You are on page 1of 20

5

ARALING PANLIPUNAN
Learning Activity Sheet
Quarter 4 – Week 5-6:
ANG PARTISIPASYON NG IBA’T-IBANG
REHIYON AT SEKTOR (KATUTUBO AT
KABABAIHAN) SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

Rehiyon VI- Kanlurang Bisayas

0
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 5-6: Ang Partisipasyon ng Iba’t-ibang Rehiyon at
Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Miyembro sa Pagsulat ng Modyul


Tagasulat: Ian T. Lastierre, Virgiely C. Fregil
Mylen Gladys Garbanzos
Rosavi M. Marañon, Rhoda Mae G. Torral
Editor: Nilo R, Carmona, Mary Hazel V. Pineda,
Tagasuri: Nilo R, Carmona, Raymund A. Santiago
Tagaguhit: Jose Kharlo L. Gambale
Tagalapat: Roxan E. Del Castillo
Manugdumala: Bago City Management Team
Allan B. Yap
Ermi V. Miranda
Ma. Lourdes V. Teodoro
Region VI Management Team:
Ramir B. Uytico, CESO IV
Pedro T. Escobarte, Jr. CESO VI
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel V. Pineda

1
Learning Activity Sheet
Pangalan: _________________________________________Seksiyon: _____________
Petsa: ____________________________________ Grado: __________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5


(Ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka sa bayan.

Ang mga pagbabago at patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa


Pilipinas ay umani ng reaksyon at pagtuligsa mula sa iba’t-ibang sektor.
Habang ang iba ay naging masunuring binyagang-Kristiyano, and iba
naman ay nagpakita ng pagtutol sa mga pagmamalabis dulot ng maling
pamamalakad at mapang-abusong patakaran ng mga pinunong Espanyol.

Ang mga pag-aalsang naganap ay nangyari dahil sa reaksyon sa mga


sistemang ipinatupad ng mga Espanyol at gayundin ay maipagtanggol ang
kanilang kalayaan. Ito ay nilahukan ng iba’t-ibang sektor ng tao sa lipunan
tulad ng mga katutubo, kababaihan, at ng mga taong may kinalaman o
kaugnayan sa relihiyon.

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang aralin patungkol sa partisipasyon


ng iba’t-ibang rehiyon at sektor. Tatalakayin din natin ang mga babaeng
kinilala ng ating kasaysayan at ang kani-kanilang papel na ginampanan sa
pakikibaka sa bayan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang partisipasyon ng iba’t-ibang sektor
(katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan, at
2. Nakilala ang mga namuno ng rebolusyon sa iba’t-ibang
rehiyon at sektor.

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


 Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo
at kababaihan) sa pakikibaka sa bayan.
(AP5KPB- IVf-4)

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng


Bayan
Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng
mga Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni
Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan ng
dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad
ng rebelyon.

2
Pag-aalsa ni Raha Lakandula (1574)
Si Raha Lakandula ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Tondo".
Siya ang bukod tanging may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at
pagiging malaya sa paghahanap-buhay. Subalit hindi nagtagal ang
kaginhawang ito, sapagkat ito ay ipinatigil ni Governador Lavezares. Ito ang
naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga
Kastila.Ngunit ng makita ni Raha Lakandula ang malakas na hukbo ni
Legazpi, sinalubong at nakipagkaibigan siya kay Legazpi. Pinakiusapan niya
si Raha Sulayman na tanggapin na ang pamamahala ng mga dayuhan,
ngunit hindi maatim ni Raha Sulayman na makipagkaibigan sa mga
Espanyol. Kaya ang ginawa ni Raha Sulayman ay tinipon niya ang kanyang
mga tauhan at muling sinunog ang Maynila at saka tumakas. Lulan ng 40
malalaking bangka, patungo sa Bulacan at Pampanga at namamaybay sa
Tondo sa bandang Bankusay. Hindi nabatid kung siya ay tumakas o
namatay sa labanan.
Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang
mga Kastila. Noong 1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula,
si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang hindi
pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang prebelihiyo nila nang hindi
pagbabayad ng buwis.

Pag-aalsa ni Raha Sulayman (1574)


Si Raha Solayman na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay
isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakandula,
hari ng Tondo noong ika-16 na dantaon.
Malugod niyang tinanggap at pinapasok ang
mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo.
Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng
mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga
linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon,
nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang
lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno
siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.

Pag-aalsa sa Pampanga (1585)


Ang Pampanga Revolt ay pinasimulan noong 1585 ng mga
Kapampangan na mga nagmamay-ari ng mga lupang sakahan o mas kilala
sa tawag na mga encomenderos na pawang tinanggalan ng karapatan bilang
mga dating datu ng kanilang barangay noon.
Nagplano sila upang lumusob at supilin ang hukbong nasa
Intramuros. Subalit bago pa man makapagsimula ang kanilang mga plano

3
ay hindi na ito natuloy pa sa kadahilanang ang kanilang plano ay ibinalita
ng isang Pilipina na nakapag-asawa ng isang Espanyol na kawal. Ipinadakip
at ipinakulong ni Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang mga pinuno ng
nasabing pag-aaklas at ipinapatay naman ni Heneral Christian Cruz-
Herrera.
.
Conspiracy of the Maharlikas (1587–1588)
Ang Conspiracy of the Maharlikas o mas kilala bilang Tondo
Conspiracy ng 1587-1588 ay ang rebolusyon laban sa mga mananakop na
Espanyol ng mga maharlika o ang pangkat ng mga datu ng Maynila,
Bulacan at Pampangga at kanilang mga kaanak. Ito ay pinangunahan ni
Agustin de Legazpi, pamangkin ni Raha Lakandula at ng isa pa nitong
pinsan na si Martin Pangan. Ang mga datu ay sumumpang makikidigma
laban sa mga mananakop at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan sa
kanilang dating mga nasasakupan at babawiin ang kalayaan ng kanilang
mga nasasakop. Subalit sila ay hindi naging matagumpay sa kanilang mga
hangarin. Ang kanilang mga balak at plano ay nabatid ng mga Espanyol
mula kay Antonio Surabao na nagmula sa Calamianes ng Palawan na isa
ring bahagi ng pamilyang maharlika sa nasabing lugar.

Pag-aalsa sa Cagayan at Dingras (1589)


Ang Cagayan at Dingras Revolt ay laban sa pagbabayad ng tributo ng
mga Pilipino sa lalawigan ng Cagayan at ng Ilocos Norte noong 1589. Ang
mga Ilokano, Ibanag at ang iba pa ay naglunsad rin ng pag-aaklas sa
kadahilanan ring ito dahil na rin sa mga pagmamalabis ng mga
conquistadores na nananakit at nang-aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa
pagbabayad ng mataas na buwis.
Nagsimula ito nang mapatay sa Vigan ng mga katutubo ang anim na
mga taga kolekta ng buwis ng pamahalaan. Ipinadala ni gobernador-heneral
Santiago de Vera ang kaniyang hukbong binubuo ng mga Pilipino at ilang
Espanyol upang mapatigil ang namumuong pag-aaklas na ito ng mga taga
Cagayan.

Pag-aalsa ni Magalat (1596)


Ang pag-aaklas ni Magalat ay nagsimula noong 1596 at sila ay tubong
Cagayan. Siya ay nadakip sa Maynila sa kasong rebelyon at ipinakulong ng
goberndor-heneral. Hindi naglaon ay pinalaya rin siya sa tulong na rin ng
ilang mga paring Dominikano. Kasama ng kaniyang kapatid na lalaki,
hinimok niyang ipagpatuloy ang pakikidigma sa mga Espanyol. Hindi
nagtagal ay nagawa nilang sakupin ang ilang nakapaligid na mga
kabayanan hanggang tuluyan nila itong makuha mula sa mga Espanyol na
mga kawal.
Ipinadala ni gobernador-heneral Francisco de Tello de Guzman sina
Pedro de Chavez mula sa Maynila kasama ng mga kawal na Espanyol at
Pilipino upang dakpin sina Magalat. Nagawang hulihin ang mga pinuno ng

4
pangkat ni Magalat ay binitay. Si Magalat naman ay patraydor na pinatay
ng kaniyang ilang mga kasamahan sa kanilang sariling kuta.
Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)
Mula sa kautusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de
Guzman, nagpadala ng isang ekspedisyon sa Cordillera para sa
pagpapalawak ng relihiyon sa bansa sa pamumuno na rin ni Padre Esteban
Marin. Si Marin ay ang kura paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang
kumbinsihin ang mga Igorot na maging mga Kristiyano.
Sa kabilang dako, hindi pumayag ang mga katutubo na mapasailalim
rin sa kagustuhan ng mga Kastila na maging mga Kristiyano sila at
talikuran ang kanilang mga paniniwala sa kani-kanilang mga relihiyon.
Pinatay ng mga mandirigmang Lumad si Marin kasama ng hukbong
pinadala ni Kapitan Aranda. Naging mabilis lamang ang rebolusyong ito ng
mga Igorot sa kadahilanang labis na dahas ang ginamit ni Aranda upang
masupil ang mga mandirigmang Igorot upang hindi na ito malaman pa ng
iba pang mga katutubo.

Pag-aalsa ng mga Tsino (1603)


Noong 1603, mahigit kumulang na 30,000 Tsinong mangangalakal,
namumuno at mamamayang Intsik ay pinatay ng mga Espanyol na
nnamumuno noon sa lugar. Ang mga nakaligtas ay agad na nagtungo sa
Wawa na ngayon ay mas kilala sa tawag na Guagua. Nagsunog at
naglunsad ng pag-aaklas ang mga Intsik na nanirahan sa Legarda at
Binondo at kanilang binantaan na kukuhanin nila ang pamumuno ng mga
Espanyol sa Intramuros.

Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622)


Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang
isang rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621. Matapos
makarating ng mga Heswitang pari sa Bohol ay agad nilang ipinakilala ang
Kristiyanismo sa mga Boholano at pinilit ang mga ito na iwan ang kanilang
dating relihiyon at paniniwala at tuluyan nang maging mga Kristiyano.
Hinikayat naman ni Tamblot, na isang babaylan, ang kaniyang mga
kababayan na huwag magpadala at maniwala sa mga paring Heswita at
manatili sa kanilang kinagisnan na relihiyon at paniniwala.
Nagsimula ang rebolusyong ito ni Tamblot noong ipinagdiwang ng
mga paring Heswita ang kapistahan ng isang patron, St. Francis Xavier sa
Cebu na naganap noong gabi ng bagong taon noong 1622. Hindi nagtagal ay
nahuli nila si Tamblot at binitay sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo upang
maging banta sa ilan pang mga Pilipino na hindi aanib sa mga Kastila at
lalabag sa kanilang mga kautusan.

Pag-aalsa ni Bankaw (1621–1622)

5
Ito ay pinamunuan ni Bankaw na dating datu ng Carigara sa Leyte.
Malugod na tinanggap noon ni Bankaw si Heneral Miguel Lopez- de Legazpi
noong dumating ito sa Pilipinas noong 1565. Bagaman nagpabinyag si
Bankaw sa Kristiyanismo, siya ay tumiwalag sa paniniwalang ito. Sa tulong
ng isang babaylan, si Pagali, nagtayo siya ng isang temple para sa mga
diwata at diyos na kaniyang dating pinaniniwalaan. Hinikayat niya ang
kaniyang mga dating nasasakupan na magbalik loob sa kanilang dating
mga paniniwala at talikuran ang Kristiyanismo. Gumamit si Pagali ng
mahika upang mahikayat ang mga tao na sumama sa kanila.
Ipinadala ni heneral Alonso Fajardo de Entenza ang alcalde mayor ng
Cebu na si Juan de Alcarazo kasama ang ilang kawal na Espanyol at mga
kawal na Pilipino upang sugpuin ang rebelyong binubuo ni Bankaw.
Matapos mahuli sila Bankaw, pinatawan sila ng parusang bitay at kaniyang
ulo ay inilagay sa isang kawayan upang magsilbing babala sa mga
Pilipinong nagnanais na mag-aklas laban sa mga Espanyol sa kanilang
lugar.

Pag-aalsa ng mga Itneg (1625–1627)


Ang rebolusyong Itneg o kilala rin sa tawag na Mandaya Revolt ay
rebolusyong nabuo dahil sa relihiyon laban sa pamumuno ng mga espanyol
sa pamumuno nina Miguel Lanab at Alababan. Pareho silang nabinyagan sa
Kristioyanismo at pareho ding tumiwalag agad dahil ang kanilang
pagpapabinyag ay sapilitang pinagawa noon sa kanilang bayan.
Sila ay namuno ng pag-aaklas dahil sa sapilitang pagpapalit ng
relihiyon sa mga mamamayan. Nang sila ay papuntahan sa mga paring
misyonaryo, ang mga ito ay kanilang pinatay at pinugutan ng ulo dahilan
upang sila ay tugisin naman ng mga Espanyol sa kautusan na rin ni
Governador-Heneral Fernando de Silva noong 1626.
Sinunog ng mga kastila ang mga taniman at palayan na naging sanhi
ng pagkagutom ng mga Itneg dahilan na rin upang sila ay sumuko noong
1627.

Pag-aalsa ni Ladia (1643)


Si Pedro Ladia ay isang Moro Bornean na nagmula sa angkan ni
Raha Lakandula na dumating sa Malolos noong 1643. Noong panahon na
iyon, ang kanyang lupain ay sinamsam ng mga Kastila kung kaya’t
pinamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa pagmamalabis ng mga
Espanyol sa kanilang pangangamkam ng mga lupain mula sa mga
Pilipinong tunay na nagmamay-ari ng mga lupain. Binansagan niya ang
kaniyang sarili bilang “Hari ng mga Tagalog”. Pinigilan siya ng mga paring
Espanyol sa kaniyang mga balakin subalit ito ay kaniyang ipinagpatuloy.
Nang siya ay madakip, siya ay ikinulong sa Maynila at doon pinatawan ng
parusang kamatayan.

6
Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–50)
Sumiklab ang Sumuroy Revolt noong 1649 sa pamumuno ni Agustin
Sumuroy kasama ng ilan sa kaniyang mga kababayan na Waray sa Palapag,
Northern Samar. Ang kanilang pangunahing dahilan sa pag-aaklas ay ang
pagmamalabis ng mga Espanyol sa sapilitang paggawa o polo y servicios.
Ang kautusan ukol sa polo ay nagsasaad na ang mga manggagawa
mula Maynila ay hindi ipadadala sa mga malalayong lugar sa kanilang
pagtatrabaho sa polo, subalit ang mga Waray ay ipinadala at ipinatapon
naman sa malalayong lugar tulad ng Cavite na siyang nagbunsod ng
kanilang pag-aaklas laban sa mga mananakop.
Matapos mapatay ang isang pari sa Palapag, mabilis na kumalat ang
pag-aaklas na inilunsad ni Sumuroy at nakarating ito hanggang sa
Mindanao, Bicol at sa Visayas, lalo’t higit sa lugar ng Cebu, Masbate,
Camiguin, Zamboanga, Albay, Camarines at ilan pang mga bahagi ng
Mindanao tulad ng Surigao. Isang gobyernong rebelyon ang kanilang
itinatag sa kabundukan ng Samar.
Subalit si Sumuroy ay nahuli at binitay noong Hunyo 1650 na siyang
naging dahilan upang humina ang kanilang hukbo. Ipinagpatuloy ng
kaniyang pinagkakatiwalaang kasama na si David Dula ang pakikipaglaban
subalit nang siya ay malubhang masugatan sa kanilang pakikidigma ay
nahuli siya at binitay din sa Palapag, Northern Samar kasama ng kaniyang
mga Heneral na nahuli ng mga Kastila.

Pag-aalsa ni Maniago / Pampanga Revolt (1660–1661)


Ang Maniago Revolt ay nalunsad sa Pampangga noong 1660. Sa
panahong ito ay labis na pinagnasahan ng mga Espanyol na mananakop
ang Pampanga sa kadahilanang mayaman ang bayan ng Pampangga lalo’t
higit ang kanilang relihiyon. Bukod dito, ang mga mamamayan ng
Pampangga ay pinatawan ng mas mataas na tribute, sapilitang paggawa
kahit sa malalayong lugar at ang pagkamkam sa kanilang mga pananim na
palay.
Karamihan sa kanila ay pinagtrabaho sa loob ng walong buwan na
higit sa mga napagkasunduan at hindi rin binayaran ang kanilang paggawa
sa mga ito maging ang mga bigas na kinukuha sa kanila ay hindi rin
binabayaran ng mga Espanyol. Hindi naglaon ay inilunsad nila ang kanilang
rebolusyon laban sa mga pagmamalabis sa kanila ng mga Espanyol.
Ang Maniago Revolt ay naging simula ng mas malawak, mas malaki at
mas madugong digmaan laban sa mga Kastila sa Pangasinan.

Pag-aalsa ni Andres Malong (1660–1661)


Si Andres Malong ay isang maestro de campo ng Binalatongan (na
ngayon ay kilala bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan). Siya ang
tumulong sa mga Espanyol, nang ang mga dayuhan ay magtatag ng

7
pamahalaan sa Pangasinan. Sa mga Espanyol niya natutuhang maging
malupit at gumamit ng dahas.
Napagtanto ni Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa
kaniyang mga naging kaalaman sa mga gawain ng Espanyol. Napigil lamang
ito dahil naunang mag-aklas si Francisco Maniago sa Pampanga. At nang
nabigo si Maniago, sinimulan ni Malong ang kaniyang planong mag-aklas
laban sa mga dayuhan. Nagsimula siya sa barangay Malungeuy, at nabigo.
Ang kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang pangarap,
ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay
niyang masakop ang buong Pangasinan. At idineklara ni malong, siya ang
Hari ng Pangasinan.

Pag-aalsa ni Almazan (January 1661)


Kasunod ng Malong Revolt ay ang Ilocos Revolt na pinamunuan ni
Don Pedro Almazan, isang mayamang namumuno sa bayan ng San Nicolas,
Laoag, Ilocos Norte. Ang mga sulat na ipinadala ni Don Andres Malong, ang
“Hari ng Pangasinan” na nagsasaad ng pagkatalo ng mga Espanyol sa
kanilang lugar sa kanilang rebolusyon ay nakapagpalakas ng loob ng mga
kapwa nila Pilipino sa mga karatig bayan at kabilang dito sina Don Pedro
Almazan.
Lumakas ang suportang tinanggap ng mga pag-aaklas na ito at
nagbunsod sa mga sumunod pang mga pag-aaklas. Pinangunahan ni
Almazan ang rebelyon sa Ilocos at tinawag siya bilang “Hari ng Ilocos” at ang
kanyang anak naman ay tinuran bilang “Prinsipe ng Ilocos”. Subalit
matapos ang digmaan ng mga Kastila sa mga Briton ay kanilang nadakip
naman si Almazan na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakabitay.
Pag-aalsa sa Panay/Tapar Revolt (1663)
Ang Panay Revolt ay kinilala rin bilang Tapar Revolt sapagkat si Tapar
ang namuno sa pag-aaklas na ito sanhi ng di pagkakaunawaan sa relihiyon.
Mula sa isang isla sa Panay si Tapar at nais niyang magtayo ng sarili niyang
relihiyon sa isla na hindi naman kailanman pinayagan ng mga Espanyol.
Napatay si Tapar kasama ng kaniyang mga tagasunod sa isang
madugong sagupaan sa patraydor na pag-atake ng mga kawal ng Espanya
kasama ang mga kawal na Pilipino.

Pag-aalsa ng mga Zambal (1681–1683)


Isang pangkat ng mga pinuno, datu ng Zambales ang tumangging
magpasakop at kilalanin ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas kung
kaya’t sila ay naglunsad ng digmaan sa mga ito.
Dagling nagpadala ng mga hukbo ang mga kinatawan ng Espanya sa
Pilipinas ng mga higit kumulang na 6000 kawal upang hindi na mapaigting
pa ang bilang at dami ng mga nag-aaklas. Matapos ang halos 2 taon ng

8
paglalabanan, tuluyang nasakop ng mga espanyol ang buong bayan at sila
ay tuluyan nang napailalim sa pamamahala ng mga Espanyol.Ang lahat ng
nakibahagi sa pagrerebelyon ay pawang pinatawan ng parusang kamatayan.

Pag-aalsang Agraryo (1745)


Ang Agragrian revolt ay nagtagal mula 1745 hanggang 1746. Kabilang
sa mga bayan na ito ay nagmula sa CALABARZON (Batangas, Laguna at
Cavite) at sa Bulacan na pawang bahagi ng walong sinag ng araw sa
watawat ng Pilipinas. Ang pinakaunang naglunsad at nagsimula nito ay ang
bayan ng Lian sa Nasugbu, Batangas
Ang mga tubong Batangas na tunay na nagmamay-ari ng mga lupain
ay kinamkaman ng mga ari-arian at ng mga lupain ng mga paring prayle at
ng iba pang mga Espanyol na namuno sa kanilang bayan. Pinilit nila ang
mga ito na ibalik sa kanila ang kanilang mga ari-arian at lupain subalit
iginiit ng mga prayle na ito ay hindi sa kanila sa kadahilanang wala silang
mga titulo ng mga ari-arian at ito ay marapat lamang na maging kabayaran
nila sa kanilang pamamalagi at pamumuno sa lugar.
Ito ang nagbunsod upang magrebelyon ang mga taga Batangas na
siyang naging dahilan upang ang mga ito ay sunugin maging ang mga
parokya ng mga paring prayle maging ng mga ranchong kinamkam ng mga
Kastila. Pinaimbistigahan ang pangyayari ng mga Kastilang namumuno
kung saan ipinag-utos na ibalik ng mga prayle sa mga Pilipino ang kanilang
mga ari-arian subalit nagawang baliktarin ng mga prayle ang naunang
kautusan kung kaya’t hindi ibinalik ang kahit anong pagmamay-ari sa mga
Pilipino.

Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy (1744–1829)


Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang
rebelyon na bunsod ng hindi pagkakasundo sa relihiyon. Matapos mapatay
ang kapatid ni Dagohoy ay hindi ito pinayagan na basbasan ng paring
prayle sa kanilang bayan. Ang pagtangging ito ng prayle ang siyang naging
dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang naging
pinakamatagal na rebolusyong nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino
kahit patay na ang nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.
Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra
hanggang kay Mariano Ricafort y Abarca ay hindi nagapi ang rebolusyong
ito na nakapagtayo ng isang malayang rebolusyonaryong gobyerno ng mga
Boholano. Nagpadala ng 2,200 kawal si Ricafort sa Bohol na nagapi rin
naman ni Dagohoy at ng kaniyang mga tauhan. Muling nagpadala ng
sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng nauna ay hindi naging
matagumpay ang mga ito.
Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang
rebelyon, na siya namang naging dahilan ng pagtatapos ng rebolusyon.
Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni Dagohoy na nabuhay at nadakip ay

9
pinalaya at pinabayaang mamuhay sa ilang bayan ng Bohol, Balilihan,
Batuan, Bilar, Catigbian at Sevilla.

Pag-aalsa ni Diego Silang (1762–1763)


Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang
kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos
Santos. Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ng kura
paroko ng Vigan. Doon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila.
Siya ay ginawang mensahero ni Padre Crisolo. Dinadala niya ang mga sulat
mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa
kanyang paglalakbay, inatake and kanyang bangka ng mga katutubong
Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng
mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay
pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misyonaryong
Rekoleksyonista.
Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa,
Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.
Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila at
nasakop ito noong Oktubre sa parehong taon. Ang pagsakop ay kabilang
sa Pitong Taong Digmaan.Napansin ni Diego na humihina ang hukbong
Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa
Hilagang Luzon. Nagtatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na
bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito
ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.
Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos
ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang
pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa
pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Binigay niya
ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento
Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga
ng mga opisyales sa Ilocos.
Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng
pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na
Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil
at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang
nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa
iba't ibang bayan.
Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa
pamumuno ni Simon de Anda at nag-alok ng pabuya para sa kung sino
man ang makapapatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita si
Diego ng kanyang mga kaibigang sina Miguel Vicos at Pedro Becbec, sa

10
kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila
ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.
Si Diego Silang ay binawian ng buhay sa edad na 32 taong gulang.
Dahil sa kanyang husay sa pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng
Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

Basi Revolt (1807)


Ang Basi Revolt ay kilala rin sa tawag na Ambaristo Revolt, na
naganap noong September 16 to 28, 1807. Pinamunuan ito ni Pedro Mateo
at Salarogo Ambaristo na sinasabing iisang tao rin lamang, dahil na rin sa
malabis na pamamalakd ng mga Espanyol sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte.
Ito ay naiiba sa ibang mga rebolusyon dahil ito ay umiikot sa kanilang basi,
o alak na nagmula sa tubo na siya namang ginagawa at produkto ng lugar.
Noong 1786, ipinagbawal ng mga Kastila nag paggawa at pagbebenta ng
basi. Napilitan ang mga mamamayan na bumili sa mga tindahan. Dahil
dito ay inilunsad ang isang rebolusyon sa mga Espanyol noong September
16, 1807 na nagtatagal ng ilang lingo sa bawat pagtatagpo na nakakaabot
din sa mga karatig na bayan. Tuluyang nagapi ng mga espanyol ang mga
rebolusyonaryo noong September 28, 1807 na nagdulot ng maraming
pagkamatay ng maraming Pilipino na kasapi sa rebolusyon at maging ng
mga kawal na Pilipino na kasama ng mga Kastila.

Pag-aalsa ni Hermano Pule (1840–1843)


Isa sa pinakakilala na rebolusyong nalunsad ng relihiyon ay ang Pule
Revolt na naganap noong June 1840 na nagtagal hanggang Nobyembre
1841. Ito ay pinangunahan ni Apolinario dela Cruz na kilala rin sa tyawag
na Hermano Pule.
Itinatag niya ang sarili niyang relihiyon na tinatawag na Confraternity
of Saint Joseph o Confradia de San Jose sa Lucban Quezon na matatagpuan
ngayon sa Tayabas Quezon.
Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring
Heswita at Fransiskano at Agustinian, marami pa ring sumali at sumapi sa
Confradia mula Batangas, Quezon, Laguna, at maging mula sa Maynila.
Dahil dito ay laging nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang
supilin ang binuong samahan ni dela Cruz na siya namang nagtulak sa
kanila upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at pamilya sa mga
pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga lugar. Maraming
madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at
ng mga Espanyol. Ang pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong
October 1841 sa Bundok San Cristobal malapit sa Bundok Banahaw. Natalo
ang pangkat ni dela Cruz at siya ay binitay noong Nobyembre 4, 1841 sa
Tayabas, Quezon.

11
Cavite Mutiny (1872)
Ang Cavite Mutiny noong 1872 ay binuo ng mga kawal na Pilipino ng
Fort San Felipe ng Spanish Arsenal sa Cavite. Ito ay naganap noong
January 20, 1872. Mahigit sa 200 sundalong espanyol kasama ng iba pang
mga manggagawa ang nadamay dito na hindi agad mapaniwalaan ng mga
Espanyol at ilang Pilipino dahil ang mga nag-aklas ay pawang mga kawal
din. Ang kanilang pag-aaklas nabunsod dahil sa pagkakabitay ng tatlong
paring Pilipino, ang GOMBURZA. Bagaman nagtagumpay sila sa umpisa ay
hindi rin ito nagtagal ng sila ay mahuli rin ng ipinadalang mga kawal na
Kastila at sila ay binitay agad.

Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan

Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa


magkakapatid at masasabing naging maayos naman ang kaanilang buhay.
Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres
Bonifacio. Labingwalong taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung
taong gulang naman si Bonifacio na isang balo. Bagaman tutol ang ama,
napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan.
Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de
Jesus. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector
na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay
nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap
ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan
ang Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya
ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.
Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa
kanilang tahanan, sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo.
Madalas na inaabot siya ng gutom at hatinggabi na kung umuwi.

Pinkamasakit na siguro sa damdamin ni Oriang ang mawalan ng


asawa at hindi makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at
binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite si Andres Bonifacio kasama
ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin
nakikita ang kanilang mga labi.

Gliceria Marella de Villavicencio

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro


rin ng mga mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng
rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Marella de Villavicencio ng Taal,
Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na
19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa
pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.
Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula
na sina Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda.

12
Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at
nagbigay ng Php18 000.00. Nang bumalik, may dala na itong mga kopya ng
Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang
ipinamigay.
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit
nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga
Katipunero. Ito ang naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng
kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging simula ng
paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.
Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga
Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya.
Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng
Amerikano. Inokupahan ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng
mga ito nang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang
heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay
sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang
makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa

Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa


isang mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga
naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig siyang
magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal,
sumapi na rin siya sa mga rebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.
Hindi siya kaagad pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay
babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa
rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng
puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang
bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng
anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit
ang problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral
Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga
espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan.
Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.
Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya
ang regaling esopada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga
pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa
kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya
ang isang katipunero na siya namang nagpanggap na kaniyang asawa.
Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na
nag-aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay
nakarating sa oras ng programa.

Melchora Aquino

13
Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa
edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang
Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan.
Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga
rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na
magbigay ng palay o kalakal mula sa kanyang tindahan. Dito madalas
niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang
pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan
tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila
kaysa tumanggap ng libreng tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903 nang ang mga Amerikano ay
nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na
107.

Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan,


Iloilo at nag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at
sandaling nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon
sa pag-aasikaso sa kanilang hacienda. Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang
galing sa pangangabayo.
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng
kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang
kapatid na lalaki na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa
pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag
na Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom
at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay
hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga
Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa
nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si
Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga
Amerikano, naging gerilya sila. Napatay ang kaniyang kapatid na si Elias sa
isang labanan, samantalang patraydor namang pinatay si Pascual.
Nang magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang
kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang
asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang
makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga
Amerikano. Kalaunan, ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian nang
mamatay ang kaniyang asawa at wala naman silang naging anak. Nakitira
na lamang siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao at namatay siya noong
1947.

Panuto: Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong


sagutang papel.

1. Ano ang karaniwang dahilan ng pag-aalsa?

14
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sinu-sino ang mga nanguna sa pag-aalsa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sapat ba ang mga dahilan ng iba’t-bang sektor upang sila ay mag-


alsa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
III. MGA SANGGUNIAN
 Antonio, Eleonor D. et al. Kayamanan I Kasaysayan ng Pilipinas.
(2005). Rex
Bookstore, Inc. 856 Daang Nicanor Reyes, Sr. Sampaloc, Maynila,
Philippines. pp. 150-151
 Gabuat, Maria Annalyn P. et al. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang
Isang Bansa. (2016). Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City, Philippines. pp. 208-218

IV.MGA GAWAIN

Pangkalahatang Panuto: Basahin at gawin ang mga Gawain sa ibaba.


Gawin ang lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap at naman kung hindi.

____1. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa


pakikipaglaban sa mga mananakop na espanyol.
____2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino
laban sa mga Kastila.
____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.
____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Itneg ay sang-ayon sa
pananakop ng mga Kastila.
____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga
pangunahing dahilan ng mga sinaunang pag-aaklas ng iba’t-ibang sektor.

GAWAIN 2
Panuto: Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa patlang kung sino ang tinutukoy
sa bawat bilang.

Melchora Aquino Gregoria de Jesus


Patrocinio Gamboa
Gliceria Villavicencio Teresa Magbanua

_________________1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan.

15
_________________2. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.
_________________3. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang
rebolusyon lalo na matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang
GOMBURZA.
_________________4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang
kaniyang Dalawang kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.
_________________5. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat
kay Heneral Delgado ng Sta. Barbara.

GAWAIN 3
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga napag-aralan sa klase.

Dahilan ng Pag-aalsa Namuno


1.
Francisco Dagohoy
2.
Basi Revolt
3.
Lakandula at Sulayman
4.
Sumuroy
5.
Maniago

GAWAIN 4
Panuto: Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilanan ng
paglunsad ng mga rebelyon ng mga Pilipino.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PANANALIKSIK

Mga Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos
Wasto at sapat ang nakuhang impormasyon sa 5
hinihinging gawain.
Mahusay na nasagot ang mga tanong batay sa 5
mga impormasyong nasaliksik
Kabuuang Puntos 10
TANDAAN MO

 Maraming dahilan na nagbunsod ng rebolusyon sa pagitan ng mga


Pilipino at ng mga Espanyol, ilan sa mga ito ay ang paggawa,
tribute, polo, buwis, relihiyon, pangangamkam ng mga lupa at ari-
arian at pagmamalabis ng mga Kastila
 Maraming Pilipino ang nagbuwis16 ng kanilang buhay para sa
kanilang mga ipinaglalaban
 Maging ang mga babae ay sumama sa pakikidigma
 Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa
V. REPLEKSIYON
Panuto: Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na pahayag.

Nauunawaan ko sa natapos na aralin na


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
VI. SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa pangungussap. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at


pangangamkam ng mga Prayle o paring misyonero sa lupa ng mga
katutubo.
a. Pag-aalsa ni Sumuroy
b. Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
c. Kilusang Agraryo
d. Kilusang Pangrelihiyon

_____ 2. Mas kilala sa tawag na Hermano Pule.


a. Apolinario dela Cruz
b. Apolinario Mabini
c. Apolinario delos Santos
d. Apolinario de Jesus

_____ 3. Siya ang tagatago ng mahahalagang dokumento ng samahan at


kinilala bilang Lakambini ng Katipunan.
a. Gabriela Silang
b. Gregoria de Jesus
c. Melchora Aquino
d. Marciana de la Vega

_____ 4. Matagumpay niyang nadala ang watawat ng Pilipinas kay Heneral


Delgado sa Sta. Barbara, Iloilo.
a. Gliceria Marella de Villavicencio
b. Patrocinio Gamboa
c. Teresa Magbanua
d. Crispen De la Cerna

_____ 5. Sino sa mga sumusunod ang lumahok sa mga pag-aalsang naganap


laban sa mga Espanyol?
a. katutubo at kababaihan
b. pangkat ng Ilustrado
c. mga karaniwang tao

17
d. Ang mga matatanda

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2

1. 1.Gregoria de Jesus
2. Melchora Aquino
2.
3. Gliceriaa Villavicencio
3. 4. Teresa Magbanua
4. 5. Patrocini Gamboa
5.

Gawain 3

1. Pagtutol ng kura na bigyan ng marangsl na libing ang kanyang kapatid


2. Pagbabawal ng mga Espanyol sa paggawa o pagbebenata ng basi o
alak
na nagmula sa niyog
3. Tinanggalan sila ng prebilihiyo na malibre sa pagbabayad ng buwis
4. Pagmamalabis ng mga Espanyol sa patakaran ng Polo
5. Pagtutol sa sapilitang paggawa sa mga galyon at hindi pagbabayad sa
mga biniling palay.

Gawain 4 Subukin

Depende sa mga sagot ng 1. C


mag-aaral 2. A
3. B
4. B
5. A

18
19

You might also like