You are on page 1of 3

Giella She Monique A.

Padilla BEED 1-A

THE WITCH AND THE PLAYBOY

Pepsi Marie Herrerra. Kilala bilang isang mangkukulam o witch sa Unibersidad ng St. Patrick. Si
Pepsi ay kinatakutan ng mga mag-aaral dahil sa mahilig itong mag ayos nang parang
mangkukulam, magsuot ng ma itim malalaki at mahaba na mga damit, pinag sama pa sa maitim,
mahaba at matuwid nitong buhok at nakakatakot na tindig na tila ba isang hakbang mo lang
papalapit ay magiging aso kana pag balik.

Hindi alam ng lahat maliban sa pamilya ni Pepsi ang tunay na kagandahan ng dalaga. Buhok na
kulay ginto, makikintab at mapupulang mata at kulay rosas na labi, magagandang kurba sa
katawan at mala dyosa nitong ganda ngunit lahat ito ay nakatago dahil sa kagustuhan ng dalaga
na maging iba sa lahat ng mga ka edad nito at sadyang gusto rin niya ang kinatatakutan siya sa
paaralan.

Pinaka ayaw ni Pepsi ang makipag salamuha sa mga kapwa nya ka edad lalong lalo na sa mga
lalaking matataas ang tingin sa sarili na kung baga, lagpas hanggang langit ang tingin sa sarili
kong pag-usapan ang anyong panglabas nito.

Jace Synder ang pinaka gwapo na binate sa Unibersidad ng St. Patrick, at kilala sa lahat bilang
mapaglaro na binata at hinidi na niniwala sa pag-ibig. Pag-ibig sa kanya ay parang laruan lamang
na nakapagpapalusog sa kanyang kaakuhan. Lahat siguro ng babae ay nagging jowa na niya
dahil hindi ito papayag na kahit isang babae man lang ay hindi nya ma akit, maliban nalamang sa
isa.

Sabi sabi sa loob nang Unibersidad ng St. Patrick na may isang binata na nag tangkang manligaw
sa mangkukulam ngunit nagging aso ito pag balik sa kanilang bahay. Ang tsismis na ito ay
naging ka aliwan sa mga kaibigan ni Jace at nag karoon sila ng pustahan kong makuha ba ng
binata ang loob ni Pepsi o hindi. Nag simulang maglakas loob si Jace na ligawan ang huling
babae na hindi nya na akit at ilagay ito sa kanyang list of conquests at ito ay mapa sa kanya ang
mangkukulam ng paaralan.

Ma aakit kaya ni Jace ang puso ni Pepsi na suklam na suklam sa katauhang taglay ni Jace? O
masasaktan lamang c Pepsi kung pagbuksan nya ang pinto para sa binatang kumakatok sa
kanyang puso? Ma bago kaya ni Pepsi ang mapaglarung katangian ni Jace o maging dahilan sa
paglala nito?

Ang kilalang taong palikero at mangkukulam ng paaralan ay malapit nang makikila, mananaig
kaya si Jace sa pan liligaw kay Pepci?
Ang Prosperity bracelet o mas kilala bilang Lucky Piyao ay napaka mahalaga para sa akin dahil
regalo ito ng aking Tita mom sa aking 18th na kaarawan. Ang bracelet na ito ay nangangahulugan
sa Chinise na kultura bilang magandang kapalaran sa nag susuot nito at ang mythical creature o
nilalang naman ay sumisimbulo na pag bigay protekta laban sa mga masasamang espirito o
masasamang enerhiya. Kulay itim ang mga kuwintas nito at may mga naka ukit na detalye at nag
bibigay ito ng eleganteng disenyo. Ang maliit na figurine naman ay isang mythical creature na
may katawan ng dragon at ulo ng isang loen.
Sa lahat ng na tanggap ko na regalo ito ang pinaka mahalaga para sa akin dahil buong puso ito na
binigay sa akin kasama narin ang mga mensahing nag bibigay sa akin ng magagandang mga
hiling para sa aking kinabukasan at pagbungad sa bagong kabanata ng aking istorya galing sa
aking mga pamilya bilang isang regalo sa aking debu. Ang bracelet na ito ay hindi lamang isang
accessory kundi ang bracelet na puno ng magmamahal na payo at mensahi galing sa
pinakamamahal kong pamilya.

You might also like