You are on page 1of 1

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan,


gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Hindi ako titigil hanggga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may
mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung
may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong
maisakatuparan.
Muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang
pinakamahalaga. Kasama ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating
ekonomiya na nakaaapekto sa kita ng mga manggagawa.
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling
interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo.
Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.
Malaking halaga ang kakailanganin, ngunit nangangahulugan ito ng tiyak na pensiyon,
pangangalaga sa kalusugan at serbisyong edukasyon.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life Program,
pananatilihin natin ang pamumuhunan sa maingat at mahigpit na pagsusuri.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng pangmatagalang
pakinabang sa kalidad ng pamumuhay. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang
ating paliparan para sa World Cup. Ang pagpapaunlad na nabanggit ay maisasagawa sa tulong ng
lahat ng Brazilian.

You might also like