You are on page 1of 1

YUGTO NG ORAS

Jhe Perdido Oril


(Tabay Elementary School / SJ South)

UMAGA nang buhay, buong lakas ay nasa iyo.


Suliranin ay wala, buong maghapon ay sa’yo.
Tutulog, kakain, at maya-maya’y maglalaro.
Dito lamang umiikot ang iyong munting mundo.

TANGHALI nang buhay at ika’y abala,


Subsob sa pag-aaral, sa trabaho’y naghahanda.
Iba’t ibang suliranin ang nakasasalamuha,
Sa iyong landas, pagsubok ay naglipana.

HAPON nang buhay at ika’y matagumpay na


Mayroong trabaho, sa bangko ay may ipon na.
Nagpasyang bumuo ng sariling pamilya,
Na makakasama sa hirap at ginhawa.

TAKIP-SILIM nang buhay at kalakasa’y nawawala


Perang naipon sa gamot rin mapupunta.
Maraming bagay ang sa ulirat ay nawawala na,
Alaala ng umaga na malungkot at masaya.

GABI nang buhay at hininga’y hinahabol,


Bilang na sandali sa kama’y iginugugol.
Ang diwa’y nawala pagkalipas ng ilang ungol,
At napalitan nang malalakas na hagulgol.

Pagnilayan ang buhay at ang hiwaga nito,


Gawing masaya ang bawat yugto.
Isa lang ang buhay ng bawat tao..
Ang gabi ay darating sa ayaw o sa gusto!

You might also like