VICMICO, Victorias City, 6119 Negros Occidental, Philippines
Tel. 399-2777 | Fax. 399-3632 | donbosco@dbti-victorias.edu.ph PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKTO TUNGO SA PANANLIKSIK- 11 PINAL NG SEMESTRE Mini Task 1: Tekstong Naratibo Layunin: Nakasusulat ng halimbawa ng uri ng tekstong tinalakay.. Pangalan: _____________________________________ Iskor: _______/12_______ Baitang at Seksyon: _____________________________ Petsa: ________________
Panuto: Ikaw ay isang baguhang manunulat sa Liwayway, isang magasing nagsimula pa
noong 1922 at itinuturing na pinakamatandang magasin sa Pilinas. Dito nalathala ang mga obra ng pinakamahusay na Pilipinong manunulat tulad nina Severino Reyes, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Lope K. Santos, Inigo Ed. Regalado, Liwayway Arceo, Lualhati Bautista, Genoveva Edroza-Matute, Benjamin Pascual, Efren Abueg, at iba pang mga higanteng pangalan sa larangan ng panitikang Pilipino. Ito na ngayon ang iyong pagkakataong makapagsulat ng sarili mong tekstong naratibo particular ang maikling kuwento na ilalathala rin sa nasabing magasin kung papasa sa panlasa ng editor.Gamitin mo ang mga natutuhan mo sa tamang paglalarawan mula sa aralin sa tekstong deskriptibo, gayundin ang mga ukol sa katangian at elemento ng tekstong naratibo upang makabuo ka ng maikling kuwentong hindi lamang makapagbibigay-aliw kundi mag-iiwan din ng mahalagang aral sa mga mambabasa at pagkalipas ng maraming taon ay maaari pang maituring na isa ring obra maestra ng panitikang Pilipino.
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating maikling kuwento.