You are on page 1of 10

FILIPINO 4 QUIZ REVIEWER

PANITIKAN NG REHIYON I (ILOCOS REGION)

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang rehiyon ng llocos ay tinirhan pa ng mga sinaunang negritos bago pa sila mapunta sa ibang dako ng mundo. Ang
nga naninirahan dito ay tingguiangs, Ilocanos sa kanlurang bahagi at Pangsinense sa silangan.
 Sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, sinabi na ang Pangasinan ay hindi kabilang sa rehiyong ito.
 Ang Vigan City sa kasalukuyan ay tinawag na "Bishopric seat of Nueva Segovia.
 Ang mga ilokano sa norte ay nagtanim ng sama ng loob sa mga Espanyol dahil na rin sa kanilang pananakop.
Kasama sa pag-aalsa sina Diego Silang at ang kanyang asawang si Gabriela Silang noong 1764. Bagamat ang
mga Pangasinense ang nanatiling matibay na lumaban laban sa mga espanyol.
 Noong 1901 ang rehiyon ay pinamunuan ng mga Amerikano. 1941 naman ng sakupin ito ng mga hapon.
1945, ang pinagsamang pamahalaan ng mga Amerikano at Pilipino ang nagpalaya sa ikalawang
pandaigdigang digmaan.

MGA LALAWIGAN NG REHIYON I

Lalawigan Kabisera

Ilocos Norte Laoag

Ilocos Sur Vigan

La Union San Fernando

Pangasinan Lingayen

MGA PANITIKAN NG REHIYON I

Ang mga lalawigang bumubuo ng Rehiyon 1 ay may mga bugtong, kawikaan, kasabihan, awiting-bayan, at cancionan.
Mayroon din silang mga kuwentong bayan at mga maikling kuwento na namalasak na literatura ng rehiyon.

 BURBURTIA - Ang mga bugtong sa mga Ilokano ay tinatawag nilang "Burburtia" na nasusulat sa wikang
Ilokano.
 PABITLA - Tinatawag na "Pabitla ang bugtong ng mga Taga-Pangasinan.
 PAGSASAO - Ang mga kawikaan sa Ilokano ay tinatawag nilang "Pagsasao".
 DUNGDUNGWEN - Ang tawag sa mga awiting-bayan ng mga llokano na inaawit sa iba't ibang pagkakataon,
 DUNG-AW - Inaawit ito ng mga Ilokano sa patay bilang pagpapakita ng pagdadalamhati ng mga namatayan
habang nakaburol ang namatay.
• PAMULINAWEN – Ito ay isang awiting-bayan ng mga Ilokano. Ang awit ay ukol kay Pamulinawen, isang
magandang babaeng may matigas na puso na parang bato. Kahit gaano kasugid ang lalaki sa panunuyo sa
kaniya ay di niya ito pinapansin.
• SAY LIGLIWAY ATEN - Isang awitin tungkol sa isang amang gustong ihayag ang kanyang pagkabigo sa kanyang
anak na babae.
• CANCIONAN - Ang Cancionan ay debate sa musika at panulaan. Ang cancionan ay nilalapatan ng tama at
wastong himig sa isang pagtatanghal. Hindi ito laging inaawit,

Ang lumang cancionan ng Pangasinan at binubuo ng iba't ibang bahagi

▪ Pansatabi - sa simulang bahagi ay ang pagtanggap at pati ng mga "cansionista" ang pasasalamat sa isponsor/
tagapagtaguyod at ang walang hanggang pasasalamat sa Daklang Lumikha.
▪ Pangangarapan - nais malaman ng kakabaihan/babae ang kalagayan sa buhay/tirahan at mga gawain ng
lalaki.
▪ Pangkabataan - ang lalaki ay magsisimulang maningalang pugad, ang mga babae ay magbibigay ng mga
tanong tungkol sa Banal na Kasulatan at ang lalaki ay papatawan din ng mahihirap na gawain.
▪ Cupido - sisikapin ng lalaki na makuha ang matamis na op (pag-ibig) ng babae sa pamamagitan ng pagtugtog
ng instrumentong pang-musika at gayundin sa pagsasalita.
▪ Balitang - ito ang huling bahagi na kung saan ay maaaring atasan ang lalaki na umakyat at sumalo sa kanya sa
tanghalan-palatandaan ng pagtanggap o kaya naman ay hayaang manatili na lang sa ibaba na tanda ng
pagtanggi

MGA KUWENTONG BAYAN

o Si Juan Sadut o Ang Pitong Tangang Magkakaibigan


o Ang Gintong Tuntunin o Ang Tatlong Magkakapatid na Masuwerte
o Ang Hunyango at ang Pagong
MGA ALAMAT

o Bakit Umaakyat sa Damo ang mga Suso


o Ang Alamat ng Tirad Pass
o Ang Kauna- unahang Unggoy
o Bakit Maalat ang Dagat?

MGA MANUNULAT NG REHIYON I

Ang mga sumusunod na manunulat ng Rehiyon I:


1.Leona Florentino

 Siya ay isang manunulat ng mga tula sa wikang Ilokano at Espanyol noong panahon ng Kastila.
 Siya ang unang makatang babae ng llocus Sur.
 Ang mga nakilalang tula niya ay "Rucrunoy" (Dedication), "Naangaway a Cablaw" (Good Greetings) "Nalpay a
Namnama (Vanishing Hope), "Benigna", "Para ken Carmen", "Panay Pacada" (Farewell)
2.Jose Bragado

 Isa siyang nobelista, kwentista at makata.


 Sa kanyang mga nasulat ay mababanggit ang Pamulinawen, isang tulang pasalaysay, "Buneng" (Itak), "Kaarigi
ti Nasipaget a Rabir" (Like the Dark Night), at "Ti Pasala Bantay Ken Ti Ugsal" (The Dance, The Mountain and
the Deer)

3. Pedro Bucaneg

 Siya ang itinuring na "Ama Panitikang Ilocano".


 Buwan ng Marso ng matagpuan siya sa isang tampiping lulutang-lutang sa isang ilog sa pagitan ng bayani ng
Bantay at Vigan, Ilocos Sur ng isang labandera. Isang batang lalaki na isang bulag.
 Ang Bukaneg ay sinasabing pinaikli ng "nabukaan nga itneg", ibig sabihin "Christianized heathen".
 Siya ay pinagkalooban ng maykapal ng pambihirang katalinuhan.

4. Carlos Bulusan

 Tubong Binalonan, Pangasinan si Carlos Bulusan.


 Ilan sa kanyang mga nasulat ang "America Is In the Heart" (1946), "Chorus From America" (1942) at "The
Laughter of My Father" (1944).

5. Severino Montano

 (Jan 3, 1915 - Dec 12, 1980)


 Siya ang nagtatag ng "Arena Theater sa P NC" Nakasulat siya ng maramig dula. Ang ilan sa mga ito ay "My
Brother Cain", "The Land My Fathers Loved", "Thru Hopeless Years", "The Merry Wives of Manila", "Lonely is
My Garden", "Portrait of An American" at iba pa.

6. Andres Cristobal Cruz

 November 30, 1929, Dagupan January 7, 2007, Quezon City


 "Siya ay kilalang makata at kuwentista
 Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na "Estero Poems" ay nalimbag noong taong
1961.
 Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na "White Wall".

7. Isabelo delos Reyes

 Siya ay isang mamamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng  mga manggagawa.  Siya ang
nagtatag ng "Iglesia Filipina Independencia".
 Nagtamo siya ng gantimpala sa Exposicion sa Madrid dahil sa kanyang "El Folklore Filipino".
 Anak siya ni Leona Florentino, ang unang makatang babae ng llocus Sur at ni Elias delos Reyes.

8. Leon Pichay

 Isa siyang makata, nobelista, kuwentista, mandudula at mananalaysay sa wikang Ilokano.


 Nakilala siya sa larangan ng Bukanegan o Balagtasan sa wikang Ilokano at binigyan ng karangalang Prinsipe ng
Bukanegan

PANITIKAN NG REHIYON II (CAGAYAN VALLEY)

Kaligirang Pangkasaysayan

 Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang- silangang Luzon, sa pagitan ng
kabundukang Cordillera at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa,
ang gitna ng rehiyon ay dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga
Cagayan River - Pinagkukunang tubig para sa irigasyon.

Pinakamahabang ilog sa Pilipinas Chico River

Halos lahat ng mga lugar sa Cagayan Valley ay napalilibutan ng bulubundukin na katatagpuan ng mga kagubatan.

MGA LALAWIGAN NG REHIYON II

Lalawigan Kabisera
Batanes Basco
Cagayan Tuguegarao
Isabela Ilagan
Nueva Vizcaya Bayombong
Quirino Cabarroguis

MGA PANITIKAN NG REHIYON II

 BIUAG ANNI MALANA


Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa
lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa
mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at
dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon.
 SALOMON
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng "cinco -cinco" o instrumenting may limang kuwerdas tuwing Pasko sa
harap ng altar. Ito ay kasama sa salu- salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito
ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo.
 VERZO
Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma.
Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang
verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang "ossse -osse" at
"kilingkingan."
 AWIT
Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay pangako,
pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag- alalay na maibibigay.
Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa pinakamataas
nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o
"magingnganay" na natitipuhan nila.
Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa
mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang kalayaan nang mga
mamamayan ay may limitasyon.
 ALAMAT - Akdang pampanitikan na nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: Alamat ng Lakay-Lakay
 SALAWIKAIN - Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari
rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.
Mga Halimbawa: Awat tu serbi na ru nga kukua, nu marake i pinangngapangngua. (Wealth is useless if
character is worthless.)
 BUGTONG - Ang "palawun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o
kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks kung
pagod

MGA MANUNULAT NG REHIYON II

• REYNALDO DUQUE
Isinilang sa Candon, Ilocos Sur. Isang manunulat ng maikling kuwento, tula, nobela sanaysay, Iskrip sa
radyo, telebisyon, pelikula at komiks. Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio Madarang ay mula sa kanyang
panulat
• MARCELINO FORONDA JR.
Isang kilalang historyador, manunulat at propesor. Manunulat sa wikang ilokano. Ilan sa mga katha niya
ay: America is in the Heart: Ilokano Immigration to the United States, 1906-1930, Manila, 1976, Kutibeng:
Philippine Poetry in Iloko, Manila
• FLORENTINO HORNEDO
Isinilang sa Savidug, Sabtang, Batanes noong Oktubre 16, 1938, manunulat ng aklat sa Pilosopiya,
Edukasyon, Kultura at Kasaysayan.
• FERNANDO MARAMAG
Siya ay ipinanganak noong Enero 21, 1893 sa Ilagan, Isabela. Makata at manunulat ng sanaysay. Isinalin
niya ang mga katutubong awiting Ibanag sa Ingles tulad ng Cagayanon Labor Song, A Translation of an
Orphan's Song at Cagayano Peasant Song.
• BENJAMIN PASCUAL
Ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte. Isang kwentista at nobelista. Nakapagsulat na siya ng maikling
kwento sa wikang Ilokano tulad ng Ang mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog,
nakapagsulat na rin siya ng nobela sa wikang ito.
PANITIKAN NG REHIYON CAR (CAGAYAN VALLEY)

Kaligirang Pangkasaysayan

o Ang Cordillera ay nagsasariling rehiyon. Sa bisa ng Republika Akt 6766 na naging batas noong
Oktubre 23, 1988, ang CAR ay nabuo ngayo'y nagsasarili. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao.
o Ang rehiyong ito ay nagkakaroon din ng malamig na klima. May antas na 23 C ang katamtamang
temperatura. Kakulangan sa taniman ang nagbunsod upang gawin ang Hagdan-hagdang Palayan sa
Banawe (Banawe Rice Terraces).
o Pagmimina ang pangunahing yaman ng rehiyong ito ginto, bakal, "limestone", tanso at pllak. Benguet
at Mt. Province ang sentro ng pagmimina. Ang pagtotroso ay kabilang din sa kanilang kalakal,
kagamitang kahoy (woodcraft) at pagtatanim ng tabako ay pinagkakakitaan din nila. Nagluluwas din
sila ng mga sariwang gulay at prutas.

MGA LALAWIGAN NG REHIYON CAR

Lalawigan Kabisera
Abra Bengued
Apayao Cabugao
Benguet Trinidad
Ifugao Lagawe
Kalinga Tabuk
Mountain Province Bontoc

MGA PANITIKAN NG REHIYON CAR

MITO

 Ang mga mito ang pinakanaapektuhan ng pagkawala kasabay ang paglaganap ng impluwensiyang mga
tagakapatagan at ng relihiyong Kristiyanismo.
 Isang klase ng mito ay ang diam ng tinguian(Abra). Ang diam ay ginagamit pangritwal, ang mga mito ay
malimit na ginagamit pangritwal. Ang mga diam ay nagbibigay paliwanag sa mga pinanggalingan ng isang
nakaugaliang pangritwal at dahilan ng paggawa ng mga ito. Ang mga naitalang mito sa pag-aaral matapos ang
ilang taon ay naglaho.
1. How Balitok and Bugan obtained Children (Ifugao)
2. Lumawig and kabigat (kakanay)
3. Chacha and ked-yem (bontok)
4. Balitok and kabigat (ibaloy)
5. Kabukab (Kalinga)

EPIKO

1. Hudhud at Alim (Ifugao)


2. Ullalim, Gasumbi at Dadang-ay (Kalinga)
3. Bindian (Ibaloy)
4. Kanag Kababagowan (Tinguian)

AWIT

1. Salidommay
Isang klase ng awit ay ang salidommay na pinakasikat sa lahat. Ang salidommay ay kalimitang inaawit sa
panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at biglaang mga kasiyahan. Hindi ito
nakabase lamang sa isang gawain.
2. Dujung (Ibaloy)
Ang dujung ng Ibdoy ay para sa libing ng isang namatay.
3. Bajun at Chajang (Ifugao)
Ang bajun at chajang ng mga Ifugaw na inaawit sa pakidigmang ritwal.
4. Tubag at Ibi (Kalinga)
Ang tubag na inaawit ng mga Kalinga sa pagkakasundo ng kapayapaan. Ang Ibi para sa pag-alala sa namatay
5. Diwas at Dawak (Tinguian)
Ang Diwas kapag mayroong may sakit, sang-sangit para sa pagtapos ng libing sa hapon. Ang Dawak ay
kinakanta upang tawagin ang mga kaluluwa upang masapian at naway na inaawit sa pagtatapos ng
pagluluksa sa namatay.
6. Ayoweng at Charngek (Bontoc)
Ang Ayoweng at Chargek na inaawit tuwing nagtratrabaho ang mga tao sa palayan at annako para sa pagalala
sa namatay. Ang mga awit na ito ay naglalarawan ng mga gawain na pang araw-araw.

PANITIKAN NG REHIYON III GITNANG LUZON

Kaligirang Pangkasaysayan

 May apat na etno-linggwistikong pangkat ang rehiyon: Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Pangasinense. Ang
Tarlac ay may pinakamaraming uri ng mamamayang naninirahan dahil ito ang karaniwang tagpuan ng apat na
pangkat kaya tinaguriang "Melting Pot":
 Ang Rehiyon ay kilala sa karaniwang tawag na Gitnang Kapatagan (Central Plains) at itinuturing na
Palabigasan ng Bansang Pilipinas (Rice Granary of the Philippines).
 Kabilang sa mga makasaysayang pangyayari sa rehiyon ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
 Ang Martsa ng Kamatayan o "Death March" na nagsimula sa Mariveles, Bataan at nagtapos sa Capas, Tarlac;
ang pagpapatayo ng Dambana ng Kagitingan sa Bundok ng Samat sa Bataan ay nagpapagunita sa mga
Pilipinong nangagbuwis ng mga sariling buhay para sa bayan. Bahagi pa rin ng makasaysayang pangyayari sa
rehiyon ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

MGA LALAWIGAN NG REHIYON III

Lalawigan Kabisera
Aurora Baler
Bataan Balanga
Bulacan Maloles
Nueva Ecija Palayan
Pampanga San Fernando
Tarlac Tarlac Zambales
Iba

MGA PANITIKAN NG REHIYON III

BUGTONG

Bumbong kung liwanag Kung gabi ay dagat.


Sagot: banig
Dalawang bolang itim Malayo ang nararating.
Sagot: mata
Mataas kung nakaupo Mababa kung nakatayo. Sagot:
aso

SALAWIKAIN AT KAWIKAAN

Madali ang maging tao, Mahirap ang magpakatao.


Ang sakit ng kalingkingan, Damdam ng buong katawan.

PANUNUDYO

Bata batuta, Isang bao ang muta.


Tiririt ng Maya, Tiririt ng ibon, Ibig mag-asawa, Walang ipalamon.

MGA AWITING BAYAN

Hili o Hele
Atin Cu Pung Singsing (Pampanga)
Magtanim ay Di-Biro
Pandanggo ni Neneng (Tagalog) TULA

MGA MANUNULAT NG REHIYON III


▪ VIRGILIO S. ALMARIO
Kasalukuyang Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino.
▪ ANECITO DELA MERCED
Isa sa mga unang sumulat ng pasyon na nasulat noong 1856-1858 na may pamagat na "Pasyon de Nuestra
Jesucristo, na itinuturing na "Landmark of Tagalog Poetry"
▪ CIRIO H. PANGANIBAN
Maituturing na tunay at matibay na haligi ng Literaturang Filipino sapagkat hindi lamang siya isang makata.
Isa rin siyang mandudula, kwentista, mambabalarila. Naging Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay kilala rin bilang Komisyon sa Wikang Filipino. Sa larangan ng dula ay nakilala siya nang itanghal ang
kanyang lisahing yugtong dula sa dulaang Zorilia, ang Veronidia na gumamit ng sagisag na Crispin Pinagpala.
▪ VALERIANO HERNANDEZ PENA
Naging manunulat siya sa pahayagang Muling Pagsilang. May sagisag "Kinting Kulirat" Ang nobelang "Nena at
Neneng ay itinuturing na obra maestra ni Tandang anong (taguri sa kanya).
▪ MARCELO H. DEL PILAR
Kinikilalang mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya ng Diariong Tagalog noong 1892,
at pagkakapatnugot niya sa pahayagang La Solidaridad, naging epektibong tagapamansag ng kilusang
propaganda noong panahon ng Kastila. Isang abogado si Del Pilar na nakilala sa sagisag na Plaridel.
▪ HERMOGENES TAGAN
Kinilala bilang "Ama ng Sarswelang Tagalog".
▪ ROGELIO R. SIKAT
Nagtamo ng Palanca Award sa kanyang obrang "Impeng Negro".
▪ JUN CRUZ REYES (Bulacan)
Itinuturing na isa sa mga muhon ng wikang Filipino.
▪ ZOILO GALANG (Bacolor, Pampanga)
Kilala sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas bilang tagapagpaunang manunulat sa Ingles. Siya ang sumulat
ng unang nobela na pinamagatang "A Child of Sorrow"
▪ LAMBERTO E. ANTONIO (Cabiao, Nueva Ecija)
Makata at "Movie Scriptwriter". Siya ay editor ng Aklat ng Adama Project ng Childrens Communication
Center.
▪ FRANCISCO BALAGTAS
"Ama ng Panulaang Tagalog".

PANITIKAN NG REHIYON IV-A (CALABARZON)

Kaligirang Pangkasaysayan
• Alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap 103 na nilagdaan ni Pangulong Arroyo noong May 17, 2002 ay
napahintulutan ang paghati ng Rehiyon IV sa Rehiyon IV-A at Rehiyon IV-B.
• Tagalog ang wika ng mga mamamayan nito bagamat may iba't ibang baryasyon, Mayaman din sila sa
tradisyon, kultura at literature.
MGA LALAWIGAN NG REHIYON IV-A

Lalawigan Kabisera
Cavite Imus
Laguna Santa Cruz
Batangas Batangas City
Rizal Antipolo
Quezon Lucena

MGA PANITIKAN NG REHIYON IV-A

➢ BUGTONG
Ang mga bugtong ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura na hindi nakuhang wasakin, sunugin
at ibaon sa limot ng mga sumakop sa atin, pagkat marami sa ating mga bugtong tulad ng salawikain kasabihan ay
di natitik sa mga aklat.
Halimbawa:
Nakaluluto'y walang init, Nakapapaso kahit malamig —Yelo

➢ SALAWIKAIN, KASABIHAN AT SAWIKAIN


Ang bawat salawikain, kasabihan at sawikain ay nagbabadya ng mga aral sa buhay hango sa karanasan at pangyayari
o balong kadluan ng kagandahang asal at mabuting kaugalian na dapat pagkunan ng halimbawa ng
mga kabataan.
Halimbawa:
Salawikain - Ang taong may tiyaga, anuman ay nagagawa.
Sawikain - Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa kinaroroonan.

➢ MGA AWITING BAYAN


Ang awiting ito ay nagpapakilala ng mga kaisipan at damdamin ng bayang nagpapahayag ng mga katangian sa buhay.
Ang mga ito ay madamdamin at nakalulugod.
Halimbawa:
▪ Baka Maputikan
▪ Sa aming pagdating (Harana)
▪ Kasagutan sa Pusong Umiibig.
▪ Kasagutan sa Pagsinta

➢ TULANG PASALAYSAY
Ang ganitong uri ng tula ay nagsasaad ng pag-uulat ng mga bagay-bagay o mga pangyayayari sa pamamagitan ng
berso.
Halimbawa:
Ang Pangginggera ni Lope K. Santos

MGA MANUNULAT NG REHIYON IV-A


1. JOSE RIZAL
Ang pinakadakilang anak hindi lang ng Rehiyon IV-A kundi maging ng bansang Pilipinas. Kilala ang kanyang pangalan
sa larangan ng literatura na naging dahilan upang bansagan siya bilang Pambansang Bayani ng bansa.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Sa Aking Mga Kababata
• Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) 1887
• El Filibusterismo 1891
• Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) 189
• Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Filipino)
• Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) 1879
• Filipino Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isanduang Taon)
2. ALEJANDRO G. ABADILLA
Kilala sa kanyang palayaw na AGA. Tinawag siyang Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog/Ama ng Makabagong
Panulaang Tagalog at Ama ng Malayang Taludturan. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang nobelista at kritikong
pampanitikan.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Ako Ang Daigdig
• Piniling mga Tula ni AGA
• Tanagabadilla
• Mga Kuwentong Ginto

3. ILDEFONSO SANTOS
Isang makata na gumamit ng sagisag- panulat na llaw Silangan. Isa siyang tanyag na manunulat sa Tagalog noong
panahon ng mga Amerikano.
Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Tatlong Inakay
• Ang Guryon
• Sa Tabi ng Dagat
• Ulap at Mangingisda
• Kabibe at Tag-init

4. REV. FR. ARNEL S. VITOR


Premyadong makata at manunulat ng Rehiyon.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Ang Tutong
• Ang Dalawang Pilak

5. PASCUAL POBLETE
Siya ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang
panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Amor Patria
• Buhay ni San Vicente Ferrer
• Nagsalin ng Noli Me Tangere sa Filipino
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

6. PADRE MODESTO DE CASTRO


Siya ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika-19 na daantaon. Kinilala siya dahil sa kaniyang angking
kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay sinulat para malathala.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Urbana at Felisa
• Coleccion de Sermones
• Exposicion de la Siete Palabras
• Novena de San Pedro

PANITIKAN NG REHIYON IV-B (MIMAROPA)

Kaligirang Pangkasaysayan
Ang Rehiyon IV-B ay watak-watak dahil sa mga pulo nitong magkakahiwalay at ang bawat isa ay may sakop pang mga
pulo na magkakahiwalay rin. Ito rin ay rehiyon na halos lahat ng lalawigan ay napapalibutan ng tubig at wala itong
mga land border.
Ang rehiyon ay tinaguriang Treasure Trove of Southern Luzon at pinarangalan bilang isa sa limang nangungunang
rehiyon na pinagkukunan ng bigas sa buong bansa noong 2012.
MGA LALAWIGAN NG REHIYON IV-B

Lalawigan Kabisera
Occidental Mindoro Mamburao
Oriental Mindoro Calapan
Marinduque Boac
Romblon Romblon
Palawan Puerto Prinsesa

MGA PANITIKAN NG REHIYON IV-B


Mayaman ang literatura ng Rehiyon IV-B patunay dito ang kanilang mga tula na isinulat nila ng paiskrip sa mga biyas
ng kawayan, sa tapyas ng bato, sa mga sungay ng kalabaw at sa mga table sa pamamagitan ng kutsilyo bilang
kanilang panulat.

AMBAHAN at URUKAN (Mindoro)


✓ Mga bantog na tula ng Rehiyon.
AMBAHAN
- tulang paawit na ginagamitan ng iskrip na pumapaksa sa panunuyo at pag-ibig.
URUKAN
- tulang paawit na puspos ng mga salita, karunungan at mga katutubong ulat ng mga matatanda. Ito ay sinasaliwan
ng gitara, plawta, lira at ilan sa mga instrumentong may kwerdas
PANUBONG
- Isang tulang paawit na nagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan o parasa panauhin ng kanilang
baryo/nayon. Ito ay laganap sa Marinduque.

MGA MANUNULAT NG REHIYON IV-B


1. N.V.M GONZALES (Nestor Vicente Madali Gonzales)
Kilalang makata, mamamahayag, manunulat at guro. Isa siya sa mga manunulat noong panahon ng mga Hapon na
gumamit ng sariling wika sa kanyang mga akda.
Ilan Sa Kanyang Mga Akda:
• Warm Hand
• Children of the Asa-Covered Loom
• Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan

You might also like