You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Hilagang Samar
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG DON JUAN F. AVALON
San Roque, Hilagang Samar Iskor_____
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO- 9 __
Pangalan_______________________________Taon/Bilang__________________________Petsa______________
Panuto: Basahin at unawainng mabuti ang katanungan sa bawat bilang bago sagutan.

______1. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga
tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. Dula B. Pabula C.Nobela D. Parabula
______2. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral
ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Habang may buhay, magpakasaya ka.
B. Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
______3. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Ang parabula ay nag-iiwan ng aral sa mambabasa.
B. Ang mga mensahe nito ay hango sa mga aral mula sa Bibliya.
C. Nakatutulong ito upang magabayan ang mga tao sa kanilang buhay.
D. Nakapagbibigay ito ng impormasyon upang guminhawa ang buhay ng tao.
______4. . Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin
tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
A. Elehiya B. parabula C. pabula D. sanaysay
______5. Ito ang elemento ng elehiyang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito.
A. damdamin B . simbolo C. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
______6. Ito ang dalawang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan partikular na ang
elehiya.
A. patinig at katinig C. pamaraan at panlunan
B. tiyak at ‘di tiyak D. pormal at ‘di pormal
______7. Ito ay mga elemento ng elehiya maliban sa isa.
A. damdamin B. tema C. kabanata D. wikang ginamit
______8. Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.
A. damdamin B.simbolo C. kaugalian o tradisyonD. wikang ginamit
_______9.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang masining na anyo ng panitikang naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang tauhan at nagiiwan ito ng isang kakaintalan sa isip ng mga
mambabasa?
A. Alamat B. Pabula C. Parabula D. Maikling Kuwento
______10. Alin sa sumusunod na tunggalian ng maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban ng panghunahing tauhan sa kanyang
sariling paniniwala, pinsipyo at palagay?
A. Tao Laban sa Tao C. Tao Laban sa Lipunan
B. Tao Laban sa Sarili D. Tao Laban sa Kalikasan
_____11. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata?
“Hindi madaling pasukin ang kagubatang iyon. Madilim at masukal.
Bumuhos pa ang ang malakas na ulan kaya halos hindi na niya matanaw ang
daan. Subalit hindi siya mapipigil nito, hindi niya isusuko ang kaniyang hangarin”.

A. Tao Laban sa Tao C. Tao Laban sa Lipunan


B. Tao Laban sa Sarili D. Tao Laban sa Kalikasan
______12. Pinagmulan ito ng isang bagay lugar, pangyayari o katawagan na hubad sa katotohanan. Alin sa sumusunod ang tinutukoy
ng pahayag?
A. Alamat B. Epiko C. Tula D. Maikling Kwewnto
______13. Ito ay pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat. Alin sa sumusunod ang tinutukoy
nito?
A. Pagtataya B. Paglalapi C. Pagbubuod D. Pagbabalangkas
______14. Batay sa kahon sa itaas, saan makikita ang salitang-ugat?

*Paki+kuha= Pakikuha *Ipa+kain= Ipakain


A. Hulihan B. Unahan C. Gitna D. Gilid
______15. Ang sumusunod ay katangian ng alamat, maliban sa:
A. Kathang-isip B. May aral C Nakabatay sa kultura D. May malungkot na wakas
______16. Ito ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa kaaway.
A. Epiko B. Pabula C. Parabula D. Alamat
______17. 10.Ano ang pangunahing pinapaksa ng isang epiko?
A. Kabaitan B. Kabayanihan C. Katapangan D. Katapatan
_____18. Alin sa sumusunod ang kabilang sa paniniwala ng mga Hindu?
A. Kagandahan C. Katotohanan C. Katalinuhan D. Lahat ng nabanggit
_____19. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
A. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay.
B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay.
C. Binibigyan ng diin ang katangian ng supernatural ng tauhan.
D. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
_____20. Sa sumusunod na sitwasyon, ano ang higit na maituturing na pangyayaring pang-epiko?
A. Umalis siya at bumalik upang iligtas ang bayan sa halimaw.
B. Pinarusahan siya ng isang diwata at ginawa siyang isang prutas.
C. Siya ay ipinanganak sa kalsada at ito ang kaniyang naging tahanan.
D. Naging masaya ang magkakaibigang pusa dahil sa kanilang tagumpay.
_____21. Ito ay katangiang dapat taglayin ng isang bayani maliban sa isa.
A. mabuti B. makisig C. malakas D.matatakutin
_____22. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpapakita ng mga Hindu ng pagbati at pamamaalam sa kanilang kapwa.
A. beso-beso B. namaste C. pagmamano D. shake hands
_____23. Ang sinasahod ni Nena sa pabrika ay ________ lamang ngunit pilit niya itong pinagkakasya para sa kaniyang pamilya. Alin
sa mga salitang naglalarawan ang angkop gamitin sa pangungusap?
A. maikli B. makipot C. makitid D. maliit
_____24. Lubhang _______ ang kaniyang lupain na sinasaka sapat upang maitaguyod nang maginhawa ang kaniyang mag-anak.
A. maganda B. malawak C. malapit D. masinop
_____25 Ang tubig sa batis ay _______ kaya kitang-kita ang mga bato sa ilalim.
A. maaliwalas B. malinaw C. maningning D. mapusyaw
_____26. Ang pangarap ni Mang Benito para sa kaniyang pamilya ay ______.
A. makitid B. mataas C. matarik D. matayog
_____27. Ang pag-usad ng mga sasakyan ay _______ dahil sa malakas na buhos ng ulan.
A. mabagal B.makupad C. mahina D.matamblay
_____28.Isinukat ko ang sapatos na binili sa akin ni nanay noong nakaraang taon ngunit masikip na ito. Ano ang salitang
naglalarawan na ginamit sa pangungusap?
A. binili B. masikip C. isinukat D. sapatos
_____29. Ang daan patungo sa pinakatuktok ng bundok ay lubhang makitid kaya dapat na mag-ingat. Ano ang salitang naglalarawan
na ginamit sa pangungusap?
A. bundok B. daan C. lubhang D. makitid
_____30. Mapanganib ang maglakbay sa karagatan lalo na kapag may bagyo. Ano ang nasalitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap?
A. bagyo B. maglakbay C. karagatan D. mapanganib
______31. Pang-abay na sumasagot sa tanong na “saan”?
A. Pamanahon B. Panlunan C. Pananggi D. Pamaraan
______32. Salita o mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
A. Pandiwa B. Panghalip C. Pangngalan D. Pang-abay
______33. Pang-abay na naglalarawan sa dami, lawak, halaga, o sukat ng pagsasagawa ng kilos.
A. Panggaano B. Pang-agam C. Pananggi D. Pamaraan
______34. Lumipat ang mag-anak sa Maynila. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
A. Panlunan B. Pamanahon C. Panggaano D. Pamitagan
_____35. Inalay niya ng buong loob ang kanyang buhay. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. Inalay B. Buong loob C. Kanya D. Buhay

II. Punan ang talahanayan. Isulat ang hinhinging kasagutan sa bawat hanay.

MAYLAPI SALITANG UGAT PANLAPI URI NG PANLAPI

Kalupitan

masugpo

maalalahanin

nasadlak

pinagkaitan

Inihanda ni: Itinala ni:


JUFFY M. DE LEON MALYN M. LIM
Guro Filipino Koordineytor

Pinagtibay ni:
CLARINDA B. ACIBAR
Tagapangulo, Kagawaran ng Wika

You might also like