You are on page 1of 5

Semi- Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga sitwasyon o pangyayari kung ito ay pag
usbong ng nasyonaslimo o hindi pag usbong ng
nasyonalismo
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng nasyonalismo sa isang
bansa sa pamamagitan ng oral recitation
c. naipapakita ang pagmamahal sa tradisyon, wika at kapwa sa
pamamagitan ng pangkatang pagsasadula.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Kaugnayan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong
ng nasyonalismong Pilipino.
Integrasyon: Filipino at Esp
Estratehiya: Kolaborasyon at Kooperasyon
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, at T.V.
Sanggunian:://www.google.com/search?
q=banghay+aralin+sa+AP5+ang+kaugnayan+ng+pakikipaglaban+ng+pilipino
+sa+pag-
usbong+ng+nasyonalismong+pilipino&oq=banghay+aralin+sa+a&gs_lcrp=Eg
ZjaHJvbWUqBggAEEUYOzIGCAAQRRg7MgYIARBFGDkyBggCEEUYPTIGC
AMQRRg9MgYIBBBFGDzSAQkxODM5OGowajSoAgCwAgA&sourceid=chro
me&ie=UTF-8

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain
1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa
aming nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manatiling tahimik.

3. Pagtala ng liban sa klase


“Meron bang lumiban sa klase nating ngayon?”
Mahusay! Maganda ang pinapakita ninyo na kayo ay masisipag pumasok at
handing matuto.
At dahil diyan tapikin mo ang katabi mo at sabihin mong “Masaya ako at ikaw
ay naririto”

4. Pamamahala sa silid aralan


“Sa ating klase mayroon tayong mga alintuntunin na dapat ninyong sundin sa klase!
▪ Umupo ng maayos
▪ Tumahimik
▪ Makinig ng mabuti
▪ Ipataas ang kanang kamay kong may katanungan o nais
sumagot

B. BALIK-ARAL
Paksa: Impluwensiya ng mga espanyol sa kultura ng mga Pilipino

- Ano ang mga naging impluwensiya ng mga espanyol sa kultura


ng mga Pilipino?

C. PANGGANYAK
- Bumuo ng salita mula sa
mga letra sa loob ng kahon.
- Ano ang iyong nabuong NMANSAOAYSLI
salita? Ano ang iyong
pagkaunawa sa nabuong
salita?
(nasyonalismo)

C. Paglalahad/Talakayan
Ano nga ba ang ibig sabihin ng Nasyonalismo?
 Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagmamahal, pag-aalaga, at
dedikasyon ng isang tao sa kanyang bansa.
 Ito ay ang pagkilala at paggalang sa kultura, tradisyon, wika,
kasaysayan, at mga institusyon na nagbibigay ng katauhan at
pagkakakilanlan sa isang bansa.
 Ang mga espanyol ay namahala sa Pilipinas sa loob ng 333 na taon. At
sa mga panahong ito, marami talaga silang binago. Pero ang mga
ginawa nilang ito ay ang nagbigay dahilan upang makipaglaban ang mga
Pilipino at umusbong ang kanilang diwang makabayan
 Ang kamalayang makabayan o Diwang makabayan ay tumutokoy sa
pagiging mulat ng mga mamamayan sa tunay na mga nangyayari sa
estado.
Mga dahilan ng Pagkikipaglaban ng mga Pilipino na nagpa- usbong sa Diwang
makabayan ng mga katutubo
 Pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo
-Pag aalsa ng mga Igorot (1601)
- Pag aalsa ni Bancao (1621)
 Hindi paggalang ng mga pinunong Espanyol sa diwa ng pakikipagsunduan sa
mga katutubong pinuno
 Pag aalsang Agraryo
 Di- Makatarungang Pagbubuwis
 Pagtatrabaho ng mga katutubo
 Pagkamatay ng Tatlong Paring Martir
Mga Katangian ng mga Bayaning Nakipaglaban para sa Pag unlad ng Diwang
Makabansa.
“Ano ang bayani?
“Magbigay ng pangalan ng isang bayani…
“Iba’t ibang katangian ng isang Bayani”
 Matapang
 Maka Diyos at Mapag aruga
 Mapagubaya
 Matalino
 Mapagkumbaba

“Kahalagahan ng Pakikipaglaban ng mga Bayaning Pilipino”


 Pagmamahal sa Bayan
 Pag usbong ng Nasyonalismo
 Pagkakaisa at Pagsasama- sama
 Pagmamahal sa kapwa

D. Pagsasanay
(Hahatiin ng guro ang mag aaral sa tatlong pangkat at isasadula nila ang
pagmamahal sa bayan, wika at relihiyon)

Unang Pangkat – Isasadula ang pagmamahal sa tradisyon


Ikalawang Pangkat – Isasadula ang pagmamahal sa Wika
Ikatlong Pangkat – Isasadula ang pagmamahal sa kapwa
E. Paglalahat
“Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa isang bansa?
“Ano ang inyong natutunan sa ating tinalakay ngayong araw?

IV. Pagtataya
Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang PNP kung ang bawat
pahayag o pangyayari ay totoong nagbigay daan sa pag usbong ng Nasyonalismong
Pilipino sa Pilipino at HPNP naman kung hindi.
1. Mga hindi kanais nais na pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
2. Pagiging patas og pantay na ipinakita ng mga espanyol sa pagbibigay
desisyon.
3. Pagbibigay ng labis sa mga gawaing pampamahalaan sa mga Pilipino.
4. Maling pamamalakad ng mga pinunong Espanyol sa ating bansa.
5. Pagiging mabait at mapagmahal na ipinakita ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino.

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay Nasyonalismo na ang bawat
sitwasyon o gawain ay nagpapakita ng pagmamahal sa bansa at malungkot na
mukha naman kung Di- Nasyonalismo.
1. Pagtatanggol ng mga sundalong Pilipino sa kalayaan ng bansa sa panahon
ng digmaan.
2. Pagpapahalaga ng produktong gawa sa ibang bansa kaysa sa produktong
gawaang Pilipino.
3. Pakikipaglaban ng mga Pulis sa pagsugpo ng droga na sumira sa
kinabukasan ng maraming kabataan.
4. Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila ng panganib na dulot ng
COVID 19 pandemya.
5. Pagsunod sa mga kagustuhan mo na alam na ito ay labag sa batas o sa
ordinaryong ipinatupad ng ating bansa.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa epekto ng nasyonalismo sa pag unlad ng isang
bansa.

Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher
Observed and Checked by: _________________

You might also like