsususnuran.Ang
kaganapan nila kapwa ay ang isa’t isa nang hindi nawawala ang kani-kanilang
kaakuhan.Ang paminsan-minasang pagkaligaw ng kabiyak ay hindi dapat sumira sa
kanilang pagsasama,dapat nasa hustong bait na at handa para harapin ang kapanagutanng
buhay may-asawa sa paglagay sa tahimik.Ang pag-ibig na bumibigkis sa isang pag-
asawahan at/o sa isang pamilya ay isang pamilya ay pinakatawan sa anak,na sa kalakarang
pananaw.Datapwat ang higit na itinampok sa nobela ay ang makauring pag-asawahan na
kinatawanan nina Jules at Mara.Hangga’t hindi ito nangyayari ay hindi rin magaganap ang
kanilang pagkatao’t pagmakatao.Sa pagitan ng dalawa noon ang panggitnang uri na
maantas din sa pang-taas,panggitna at pang-ibaba.Dahil dito hindi niya nakita ang laganap
na kairapan sa labas ng kaniyang bakuran.Inakala niyang ang mga nagaganap sa palagi
maging nang magbunga ng karahasan ay walang kinalaman sa kanya’t sa kanyang
pamilya.Ang tumitinding aktibismo ng kabataan ay inugat nuya sa kalikasan ng
kabataan:rebelled,mapusok at gusot sa isp.Ngayong natanto ni Amanda na ang gayon
niyang pananaw ay sumusuhay at nagpapamalagi sa umiiral na kaayusang panlipunan.Sa
kanyang pagkamulat,ilalagay niya,at maging si Julian, ang sarili sa panig ng masa ng
sambayanan.Ibinunga ng pamamayani ng imperyalismong Amerikano sa larangan ng
kultura ang kaisipang kolonyal na nalinang sa isipian ng Pilipino,na kkinatawan ng mag-
asawang Bartolome.Sa isang panig ng ilang may-ari ng mga kaparaan at produksyon at sa
kabila ang nakararaming nagbibili ng laks pang-isip at pambisig.Sa maikling
salita,napasailalim ng puhunan ng paggawa.Hindi maiwasang hind imaging
mapagsamantala’t mapaniil ang ugnayan yamang tao ito ay itinakda ng kalikasan ng
kaayusang mala-kolonyal at mala-piyudal.Ang dalumat sa lipunan ay yaong larangan ng
pagpapakatao’t pakikipagkapwa-tao ng indibidwal;ngunit makiling sa nakapangyayaring
uri.Dahil ditto layon ng napanyayaring uri ang pagbabagong panlipunan upang
maisakaganapan ang sariling makataong potensyal.

Kritikal sa Umiiral na Kaayusang Panlipunan

Sa nobela tinalakay na ang mga katunayang panlipunan ng


pagsasamantala,kahirapan,karahasan,pagtiwalag ay hindi katadhanaan o ugat ng kanser ng
lipunan.Niliwanag na ang mga ito ay bunga ng kalakarang kaayusang mala-kolonyal at
mala-piyudal ng lipunan/bansa.Tinutukoy na ang pagdaralita ng sambayanan ay isang
katunayan ng buhay panlipunan na nakaugat sa kalakarang pagsasamantalan ang puhunan
sa paggawa sa isang mala-kolonyal at mala-piyudal na lipunan o bansa.Ang saklaw ng
imperyalismong Amerikano ay hindi lamang sa kabuhayan kundi maging sa pang
military,pampulitika’t pangkulturang larangan ng buhay-bansa.Ang nakikinabang lamang sa
kaunlaran ng bansa ay ang mga dayuhan at mga Pilipinong mayhawak sa kapangyarihang
pulitikal a t pangkabuhayan.Upang malunasan ang pinagdaraanan ng mga Pilipino ay
nangutang ang pamahalaan sa International Monetary Fund at World Bank.Nasabi sa
nobelang umabot sa $17 bilyon ang panlabas na utang ng bansa.Bukod sa pangungutang
ay niligawan ng pamahalaan ang dayuhang puhunan upang magnegosyo sa Pilipinas.Hindi
magagawa ang lahat ng plano nang hindi ibababa ang Batas Militar na ibinaba noong 21 ng
Setyembre 1972.Palibhasa’y ang nalikhang kalagayan ay halos kumitil na ng buhay ng
nakararaming Pilipino,may mga namulat at kumilos buhat sa iba’t ibang sector ng lipunan
upang ipagtanggol ang karapatang mabuhay.Muling umusbong ang mapagpalayang
kilusang napapatnubayan ng ideolohiyang nasyonalismo na ang ibinabandilang linyang
pulitikal ay pambansang demokrasya.Ang kabi-kabila’t sama-samang pagkilos ng iba’t ibang
sector ng sambayanan ay tinugon ng karahasan at panunupil ng pamahalang masasabing
bihag nang imperyalismong Amerikano.Marahas ang kalikasan ng isang lipunang maka-uri’t
maka-kolonyal.Dahas ang ipinansusuhay ng imperyalismong Amerikano sa pananatili mmh
kaayusang mala-kolonyal ng bansa.Sa ngalan ng pangangalaga sa kaayusan at
kapayapaan ng bansa buong bangis na pinawawalan sa sambayanang Pilipino ang
magkakambal na dahas ng imperyalismong Amerikano at ng hawak nitong pamahalaan ng
naghaharing uri.Hindi rin maiwasang hindi mabahiran ng karahasan ang mga bumobuo sa
hukbo ng pamahalaan.

Kahaliling Lipunan

Ang yaman na hindi lamang binabansot ng kaayusang mala-kolonyal at makauri ng lipunan


ang ganap sa pagkatao ng napangyayarihan,tungkulin ng namumulat sa sama-samang
isabalikat na baguhin ang kaayusan upang mahalinhan ng isang matabang lupa at
magpapaqkita sa pagmakatao ng mamamayan.Isang pambansang demokratikong lipunan
ang iniipon at ipinakikipaglaban.Ang pakikipagkapwa ng isa ay nakasalalay sa tunay na
malaya’t masasariling lipunan na siyang kaganapan ng kabansaan ng bansang
Pilipino.Pinanghahawakan ng nobelista na ang pagpapakatao ay nagaganap sa
pakikipagkapwa tao sa loob ng isang historical.Kung gayon,lipunan ang siyang larangan ng
paggawa sa sarili at ito rin ang layon ng pagkilos.Ang mabuting lipunan ay katumbas ng
mabuting tao.
Hakbangin ng Pagsasakatuparan

Nang maisakatuparan ang minimithing lipunan,kailangan malinang ang kamalayang


makabansa upang maunawaan na ang imperyalismong Amerikano na pangunahing kalaban
ng sambayanang Pilipino.Dapat malinang ang kamalayang makauri upang mamulat ang
pagsasamantala nang masa ng sambayanan na sila kabilang sa isang uri ay dapat nila
ipaglaban ang kanilang kapakanan bilang isang uri.Upang maligtas ang kanilang sarili sa
mga mapaniil ay gumagawa sila ng kasayasayng masa.Nasa kanila ang mapanlikhang lakas
na magtutulak sa lipunan tungo sa hanap ng kaganaan.Paghahasik at paglinang ng
kamalayang makabansa’t makauri ang siyang layon ng ideolohikal na
pakikibaka.Himagsikan ang sandata na bubuwagsa umiiral na mapagsamantala’t mapaniil
na kaayusan dahil hindi magkukusang magsulong ng sariling kapangyarihan ang
kaaway.Kailangan sa yugtong ito vna magpasiya ang iba’t ibang uri ng lipunan tulad ng
panggitnang uri na kinabibilangan ng pamilya Bartolome kung saan sila kakampi sa
tunggaliang makauri ay makukumpara sa karahasang kaugnay sa pagsilang ng isang
buhay.

Ideolohiya Bilang Salik ng Anyo

Isang taon na naman ang lumipas nang wala siyang nagawa para sa sarili. Wala siyang
naramdamang tuwa dahil isang balisang taon na naman ang nadagdag sa kaniyang buhay
at tumiyindi pa ang kakulangan nito. Kakulangan bilang asawang pag-unlad bilang tao, na
naging ina lamang at nagsilbing bantay ng kaniyang asawang si Julian sa pagtupad ng mga
pangarap nito at nagpalaki sa kaniyang mga anak at gumabay sa mga ito upang matuklasan
ang kanilang mga kakayahan at kahalagahan. Sa pagkakataong iyon, walang nagtanong sa
kaniya kung ano pa ba ang pinahahalagahan at kakayahan niya maliban sa pagiging
asawa't anak, aalis rin siya sa mundo ng hindi alam kung ano pa ba ang kaya niya, ng
walang sinumang nakakaalam kung sino at ano pang kakayahan niya.Datapwat may hindi
mabuting aspekto rin ito, dahil, ayon dito, kinikilala muna ng mga tao ang lipunang
pinamumuhayan at pagkatapos ay bubuuin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ilang
mga gawain, ngunit kapag itinigil na nila ang mga gawaing iyon ay masisira sila, dahil ang
mga gawaing iyon ang naging parte nila sa lipunan.Sapagkat galing sa iba ang
pagpapakahulugan ng kaniyang buhay, unti-unting nakadama ng kakulangan si Amanda,
naramdaman niya ang pagliit at pagkagapos ng kaniyang daigdig dahil hindi niya ito
mabigyan ng kahulugan maging ang kaniyang sarili. Ang nararamdaman ni Amanda ay
bunga ng panyayaring hindi niya maipakita ang kaniyang kakayahan, kaya parang wala ring
kabuluhan ang buhay niya, at isa pa, dahil sa lipunang kaniyang kinabibilangan ay babae
ang nagiging lamang ng kalalakihan.Kinakatawan ng pamilyang Bartolome ang kaayusan at
ideolohiyang piyudal at patriyarkal na patuloy na sinusuportahan at pinapanatili ng kaayusan
at pagpapahalagang kapitalistiko. Sabi nga ni Frederick Engels, sa mga pamilya, ang mga
tagapangasiwa nito ay nawawalan na ng karakter sa publiko. Ang pamilya raw ay hindi na
nabibilang sa lipunan sapagkat naging isang pribadong serbisyo na lamang ito, dahil ang ina
na lamang ang umaako sa lahat ng gawaing bahay at hindi na parte ng panlipunang
produksyon at ang ama ang bourgeois.Kailangan ng taong maipakita ang kaniyang
kakayahan sa kaniyang kalagayan, kahit ito'y may kaakibat na suliranin, ito nama'y
nagbubunga ng adhikaing makilala ang sarili gaya ni Amanda na natanggap ang kaniyang
papel bilang asawa't ina at unti-unting napanatag ang loob at napawi ang pagtutol sa
pagiging asawa lamang. Kaya ngayon, batid na niyang napapahalagahan na siya bilang
indibidwal at hindi bilang asawa't ina lamang, at nagawang mapatawad ang natuklasang
pangangaliwa ng asawang si Julian. Sa pagiging ganap ng sarili, nagawa na rin niyang
ibigay ng lubos ang sarili hindi lamang sa asawa't mga anak kundi maging sa mga biktima
ng karahasan at kawalang katarungan ng umiiral na sistemang panlipunan.
Ang sarili'y natagpuan ni Amanda sa pamamagitan ng pagharap sa katotohanan. Sa
pamamagitan ng pagtanggap, naayos niya ang watak-watak at masalimuot na karanasan
tungo sa ikauunawa at mas malinaw na pagpapasiya't pagkilos.Tanging ang tao lamang sa
mga nilalang ang may kakayahang limiin ang sarili, ang maging malay na kung ang kaniyan
mang kaluwalhatian ay kaniya ring mabigat na dalahin.Sapagkat ang nobela ay nobela ng
pagkamulat, inilarawan ang pangunahing tauhan na mapaglimi at ang banghay ay ang
buhay niyang nilimi. Kronolohikal ang ginamit sa pagpapasulong ng aksiyon upang
masundan ng mambabasa ang pagsulong ng kamalayan ng pangunahing tauhan. Sa
pamamagitan ng paglimi nagawang maipakita ang katotohanan sa pangunahing
tauhan.Kakambal ng paglilimi ang pagtanggap sa katotohanan o suliranin, ang pagkilalang
ang batas ng buhay ay pakikibaka sa lipunan, kalikasan at sarili. Sa pagharap sa mga krisis
na pansarili't panlipunan nahuhubog ang pagkatao't pakikipagkapwa-tao. Manalo man o
matalo, ang kahalagahan ng pagiging tao ay hindi nawawala sa tugon sa hamon ng buhay
na hinaharap ng buong katapangan..At nang minsang nagkasagutan si Amanda at si Julian,
dito natauhan si Amanda sa tunay niyang kalagayan bilang asawa, na siya'y isa lamang
tauhan o katulong ng kaniyang asawa, dahil ipinamukha ni Julian na siya ay lalaki, na siya
ang iginagalang at tinitingala.At nang mamatay ang paboritong anak na si Jason ay tuluyan
ng nagbago at nagmukhang matanda si Julian, hindi na siya nakabawi ng sigla at hindi na
muling nagliwanag ang mukha na nanatiling may latay ng malagim na karanasan.Sa
lipunan, inaasahang matatag ang lalaki, matigas ang loob at hindi nagpapadala sa kaniyang
damdamin.Noong namatay ang anak na si Jason sinabi ni Julian sa asawang si Amanda na
kahit pa anak niya iyon ay hindi niya nalilimutang may iba pa silang anak Si Julian ay isang
inhinyero, isang mabuting trabaho, naninirahan sa sabdibisyon at nakakapagpaaral ng anak
sa piling unibersidad at paaralan. Pinanghahawakan niyang ang lipunang kinabibilangan ay
mundo ng kalalakihan, na lalaki ang nakakapagpakita ng kakayahan. Batid niya ang umiiral
na kaayusang panlipunan, kaya ang pinakamabuting magagawa niya ay ang patatagin ang
katayuan niya sa lipunan. Naniniwala siyang magagawa ng isang taong matalino't may
pagpupunyagi na maabot ang tiyak na mabuting buhay sa umiiral na kaayusan, kaya ito ang
lagi niyang sinasabi sa mga anak. Ang mga propesyunal para sa kanya ang utak ng
kaunlaran, kaya hindi anya siya nagpapaaral ng anak upang maging manggagawa lamang
dahil bukod sa mas may silbi ang mga propesyunal, ay mas napapaunlad rin ng mga ito ang
pansariling kalagayan dahil may kinikitang malaki ang mga ito. Naniniwala siyang
kailangang maraming pera ang isang tao upang igalang, dahil may bayad ang lahat, maging
ang pag-ibig kung minsan at pati ang pagtawag sa iyo bilang tao.
Paksa: Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa
DEKADA ‘70

I.Batayang Konsetuwal

A.Maging ideolohikal ang nasasapol na realidad ng indibidwal

1.Ideolohikal din ang dalumat sa realidad ng manunulat kaya lamang paglalarawan-diwa


ang natatanging anyo ng pagdalumat.

B. Ang nilalaman at anyo ng akda ang magpapakita na ang pagkapangkasaysaan ay


estetikong sangkap na likas sa panitikan

II.Pagsusuring Ideolohikal sa Dekada ‘70

A. Ang nobela ay maipapalagay na isang tala ng sariling pagbabayuhay o pag-aanyo na


ideolohikal

III.Dalumat sa Tao/Sarili

A. Ang dalumat sa lipunan ay yaong sa kabuuan ng mga institusyong panlipunan at ang


kaakibat na ugnayang panlipunang ibinubuga
B. Nilinaw na ang kamalayan na tinataglay ng tauhan ay humihigit sa kamalayang
makakapwa o makalipunan

IV.Dalumat sa Lipunan:Pakikipagkapwa-Tao

A.Panlipunang pagsasamantala,kahirapan at karahasan

1.Institusyong panlipunan

1.1.Kaakibat ng ugnayang panlipunan

1.2.Humuhubog sa kamalayang indibidwal

B.Pagpapakatao’t pakikipagkapwa-taong indibidwal

1.Panlipunan at pinasalamin sa ugnayang pampamilya

1.1.Seremonya ng kasal,pag-ibig ang matibay na buhol ng isanh pag-aasawa

V.Kritikal sa Umiiral na Kaayusang Panlipunan


A.Niliwanag na ang mga ito ay bunga ng kalakarang kaayusang mala-kolonyal at mala-
piyudal ng lipunan/bansa

B. Ang saklaw ng imperyalismong Amerikano ay hindi lamang sa kabuhayan kundi maging


sa pang military,pampulitika’t pangkulturang larangan ng buhay-bansa

VI.Kahaliling Lipunan

A. Ang yaman na hindi lamang binabansot ng kaayusang mala-kolonyal at makauri ng


lipunan

VII.Hakbangin ng Pagsasakatuparan

A.Kailangan malinang ang kamalayang makabansa

B.Paghahasik at paglinang ng kamalayang makabansa’t makauri ang siyang layon ng


ideolohikal na pakikibaka.

VIII.Ideolohiya Bilang Salik ng Anyo

A.Impluwensya ng lipunan sa pananaw at kilos ng tao

B.Indibidwalismong liberal

C.Piyudal at patriyarkal
PANGKAT 4-ADYENDA

Ang Himagsik ni Amanda Bartolome:


Isang Pagbasang Ideolohikal sa
DEKADA ‘70

Mga Miyembro:

Ayroso, Rafael C.

Bautista, Jeremie P.

Becido, Arvin Mark C.

Holgado, Clarenz G.

Arellano, Mary Rose P.

Espenida, Mhiles V.

Gupo, Eilene C.

Hernandez, Desiree Ariana D.

Hernandez, Nikka B.

Manebo, Jorich Anne T.


Amanda Bartolome's essay discusses the ideological foundation of the Dekada '70 era. It argues that
the Dekada '70 era saw a shift in the way people perceive reality, particularly literature. The author
argues that literature is an analytical category that can be analyzed based on its meaning and
relevance to society.

Bartolome also highlights the importance of language in understanding the meaning and relevance
of literature. She believes that literature is a personal expression of life, and the author's language is
a reflection of their own beliefs and experiences. She also emphasizes the importance of recognizing
the influence of literature on society and the role of literature in shaping society.

Bartolome also discusses the concept of ideology in the Dekada '70 era. She argues that the author's
writings are a reflection of their life experiences and the role of literature in shaping society. She also
discusses the influence of the Bautista movement on literature, which influenced the development
of the genre.

Bartolome also discusses the role of literature in shaping the Dekada '70 era. She argues that
literature is a tool for understanding and interpreting the world around us, and that it is not just
about expressing ideas but also about influencing our actions and decisions.

Amanda Bartolome, a Filipino author, discusses the role of women in the Philippine government
during the 1970s. She argues that women were a part of the society and the government that they
were governed by. She describes the role of women in the family, including their wives, children, and
the military. She also discusses the importance of friendship, love, and support in the government.

Bartolome also discusses the influence of American imperialism on the culture of the Philippines.
She believes that women were not only a source of income and production but also a source of pride
and pride. She also criticizes the government's role in promoting women's rights and the need for a
more inclusive society.

Bartolome also discusses the importance of women in the government, stating that they were not
just a source of income but also a source of pride and pride. She believes that women should be
given the opportunity to contribute to the country's development and progress.

In conclusion, Amanda Bartolome's work highlights the importance of women in the Philippine
government and the role of women in shaping the country's future.
Amanda Bartolome's essay discusses the importance of a democratic society in the 1970s. She
argues that a society that values freedom and equality should be able to maintain its independence
and maintain its dignity. She also highlights the need for a strong national government to prevent
imperyalism and maintain the unity of the Filipino people. Bartolome's essay emphasizes the
importance of a strong national government that can protect the rights of all citizens and ensure the
continuity of a good life.

Amanda Bartolome, a Filipino revolutionary, was born in the 1970s. She was a young woman who
was not married to her husband, Julian, and was unable to marry. She was a widow who was a
mother to her children and a wife to her husband.

Bartolome's family was influenced by the political and patriarchal ideals of the time, which were
seen as necessary for the progress of society. They believed that the public should be aware of their
rights and the importance of capitalism.

Bartolome's family was a private society, with no public representative. They were not part of the
bourgeoisie and did not support the bourgeoisie. They believed that a man should be allowed to
marry his wife, even if it meant losing his own life.

Bartolome's life was marked by a struggle for equality. She was able to overcome her limitations and
fight for her rights. She was able to create a society where everyone had equal opportunities and the
right to live a dignified life.

Bartolome's life was marked by a struggle for justice and equality, which she saw as a way to protect
her children from the bourgeoisie. She was able to achieve this by advocating for justice and
equality, and by recognizing the importance of her children's rights.

You might also like