You are on page 1of 7

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

Week 3, Quarter 4, April 28, 2022


Day &
Learning Area Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery
Time
Thursday - April 28 2022
8:00 – 9:00 Filipino 3 Nasisipi nang wasto at Filipino 3 Modyul 2, Week 2  Ang mga magulang ay
maayos ang mga talata pupunta sa paaralan
(F3PU-IIIa-e-1.2, F3PU- I. Mga Inaasahang Bunga upang kunin ang mga
IVva-e-1.5) modyul ng kanilang anak.
II. Topiko  Ang mga mag-aaral
Pagsipi ng Talata naman ay susubaybayan
sa pagsagot ng kanilang
Sanggunian modyul gamit ang
Messenger Chatroom.
 "K To 12 Curriculum Guide In Filipino". 2016. Deped.Gov.Ph.
 https://www.deped.gov.ph/wpcontent/uploads/2019/01/FIlipino-
CG.pdf.
 Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning
Competencies With Corresponding CG Codes". Pasig City:
Department of Education Central Office, 2020.
 Kagawarang ng Edukasyon (2017). Batang Pinoy Ako. Patnubay ng
guro. Pasig City: Studio Graphics Corp, Philippines. p. 165-167.
 Kagawarang ng Edukasyon (2017). Batang Pinoy Ako. Kagamitan
ng ag-aaral. Pasig City: Studio Graphics Corp, Philippines. p. 96-97.

III. Pamamaraan
A. Paghahanda Pagganyak
Panuto: Sipiin nang maayos at wasto ang talata.

Si Donna
si donna ay aking matalikna kaibigan.siya ay may malaporselanang
kutis. Bagsak ang kanyang buhok.Pula nag maninipis niyang
labi.bilugan naman ang kanyang mga mata.Mabait na kaibigan si
Donna. Hindi siya maramot bagkus mapagbigay siya.Mahalna mahal
ko ang kaibigan ko na si donna
B. Balik Aral
Panuto: Ayusin ang mga salita para mabuo ang
pangungusap tungkol sa mga larawan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

B. Paglalahad
Pilipino Sila

Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lang tayo


kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan sa iba’t
ibang gawain kundi maging sa makukulay nating kultura.
Tunay na maipagmamalaki natin ang mga pangkatetniko
na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Maaaring sila ay nasa
kapatagan, tabing-dagat, o tabingilog. Ang iba naman ay nasa
kabundukan at kagubatan. Sila ay may sariling wika, tradisyon,
kaugalian, at paniniwala.
Sa kasalukuyan, ang mga Tagalog ang pinakamalaking
pangkat-etniko sa Pilipinas. Sinusundan ito ng mga Bisaya. Ngunit
hindi lang sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot,
Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito, at Aeta na makikita sa
Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga Manobo. T’boli,
Higaonin, at Tiruray.
Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang
paniniwala, wika, kaugalian, at tradisyon, sila ay mga Pilipino. Pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng iyong binasa?
2. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
3. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
pangkatetniko sa bansa?

C. Pagtatalakay
Ang talata ay grupo ng mga pangungusap na binubuo ng
isa o maraming kaisipan depende sa tagapagsulat nito.
Sa pagsipi ng talata, dapat na tandaan ang mga
sumusunod:
• Tamang pagkakabaybay ng mga salita;
• Wastong pagkakalagay ng mga bantas;
• Nakapasok ang unang pangungusap ng talata o naka-
indent; at
• Sapat na layo ng mga salita sa isa’t isa.

Halimbawa:
Mga pangungusap.
1. Ang Pasko ay simbolo ng pagmamahalan at
pagbibigayan nating mga Pilipino.
2. Tuwing Pasko tayo ay dapat magkasiyahan at
magkaunawaan.
3. Hindi makukumpleto ang buong taon ng bawat Pilipino
kung hindi tayo magdiriwang ng Pasko.

D. Paglalapat
Panuto: Isulat nang maayos ang mga pangungusap para makabuo
ng isang magandang talata.
a. Siya si mina, nasa ika-apat na baitang na siya.
b. Mahilig siya sa mga libro.
c. Lagi siyang nagbabasa kung wala siyang ibang gawain.
d. Madalas siyang magbasa sa ilalim ng puno ng mangga,
sapagkat masarap ang hangin doon.

E. Pagbuo ng Aral
Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang salita. Pumili ng sagot
sa loob ng kahon.

bantas naka-indent

pangungusap pagkakabaybay

kaisipan talata

Ang (1.) _____________ ay grupo ng mga (2.)________________


na binubuo ng isa o maraming(3.)_________________ depende sa
tagapagsulat nito. Sa pagsipi ng talata, dapat na tandaan ang mga
sumusunod: tamang (4.) _____________ ng mga salita; wastong
pagkakalagay ng mga (5.) _______________; nakapasok ang unang
pangungusap ng talata o (6.) ______________; at sapat na layo ng mga
salita sa isa’t isa.

F. Ebalwasyon
Panuto: Sipiin nang maayos at wasto ang talata.

Ang Klima at ang Aking Bansa

may mgabansa na nakakaranas ng Apat na Klima hinditulad ng ating


bansaAng pilipinas ay isang bansang tropikal? ito ay nasa tropiko ng
kanser na makikita sa itaas ng ekwador!

kapag malapit sa ekwador ang isang bansa,mayroon lang ito-ng


dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw at tag-araw at tag-ulan.
mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang mahalumigmig
at malamig ang panahon kung tag-ulan.
G. Karagdagang Gawain
Panuto: Sumipi ng isang talata tungkol sa COVID 19. Ilagay sa
ibaba ng awtput ang sanggunian o pinagkopyahan mo ng talata.

You might also like