You are on page 1of 1

Sinigang na

Baboy
Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na kilala sa maasim at
malinamnam na lasa nito. Madalas na nauugnay ito sa sampalok ngunit
maaaring gumamit ng mga ibang maaasim na prutas at dahon, katulad ng
kamyas o bayabas bilang pampaasim. Isa ito sa mga pinakasikat na ulam sa
lutuing Pilipino. Kadalasang sinasabayan ng kanin ang sabaw.

Kasangkapan:
1 kilong laman ng baboy
1 tasang sampalok (bunga)
1/2 kutsarang asin
1 kutsaritang asukal
4 na pirasong kamatis (hiniwa ng tig-
aapat)
1 pirasong sibuyas (hiniwa ng tig-aapat)
1 tali ng okra (buo)
1 piraso ng labanos (hiniwa nang manipis
at pabilog)
15 pirasong sitaw (pinutol sa 3" ang haba)
1 tali ng kangkong (pinutol sa 3" ang haba)
2 pirasong gabi (hiniwa ng tig-aapat)
2 pirasong sili pansigang

Hakbang sa Pagluluto:
1.Hugasan ang mga sangkap gaya ng baboy, kamatis, sampalok,
gabi, sitaw, kangkong, at okra.
2. Ilagay ang karne, sibuyas at gabi sa isang kaserola na may
tubig para sa pagpapalambot ng karne.
3. Lagyan din ng asin at asukal upang kumapit ang lasa sa karne
ng baboy.
4. Pakuluin ang karne, sibuyas at gabi hanggang ang karne ay
lumambot.
5. Kapag ang gabi ay malambot na ligisin ito o durugin ang gabi
upang maging malapot ang sabaw ng iyong sinigang na baboy
at siguraduhing malambot na ang karne bago ilagay ang kamatis
upang magkaroon ng kulay ang iyong sinigang at asim.

6. Pag naluto na ang kamatis at malambot na ang


karne maaari mo nang ilagay ang kangkong at sili
na berde .
7. Lutuin ang kangkong nang hindi hilaw at hindi rin
naman sobra sa luto. Kapag naluto na lahat ng
sangkap, ilagay na ang sampalok bilang pampaasim
nang iyong niluluto.
8. Tikman ang iyong niluto upang matantya mo ang
tamang lasa at maaari mo na itong ihanda sa inyong
hapag kainan.

You might also like