Guro sa Filkom I. Base sa iyong naobserbahan sa iyong napanood, ipaliwanag sa holistikong paraan ang mga sumusunod; 1. Mayroon bang implikasyon at epekto ang pelikula sa: a. Kulturang Pilipino meron,ipinakita rito ang iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino. b. Pamilya may ipinakita sa pelikula na sitwasyon kung saan mayroong problema ang magkapamilya na hanggang sa huli ay hindi nagkasundo,na nangyayari rin sa totoong buhay c. Edukasyon May pangyayari mula sa umpisa kung saan ang isang lalaki ay nawalan ng bisa ang scholarship kaya ang ginawa ay nagnakaw nalang sa kanyang sarili ama d. Lipunan May pangyayari sa pelikula na hindi na kaya tustusan ng isang mga magulang ang kaniyang anak kaya iniwan niya ito upang magtrabaho sa ibang bansa e. Wika
iba’t ibang klase ng paggamit ng wika ang
ipinakita dito f. Bilang kaibigan
dahil sa pelikulang ito mas lumawak ang kaalaman
ko tungkol sa mga pangyayari sa aking paligid 2. Kung ikaw ang susuri ng pelikula magbigay ng tatlong suliranin na nais mong mabigyang kasagutan. 1.tungkol sa pagtutustos sa mga pangangailangan ng isang lalaki sa kanyang anak kahit na wala ito sa kanyang puder 2.pagsuko sa dignidad upang kumita ng pera 3.pag-abandona sa mga sanggol kahit ano pa man ang dahilan 3. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon upang tapusin ang pelikula sa paraang gusto mo, paano mo ito tatapusin? Isang masayang katapusan ang gusto ko kung saan masaya ang lahat ng mga tao doon sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinarap 4. Ano ang reaksyon at aral na maaari mong magamit sa iyong buhay ang iyong natutuhan sa pelikula? Ang natutunan ko sa pelikulang ito ay dapat wag gumawa ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan,at ang tumatak sa akin ay ang salitang ‘Hindi mo kailangang magbago para kanino’sapagkat darating at darating ang panahon na may magmamahal sa iyo kung sino ka talaga. SCRIPT NG JOLOGS G: Sh*t, ang liit ng mundo no? Diba may kakilala ako na kakilala mo rin pala o di kaya’y may kamag-anak ako na kamag- anak din pala ng kung sino-sino. Sa totoo lang kung minsan naiisip ko ang buhay natin ay isang malaking “six degrees of separation”. Scene 1 G: Ruben Guerra, Na deny ang scholarship mo. Kailangan mo magbayad ng buong 8,000 pesos B: Paano po iyon nangyari e last year po full scholar ako tapos ngayon tatanggalin nyo scholarship ko. G: Last sem hindi mo raw idineclare ang income ng tatay mo B: Eh hindi naman siya nakatira sa amin at tyaka wala syang naitutulong sapag-aaral ko. G: Kahit na its all the same B: Hindi ko alam ang income nya at tyaka hindi kami nag uusap G: I’m sorry. Next Samson! Scene 2 Lola: Bakit hindi mo lapitan ang tatay mo? B: Lola,. ayoko nga. Lola: Kayang kaya nya naman bayaran yung walong libong piso mo ah B: Noong si inay namatay may itinulong ba sya? Wala naman ah, tapos ngayon pupunta ako sa bahay nya mag mamakaawa. Lola: Haynako ruben, hindi ka mapapag aral ng galit mo. Scene 3 (SA TRABAHO) Nag padouble shift si ruben dagdag kita, Umuwi yung Amo at sinabi kay ruben na sya muna ang bahala sa Café. Pumasok ang babae at umorder ng brewed coffee. Walang panukli dahil kinuha ng Amo ang lahat ng pera kaya ang naisip na paraan ni Ruben ay isoli ng babae ang kape. *NAG AGAWAN ANG DALAWA SA KAPE* kaya sabi ng babae kapag natapon ang kape sya ang magbabayad nito kaya binitawan naman ito ni Ruben.Ininom ng babae ang kape at natabangan siya kaya nagpadagdag siya ng asukal,habangnilalagyan ng asukal ay dinuraan ni Ruben ang kape at tyaka ito binigay sa babae. Scene 4 (SA BUS) May lalaking nagtangkang magpasagasa sa bus na sinasakyan ni Ruben papunta sa bahay ng kanyang Ama. (SA BAHAY NG TATAY NI RUBEN) Humihingi ng pera si Ruben at binigyan siya ng Dalawang Libo at tyaka siya pinaalis dahil baka raw siya ay makita ng bagong asawa nito. Hindi umalis si Ruben bagkus ay hinintay niya hanggang sa muling magbukas ang gate upang siya ay makapasok ng hindi nila nalalaman. *NILOCK PICK ANG PINTO* naka pasok sa bahay at may nakasalubong na bata kaya itinali niya ito at tyaka nilock pick ang suitcase ng kanyang tatay at tyaka sinabi sa bata na kaya malakas ang loob niya na nakawan ang kanyang tatay ay dahil alam niyang hindi ito magsusumbong sa pulis sa kadahilanang ayaw malaman ng iba na may anak pala ito sa labas. Paalis n asana si Ruben ng may dumating na babae at nahuli siya na daladala ang suitcase na may lamang pera kaya sinugod siya nito at sila’y naglaban. Natamaan ng chaku ang babae sa ulo kaya siya ay nakatulog. Sakto naman ang pagdating ng mga village Guard Na tinawagan ng bata kaya naman hinabol siya ngunit siya ay nakatakas din dahil hinagis nya ang suitcase na may lamang pera. Kaya Pinulot ito ng mga Guard. Scene 5 (KATRABAHO NI RUBEN) Tinakasan siya ng kanyang Nobya upang magtungo sa Japan. *AIRPORT* Doon sinabi ng lalaki na hindi pwedeng umalis ng ganun-ganun lang ang babae at tyaka iiwanan ang sanggol na hindi naman siya ang Ama, itopala ay anak ng Babae at ng isang Hapon. Sinubukang pigilan ng lalaki sap ag alis ang babae ngunit gusto pa rin nitong tumuloy sa Japan, kaya ibinigay ng lalaki ang sanggol sa babae ngunit ibinigay din ng babae ang bata sa ibang tao at gumawa ng kwento at sinabing napulot lamang niya ang bata at tyaka umalis. Dumitresyo naman sa trabaho ang lalaki ngunit siya ay nahuli kaya naman nagalit ang kanyang Amo at siya ay tinanggal sa trabaho. Scene 6 Habang naglalakad ang bakla, huminto ang sasakyan ng lalaki at inaya siya na sumabay na. Pumayag naman ang bakla. Sa loob ng Kotse, pinalagyan ng piring at posas ang bakla at dinala siya sa madilim na lugar at may iba pang lalaki na naroon. Sinaktan siya ng mga ito, Mabuti nalang ay nakatakas siya. Scene 7 Babaeng naka pink may gusto sa lalaking may kotse na pula, hindi nagtagal ay inaya siya nito upang kumain sa isang mamahaling restaurant at doon bago siya kumain ay nanalangin muna sila at ang babae ang nanguna sa panalangin (angel of god). Dito rin nalaman ng babae na vegetarian pala ang lalaki kaya nag panggap siyang vegetarian din para masabing may pagkakapareho sila. Sa huli dinala siya ng lalaki sa isang pagtitipon. Doon nagalit ang babae at umalis. Scene 8 Inaya ng lalaki ang babae na magpakasal ngunit tinanggihan siya nito sapagkat wala na raw itong nararamdaman para sa kanya at may minamahal na siyang iba. Kaya naman sinubukan ng lalaki na kitilin ang sarili niyang buhay sa pamamagitan ng pagpapasagasa ngunit nakahinto ang Bus kaya hindi ito nabunggo. Kaya naman binunggo niya ang kanyang sarili sa bus kahit ito’y nakahinto na at tyaka siya natumba. Scene 9 MAY MAGKASINTAHAN NA ANIM NA BUWAN NA ANG TAGAL Ang babae ay makadiyos at may gusto gawin ang lalaki ngunit nahihirapan magdesisyon ang babae dahil ayaw pa niya ito gawin. Ngunit kalaunan ay nanghingi ito ng senyales mula sa diyos at ang nasaksihan niyang aksidente ang inisip niya na ipinadalang senyales. Doon nabuo ang kanyang desisyon na makipagtalik sa kanyang nobyo. Ngunit hindi rin ito natuloy sapagkat dumating ang nanay ng lalaki sa Paupahan dahil ito’y dumalaw sapagkat kaarawan ng lalaki.