You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa

Filipino

Ikalawang baitang

Abril 27, 2016

Bb. Honey Clair D. Magdugo

I- Layunin:

Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang;

a. nakatutukoy ng ginamit na pang-ukol sa isang pangungusap;

b. nakasusulat ng isang pangungusap gamit ang pang-ukol; at

c. aktibong nakikilahok sa mga gawain

II- Paksa

a. Paksa: Pang-ukol

b. Sanggunian: Bagwis 2

pahina 205-208

(Pinagsanib na Wika at Pagbasa)

Ruben M. Milambing

c. Kagamitan: larawan
III- Panimulang Gawain:

Gawaing pang-guro Gawaing pang-mag-aaral


A. Panalangin
B. Isang minutong nakaugalian
C. Balik- Aral:
Kahapon ay natalakay natin ang pakikipanayam na kung
na kung saan ito ay pagtatanong tungkol sa mahaha-
lagang paksang nais mong mong itanong. Ito ay
maaring biglaan o ipinaalam sa kakapanayamin.
Halimbawa: Kailan ang araw ng kalayaan ng Pilipinas?
Guro, Hunyo 12 po.
Magaling! Noong Hunyo 12 idiniklara ang araw ng
kalayan sa Pilipinas na kung saan ginanap ito sa
Kawit,Cavite. Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pakikipanayam.
Bakit tuwing pebrero idinaraos ang Panagbenga Festival sa
Baguio City?

Gina, ano ang tatlong malalaking pulo sa Pilipinas?


Mahusay! Dahil dyan, napatunayan nyo na naiintindihan
na ninyo ang ating paksa. Ngayon dumako naman tayo
sa susunod na paksa. Handan a ba kayo mga bata?
Opo guro.
D. Paggayak
Ang guro ay tatawag ng dalawang estudyante isang
babae at isang lalaki upang basahin ang pinag-usapan
ng dalawang bata
Ang Sabi ng PAG-ASA

Merlie: Ano ang sabi ng PAG-ASA?


Norbert: Ayon sa pag-asa, signal number 2 daw. May
bagyo. Wala tayong pasok.
Merlie: Ngunit ayon kay nanay, merun daw. Hindi nya
siguro narinig ang balita.
Norbert: Mabuti pa, buksan mo na ngayon ang radyo
upang mapakinggan mo ang tungkol sa bagyo.

Nakinig ang dalawa sa radyo.

Merlie: Ay oo nga, ayon sa pag-asa signal number 2


tayo.
Norbert: Para sa kabutihan natin huwag tayong lumabas
ng bahay.
Merlie: Magbasa na lang tayo ng libro.

Mga bata, ano ang sabi ng PAG-ASA?


Guro, ang sabi ng PAG-ASA signal number 2 tayo at may
bagyo po.
Mahusay! Alam nyo ba mga bata na ang ibig sabihin ng
PAG-ASA ay Philippine Atmospheric, Geophysical,
Astronomical Services Administration. Sila yung
nagbibigay sa atin ng impormasyon kung may darating
bagyo sa ating bansa. Kaya’t mga bata kung may bagyo
ano ang gagawin natin?
Guro, ugaliin po nating manatili sa ating bahay upang di
tayo mapahamak.
Magaling! Upang tayo ay di magkasakit. Ngayon kanino
naman nanggaling ang balitang walang pasok?
Guro, sa nanay po ni Merlie.

Tama ba ang impormasyon ng nanay ni Merlie mga bata?


Hindi po guro.
Magaling, ngunit dapat nating tandaan na ang ating
Nanay o magulang ay dapat nating sundin kasi alam
nila kung ano ang mas nakakabuti para sa atin. Maaring
hindi narinig/alam ng nanay ni Merlie na walang pasok.
Opo guro.
E. Araling Panimula:
Mga bata may napansin ba kayo sa binasa ng dalawa
ninyong kaklase? Kung oo, ano ito?
Guro, napansin po naming na may salungguhit po ang
ayon sa, ng, tungkol sa at iba pa.
Mahusay! Ang mga ito ay tinatawag na pang-ukol. Ito ay
ang pang-ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap
o pinag-uukulan ng isang gawain.

Ang mga karaniwang pang-ukol ay ang mga sumusunod:

 sa/sa mga - ng/sa mga


 ayon sa - ayon kay/kina
 para sa -para kay/kina
 alin-sunod sa -alinsunod kay/kina
 hinggil sa -hinggil kay/kina

Halimbawa:
Ayon kay Alden magandang binibini si Yaya Dub.

Sinong nakakakilala kay Yaya Dub?


Ako po guro, siya po ay nakikita sa TV.
Magaling! Ngayon, sinong makapagbibigay ng
halimbawa gamit ang mga pang-ukol na nasa pisara?
Ako po guro. Bumili ng bulaklak si tatay para kay nanay.
Ayon kay Mark walang pasok bukas.
Si Ericka ay bumili ng gamot.

Mahusay! Dahil dyan napatunayan ninyo na naiintindihan


nyo ang ating paksang aralin.
F. Paglalahat.
Lagi nating tatandaan na ang pang-ukol ay pang-ugnay
na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o pang-
halip. Ito ay ginagamit natin araw-araw sa pakikipag
usap sa ating pamilya, kaibigan at sa mga taong
nakapalibot sa atin.

IV- Pagtataya:

Bilugan ang wastong pang-ukol sa loob ng panaklong.

1. Huwag na tayong lumabas (ng,sa) bahay tuwing may


bagyo.
2.( Ayon sa, Ayon kay) Rene, may parating daw na bagyo
bukas.
3. Ang binili kong Radyo ay (para kay, para kina) inay at
Itay.
4. Ang pagbabalita ng pag-asa ay (para sa, para kay)
mga mamamayan.
5. Si tatay ay bumili ng gamot (para sa, ayon sa) ubo.

V- Takdang Aralin

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-


ukol.

1. para kay
___________________________________________
2. alinsunod sa
___________________________________________
3. ng
____________________________________________
4. sa
____________________________________________
5. tungkol sa
___________________________________________

You might also like