You are on page 1of 8

Lakandiwa:

Magandang umaga sa ating madla


Kami ngayo'y nasa inyong harapan upang ipakilala ang paksa
Na lubhang napapanahon at pinag-uusapan.
At iba't - ibang hinaing ang sinisigaw ng bayan

Dalawang panig ngayon ang inyong mapapakinggan


Magkasalungat at nagkakainitan
Sa'aking kaliwa sa death penalty ay sumasang - ayon
Sa'aking kanan nama'y hindi rito umaayon

Hayaan nating ang dalawa


Kanilang opinyo'y ipakita
Makinig at mamangha
Sa mga pangangatwirang patula

Ngunit, bago umpisahan ang paligsahang patula


Maaaring magpakilala muna ang maglalabang makata.
Halina kayo at magpakilala sa madla
Ikaw muna makatang tumututol ang maunang magsalita.

NICOLE:
Akin pong napili ang panig ng tumututol diyan
Hindi parehas ang gay'ang sistema ng kaparusahan
Dahil lalo lamang itong magdudulot ng karahasan
Kaya po ngay'on, ako ang inyong paniwalaa't panigan.
JOSHUA:
Ako naman po'y pumapabor ang pinapanigan
Sapagka't ang death penalty ay kinakailangan
Dito sa ating bansang talamak ang kasamaan
Kaya sa ating madla, akoy pakinggan at paniwalaan

LAKANDIWA:
Ngay'ong nakilala na natin ang dalawang mahuhusay
Hindi ko na pagtatagalin pa, tayo na’y sumubaybay.
Makatang tutol mauna ka ng magsaysay
At iparinig sa amin, iyong pananaw sa buhay

Nicole:
Sa paksang ito, ako'y may paninindigan
Sa death penalty, ‘di ako sang-ayon kailanman
Halaga ng bawat buhay, aking pinaniniwalaan
Pag-asa na magbago, solusyo’y hindi kamatayan

Ang death penalty ay hindi makatarungan.


Sapagkat bawat tao ay mayroong karapatan
Ang buhay ay mahalaga, ito'y aking ipinaglalaban,
Sa sistemang ito, hindi ako sasang-ayon sa kamalian

LAKANDIWA:
Ating narinig ang salaysay nitong tumututol
Salaysay na madamdami't puno hindi mapurol
Baka daw mahihirap lamang ang siyang parusahan
Dito sa isinusulong na parusang kamatayan
Makatang pabor ang ngay'oy aking tatawagin.
Ang mga pahayag ng kalaban ay iyong sagutin.
Iyong tapatin ng iyong makabuluhang katwiranin
Isalaysay mo na ang mga nais mong sabihin.

Joshua:
Ikaw na rin ang nagsabing, bawat buhay ay mahalaga
Akin rin namang pinapahalagahan, sa mamamayan ang hustisya
Hindi ka ba naaawa sa mga pinatay at pinaslang?
Sa ating taong bayang pagtangis sa puso ang nilalaman?

Bakit ba hindi mo matanggap ang nararapat na kaparusahan?


Sa mga kriminal at pusakal, ihatol ang kamatayan
Sa mundong ito’y wala silang karapatan
‘Pagkat sila’y gumawa ng kasalanang, walang kapatawaran

LAKANDIWA:
Makatang pabor at makatang tutol nitong balagtasan
Mukhang nag-iinit na sa unang tindig pa lamang.
Sa paksang pinagpupulunga't pinag dedebatihan
Sino kaya sa kanilang dalwa ang mauubusan ng kaalaman.

Makatang tutol ika'y muling tumindig


At dugtungang muli ang sa iyong panig;
Ang iyong katwiran ay hindi ipadaig
Pumauna ka na at muli mong sa kanila'y iparinig.
Nicole:
Sa death penalty, ako'y lubusang tutol
Buhay ng bawat isa, ito'y aking itatanggol.
Krimen man ay tunay na masama at marahas,
Buhay ay hindi dapat gawing parusa't iwakas

Kamatayan ba ang sinasabi mong karapat-dapat?


Tulad ng inihatol nila, sa mga namumuhay ng tapat?
Wala na ba talaga silang karapatang magbago?
Buhay nila’y itatapon na parang aso?

Joshua:
Hindi ko maintindihan sa kung anong dahilan
At ang aking kaharap ay nagsusumigasig sa salaysayan;
Hindi naman maintindihan kahit malayo na’t matagal
Sa dami ng naitalak, walang makabuluhang naidaldal

Paikot-ikot lm-ang at iisa naman ang laman.


Aking kaharap, huwag ka ng magbulag-bulagan
Imulat ang mata at tumingin ka sa kapligiran
Hindi mo ba nakikita na laganap na ang kasamaan?

Nicole:
Mawalang galang na nga at kita'y sisingitan,
Hindi po ako nagbubulag bulagan..........
Joshua:
Sandali!!! Sandali!!!! Huwag ka munang sumingit!
Hindi pa nga ako tapos sa aking sinasambit
Mamaya kana magpatuloy sa iyong ipinipilit
Kapag ako'y tapos na saka ka gumiit!

Itong katalo ko'y pilit akong sinisingitan


Palibhasa’y naaantig sa aking pangangatwiran
Sa isip mo ba’y aking aking malilimutan
Naririto pa ang diwa ko't buhay na buhay sa salaysayan.

Tingnan ninyo sa ibang bansa ating hinahangaan


Madalang ang krimeng ating nababalitaan
Dahil sa kanila'y may parusang kamatayan
Ang mga kriminal duon ay kakaunti at madalang

Dahil kinatatakutan duon parusang bitayan.


Maaari bang sa kanila lang ang may gay'an,
Bakit hindi natin gayahin ang gay'ong pamantayan?
Baka magtitino din ang mga tao dito sa ating bayan

Nicole:
Maaari na ba akong sumingit?
Katunggali kong pilit na pilit
Na ipinaglalaban ang kaparusahan
Na kamatayan sa mamamayan
Anong iyong sinasabing, ako’y naantig sa’yong pangangatwiran?
Ni hindi nga kita matantsa at maintindihan
Pangangatwiran mo namang mapang-api
Dapat sayo ay s’yang mapipi

At bakit mo ikukumpara sa iba


Itong ating bansang nagkakaisa
Ikaw lang naman ang napapaiba
Na ang gusto’y karahasan na

Bitayan? Hindi iyan basehan


Mayroon namang iba pang kaparusahan
Hindi kamatayan ang solusyon sa kasamaan
Bagkos pagbabago at karapatan para sa mamamayan

Joshua:
Kamatayang parusa’y nararapat lamang ibalik
Sapagkat dumarami na ang mga kriminal na lintik
Sa bansang ito'y nagkalat at naghahasik
Ang mga druglord maging mga adik.

Dito sa ating bansa, sunod sunod ang patayan


Ang kulungan at bilanggua'y hindi nila kinatatakutan
Dahil sa seldang bakal masarap din daw ang buhay
Iyan ba ang kabayaran sa mga taong pinatay?
Iyang mga druglord at tiwaling opisyal ang dapat sampulan
Dahil walang adik kung wala naman ang mga iyan;
Kapag ang adik ay nawala sa katinuan
Nagagawa ang mga bagay na hindi makatarungan

Maging mga anak ay ginagaw'an ng kahayupan


Anong hustisya kung sa kulungan lang ang bagsakan?
Hindi ba’t dapat sa kanila'y kamatayan?
Kaya huwag ka ngang magbulag-bulagan!

Nicole:
Para sabihin ko sa iyo,
Hindi bulag ang mata ko!

Joshua:
At lalo namang hindi ako!
Malinaw ang mga ito!
Subukan mo kayang idilat ang saiyo
Upang makita mo!

Nicole:
Nakadilat na ito
Baka iyang puso mo ang sarado
Tila ba puso mo’y bato
Okay lang na patayin ang kung sino
Dapat mong maintindihan, sa death penalty, ako'y tutol ng buong tapang,
Sapagkat ang buhay ng tao ay mahalaga sa’king sa puso't isipan.
Katarungan at pag-asa, ang aking ipinaglalaban
Ang kamatayan ay hindi nararapat na sulosyon sa ating bayan.

Lakandiwa:
Tama na, tama na!
At baka sa sakita’y mauwi pa
Ang inyong sagutang nakakahilo na
Gay'ong parehas naman kayong ang punto ay tama

Maraming salamat sa ating mga tagapakinig


Diyan sa sulok, sagitna at sa lahat ng duminig
Rito sa dalawa, kayo na ang humusga
Sa kanilang husay, atin ng palakpakan sila

You might also like