You are on page 1of 2

Pangalan : _______________________________________________________________

Baitang at Pangkat : ______________________________________ Marka:________

SECOND QUARTER
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Written Test No. 4
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.

1. Dumalo ka sa kaarawan ng iyong pinsan nang hindi nagpapaalam sa iyong


mga magulang. Tama ba ang iyong ginawa?
A. Hindi po, Kasi hindi po ako nagsabi ng totoo.
B. Sasabihin ko po kung saan ako pumunta.
C. Tatahimik na lang po ako.

2. Bakit kailangang magpaalam ang bata sa magulang


bago umalis ng bahay?
A. Upang hindi mag-alala ang mga magulang
B. Upang alam nila kung saan ka pupunta
C. Upang hindi mapagalitan

3. Nakita mong nahulog ang pera ng iyong kamag-aral habang tumatakbo.


Ano ang iyong gagawin?

A. Hahabulin ko at ibibigay ang kanyang pera.


B. Hahayaan ko lang ang perang nahulog niya.
C. Kukunin ko ang pera at bibili ng pagkain.

4. May nakita kang supot sa harap ng inyong bahay at ito ay may laman na
bagong laruan. Ano ang gagawin mo?

A. Iiwan lang ang supot


B. Ibibigay sa kalaro ang laruan
C. Isasauli sa may-ari ang nakitang supot

5. Nakita mong lumabas sa silid-aralan ang kamag-aral mo habang nagtuturo


ang iyong guro, Ano ang iyong gagawin?

A. Isusumbong ko siya sa guro namin


B. Isisigaw ko sa kaklase na lumabas siya
C. Sasabihan ko siyang magpaalam muna sa guro.

6. Nakita mo ang kaklase mong binubura ang gawaing inihanda ng iyong


guro para sa inyong aralin sa araw na iyon. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Pipigilan ko siya
B. Tutulungan ko siyang magbura
C. Pagsasabihan ko siya na huwag burahin ang isinulat ng guro.

7. Naglaro ng mahabang oras si Andrie sa kompyuter kaya tinanghali siya ng


gising. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Sasabihin na nawili siya sa paggamit ng kompyuter.


B. Dapat hindi na niya sinabi na naglaro siya ng kompyuter.
C. Magkakaroon na siya ng tamang oras sa paggamit ng
kompyuter.

8. Kung wala kang klase o pagsusulit kinabukasan, maaari


ka bang maglaro sa kompyuter?
A. Opo, kung papayagan ng aking magulang
B. Hindi po maaari kasi kailangan kong mag-aral
C. Hindi ko po alam ang gagawin

9. Lahat ba ng nakikita o naririnig sa balita ay totoo? Ano ang dapat nating


gawin upang makilala ang katotohanan?

A. Makikinig nang mabuti sa balita.


B. Magtatanong sa nakatatanda.
C. Maghihintay pa ng ibang balita.

10. Ano ang gagawin mo kapag may napanood kang nakabibiglang balita sa
telebisyon?

A. Hindi ako dapat agad maniwala sa balita.


B. Alamin muna ang katotohanan at magtanong sa nanay
C. Tama ang lahat ng nabanggit na gawin.

You might also like