You are on page 1of 6

PANITIKAN NG REHIYON II- CAGAYAN VALLEY

Ang rehiyong ito ay kilala rin sa tawag na Cagayan Valley.


Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang
Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas
ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at
dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.
Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng
Sierra Madre at Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang Luzon.
Ang Rehiyon II ay binubuo ng limang lalawigan: (Batanes Cagayan Nueva
Vizcaya Quirino Isabela)
Ang pangunahing wika sa rehiyong ito ay Ilokano.
Ang Cagayan Valley ay binubuo ng iba’t ibang mga katutubong grupo, sila ay
ang mga sumusunod:
 Ivatan sa Batanes
 Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela
 at Nueva Vizcaya
 Dumagat
 Isneg
 Ita
 Igorot
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay rito. Ang mga naninirahan sa
rehiyong ito ay kilala sa kanilang pagiging masisipag, magagalang,
makarelihiyon, matulungin, matipid at matapat sa kapwa.
 Basco- kabisera ng Batanes
 Ivatan ang tawag sa mga naninirahan dito, ito rin ang tawag sa kanilang wika.
 Mayroon ding mananalita ng wikang Ilokano at Ibanag.
 75% sa mga Ivatan ay mangingisda at magsasaka.
o Isa ito sa unang lalawigan na umiral noong panahon ng mga Kastila, tinawag
itong La Provincia de Cagayan.
o Ilan sa mga wikang sinasalita rito ay Ilokano, Ibanag, Itawis at Tagalog.
o Ang kabisera nito ay Tugegarao.
 Kilala ito sa mga katawagang: Queen Province of the Philippines, Rice Bowl of
the North at Corn Capital of the Philippines.
 Ilagan- kabisera ng Isabela
 Ang mga wikang sinasalita rito ay Ilokano, Ibanag at Gaddang.
NUEVA VIZCAYA
o Ang kabisera ng lalawigang ito ay Bayombong.
o Ang mga wikang sinasalita rito ay Ilokano, Pangasinense, Tagalog, Gaddang
at Isinai.
QUIRINO
 Cabarroguis- kabisera ng Quirino
 Ang mga wikang sinasalita rito ay Ilokano, Ifugao, Pangasinense, Kankana-ey
at Tagalog.
 Ang pangalan ng probinsya ay nagmula sa pangalan ni dating Pangulong
Elpidio Quirino.
Mga Tanyag na Manunulat Sa Rehiyon II
REYNALDO DUQUE
 Isinilang sa Candon, Ilocos Sur.
 Isang manunulat ng maikling kuwento, tula, nobela sanaysay, iskrip sa radyo,
telebisyon, pelikula at komiks.
 Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio Madarang ay mula sa kanyang panulat.
MARCELINO FORONDA JR.
 Isang kilalang historyador, manunulat at propesor.
 Manunulat sa wikang Ilokano.
 Ilan sa mga katha niya ay : America is in the Heart: Ilokano Immigration to the
United States, 1906-1930, Manila, 1976; Kutibeng: Philippine Poetry in Iloko,
Manila
FLORENTINO HORNEDO
 Isinilang sa Savidug, Sabtang, Batanes noong Oktubre 16, 1938
 Si Dr. Hornedo ay manunulat ng aklat sa Pilosopiya, Edukasyon, Kultura at
Kasaysayan.
FERNANDO MARAMAG
 Siya ay ipinanganak noong Enero 21, 1893 sa Ilagan, Isabela.
 Makata at manunulat ng sanaysay.
 Isinalin niya ang mga katutubong awiting Ibanag sa Ingles tulad ng Cagayanon
Labor Song, A Translation of an Orphan’s Song at Cagayano Peasant Song.
BENJAMIN PASCUAL
 Ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte.
 Isang kwentista at nobelista.
 Nakapagsulat na siya ng maikling kwento sa wikang Ilokano tulad ng Ang mga
Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog, nakapagsulat na rin siya ng
nobela sa wikang ito.
Panitikan ng Rehiyon II
MGA BUGTONG
Ang bugtong ay tinatawag na palavvun ng mga Ibanag na ginagamit bilang anyo ng
kasiyahan o isa ring anyo ng tagis talino.
Halimbawa:
1. Lumukag awan tu mata na Y lua na, itettena, Y kaguiakku, kagguianna.
Salin: Lumalakad walang mata Tumutulo ang kanyang luha Ang sinasabi ko’y sinasabi
niya.
2. Egga’y tadday nga ulapa Funnuan na kanna’y baggui na Tabbangan
Salin: Mayroon isang bagay Na kinakain niya ang kanyang sarili.
3. Egga’y babai ta Manila Maguinna toye’y guni na. Tabbagan
Salin: Ang baboy sa Manila Kung umiyak ay naririnig ng sanlibutan.
4. Furaw yl lauan na, Valauan y unac na.
Salin: It is white outside, It is gold inside
5. Egga yb bolsa ni Judas, Ngo napannu tap perlas.
Salin: Judas has a pocket Pearls are found on it.
Burburtia Dagiti Ilokano (Bugtong ng mga Ilokano)
Halimbawa:
1. Ania ti pinarsua ti Dios a agbalinsuwek no maturog. Sungbat:
Salin: Ano ang nilikha ng Dios na patiwarik kung matulog?
2. Langit ngato, tubig baba, danum agtinga Sungbat:
Salin: Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig ang nasa gitna.
3. Idi naparsua toy lubong, inda met naparsua dagiti uppat nga agkakabsat a di pay
nagkikita.
Salin: Noong nilikha ang mundo, nilikha na rin ang apat na magkakapatid na di pa
nagkikita.
Unoni ng mga Ibanag (Kasabihan ng mga Ibanag)- maaaring isang prosa o tula. Ito
ay paturo at kapupulutan ng aral.
Halimbawa:
1. Ybaruasi nga inikkaw Nu ari atazzi, alawa nikao Salin: Ang barong hiniram, Kung
hindi masikip, maluwag
2. Ariammu ibilang Nu ari paga nakkade ta limam Salin: Huwag mong bilangin Kung
wala pa sa iyong kamay
3. Kitu nga nepallo y ugug na Awa tu makaga na. Salin: Ang asong kahol ng kahol Ay
walang nakakagat.
4. Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta davvun. Salin: Nobody goes up who does
not come down.
5. Awat tu serbi na ru nga kukua, nu marake I pinangngapangngua. Salin: Wealth is
useless if character is worthless.
6. Mas napia Y mattaddday Anne ta mevulun ta marake nga tolay. Salin: It is better to
be alone Than to be with a bad companion
AWITING BAYAN - ang mga awit ay mga kanta para sa pag-ibig at madalas ang
mensaheng dala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-
aalay na maibibigay.
ALAMAT -akdang pampanitikan na nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Halimbawa:
 Alamat ng Lakay-Lakay
 Bato na hugis tao.
EPIKO
Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Ang epiko ay mula sa salitang griyegong "Epos" na nangangahulungang
salawikain o awit. Ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaringawitin
o isatono. Hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pagyayaring mahiwaga o
kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng mga nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian mithiin ng mga
tauhan.
BIUAG AT MALANA, EPIKO NG CAGAYAN
Norma S. Miguel
 Ang epiko ng Cagayan ay ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa
tabing ilog ng Matalag. Ito ang kuwento na tanyag sa mga Ibanag at ito ay
tungkol sa dalawanf matitikas na binata noong unang panahon- sila Biuag at
Malana.
 Sa "Nangalautan," doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok
kung saan naglaban ang dalawa dahil sa pagmamahal ng isang magandang
dalaga.
LUMALINDAW Isang Epikong Ga'dang
Si Lumalindaw, ang bayani ng Ga'dang na anak ng pinuno ng Nabbobawan na si
Kumalibac at kabiyak niyong si Caricagwat. May kakaibang kapangyarihan siya
sapagkat ilang araw lamang pamatapos siyang ipinanganak, naging isa siyang malakas
na tao. Sa kanyang sigaw napababagsak niya ang puno ng niyog at nagagawang
mapabagsak din ang anumang iblng lumilipad sa himpapawid. Mayroon din siyang
makapangyarihang kasangkapan at agimat- ang ayoding, isamg uri ng instrumentong
kawayan, na kapag tinugtig ang mga kuwerdas sa magkabilang dulo ay naghahayag ng
mga niloloob ng sinumang tumugtugtog.
Unang naging asawa nu Lumalindaw si Menalam at nagkaanak sila ng kambal,
sina Yadan at Busilelaw. Sa kanyang pangalawang asawa, kambal din ang naging
anak, at pinangalanan din na Yadan ang lalaki at Imugan ang babae. Nagkaroon pa ng
tatlong asawa si Lumalindaw, sina Carinuwan, Caligayan at Guimbangun at nagkaanak
da mga ito ng lalaki na pinangalanan din niyang Yadan. Sa pagtatapos ng epiko,
magtitipun-tipon ang kanyang mga anak na pare-pareho ang ngalan at makikilala nila
ang isa't isa bilang magkakapatid.
TULA
 Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito
ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
 Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang
diwa at sining ng kariktan.
Dumheb Ako Dumanis
Itinatago ko ang aking mukha at umiiyak tuwing makita ko
Ang aking mga kababata
Lahat sila'y tumatangkad at mas malaki pa
Sa mga halamang chipuhu at nunuk
Subalit ako, ang kawawang ako, di man lang tumangkad
Gaya ng damo sa pastula
Ngayon para akong ligaw
Na kahoy na di man lang tinangkang hanapin
Ng aking mga pinsan at ibalik sa tahanan.

MEDIKO ni Benigno Ramos


May isang medikong natapos mamatay
Nagtangkang umakyat sa sangkalangitan,
Siya, na sa lupa ay iginagalang,
Walang salang doo'y may sadyang luklukan.
Yang kaluluwang ngayo'y naglalakad
Walang automobil at resetang hawak,
Sa gitna ng ilang ay iiyak-iyak
Na animo'y batang nat'yanak sa gubat
Nag-iisa siyang bumangon sa hukay
At wakang aliping sa kanya'y nagbantay
Walang konsulteryong siksikan sa dalaw
Walang telepono na nananawagan
Walang taning damit sa kanyang paglakad
Kung hindi ang lambong ng maputing ulap.
Wala ni isa mang taong makausap,
Ang lahat sa kanya ay kasindak-sindak
Tumuktok sa ointo, pagdating sa kangit,
'Huwag kang tumuloy!" ang sigaw ng tinig.
Sa bayan ng Diyos ay walang may sakit,
Dito ay wala kang kwartang mahahapit.

You might also like