You are on page 1of 2

“SA ISANG BANTAS”

Ni: Jhomari N. Antonio

Isa, dalawa, tatlo…

Ang mga numerong lumalabas sa aking bibig,

Na sinasabayan ng magandang himig,

Na punong puno ng pag- ibig.

Gusto kong maging taludtod,

Na bubuo sa iyong saknong,

Na sa bawat tono, diin, at antala,

Ikaw ang maging alaala.

TAYO, dalawang pantig na pinagsama,

Isang panghalip na nagbibigay paalala,

Sa bawat pang- uring nagsasabi,

Na may pag- asa pa.

Gusto kong maging patinig,

Upang mabuo ang iyong katinig,

Na sa bawat simuno at panaguri,

Na bubuo sa pangungusap ko.

Ngunit ayaw kong matapos sa isang pangungusap,

Na ang tanging bantas ay padamdam!

San nga ba tayo aabot?

Kundi sa tuldok lamang.

Ang kwento natin ay isang alamat,


Na hubad sa katotohanan,

Pipilitin kong maging kuwit,

Upang mapahinto man lamang.

Alam kong ang kwento nati’y,

Magtatapos din sa bantas,

Ngunit ayaw kong maging gitling sa prayoridad mo,

O maging kudlit para paikliin mo.

Maraming tayutay ang syang paborito ko,

At ang pagwawangis ang syang paborito ko,

Ikaw ang Maria ng buhay ko,

Ikaw ang Prinsesa ko.

Tinigilan ko na ang pag- iisip,

Ngunit sumisigaw ang aking dibdib,

Na sa bawat idyomang ginagamit,

Ikaw ang ikinakabit.

Sa isang bantas,

Tutuldok tuldok ang itinataas,

Dahil ang kwento natin,

Ay hindi pa nagtatapat…

#ParaSaFuture

You might also like