You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

CATCH – UP FRIDAY
INTERBENSYON SA PAGBASA
(Reading Intervention)
FILIPINO 7
March 15, 2024
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

BAHAGI LAYUNIN GAWAIN


BAGO ANG GAWAIN SA PAGBASA  Handa, Basa!
(Pre – reading activities)  Nabubuo ang mga ginulong  Ihahanda ng mga mag-aaral ang mga
salita. kinakailangan nilang mga kagamitan
30 Minuto
sa pagbabasa at ang lugar na
pagdaraosan ng Gawain sa
pagababasa.
 Paglalaro ng “Ay Iskrambol”.
Magbibigay ang guro ng mga
”Jumbled/Scramble” na salita
patungkol sa kanilang babasahing
akda at ito’y susubukang tukuyin ng
mga mag-aaral.

HABANG NAGBABASA  Napauunlad ang kakayanan  Laro Ng Isip


(During Reading) sa pagbabasa.  Babasahin ng mag-aaral ang akdang
120 Minuto “Kung Bakit Umuulan” na isang
 Napagsusunod-sunod ang kwentong-bayan.
mga pangyayari sa akda.
“Kung Bakit Umuulan”

Bakit kaya umuulan?

Noong bago magkaroon ng panahon, walang


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

anumang mundo. Walang araw. Walang


buwan. Walang buhay. Walang kamatayan.

Ang mayroon lang ay sina Tungkung Langit at


Alunsina.

“Huwag kang malungkot, mahal kong


Alunsina, lilikhain ko ang kalawakan para sa
iyo. Araw, mga bituin, planeta, buwan, ulap,
hangin…”

“Ako rin,” sabi ng Alunsina. “Gusto ko rin


maglikha ng mga bagay.”

Ayaw ni Tungkung Langit na mapagod si


Alunsina kaya hindi siya pumayag. “Ang
aking mga nililikha ay regalo ko sa iyo.”

“Hindi ba ako’y Diyosa at mayroon ding


kapangyarihang lumikha?” tanong ni
Alunsina.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

Nagalit si Tungkung Langit. “Ang nais ko ay


hindi ka mapagod. Umupo ka lang diyan at
magpaganda at ako’y maglilikha.”

Nayamot si Alunsina. Gusto niyang lumikha


ng mga bagay.

“Huwag kang mag-alala, Alunsina. Para hindi


ka mayamot, lilikhain ko ang panahon! Ang
oras!”

At sa pagsabi nang ganoon ni Tungkung


Langit, biglang nagkaroon ng oras!

Pagkalikha ng oras, nagkaroon ng alaala. At


naalala ni Alunsina ang nakalipas — noong
wala pang kalawakan. Nanaig sa kanya ang
pagnanasa na lumikha. Siya’y umiyak.

Isang araw, palihim niyang sinundan si


Tungkung Langit. Nang makita siya, tinanong
ni Tungkung Langit, “Bakit ka narito? Bakit
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

mo ako sinundan?”

“Gusto kong lumikha ng mga bagay, tulad ng


ginagawa mo.”

“Mahal ko, ika’y nayayamot na naman ba?


Lilikhain ko ang kidlat at kulog para sa iyo.”

At nagawa ang mga iyon. Ngunit nagdamdam


si Alunsina.

“Lagi kang lumiklikha ng mga bagay. Bakit


hindi ko maaaring gamitin ang aking sariling
kapangyarihan?”

Umalis si Alunsina at hindi bumalik sa tabi ni


Tungkung Langit. Matagal bago pa makita uli
ni Tungkung Langit ang kanyang
pinakamamahal.

“Matagal kitang hinahanap, Alunsina. Labis


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

akong nalungkot.”

Mukhang masaya si Alunsina. “Nilikha ko ang


mundo — ang mundo ng mga puno at
bulaklak, ibon at isda. Nililikha ko ngayon
ang mga bundok at dagat.”

Mula noon, hindi ma muling bumalik si


Alunsina sa tinitirahan ni Tungkung Langit.

Tuwing ninanais ni Tungkung Langit na


dalawin si Alunsina, kailangan niyang maging
ulan — para pumatak sa mundong nilikha ni
Alunsina

 Maglalaro ng “Ayusin mo ang


Kwento Ko!”
 Papangkatin ng guro ang mga mag-
aaral sa apat na pangkat. Bawat
pangkat ay makatatangap ng mga
metastrips kung saan nakasulat
ang mga mahalagang pangyayari sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

kuwento.
Mahahalagang Pangyayari na isusulat sa
metastrips:

 Noong bago magkaroon ng panahon,


walang anumang mundo. Walang araw.
Walang buwan. Walang buhay. Walang
kamatayan.

 Nilkha ni Tungkong Langit ang kalawakan,


panahon at oras.

 Naalala ni Alunsina ang nakalipas — noong


wala pang kalawakan. Nanaig sa kanya ang
pagnanasa na lumikha. Siya’y umiyak.

 Nilikha ni Tungkong Langit ang kulog at


kidlat dahil siya ay nagdadamdam noong
siya ay sinundan ni Alunsina.

 Umalis si Alunsina at hindi bumalik sa tabi


ni Tungkung Langit. Matagal bago pa
makita uli ni Tungkung Langit ang kanyang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

pinakamamahal.
 Mula noon, hindi ma muling bumalik si
Alunsina sa tinitirahan ni Tungkung Langit.
 Tuwing ninanais ni Tungkung Langit na
dalawin si Alunsina, kailangan niyang
maging ulan — para pumatak sa mundong
nilikha ni Alunsina.

 Magpapaunahan ang bawat pangkat


sa pagdikit ng bawat metastrips sa
isang manila paper. Ang pagpaskil
ng mga metastrips ay nakaayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari
sa kuwentong binasa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

PAGKATAPOS NG GAWAIN SA  Napapagninilayan ang mga  Paggawa ng Reflection Paper.


PAGBASA mahahalagang pangyayari sa
(Post – Reading activities) akda.  Gagawa ang mga mag-aaral ng
30 Minuto repleksyon ukol sa kanilang
nabasang kwento batay sa tanong
na:

Bakit mahalaga ang mga tradisyon


at makalumang pananampalataya
sa ating pagkakakilanlan bilang
Pilipino?

Inihanda ni:

KING ACE C. FRANCO


Guro III
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division of Masbate City
Jolly T. Fernandez Avenue, City of Masbate

Tiniyak ang kalidad:

MARITES C. CLEOFE ARLIN A. JARDIN


Head Teacher VI Master Teacher II

MARIE GRACE B. MANLAPAZ


EPS I, Filipino

You might also like