You are on page 1of 1

Rhyan E.

Vera
BSED FILI 3-1

FILI 3003
Pagluto ng paboritong ulam:
Rhyan’s Chicken Adobo
Ang pagluluto ay isa sa aking gustong gawain sapagkat sa pamamagitan nito
nakakatulong ako kila nanay at tatay bukod pa rito natututo ako ng iba’t-ibang putahe gaya ng
menudo, caldereta, afritada, sisig, sinigang, at syempre ang paborito kong ulam ang adobo, atbp.
Sa katunayan bago ako pumasok sa paaaralan ay ako ang nagluluto ng aming agahan at ito rin
ang aking binabaon para maka-bawas ng gastusin sa aking pag-aaral.
Tayo ay may kanya-kanyang proseso o bersyon ng pagluluto nito. Sa aking pagluto ng
adobo, una kailangan munang ihanda ang mga sangkap tulad ng manok, patatas, bawang,
sibuyas, asin, paminta, laurel, asukal, toyo, suka, tubig, mantika, at ketsup. Pangalawa, balatan o
hiwain na ang mga sangkap na kinakailangan. Pangatlo, gamit ang kawali maglagay ng sapat na
mantika upang ma-prito ang mga patatas kapag naging golden brown na ito ay hanguin na ito at
itabi. Pang-apat, sa pinag-prituhan bawasan ang mantika sa kawali at isang-kutsa o igisa ang
bawang at sibuyas, kapag medyo naging golden brown na ito ilagay na ang manok at hintayin na
maigisa ito ng kaunti at ilagay na ang laurel. Pang-lima, matapos maigisa ito ilagay na ang asin
at paminta, matapos na sumama ang lasa at aroma ng mga pampalasa sa manok maaari na itong
itong timplahan ng toyo, suka, at tubig, tantsahin lamang ang paglagay upang hindi maging
maalat o maasim ang ating adobo. Pang-anim, kapag malambot na ang manok ilagay na ang mga
patatas na ilagay narin ang asukal at ketsup, at tantsahin din ang paglagay na mga ito. Pang-huli
tikaman ang adobo kung tama ang las anito, kapag ayos na maaari na itong ihain at
pagsalusaluhan.
Sa aking pagluto ng adobo hindi ko naman kaagad na nagawang perpekto kaagad ito
dumaan din ito sa mga puna ang mga nakatikim nito, ang kanilang nagiging puna ay aking
nagiging batayan upang mas mapabuti pa ang aking pagluluto nito. Ngunit sa aking pagluto hindi
lamang ng paborito kong adobo maging sa iba’t-ibang putahe na kaya kong lutuin isa sa nagiging
espesyal na sangkap na aking inilalagay sa bawat putaheng aking iniluluto ay ang pagmamahal .
Sa pamamagitan ng espesyal na sangkap na ito at ang ginawang kong pagsisikap sa pagluluto
nito ay tiyak na magugustuhan nila itong ng husto ng mga taong aking pinaglaan nito.

You might also like