You are on page 1of 3

Karahasan sa LGBTQA+

Ang mga taong natukoy bilang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender,


Intersex at Queer (LGBTIQ) ay dapat may mga pantay-pantay na karapatan, at
lahat ng uri ng diskriminasyon ay labag sa batas. Ang karahasan ay parte ng
suliraning panlipunan at lahat ng kasarian ay may kaniya-kaniyang suliraning
pangkarahasan. Bagamat maraming LGBTQA+ ang lantad at malayang
nakikisalamuha sa lipunan ngunit hindi parin sila ligtas sa hamon ng
diskriminasyon. Sila ay nakatatanggap ng diskriminasyon di lamang sa kanilang
pamilya, ngunit pati narin sa kanilang trabaho, sa labas ng bahay at sa iba pang
lugar. Ito ay ang mga halimbawa ng Karahasan sa LGBTQA+. Katulad ng pagkitil sa
kalayaang makapagisa at pribadong pamumuhay, Panlalait, Pisikal na pananakit,
Hindi pantay na karapatan sa pinansya at pulitika, Mapang-abusong pananalita at
sekswal na panghaharass.

You might also like