You are on page 1of 24

3

MATHEMATICS
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Dissimilar Fractions
Mathematics – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Dissimilar Fractions
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Development Team of the Module


Writers: Marybeth G. Estrada
Shirley G. Fuentes

Editors: Mary Joy D. Bautista


Juvy B. Nitura

Reviewers: Name
Illustrator: Name
Layout Artist: Marybeth G. Estrada
Shirley G. Fuentes
Cover Art Designer: Names
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio- Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jay-ar S. Lipura- REPS, Math
Lalaine SJ. Manuntag - CID Chief
Nelida Castillo- Division EPS In Charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz-Division ADM Coordinator
Roselyn G. Dardo- EPS Math

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

MATHEMATICS
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Dissimilar Fractions
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MATHEMATICS 3 ng Self Learning


Module (SLM) o Modyul para sa araling Dissimilar Fractions.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MATHEMATICS 3 ng Self Learning Module (SLM) o


Modyul ukol sa Dissimilar Fractions

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o

iii
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan ka na


maunawaan ang Disimmilar Fractions. Ito ay inihanda ayon sa
iyong interes at edad.Ang mga aralin ay nahahati sa dalawa.
Aralin 1- Pagpapakita ng Fractions gamit ang Regions, Sets at
Number lines (M3NS-IIIb 76.3)
Aralin 2 –Pagpapakita (Visualizing), Paghahambing (Comparing)
at Pagsusunod-sunod (Arranging) ng Dissimilar Fractions (M3NS-
IIId-77.3)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. Nakapagpapakita ang fractions gamit ang Regions, Sets at
Number lines; at
2. Nakapagpapakita (Visualizing), nakapaghahambing
(Comparing) at nakapagsunod-sunod (Arranging) ng
Dissimilar Fractions.

Subukin

Tingnan natin ang iyong kaalaman. Subukin mong sagutan


ang mga sumusunod na mga Gawain.
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang iyong sagut sa kahon katapat ng bawat ilustrasyon .

1
1. Tukuyin kung anong bahagi ng set ang may kulay o shade.

2. Iguhit at ipakita ang isinaad na fraction gamit ang regions,


at number lines.
Six-nineths

3. Gamitin ang cross product method sa paghahambing


ng sumusunod na fractions. Isulat ang simbolo na < = >.
5 7
7 ________ 9
4. Ipakita ang katumbas na larawan ng bawat set ng
dissimilar fractions gamit ang mga hugis sa ibaba.

6 3
7 7
5. Ayusin ang pangkat ng dissimilar fractions sa ibaba mula sa
pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
6 8 4
10 6 8

Aralin PAGPAPAKITA NG FRACTION GAMIT ANG

1
REGIONS, SETS, AT NUMBER LINES

Layunin:

Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay


inaasahang:

2
1. Nakapagpapakita ng fraction gamit ang regions, sets, at

number lines;
2. Natutukoy ang bahagi ng fractions sa region, sets, at

number lines sa mga ilustrasyon; at


3. Naipapakita ang saloobing pagkakapantay sa lahat ng

pagkakataon.

Balikan

Sa iyong nakaraang aralin, natutunan mo ang pagbasa ng


fraction na sobra sa isa.
Panuto: Kulayan o i-shade ang bahagi ng fraction na
isinasaad ng mga sumusunod.
1. five-fourths 5
4
4
2. four–thirds
3

3. six-fourths 6
4

4. six-thirds 6
3

4. eight-fifths 8
5

Tuklasin

3
Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapakita ng fraction
gamit ang regions, sets, at number lines.
Panuto: Basahin at unawain ang suliranin sa ibaba at sagutin
ang mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.

Masayang naglalaro ang magkakaibigang Musta, Sisma at


Lika. Nang biglang naisipan nilang mamitas ng prutas sa taniman
nila Lika para ipamahagi sa mga batang nawalan ng bahay dahil
sa pananalasa ng bagyo.
Sa kabuuan ay nakapamitas sila ng 30 iba’t-ibang uri ng
prutas. Sampu (10) ang manga, labinlimang (15) papaya at
limang (5) abokado.
1) Ano ang ipamahagi ng magkakaibigan? __________________
2) Ano ang pinakamaraming prutas ang napitas ng
magkakaibigan?_______________________________________
3) Anong kaugalian mayroon ang magkakaibigan?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Suriin

Sa ibaba ay ang mga mahahalagang terminolohiya sa


pagpapakita ng fraction gamit ang regions sets at number lines.
Shade - pagkukulay
Set – mag kasamang mga bagay
segment– tawag sa bahagi ng isang kabilugan
Fraction– bahagi

4
Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba
 Figure A
 Figure B 0
 Figure C

1. Sa Figure A, anong bahagi ng set ng mga bituin ang may


kulay? _______________________
2. Sa Figure B, ilang bahagi hinati ang number line? Ano ang
tawag sa dalawang bahagi ng number line? _______________
3. Sa Figure C, anong bahagi ng parihaba (rectangle) ang
may kulay?_________________________________
Ang nasa Figure A ang tawag ay set. Ang bahaging may kulay ay
3
dahil tatlo sa limang bituin ang may kulay.
5
Ang nasa Figure B naman ay tinatawag na number line. Ang
tawag sa dalawang bahagi ng number line ay 2 dahil ito ay
5
nahati sa limang bahagi.
Ang nasa Figure C naman ay halimbawa ng region. Ang
6
6
bahaging may kulay ay 4 dahil apat sa anim na bahagi ng
4
hugis ang may kulay.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.
Gawain 1: Tukuyin kung ilang bahagi ng regions ang may
kulay sa mga sumusunod na ilustrasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

5
1. 2. 3.

____________ _____________ _______

Gawain 2: Tukuyin kung anong bahagi ng mga sumusunod na set


ang may kulay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

Gawain 3: Iguhit ang sumusunod na fraction gamit ang


number lines. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1.
6
8

7
` 2. 8

5
3. 8

6
Isaisip

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na halimbawa ng fraction. Piliin


ang wastong kasagutan sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
papel. regions number lines set

1.
0

2.

3.

Isagawa

Narito ang karagdagang gawain na maaari mong gawin


tungkol sa pagpapakita ng fraction gamit ang regions, sets, at
numberlines.
Panuto: Kulayan o i-shade ang bahagi na inilalarawan ng
fraction at isulat ang katumbas ng fraction sa simbolo. Isulat ang
inyong sagot sa loob ng kahon.
1. five- sevenths

2. three-sixths

3. eight-tenths

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Ipakita ang sumusunod na fractions gamit ang


regions, sets at number lines.
1. Gamit ang regions
Nine-tenths
2. Gamit ang set
Six-nineths
3. Gamit ang number lines
Two-fifths
Tumpak! Napakahusay ng iyong ipinakita sa pagsagot ng mga
pagsasanay.

Aralin Napapakita (Visualizing), Nahahambing

2
(Comparing) at Napagsunod-sunod
(Arranging) ang Dissimilar Fractions

Layunin:

Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay


inaasahang:

1. Natutukoy ang bahagi ng figure ng dissimilar fractions;


2. Nakapagpapakita(visualizing),nakapaghahambing
(comparing) at nakapagsunod-sunod (arranging) ng
dissimilar fractions; at
3. Napahahalagahan ang kabuluhan ng pagbibigayan.

8
Balikan

Sa ating nakaraang leksyon ay natutunan ninyo ang tungkol


sa pagpapakita ng fractions gamit ang regions, sets at number
lines.

Panuto: Kilalanin ang mga figures. Isulat ang sagot sa sagutang


papel.

Tuklasin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapakita (visualizing),


paghahambing (comparing) at pagsusunod-sunod (arranging)
ng Dissimilar Fractions.
Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na figure. Tukuyin ang
bahagi ng figure na may kulay sa bawat bilang. Hanapin sa
bawat titik ang sagot at isulat ang wastong titik sa patlang upang
makabuo ng makabuluhang salita.

1). 2) 3)

4. 5) 5.

9
E= 1 A =1 S= 1 H= 1 R= 1
6 4 2 3 5
6. Ano ang makabuluhang salita na nabuo?
7. Bakit kailangan nating pahalagahan ang pagiging
mapagbigay?

Suriin

Sa ibaba ay ang mga mahahalagang terminolohiya sa araling


ito.
1) Visualizing- ito ay paraan sa pagpapakita ng larawan
2) Comparing-paghahambing ng dalawa o higit pang bilang
3) Arranging- pagsasaayos o pagsusunod-sunod ng isa o higit
pang bilang
4) Dissimilar- di magkakatulad o magkakaiba
5) Fractions-bahagimbilang, hatimbilang, bahagi o praksiyon
Halimbawa:

a. Visualizing o pagpapakita gamit ang folding method.


1 Pahalang na itiklop ang magkabilang dulo
2
ng papel upang mahati sa dalawa. Maari
ding gawin ito sa iba pang fractions.

b. Comparing o paghahambing gamit ang Cross


Multiplication Method. Gamitin ang simbolo na <, =, >.
I-cross multiply ang numerator at
denominator ng dalawang magkatapat
na fractions. Paparamihin ito upang
makuha ang products. Paghambingin

10
ang dalawang products kung alin ang
mas maliit, mas malaki o pantay. Gamitin
2 3 ang simbolo na <, =, > upang matukoy
4 4
ang sagot.
8 < 12

c. Arranging o pagkasusunod-sunod

Panuto: Basahin ang sitwasyon.

Si Kathleen at ang kaniyang nanay ay naglista ng mga


pagkain na ipamamahagi nila sa 10 kapitbahay na kapos
sa pagkain. Iayos ang lista mula sa pinakamabigat
hanggang sa pinakamagaan.

3 kilo ng manok 1 kilo ng sayote 1 kilo ng luya


4 2 8
1 kilo ng sibuyas 1 kilo ng kamtis
8 4
Ang pinakamabigat ay 3, 1, 1, 1, 1 .
4 2 4 8 8

Pagyamanin

Ngayon, subukan nating sagutin ang iba pang hamong


gawain tungkol sa pagpapakita (visualizing), paghahambing
(comparing) at pagsunod- sunod (arranging).
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Gawain I : Ipakita ang katumbas na larawan ng bawat set ng
dissimilar fractions gamit ang mga hugis sa ibaba. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

11
1 5
2 6
Gawain 2: Tukuyin ang katumbas na fraction ng mga figure.
Paghambingin ang bawat pares ng mga ito sa pamamagitan ng
> = < . Isulat ang sagot sa sagutang pael.
1.
2.

Gawain 3: Ayusin ang pangkat ng dissimilar fractions sa ibaba


mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.
1. 2, 1, 1 2) 3 , 5, 4
4 6 8 5 2 8

Isaisip

Panuto: Sagutin ang bawat Gawain. Pillin sa loob ng kahon ang


angkop na sagot at isulat ito sa sagutang papel.
pagpapakita paghahambing pagsunod-sunod
Ang folding method, pagguhit at paggupit ay mga paraan
sa _______________________ ng dissimilar fractions. Sa _____________
ng dissimilar fractions ay maaaring gamitin ang cross product
method. Ang ______________ dissimilar fractions ay paraan upang
malaman ang pinakamalaki o pinakamaliit na fractions.

Isagawa

12
Narito ang ilan pang mga gawain na maaari mong gawin
tungkol sa pagpapakita (visualizing), paghahambing (comparing)
at pagsusunod-sunod (arranging) ng dissimilar fractions.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Gawain 1: Basahin at unawain ang sitwasyon.
Si Ben ay gumupit ng parehabang papel. Hinati nya ito sa apat
na bahagi na magkakasinglaki. Kinulayan niya ang 3 bahagi.
Iguhit ang ginawa ni Ben at isulat ang angkop na fractions.
Gawain 2: Gamitin ang cross product method sa paghahambing
ng sumusunod na fractions. Isulat ang simbolo na < = >.
5 ______ 6 2. 7 _____ 5
6 7 9 7
Gawain 3: Gamitin ang sumusunod na fractions upang masagot
ang bawat tanong.
2, 3, 1, 3
5 4 6 9
Ayusin ang pangkat ng fraction.
a. Pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki
b. Pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit

Yeheey! Ang husay mong nasagutan ang mga pagsasanay sa


araling ito.

13
Tayahin

Nasiyahan ako at marami kayong natutunan sa modyul na


ito. Para matiyak kung hanggang saan ang inyong natutunan,
sagutin ang mga gawain ng wasto.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Tukuyin kung anong bahagi ng mga sumusunod na set ang


may kulay.

2. Iguhit at ipakita ang sumusunod na fractions gamit ang


regions, at numberlines.
four-fifths 4
5
3. Gamitin ang cross product method sa paghahambing ng
sumusunod na fractions. Isulat ang simbolo na < = >.
4 ______ 6
6 8
4. Ipakita ang katumbas na larawan ng bawat set ng dissimilar
fractions gamit ang mga hugis sa ibaba.
3 1
4 6
5. Ayusin ang pangkat ng dissimilar fractions sa ibabab mula
sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
4 6 5
6 5 7

Congratulations! Nasagot ang mga katanungan sa modyul na ito.


Ngayon ay handa ka nang sagutin ang susunod
na modyul.
14
Answer Key

15
16
Sanggunian
a. Aklat

Chingcuangco, Ofelia G., et.al. (2014). Mathematic 3. Kagawaran


ng Edukasyon

Canilao, Agnes V., et.al. (2012). Lesson Guide in Elementary


Mathematics Grade 3. Ateneo of Manila University, Philippines.

Chingcuangco, Ofelia G., et.al. (2014).Teachers’ Guide in


Mathematics 3. Kagawaran ng Edukasyon

b. Online Sources

Distance Education for Elementary Schools Self-Instructional


Materials Mathematics 4, LRMDS Portal

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like