You are on page 1of 16

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Nagkakaisang Lahi,
Mundo’y Maisasalba
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Sherrie Shane S. Peñaflor
Co-Awtor - Content Editor : Emelita Jaime
Co-Awtor - Language Reviewer : Lyn Espiritu
Co-Awtor - Illustrator : Jeffrey R. Cordova/ Reicy L. Due
Co-Awtor - Layout Artist : Sherrie Shane S. Peñaflor

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD Education
Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Nagkakaisang Lahi,
Mundo’y Maisasalba
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani- kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maisagawa ang
mga tamang hakbang sa pag-unawa sa kalagayan o pangangailangan ng iyong
kapwa.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga


ng kapaligiran kahit walang nakakakita (EsP4PPP - IIIe - f–21)

1.1 Naiisa-isa ang mga pamamaraan upang mapangalagaan ang


kapaligiran

1.2 Naisasabuhay ang wastong pangangalaga ng kapaligiran kahit walang


nakakakita.

Subukin

Narito ang ilan sa mga suliranin na kinakaharap ng mundo na may kinalaman


sa ating kapaligiran. Kung bibigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na ayusin ang
suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng mundo ukol sa kapaligiran, ano ang
maaari mong ibigay na sanhi nito at kung paano ito mabibigyan ng solusyon.

1. Sanhi:
Maibabahaging Solusyon:

2. Sanhi:
Maibabahaging Solusyon:

3. Sanhi:
Maibabahaging Solusyon:

1
Aralin
Nagkakaisang Lahi,
2 Mundo’y Maisasalba
Ang mundo ay may iba’t ibang likas na kagandahan at kayamanan. Tayo ay
naninirahan sa iisang bubong lamang- ang langit. Lahat ng ito ay biyaya sa atin
ng Diyos Amang lumikha na dapat nating pagtulung-tulungan pagyamanin at
alagaan. Bawat isa sa atin ay dapat matutong sumunod sa alituntunin at batas
para sa kalikasan.

Ang tungkulin, obligasyon at responsibilidad ay itinuturing na


kasingkahulugan ng salitang pananagutan. Ito ang dapat nating gawin para sa
ating sarili at sa ating kapwa. Ang mundo ay may iba’t ibang likas na
kagandahan at kayamanan. Lahat ng ito ay biyaya sa atin ng Diyos Amang
lumikha na dapat nating pagtulung-tulungan pagyamanin at alagaan.

Kung bibigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na ayusin ang suliranin na


kasalukuyang kinakaharap ng mundo ukol sa kapaligiran, anong suliranin ang
gagawan mo ng solusyon? Bakit ito ang napili mo? Ano-ano kaya ang maaaring
mangyari kung magkakaisa ang lahat para sa pinapangarap na mundo? Ano-
ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga mamamayan?

Balikan

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa katapat ng bawat bilang


kung paano maiiwasan ang ganitong sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Sitwasyon Paano maiiwasan ito


1. Sa parke na may mga batang
namimitas ng mga bulaklak.
2. Ilog na may nagtatapon ng
basura.
3. Sa gubat na may nagpuputol ng
puno.

4. Sa dagat na may gumagamit ng


dinamita sa pangingisda.

5. Punong-puno ng basura at
barado ang kanal sa Barangay
Makipot.

2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral ng ikaapat na
baitang upang maunawaan at matutunan ang disiplina at pakikipagkaisa
sa pagmamalasakit at pangangalaga sa kapaligiran.

Tuklasin

Ano nga ba ang katangian ng isang taong disiplinado? Kailan dapat ipakita ang
pagiging disiplinado?

Basahin at unawain ang akrostik sa ibaba.

Disiplina ang kailangan upang kapaligiran ay mapanatili ang kalinisan.


Itapon ang mga basura sa tamang lagayan.
Sinupin ang mga gamit na maari pang pakinabangan,
Iwasan ang pagsira sa Inang Kalikasan.
Patunayan na kayang sumunod sa panuntunan,
Laging panatilihin ang kalinisan.
Isaalang-alang tuwina ang pag-aaruga sa kalikasan.
Ng mundo’y sumigla panatilihin ang disiplina.
Ang kalikasa’y isaisip sa tuwi-tuwina.
Disiplina’y ituring na pananagutan at tungkulin ninuman.
Oh! Anong saya kung ang lahat ay may disiplina.
Tayo ng magsimula sa bahay, paaralan at pamayanan.
Ating pangunahan ang kalinisan.
Yamang kalikasan atin ng pagyamanin at alagaan.
Oo tama nga, ang disiplina ay satin nagsisimu

3
Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong


kuwaderno.

1. Ibahagi ang mensaheng nais iparating ng tula.

2. Sa panahon ngayon, anong suliranin ng kalikasan ang pumupukaw sa


iyong damdamin?

3. Anong solusyon ang naiisip mong gawin para sa suliranin na pumukaw


sa iyong damdamin?

4. Ano sa iyong palagay ang mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa
pangarap na mundo?

5. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano mo mahihikayat


ang iyong kamag-aral, mga kapamilya, at mga kapwa Pilipino na
makamit ang mundong maayos at malinis?

4
Pagyamanin

A. Suriin ang mga sitwasyon at iguhit ang masayang mukha kung ang
isinasaad na sitwasyon ay nagpapakita ng disiplina sa pagpapanatili ng
tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran at malungkot na mukha
naman kung hindi.
1. Isang beses sa isang linggo ang pangongolekta ng basura sa
Barangay Pag-asa.

2. Si Gela at ang kaniyang mga kaibigan ay nakilahok sa programa ng


kanilang barangay na “Clean and Green Project”.

3. Ang grupo ng mangingisda na kinabibilangan ni Mang Celso ay


gumagamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda sa dagat.

4. Naglunsad ng programa si Kapitan Makisig na “Tapat mo Linis mo


Tuwing Linggo” na kung saan lahat ng mamamayan ay nakiisa.

5. Nakita ni Frankie ang grupo ng mga kalalakihan na nagpuputol ng


puno sa kagubatan kaya dali-dali niya itong ipinagbigay alam sa
kanilang kapitan.

6. Tulong-tulong sa paglilinis ng kapaligiran ng paaralan ang mga mag-


aaral ni Gng. Peñ a.

7. Nakita ni Bea na sinisira ng mga bata sa kanilang lugar ang mga


halaman sa kanilang plasa at hinayaan niya lamang ang mga ito.

8. Hinikayat ni Lejan ang kaniyang mga kamag-aral na makilahok sa


programa ng kanilang pamayanan na “Plant a Tree to Save Mother
Earth”, at sumang-ayon naman ang kaniyang mga kamag-aral.

9. Tuwing umaga nililinis ng mga miyembro ng Sanguniang Kabataan


(SK) ang mga kanal at estero sa kanilang barangay.

10. Nagkaroon ng palaro sa plasa ang Barangay Malinis at pagkatapos ay


pinabayaan lamang nagkalat ang mga basura.

B. Basahin at unawain ang sitwasyon. Magbigay ng reaksyon tungkol dito.


Isulat ang iyong kasagutan sa loob ng puso.

5
1. Habang naglalakad ka papasok ng paaralan, nakita mo ang grupo
ng mga mag-aaral na nagtatapon ng basura sa bakanteng lote na
malapit sa inyong paaralan. Ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa kalinisan ng kapaligiran?

1. Nagdaraos ng Pistang Bayan ang inyong lugar, maraming panoorin


sa inyong plasa, napansin mo na nagkalat ang mga basurang
pinagkainan ng mga manonood. Nakita mo din na kung saan-saan
lamang nagsisiihi ang mga kalalakihan. Ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa kalinisan sa inyong barangay?

Isaisip

Punan ng mga salita ang patlang gamit ang mga salitang nasa kahon upang
makabuo ng isang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang buong talata at sagot
sa iyong sagutang papel.

kakulangan kalikasan magtanim

pangalagaan kaligtasan kalinisan

Ang 1. ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito


nanggagaling lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Napagkukunan ng pagkain,
tirahan, gamot at marami pang iba.

Marami ang mga magagandang tanawin na mapapakinabangan para umunlad


ang turismo ng bansa. Ang 2. ng kaalaman sa pagbibigay halaga
sa kalikasan, pag-abuso, walang disiplina sa pagtatapon ng basura at maling
paraan ng pangingisda ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang

6
mga sakuna. Taon-taon nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa
at pagbabago ng klima.

Nararapat lamang na pangalagaan ang mga likas na yaman sapagkat ito’y


pinagkukunan ng mga pangangailangan at dito rin nakasalalay ang 3.
ng bawat mamamayan. Simulan sa sariling bakuran at sa maliit
na komunidad. Kumilos habang puwede pang isalba ang biyayang bigay sa atin
ng Panginoon.

4. ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha na nagiging


sanhi ng kalbong kabundukan at para mabawasan ang init ng ating mundo o
maiwasan ang “Global Warming”. Iwasan ang paggamit ng dinamita at
pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng
mga isda at iba pang yamang tubig.

5. ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang ating mga


pangangailangan. Ang pagtulong ng bawat mamamayan at iba pang kawani at
ahensya ng pamahalaan ay mas napapadali ang pagsagip sa Inang Kalikasan at
maipagpapatuloy ng susunod na henerasyon ang pangangalaga at pagmamahal
sa kalikasan.

Isagawa

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang bituin ( ) kung wasto
ang inilalahad ng pangungusap at buwan ( ) kung hindi. Ilagay ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Tumutulong si Eugene sa mga gawain ng kanilang paaralan na may


layuning mapangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran ng bukal sa
kaniyang kalooban.

2. Ang magkakaibigan na sina Mikaela, Jenny at Shirley ay nagpiknik sa


parke pero iniwanan nila ang kanilang pinagkalatan.

3. Buong siglang nakikibahagi si Vincent sa anumang proyekto para


mapalinis at mapaganda ang kanilang paaralan.

4. Hinahayaan ni Dennis ang kaniyang mga kalaro na magtapon ng mga


basura at mamitas ng mga halamang nakatanim sa kanilang bakuran.

5. Tumutulong si Alfred sa mga programa ng Supreme Pupil Government


Officers (SPG) kahit na alam niya na wala itong kapalit na marka.

7
Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay sa loob ng Hanay A ang


bilang kung nagpapakita ng pagpapanatili ng disiplina at pakikipagtulungan sa
pangangalaga ng kapaligiran at sa loob ng Hanay B naman kung Hindi.

1. Paglahok sa mga programa ng barangay at paaralan gaya ng Oplan Linis


upang mapanatili ang malinis na pamayanan.
2. Pagtatapon ng mga basura sa tamang tapunan.
3. Pagsunod sa mga alituntunin ng barangay sa pagpapanatili ng tahimik,
malinis at kaaya–ayang kapaligiran.
4. Pamimitas at pagsira ng mga bulaklak at halaman sa paaralan.
5. Paghikayat sa pamilya na magtanim ng gulay sa bakuran.
6. Hinahayaan ang mga kamag-aral na magtapon ng basura sa bintana ng
silid-aralan.
7. Pagtulong sa pamayanan sa pagbukod ng mga basurang nabubulok sa
basurang hindi nabubulok.
8. Pagsusunog ng mga plastik na basura sa inyong bakuran.
9. Tulong-tulong na pagtatanim ng mga puno at halaman sa kagubatan
upang maiwasan ang matinding pagbaha at pagguho ng lupa.
10. Pagtatapon ng mga dumi ng hayop sa kanal o estero.

Hanay A

Hanay B

8
Karagdagang Gawain

Gumawa ng maikling tula na naglalarawan ng mga pamamaraan kung paano


mapangalagaan ang kapaligiran. Gamitin ang rubrik bilang basehan ng iyong
gawain.

Rubic sa Pagguhit ng Komiks

PAGKAMALIKHAIN KAUGNAYAN SA KALINISAN AT ISKOR


TEMA KAAYUSAN

NAPAKAHUSAY Napakamalikhain ng May malaking Napakalinis at


pagsasarawan sa tula kaugnayan sa napakaayos ng
6
tema ng tula pagkakasulat ng
tula

MAHUSAY Malikhain ang May kaugnayan Malinis at


5 pagsasalarawan sa sa tema ang tula maayos ang
tula pagkakasulat ng
tula

KAILANGAN PA Hindi gaanong Bahagyang may Hindi gaanong


NG malikhain ang kaugnayan sa maayos ang
PAGSASANAY
pagsasalarawan sa tema ang tula pagkakasulat ng
4
tula tula

KABUUANG ISKOR

9
10

Karagdagang Tayahin Isagawa


Gawain
1. Hanay A A.
Depende sa gawa ng 2. Hanay A
bata. Gamiting 3. Hanay A 1.
basehan ang rubic. 4. Hanay B
5. Hanay A 2.
6. Hanay B
7. Hanay A 3.
8. Hanay B
9. Hanay A 4.
10. Hanay B
5.

Isaisip Pagyamanin
1. kalikasan
2. kakulangan
A.
3. kaligtasan 1. 6
4. magtanim
5. pangalagaan 2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.
B.
Depende sa sagot ng
bata

Subukin Balikan Surin

Depende sa Depende sa Depende sa sagot


sagot ng bata sagot ng bata.
ng bata

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Bumanlag, M., 2021. K To12 Gabay Pangkurikulum EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO. [online] Academia.edu. Available at:
<https://www.academia.edu/40154573/K_to12_Gabay_Pangkurikulum_EDUK
ASYON_SA_PAGPAPAKATAO> [Accessed 27 January 2021].
Admin, G., 2021. Most Essential Learning Competencies (Melcs)-Complete Files -
Guro Ako. [online] Guro Ako. Available at:
<http://guroako.com/2020/06/02/most-essential-learning-competencies-melcs-
complete-files/> [Accessed 27 January 2021].

LarryLijesta. "Esp 4 Yiii A6". Slideshare.Net, 2021.


https://www.slideshare.net/LarryLijesta/esp-4-yiii-a6.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division Learning
Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax:

(047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like