You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
STO. ANGEL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. STO ANGEL, SAN PABLO CITY, LAGUNA
______________________________________________________________________
PEBRERO 28, 2024 QUARTER 3
FILIPINO, BAITANG 7
IKATLONG ARAW NG IKA-APAT NA LINGGO

I. MGA LAYUNIN
Sa pagpapatuloy ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. Maitatala ang iba’t ibang salitang hudyat;
b. Masusuri ang mga salitang hudyat bilang panimula, pang-gitna o pang-wakas; at
c. Makasusulat ng maikling sanaysay gamit ang mga salitang hudyat.

II. PAKSANG ARALIN


Filipino 7, Mga Salitang Hudyat: Panimula, Panggitna, at Pang-wakas

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO


 Learner’s Material, Filipino 7, Quarter 3
 Pisara
 Yeso

IV. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO


A. PANIMULANG GAWAIN
 Pambungad na pagbati at panalangin
 Pagtatala ng liban sa klase
 Pagbabalik-tanaw sa aralin

B. PAGLALAHAD
1. PAGGANYAK
- Sisimulan ang klase sa isang charades, o pahulaan. Pipili ang guro ng isa sa mga mag-aaral para
mag-pahula o magsagawa ng mga body languages.
- Ang salitang dapat na mahulaan sa loob ng tatlong minuto ay ang “Salitang Hudyat”

2. PAGTALAKAY
- Mula sa isang masiglang pambungad, tatalakayin ng guro kung ano nga ba ang salitang hudyat at
kung kailan ito ginagamit.
- Pagkatapos ay ipababatid sa mga mag-aaral ang tatlong pangkat ng salitang hudyat;
a. Mga salitang ginagamit sa simula
b. Mga salitang ginagamit sa gitna
c. Mga salitang ginagamit sa wakas
- Ang mga salitang hudyat na ito ay hindi lamang makikita o magagamit sa mga pamamaraan o
proseso, malaking tulong rin ang mga salitang hudyat upang mas maunawaan ang pagkakasunod
sunod ng mga pangyayari sa kahit na anong uri ng panitikan.

3. PAGPAPAHALAGA
- Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag ang kahalagahan ng mga salitang hudyat
hindi lamang sa panitikan, kundi maging sa pang-araw-araw na pamumuhay upang mas
maunawaan ang mga bagay-bagay.

C. GAWAING PAGPAPAYAMAN
Panuto: Punan ng angkop na pahayag/salita ang simula, gitna at wakas ng talata. Piliin ang iyong sagot
sa pangkat ng mga salita sa ibaba.

1) __________________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
STO. ANGEL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. STO ANGEL, SAN PABLO CITY, LAGUNA
______________________________________________________________________
Jerry at Chris. 2) _________________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggi si
Chris at maputi naman si Jerry. 3) ________________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si Jerry ay
masipag mag-aral at masunurin sa magulang, samantalang si Chris ay ubod ng taamad mag-aral at bulagsak
naman sa mga gamit. Magkaiba rin sila sa mga bagay nan ais gawin. Si Jerry ay madalas tumulong sa kaniyang
ina sa gawaing-bahay samantalang si Chris ay mas gustong maglaro ng mga computer. 4) ______________ ay
Nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may Magandang ugali at karapat-dapat tumanggap ng parangal.

Kasunod Sa simula pa lamang Una Sa huli

D. TAKDANG ARALIN
Isulat sa kwaderno ang tamang pamamaraan ng pagsasaing. Gumamit ng mga salitang hudyat sa bawat
pamamaraan.

Inihanda ni:

Chesca A. Austria Inaprubahan ni:


Guro, SANHS

WILSON RAY G. ANZURES


Punongguro, SANHS

You might also like