You are on page 1of 2

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

REGION IV- B (MIMAROPA)


DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

GAWAIN 2
A. Panuto: Subuking isaayos ang mga pangungusap sa ibaba. Gamitan ang mga ito ng angkop na
rhetorical devices o transisyonal na pananalita upang matamo ang koherens sa pangungusap.
(10 puntos)
1. Maagang natulog si Ronjo.
Aalis siya nang maaga.

2. Nanalo ang koponan ng Pilipinas sa SEA Games.


Nagbubunyi ang Pilipinas.

3. Isang malawakang paghahanda ang ginawa ng pamahalaan sa pagdating ng tag-ulan.


Naglilinis ang bawat barangay ng mga baradong kanal at estero.

4. Ang Unibersidad de Manila ang kauna-unahang Pamantasan sa buong bansa na may asignatura
tungkol kay Andres Bonifacio.
Malaking paghahanda ang ginawa ng mga dalubguro tungkol dito.

5. Nakipag-usap si Daryl sa mga opisyales ng barangay.


Nais niyang maibahagi ang mga gawain sa paglilinis ng mga estero.

6. Lumahok si Allen sa SEA Games.


Ibayong paghahanda ang kanyang ginawa.

7. Nakipagpulong si Ruzzel sa mga kinatawan ng Sangguniang Barangay.


Siya ay naatasang makipag-ugnayan sa mga kabataan.

8. Nagtagumpay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagpapanatili ng kalinisan.


Ginawaran ito ng Malakanyang nang Sertipiko ng Pagkilala.

9. Nakilala ang husay at talino ng mga iskolar ng Domingo Yu Chu National High School.
Matiyaga nilang pagsisikap at hangaring matuto.

10. Ang hangaring maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya ang dahilan ng pagtityaga
ni Jenny.
Nag-aaral siyang mabuti.
B. Bumuo ng isang makabuluhang sanaysay tungkol sa kalagayan ng Edukasyon sa ating bansa.
Gumamit ng mga Rhetorical Devices o Transisyonal na Pananalita sa pagbuo nito. Lagyan ng
salungguhit ang mga gagamiting Rhetorical devices na hindi bababa sa sampu (10). Sikaping
maging masining sa paglalahad ng paksa.

Pamantayan sa Pagmamarka

A. Nilalaman - 20
B. Tamang gamit ng mga salita – 10
C. Koherens - 10
____
40

You might also like