You are on page 1of 10

 Your Scribd membership has expired.

Click
here to renew it

The Story of God


Trainer's Guide

Uploaded by Derick Parfan on Jul 30, 2013

 0 ratings · 306 views · 106 pages


Document Information 
A manual for sharing the story of God's love an…

Download
Date uploaded 
Jul 30, 2013

Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)

Available Formats
PDF, TXT or read online from Scribd

Share this document

  OF GOD
THE STORY
Facebook Twitter
Trainer’s Guide for Making Disciples


Baliwag Bible Christian Church Team of Trainers

Email

Did you find this document useful?

Is this content inappropriate? Report this Document

2013 Edition

AD Download to read ad-free.

~1~

Table of Contents
Process Overview ................................................................................................................................................................................. 3
Listening to Their Story..................................................................................................................................................................... 4
Telling God’s Story in Your Life ..................................................................................................................................................... 6
Telling the Changed-Man Story ..................................................................................................................................................... 8
Telling the 12-Minute Story of God ...........................................................................................................................................10
Leading Storying Groups ................................................................................................................................................................14
12-Week Story of God (Overview).............................................................................................................................................20
WEEK 1: Creation and Rebellion ................................................................................................................................................21
Scene 1 ~ Ang Mga Unang Tao ....................................................................................................................................................22
Scene 2 ~ Ang Pagrerebelde ........................................................................................................................................................24
WEEK 2: Spread of Rebellion ........................................................................................................................................................27
Scene 3 ~ Ang Magkapatid ...........................................................................................................................................................28
Scene 4 ~ Ang Baha .........................................................................................................................................................................30
WEEK 3: The Promise of God ........................................................................................................................................................34
Scene 5 ~ Ang Pangako ..................................................................................................................................................................35
Scene 6 ~ Ang Anak .........................................................................................................................................................................37
WEEK 4: The Law of God .................................................................................................................................................................41
Scene 7 ~ Ang Pagliligtas at ang Kautusan ............................................................................................................................42
Scene 8 ~ Mga Hari at mga Propeta ..........................................................................................................................................46
WEEK 5: The Coming of Jesus .......................................................................................................................................................51
Scene 9 ~ Pagsilang kay Jesus ..................................................................................................................................................... 52
Scene 10 ~ Ang Bautismo kay Jesus .........................................................................................................................................54
Scene 11 ~ Ang Tukso kay Jesus ................................................................................................................................................ 55
WEEK 6: The Authority of Jesus ..................................................................................................................................................58
Scene 12 ~ Mga Himala ni Jesus .................................................................................................................................................59
Scene 13 ~ Ang Kaharian .............................................................................................................................................................. 61
WEEK 7: The Death and Resurrection of Jesus ...................................................................................................................65
Scene 14 ~ Ang Mahabaging Ama .............................................................................................................................................66
Scene 15 ~ Ang Kamatayan at Muling Pagkabuhay ...........................................................................................................67
WEEK 8: The Spirit and the Church ..........................................................................................................................................73
Scene 16 ~ Ang Misyon at ang Kapangyarihan ....................................................................................................................74
WEEK 9: Living by the Spirit’s Power ......................................................................................................................................78
Scene 17 ~ Ang Pamumuhay ng Iglesia ..................................................................................................................................79
Scene 18 ~ Ang Pakikipaglaban sa Kasalanan...................................................................................................................... 81

AD Download to read ad-free.

~2~

WEEK 10: Life to the End ................................................................................................................................................................84


Scene 19 ~ Ang Katapusan ........................................................................................................................................................... 85
WEEK 11: Forsaking Idols and Following Jesus .................................................................................................................89
Scene 20 ~ Si Jesus at ang Lalaking Mayaman .....................................................................................................................89
WEEK 12: Following Jesus in Baptism and the New Life ............................................................................................... 93
Scene 10 ~ Bautismo kay Jesus .................................................................................................................................................. 93
Scene 16 ~ Bautismo sa Unang Iglesia ....................................................................................................................................95
Baptism Interview Guide ................................................................................................................................................................99
Guide for Training Trainers ....................................................................................................................................................... 101
References ........................................................................................................................................................................................... 105

AD Download to read ad-free.

~3~

Process Overview

Ikuwento
Makinig ang kuwento
sa kuwento ng ng buhay MO
buhay NILA Tulay:
“Bagong-buhay
ang ibinibigay ni
Pag-isipan: Jesus sa mga tao
Paano kaya natin mula pa noon…”
siya matutulungang Ikuwento
ilapit kay Jesus?
ang Changed-
Man Story

Ikuwento Tanong: “Gusto mo bang


ang 12-Min magkaroon ng bagong-buhay
Story of God tulad ng lalaki sa kuwentong ito?

Tanong: “Gusto mo na bang


maging tagasunod ni Jesus? Tanong: “Gusto mo bang makinig sa
ilan pang mga kuwento? Puwede mo bang
isama ang pamilya mo (o mga kamag-
anak at kaibigan)?

Kapag handa na, gabayan Pagkuwentuhan


sila sa pagdedesisyong
ang 12-Week Story of
sumunod kay Jesus.
God (Overview)

Baptism Sanaying
ikuwento din ang
Story of God sa iba

Pagsunod Church
Pagkuwentuhan
kay Jesus ang 12-Week Story of
God’s Church (Acts)

Kaagapay Pagkuwentuhan
Group ang 12-Month Story of
God (Whole Bible)

AD Download to read ad-free.

~4~

Listening to Their Story


Bakit dapat makinig muna sa kuwento ng buhay
nila bago mo ikuwento ang Story of God?

1. Si Jesus ay nakikinig din sa kuwento ng buhay


ng mga tao.
2. Makikita natin sa kuwento nila kung ano ang
tingin o palagay nila sa atin.
3. Matutulungan tayo nitong mapag-isipan ang
sagot sa tanong na, “Paano ko kaya siya matutulungang makalapit kay Jesus?”
4. Kapag naikuwento nila ang buhay nila at ang mga nasa puso nila, mas magiging bukas silang
makinig ng iba pang kuwento.
5. Nakikita nila ang concern natin sa kanila dahil naglalaan tayo ng panahong pakinggan sila.
6. Sa pakikinig, nagsisimulang maging bahagi tayo ng kuwento ng buhay nila.

Anu-ano ang dapat tandaan sa aktibong pakikinig ( active listening)?


Ang aktibong pakikinig ay ang pagsisikap nating marinig hindi lang ang mga salitang sinasabi ng
isang tao kundi, higit na mahalaga, ay masubukan nating maintindihan ang kabuuang mensaheng
gusto niyang iparating. Dahil dito, dapat na…

1. Ibigay sa kanya ang ating buong atensiyon.


 Tingnan sa mata.
 Alisin muna ang mga gumugulo sa isip mo.
 Huwag mo munang isipin kung ano ang sasabihin mo pagkatapos.
 Huwag magpagulo sa paligid n’yo na maaaring magulo (tulad ng may ibang nag -uusap).
 “Makinig” din sa kanyang body language.
 Iwasang mag-text o gumamit ng cellphone.

2. Ipakitang nakikinig ka talaga.


 Gamitin din ang body language mo at iba pang mga senyales para maipakitang nakikinig
ka.
 Tumango paminsan-minsan.
 Ngumiti at gumamit ng iba pang facial expressions.
 Tingnang mabuti ang pagkakatayo o pagkakaupo mo at tiyaking nagpapakita ito ng
pagiging bukas mo at para bang inaanyayahan mo siyang magkuwento pa nang
magkuwento.
 Hikayatin mo siyang ituloy pa ang pagkukuwento niya sa pamamagitan ng ilang mga
kumento tulad ng, “Oo nga,” “Uh huh,” atbp.

3. Magbigay ng feedback

AD Download to read ad-free.

~5~

 Ibalik sa kanya ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pag-uulit ng narinig mo gamit ang
sarili mong pananalita (paraphrasing). Puwedeng simulan sa, “Ang pagkakaintindi ko sa
sinasabi mo…” o kaya ay, “Naririnig kong sinasabi mong __________________________________.
Tama ba?”
 Magtanong para malinawan ang ilan sa mga gusto niyang sabihin. “Anong ibig mong
sabihin nang sinabi mong…?” “Ganito ba ang ibig mong sabihin…?”

4. Iwasang manghusga
 Huwag sisingit basta-basta kapag nagsasalita siya.
 Hayaan mo munang matapos ang isang bahagi ng sinasabi niya bago ka magtanong.
 Huwag sasagot ng mga bagay na kokontra sa mga sinasabi niya.

5. Magbigay ng angkop na tugon sa pinag-uusapan


 Maging bukas at totoo sa mga sasabihin mo. Huwag mambola.
 Maging magalang kung may sasabihin ka mang iba sa pinaniniwalaan niya.
 Itrato ang kausap sa paraang sa tingin mo ay gusto niyang tratuhin siya.

AD Download to read ad-free.

~6~

Telling God’s Story in Your Life


Narito ang ilang bagay na
dapat tandaan sa
pagkukuwento ng kuwento ng
buhay mo na makatutulong
nang malaki sa pagpapakilala
mo kay Jesus sa mga kamag-
anak at malalapit na kaibigan.

1. Ipanalangin ang isusulat mong kuwento upang maging malinaw ito at makahikayat sa iba
upang naisin din nilang mas makilala ang Diyos.
2. Maglahad ng personal na pangyayari sa buhay. Tandaang hindi ito oras ng pangangaral kundi
pagkukuwento ng ginawa ni Jesus para sa iyo.
3. Sikaping maikli lamang ang pagkukuwento. Limitahan sa 3-4 na minuto. Makabubuti ito
upang manatili kay Jesus ang sentro ng kuwento ng buhay mo.
4. Maaaring bumanggit ng ilang mga talata sa Bibliya na makapagpapatibay sa iyong sinasabi.
5. Sa pagkukuwento ng kuwento ng buhay mo, simulan mo ito sa pagsasabi kung sino o ano ka
bago mo pa personal na makilala si Jesus; pagkatapos, kung paano mo siya nakilala at
nagsimulang sumunod sa kanya; at sa huli, kung anong pagbabago ang ginawa niya sa buhay
mo. Iwasang itaas ang sarili, bigyang-diin ang ginawa ni Jesus sa puso mo. Maaari mong
banggitin ang katiyakan sa buhay na hawak-hawak mo na ngayon. Tiyakin mo rin na
mababanggit ang mga bagong pangyayari at patuloy na ginagawa ni Jesus sa iyong buhay.

6. Subukan mong isulat ngayon.

Sino ako bago ako naging tagasunod (nagsisi at sumampalataya) ni Jesus?

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

AD Download to read ad-free.

~7~

Paano ako tinawag at naging tagasunod ni Cristo?

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

Ano ang ginawa at ginagawang pagbabago ni Jesus sa buhay ko?

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________

AD Download to read ad-free.

~8~

Telling the Changed-Man Story


Galing ito sa Marcos 5:1-20:

Kumakalat na ang kuwento tungkol


kay Jesus at sa mga himalang
ginagawa niya, kaya maraming tao ang
nagpupuntahan kung nasaan siya para
sila mismo ang makakita. May mga
ilang nagdesisyon nang sumunod kay
Jesus. Kasama dito ang labindalawang lalaki na palagi niyang isinasama,
tinuturuan, at sinasanay saan man siya magpunta. Sa lahat ng mga
tagasunod niya, sila ang naging pinakamalapit kay Jesus.

Isang araw, isinama sila ni Jesus na sumakay ng bangka at tumawid sa kabila


ng lawa.

Pagbaba ni Jesus sa bangka, may sumalubong sa kanya na isang lalaking


sinasaniban ng masamang espiritu. Kagagaling lang niya noon sa tinitirhan
niyang sementeryo.

Madalas na iginagapos ng mga tao ng kadena ang mga paa’t kamay niya,
pero natatanggal niya ito agad. Kaya walang makapigil sa kanya.

Araw at gabi, nagpapagala-gala siya sa sementeryo at sa mga burol at


nagsisisigaw at sinusugatan ang sarili niya ng matatalas na bato.

Malayo pa si Jesus, nakita na agad siya ng lalaking ito. Dali-dali siyang


tumakbo at lumuhod sa harapan niya. Sinabi ni Jesus, “Ikaw na masamang
espiritu, lumabas ka sa taong iyan!” Humiyaw ang lalaki, “Ano ang pakialam
mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa
pangalan ng Diyos , huwag mo akong pahirapan!”

AD Download to read ad-free.

~9~

Tinanong siya ni Jesus, “Anong pangalan mo?” Sagot niya, “Kawan, dahil
marami kami.” Paulit-ulit siyang nagmakaawa kay Jesus na huwag silang
palayasin sa lupaing iyon.

Sa di kalayuan, may isang kawan ng mga baboy na nanginginain sa may


burol. Nakiusap ang masamang espiritu, “Doon mo na lang kami payagang
pumasok sa mga baboy.”

Pumayag naman si Jesus. Kaya lumabas ang masamang espiritu sa lalaki at


pumasok sa mga baboy. Kumaripas ng takbo ang may 2,000 baboy pababa
ng burol, nagtuluy-tuloy sa lawa at nalunod. Tumakbo papunta sa bayan
ang tagapag-alaga ng mga baboy at ikinuwento doon at sa mga kalapit-
bayan ang nangyari.

Kaya pumunta roon ang mga tao para alamin ang nangyari. Natakot ang mga
tao nang makita nila ang lalaking dating sinasaniban ng masamang espiritu.
Kasi nakaupo na siya, nakadamit nang maayos, at matino na ang pag-iisip.

Pagkatapos nito, nakiusap ang mga tao na umalis na si Jesus sa kanilang


lugar. Nang pasakay na siya sa bangka, lumapit sa kanya ang lalaking
pinagaling niya at nakiusap na isama siya.

Pero sinabi ni Jesus, “Huwag na, umuwi ka sa inyo – sa pamilya mo at mga


kaibigan – at ikuwento mo sa kanila ang mga kahanga-hangang bagay na
ginawa sa iyo ng Diyos at kung paano ka niya kinaawaan.”

Kaya, umalis ang lalaki, pumunta sa


Sampung Bayan, at ikinuwento lahat ng
ginawa ni Jesus para sa kanya. At namangha
ang lahat ng nakarinig sa kuwento niya.

AD Download to read ad-free.

~ 10 ~

Telling the 12-Minute Story of God

Ang kuwentong ito ay galing sa Biblia. Tungkol ito sa Diyos na sa simula't


simula pa ay narito na at siya ang maylikha ng lahat ng bagay. Sa
kuwentong ito, ang Diyos lang ang laging gumagawa ng mabuti, ng tama, at
ng perpekto. Tinatawag siyang banal.

Napagpasyahan ng Diyos na lumikha ng isang espesyal na nilalang -ang


tao. Sinabi ng Diyos, "Likhain natin ang tao – lalaki at babae – ayon sa
ating larawan para maging katulad natin." Inihanda niya ang mundo para
maging tirahan ng tao - pinuno niya ito ng mga halaman, at ng iba’t ibang
uri ng mga hayop

Pinatira sila ng Diyos sa isang magandang hardin at ipinagkatiwala sa


kanila ang pag-aalaga at pamamahala sa lahat ng kanyang nilikha sa
mundo. Naging malapit ang Diyos sa kanila, naglalaan ng oras sa kanila,
at ipinapakita sa kanila kung paano mamuhay ayon sa nais niya.

Namuhay silang malapit sa Diyos at nasa ilalim ng pangangalaga niya -


isang buhay na sagana, walang kulang, at walang katapusan.
Pero ang nakalulungkot, sa kabila noon, pinili nina Adan at Eba na
magrebelde laban sa Diyos at sa kanyang pamamahala. Pinili nilang
mamuhay ayon sa gusto nila, sa halip na ayon sa gusto ng Diyos.

Dahil hindi hahayaan ng Diyos ang anumang pagrerebelde na manatili


sa presensiya niya, pinalayas niya sila sa hardin, palayo sa Diyos. Dahil
dito, pumasok sa buhay nila ang sakit at kamatayan .

AD Download to read ad-free.

~ 11 ~

Pagkatapos nito, dumami nang dumami ang mga tao. Kumalat ang
kasalanan sa mga anak nina Adan at Eba - hanggang sa mga sumunod na
henerasyon. Kahit na ang tao'y nilikha ayon sa larawan ng Diyos, pinili ng
lahat ng tao na suwayin ang Diyos.

Naging marahas sila sa isa't isa. Nagpatuloy ito sa mga sumunod pang ilang
libong taon.

Sa kabila nito, nagpatuloy ang plano ng Diyos na ibalik ang tao palapit
ulit sa kanya. Nagbitaw siya ng isang matibay na pangako (tinatawag na
tipan) kay Abraham. Sinabi ng Diyos sa kanya, "Gagawin kitang ama ng
isang malaking bansa at magiging tanyag ka. Ang buong mundo ay
pagpapalain ko sa pamamagitan ng lahi mo. Ako ang magiging Diyos ninyo
at kayo ang magiging bayan ko."

Kahit matanda na si Abraham, naniwala pa rin siya sa pangako ng Diyos na


bibigyan siya ng anak. Dahil nagtiwala siya sa Diyos, itinuring siyang
matuwid at nagkaroon siya ng magandang relasyon sa Diyos.

Nagkaanak si Abraham, at lumaki nang lumaki ang pamilya niya. Tinawag


silang Israelita at sila ang bansang magpapakita sa buong mundo kung
paano mamuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos, na malapit ulit sa Diyos.

Binigyan sila ng Diyos ng malaking lupain kung saan lalo pa silang


pinagpala ng Diyos at binigyan ng kasiyahan ayon sa ipinangako niya.
Ngunit habang tumatagal, nagsimulang gawin ng mga Israelita kung ano
ang magustuhan nila at nagrebelde at sumuway sa mga utos ng Diyos.

Di na sila nagtiwala sa Diyos. Sumamba sila sa mga di-tunay na Diyos - sa


tao, sa mga bagay, sa kayamanan, sa kapangyarihan. Ipinagpalit nila sa mga
ito ang Diyos. Dahil sa pagrerebelde nila, pinahirapan sila ng Diyos at
inalipin ng mga bansang kaaway nila.

AD Download to read ad-free.

~ 12 ~

Pero patuloy pa rin ang pagmamahal ng Diyos sa kanila. Nagpapadala


siya ng mga mensahero sa kanila para bigyan sila ng babala tungkol sa
parusa ng Diyos sa kasalanan at hikayatin silang tumalikod dito at
magbalik-loob sa Diyos.
Nangako siyang isa sa lahi nila ang darating para iligtas sila at ibalik
sa magandang relasyon sa Diyos. Hindi lang sila, kundi lahat ng
nilikha ng Diyos...pabalik sa dating kalagayan noong una silang
nilikha ng Diyos.

Nagkaroon ng 400 taon na hindi nagsasalita ang Diyos sa kanila. Sa


panahon ito, tinatawag na silang Judio, nasa ilalim sila ng pamamahala ng
Roma, pinakamalakas sa lahat ng kaharian sa buong kasaysayan.

Sa wakas, nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa isang dalaga na ang


pangalan ay Maria na taga-Nazareth. Sinabi ng anghel, "Magbubuntis ka at
magkakaroon ng isang anak na lalaki at tatawagin siyang Jesus. Maghahari
siya at ang kaharian niya ay walang katapusan. Mabubuntis ka sa
pamamagitan ng Espiritu, kaya siya'y tatawaging Anak ng Diyos."

Ipinaalam ng Diyos kay Maria at sa kanyang mapapangasawang si Jose na


ang lalaking ito ang pinakahihintay na haring pinili at ipinangako ng
Diyos na magliligtas sa kanyang bayan! Totoo nga, noong sumunod na
taon, nagsilang si Maria ng isang lalaki na pinangalanan nilang Jesus, ang
ibig sabihin, "Ang Diyos na nagliligtas." Lumaki si Jesus at minamahal ng
Diyos at lahat ng nakakilala sa kanya. Sa buong buhay niya, lagi niyang
pinipiling sumunod sa gusto ng Diyos, gawin palagi kung ano ang
mabuti at tama.

Pinatunayan ni Jesus na siya nga ang Ipinangakong Tagapagligtas sa


pamamagitan ng paggawa ng maraming himala at pagpapagaling sa
mga maysakit. Sa pamamagitan din ng mga himala, naipakita niya ang
kanyang awtoridad bilang tunay na Diyos at Panginoong dapat sundin.

Nanawagan si Jesus sa mga tao na sumunod sa kanya. Inanyayahan


niya silang maging bahagi ng Kaharian ng Diyos, nakapailalim sa
pamamahala ng Diyos. Hindi lahat ay kumilala kay Jesus pero mayroon
ding ilang nagpasyang talikuran ang kanilang kasalanan, magtiwala sa
kanya at sumunod hanggang kamatayan, ayon din sa mga sinabi niya.

AD Download to read ad-free.

~ 13 ~

Tulad ng ipinangako ng Diyos, ipinadala niya si Jesus para iligtas ang mga
tao mula sa kanilang pagsuway at sa parusa ng kamatayan. Tinanggap
ng Diyos ang matuwid na pamumuhay ni Jesus bilang kahalili natin.
Binugbog siya at ipinako sa krus para tubusin tayo sa ating kasalanan!

Sa ikatlong araw nagtagumpay siya sa kamatayan nang buhayin


siyang muli ng Diyos. Nakita ito ng mahigit sa 500 saksi.

Pagkatapos, bumalik na si Jesus sa kanyang Ama sa langit, kitang-kita ng


mga tagasunod niya ang pag-akyat niya sa ulap! Bago siya umakyat sa
langit, nangako siyang ipapadala niya ang kanyang Espiritu para
manirahan sa kanila.

Inutusan din ni Jesus ang kanyang mga tagasunod na puntahan ang mga
tao at ikuwento sa kanila ang tungkol sa kanya - ang buhay niya at ang
pagkamatay niya bilang handog na umako sa parusa sa kanilang mga
kasalanan - at akayin sila para magtiwala at sumunod din sa kanya.

Totoo sa kanyang pangako, dumating nga ang Espiritu sa lahat ng mga


tagasunod ni Jesus. Ang Espiritu ang magpapaalala sa kanila ng lahat ng
itinuro ni Jesus, babago sa kanilang mga puso para maging tulad ni Jesus, at
magbibigay sa kanila ng kakayahang mamuhay sa kagustuhan ng Diyos.

Ito ang simula ng tinatawag ng Bibliya na Iglesiya (Church) - isang


komunidad ng mga tao sa buong mundo na dahil sa ginawa ni Jesus ay
may buhay na walang kulang, malapit sa Diyos, at sumusunod sa
kanyang mga kagustuhan.

Inaanyayahan tayo ng Diyos na maging bahagi ng napakagandang


kuwentong ito. Inaanyayahan niya ang lahat na ipakita sa pamamagitan ng
bautismo o paglulubog sa tubig ang pagsisisi, pagtitiwala at pagsunod kay
Jesus.

Nangako si Jesus na isang araw ay babalik siya para tuluyang tapusin na


ang lahat ng kasamaan, kasalanan at pagrerebelde sa Diyos.
Pagkatapos, wala nang sakit, hirap, at kamatayan. Bago dumating
iyon, patuloy tayong mamumuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos,
ikinukuwento at ipinapakita sa mga tao kung ano ang klase ng buhay
na nasa loob ng kaharian ng Panginoong Jesus .

AD Download to read ad-free.

~ 14 ~

Leading Storying Groups

BAKIT KUWENTUHAN?
“Lahat ng tao ay may kuwento (o maraming kuwento) at lahat ay sanay sa
bakit?
pagkukuwento.”

Bakit mabisa ang paggamit ng mga kuwento?


1. Nakakakuha ng pansin natin, napapanatili ang atensiyon natin, at nadadala tayo hanggang sa dulo ng
kuwento.

2. Napapagana ang imahinasyon natin.

3. Bumubuo ng magagandang relasyon.

4. Hindi direktang sinusubok ang nakagisnang paniniwala natin.

5. Mas madali nating naaalala ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, ang mga salitang ginamit,
at mga prinsipyong nanggagaling sa kuwento.

6. Nakikita natin ang sariling karanasan natin sa kuwento.

Storytelling is powerful because it has the ability to


touch human beings at the most personal level. While facts are
viewed from the lens of a microscope, stories are viewed from
the lens of the soul. Stories address us on every level. They
speak to the mind, the body, the emotions, the spirit, and the
will. In a story a person can identify with situations he or she
has never been in. The individual’s imagination is unlocked
to dream what was previously unimaginable.“

Mark Miller

AD Download to read ad-free.

~ 15 ~

ANO ANG KUWENT UHAN?


Isang paraan para maituro ang mensahe ng Salita ng Diyos. May oras na inilalaan para
ano?
ikuwento nang ilang beses ang kuwento, mapag-usapan at matuklasan ang itinuturo ng
Kuwento ng Biblia. Sa pag-uusap, ang tagapagkuwento ay gumagamit ng mga tanong na gagabay sa mga
nakikinig para matuklasan ang kahulugan at kahalagahan ng kuwento sa Biblia, at para magabayan ang mga
nakikinig na maiugnay o maikonekta ang mga kuwento nila sa Kuwento ng Diyos.

PARA SAAN ANG KUWENTUHAN?


Para maintindihan (understand), maranasan (experience), at
para saan?
maiugnay ang sariling buhay (connect to life) sa Kuwento ng Diyos.

1. Para masanay na ang buhay ay araw-araw na binabago ng mga katotohanang mula sa Kuwento.

2. Para makapagsanay ng mga tagasunod ni Jesus na makakapagsanay din ng iba pang tagasunod
ni Jesus.

3. Para makita ang kabuuan ng plano ng pagliligtas ng Diyos sa buong kasaysayan na makikita sa
Biblia – na makita ang kaugnayan o koneksiyon ng lahat ng mga kuwento – at makita ang Biblia na
isang malaking kuwento.

4. Para masabik sa isang Kuwento na ang bida ay


ang Diyos na palagi tayong hinahabol para
God’s Story My Story
maiparanas sa ating ang tunay na buhay at
lalo siyang makilala.

5. Para makita kung paano nakapaloob ang mga


kuwento ng buhay natin sa Kuwento ng Diyos. God’s Story
My Story
6. Para mas makilala natin ang sarili natin , kung
sino talaga tayo ayon sa Kuwento ng Diyos, sino siya, at ano ang nais niyang
mangyari sa atin nang likhain niya tayo.

7. Para mahikayat tayong sambahin ang Diyos sa mas malalim na paraan.

8. Para maipamuhay ang magandang balita na napakinggan at pinaniwalaan natin, na may iba nang
pananaw sa buhay, na nais ipakalat ang mensahe ng Kaharian ng Diyos, na mamuhay ayon sa misyong
ibinigay ng Diyos.

9. Para masabik sa mga kuwento ng Biblia, na basahin pa lalo at pag-aralan ang mga kuwentong ito sa
Biblia.

10. Para matutunang ikuwento din sa iba ang mga kuwentong napakinggan at tulungan ang iba kung
paano nila makikita ang sarili nila sa Kuwento
ng Diyos.

11. Para makapagtayo ng mga iglesia (pamilya Our lives must find their place in
ng Diyos) na may iisang karanasang some greater story or they will find
nagbubuklod sa bawat miyembro ng pamilya. their place in some lesser story.

H. Stephen Shoemaker, Godstories

AD Download to read ad-free.

~ 16 ~

PAANO GAWIN ANG KUWENTUHAN?

Ganito ang mangyayari bawat session…


paano?
1. Balikan ang nakaraang kuwento. Maliban na lang kung ito ang una n’yong kuwentuhan, pagtulungan
ng grupo na mabuo ulit ang nakaraang kuwento. Huwag munang pupunta sa susunod na kuwento
kapag may mga naiiwan pa. Kung may mga malabo at nakalimutan, pagsikapang mabalikan at
matulungan ang buong grupo na makasabay sa kuwentuhan.

Note: Tingnan ding mabuti kung kakain ng maraming oras ang pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang
kuwento. Bilang lider, isa sa responsibilidad natin ay matiyak na magamit nang maayos ang oras
natin.

2. Ikuwento ang bagong kuwento. Sikaping maikli lang (3-6 minutes). Huwag
magpaliguy-ligoy. Stick to the Story!

3. Pagkuwentuhan ng grupo ang narinig na kuwento.


Buuin ulit ang kuwento at pagtulungan ng buong
grupo. Hilingang makibahagi ang lahat sa pag-uulit
ng kuwento. Puwedeng sabihin, “Tingnan nga natin
kung kaya nating ulitin ang mga sunud-sunod na
nangyari sa kuwento.” Sa simula, kailangan mo pa
talaga silang tulungan dito, pero kapag nagtagal na
masasanay din sila dito.

4. Ipakuwento sa isa ang narinig na kuwento. Ngayon, tingnan mo naman kung


makakaya ng isang tao sa grupo na ulitin ang buong kuwento. Kung may mga
detalyeng nalaktawan, puwede siyang tulungan ng iba sa grupo pero dapat
gawin nang mahinahon. Makakatulong ang pag-uulit na ito para maging
malinaw ang kuwento at maitanim sa isip nila.

5. Pag-usapan ang kuwento. Dito na magsisimulang maging bukas ang isa’t isa at masabik sa
pagkukuwentuhan. Mahalaga ang bahaging ito para makuha ang mga mahahalagang ideya at
prinsipyo sa Kuwento. Gumamit ng mga tanong para maging tuluy-tuloy ang usapan, at palaging
ipaalala sa grupo na sikaping sagutin ang mga tanong ayon sa sinasabi ng kuwento. Hindi ito panahon
para magsermon! Bilang lider, ikaw ang gabay ng grupo para matuklasan ang mga katotohanang
galing sa Kuwento HINDI galing sa IYO! May mga suggested na tanong na ibibigay sa inyo pero para
lang iyon masimulan ang kuwentuhan. Huwag gawing Q & A portion ‘to!
Note: Kung mayroong higit sa isang eksena sa isang session, ulitin ang numbers 2-5 (ikuwento 
pagkuwentuhan  ipakuwento  pag-usapan) sa bawat eksena.

6. Iugnay sa buhay ang kuwento. Maglaan ng oras para sa ilang mga tanong na may kinalaman sa
pagsasabuhay ng kuwento, tulungan silang ikonekta ito sa kanilang buhay. Puwede ring gamitin ang
oras na ito para may isa o dalawang magbahagi ng personal nilang kuwento. Makikita n’yo kung
paano naikokonekta ng mga tao ang buhay nila sa mga bahagi ng Kuwentong narinig nila at napag-
usapan. Hikayatin silang magbahagi ng mga nararamdaman nila at mga bagay na galing sa puso nila.
Kung nag-aalangan sila, tiyakin mo na ang lahat ng mapag-uusapan ay confidential.

7. Magbigay ng puwede nilang gawin sa bahay – basahin ang Bibliya at magsaulo ng ilang talata.

AD Download to read ad-free.

~ 17 ~

Paano magiging mahusay sa PAGKUKUWENTO?


1. Alaming mabuti ang kuwento, huwag ikuwento nang di napag-aralang mabuti. Huwag sauluhin
(word-for-word), maging pamilyar sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

2. Manatili sa kuwento, huwag dagdagan ng mga sariling kuru-kuro.

3. Ikuwento ang kuwento mula simula hanggang katapusan, huwag titigil para magpaliwanag.

4. Maging totoo at natural, huwag gawing pormal o katatawanan.

5. Gamitin ang boses mo para maramdaman nila kung ano ang nangyayari , huwag basahin lang.

6. Relax ka lang at gamitin ang sarili mong style, huwag magpaka-artista.

7. Magsanay muna na magkuwento at humingi ng feedback, huwag isiping kayang-kaya mo na.

Paano magiging mahusay sa PANGUNGUNA NG USAPAN?


1. Pag-aralan at paghandaan ang mga tanong na
gagamitin. Tiyaking sa mga tanong na gagamitin ay
mapag-uusapan ang mga katotohanang nakasulat sa
Mga tanong na
“Tandaan ng Lider.” Nasa kaliwang bahagi ang ilan sa mga
puwedeng gamitin
simpleng tanong na puwedeng gamitin sa bawat kuwento

2. Idirekta ang grupo pabalik sa Kuwento para sa mga sagot, 1. Ano ang nagustuhan mo
at mga katotohanang ituturo. sa kuwentong ito? Bakit?

3. Kapag may nagtanong, huwag sagutin agad. Ibalik sa 2. Saang bahagi ng kuwento
medyo napaisip o nalito
grupo ang tanong para sila ang sumagot.
ka? Bakit?
4. Pag-usapan lang ang mga impormasyong nanggagaling sa
3. Ano ang natutunan mo
mga kuwentong napag-usapan na, huwag lulundag sa mga
tungkol sa Diyos sa
susunod na kuwentong hindi pa alam ng iba. kuwentong ito?
5. Huwag hayaang maging “Question and Answer time” 4. Ano ang natutunan mo
ang usapan. tungkol sa tao sa
kuwentong ito?
6. Matutunang mamuhay na may tensiyon at hiwaga. May
mga tanong na hindi talaga masasagot. 5. Ano ang dapat mong
sundin sa kuwentong ito?
7. Iwasang maging “ekspertong guro” at tingnan ang sarili
bilang kasama nila na estudyante din na kasama nilang 6. Paano mo maaalala ang
kuwentong ito?
nag-aaral, at guide na kasamang naglalakbay.
7. Kanino mo gustong
8. Makinig mabuti kung paano ipinapakilala ng Diyos ang
ikuwento din ito?
sarili niya sa pamamagitan ng mga kasama sa grupo.
Pakinggan din ang mga sagot nila para mas makilala sila at
kung ano ang nasa puso nila.

9. Magtiwala sa Diyos na kikilos siya sa prosesong ito. Mahalaga ang kaalamang matututunan, pero
mahalaga rin ang sama-samang nararanasan ang ginagawa ng Diyos.

10. Maging matiyaga, maglaan ng sapat na oras sa prosesong ito, lalo na kapag nagkakaiba-iba ng
opinyon, may tensiyon, maraming tanong o pagtataka.

AD Download to read ad-free.

~ 18 ~

Paano magiging mahusay sa PAG-UUGNAY SA BUHAY?


1. Sa tingin mo ba ay kilala mo na ang mga kakuwentuhan mo para magkaroon ng mas makabuluhang
usapan sa kanila? Naglalaan ba tayo ng oras sa kanila na hiwalay sa oras ng Kuwentuhan? Gaano na
natin sila kakilala? Gaano na nila tayo kakilala?

2. Nakikita mo bang ang pagkukuwento mo ng buhay mo sa kanila ay isang pangyayari – isang bagay na
nangyari na? O isang proseso – isang bagay na nagpapatuloy na nangyayari?

3. Nakikita mo ba na ito ay isang pag-uusap/talakayan o paglilipat lang ng impormasyon?

4. Ano ang “background” nila? Mga paniniwalang espirituwal? May church ba sila? O dating meron, pero
umalis na? O ayaw na talaga sa church? Kailangan ba natin silang ayain sa church?

5. May nabuo na ba tayong relasyon sa kanila? Gusto ba talaga nating magkaroon ng relasyon sa kanila o
gusto lang natin silang maging “contact” na maturuan ng tungkol sa Diyos at pagkatapos ay iwanan na?

6. Sapat na ba ang naikuwento mo sa kanila tungkol sa buhay mo para mahikayat silang magkuwento
din ng sarili nilang buhay?

7. Anu-ano ang nakikita mong hadlang o balakid para maintindihan at tanggapin nila ang Magandang
Balita? No-Read/No-Write, di sigurado kung may Diyos, di naniniwala sa Diyos, aktibista, maalam sa
science, sarado-kandado-Katoliko, kahit ano puwede?

8. Hindi basta-basta maipapasok ang Kuwento ng Diyos …kailangan ng ilang oras, tiyaga, at
permisong maipasok mo ang Kuwento sa kanila.

9. Kailangan mo bang magkuwento muna ng ilan pang mga kuwento para maihanda sila sa pakikinig
ng Kuwento ng Diyos?

10. Anu-anong tanong ang puwede mong gamitin para masabik silang magsimulang pakinggan ang
Kuwento?

11. Huwag masyadong direkta o pranka. Maging sensitibo sa kultura o tradisyon nila. Hayaan silang
mag-isip-isip para sa sarili nila.

12. Hanggang saan mo sila dadalhin sa unang beses na marinig nila ang Kuwento? Gaano kalalim ang
magiging talakayan n’yo?

13. Huwag mong ipilit ang doktrina sa kanila. Hayaan mong lumabas ang doktrina galing sa Kuwento!

14. Ipinapaliwanag ba natin ang mga salitang di karaniwang ginagamit? Huwag agad gumamit ng mga
“theological terms” na di nila naiintindihan, kung di rin lang natin ipapaliwanag sa kanila. Anu -anong
salita ang dapat nating wag munang gamitin o gumamit ng kapalit para mas maintindihan?

15. Pangunahing layunin natin ay mailapit ang relasyon nila sa Diyos. Huwag magsermon o pilitin
silang magdesisyon agad-agad. Maging kaibigan ng mga taong malayo ang relasyon sa Diyos!

16. Tandaan – the goal is DISCIPLESHIP. Ang karanasan sa Kuwentuhang ito ay dapat ikonekta sa buhay
ng isang pamilya ng Diyos na magkakasamang gumagawa ng misyong ibinigay ng Diyos. HEAD –
HEART – HANDS ang target ng Kuwentuhang ito. Dapat kang maglaan ng oras kasama ang mga
tagapakinig ng Kuwento sa kanilang normal na pang-araw-araw na buhay.

AD Download to read ad-free.

~ 19 ~

PAANO MANGUNA SA PAGSASANAY?


Para matiyak na tuluy-tuloy ang Story of God, mahalagang sundin ang MAWL Principle sa pagsasanay sa mga
susunod pang Story of God trainers.

LT LT LT

T T T LT

Model Assist Watch Leave


(Model)
Model (Ipakita). Sa simula ng pagsasanay, dapat ipakita ng trainer sa kanyang trainee kung paano gagawin
ang Story of God. Sa panahong ito, ang trainee ay pinapanood ang ginagawa ng trainer.

Assist (Tulungan). Pagkatapos ng sapat na panahon ng pagpapakita kung paano gagawin, hahayaan naman
ng trainer na ang kanyang trainee ay gawin din ang ginagawa niya pero tinutulungan pa niya at inaalalayan.
Ang trainee naman ay nakikibahagi na sa proseso at nagtatanong at nagpapatulong sa trainer sa mga bagay
na hindi pa siya pamilyar.

Watch (Tingnan). Kapag nakita na ng trainer na nagkakaroon na ng kumpiyansa ang trainee sa ginagawa,
mas marami na ang ibinibigay niyang responsibilidad dito at siya naman ay nakatingin o pinagmamasdan
ang trainee. Habang pinagmamasdan niya ito, nagbibigay siya ng evaluation, feedback, corrections at
encouragement para mas maging mahusay pa ang kanyang trainee.

Leave (Iwanan). Kapag napansin ng trainer na kaya na ng kanyang trainee na gawin ito mag-isa, iiwanan na
niya. Ngayon, ang trainee ay isa na ring trainer at siya naman ang hahanap ng ibang trainee para ulitin ang
prosesong pinagdaanan niya at makapagsanay din ng iba gamit ang MAWL Principle.

Tandaan na ang kailangang panahon para sa bawat hakbang sa prosesong ito ay nagbabago depende sa mga
taong sinasanay. Hindi natin puwedeng gawing pare- pareho ang “time-table” para sa bawat tao. Hindi natin
puwedeng sabihing bawat isa ay tutugun sa pare-parehong paraan sa pagsasanay. Ang iba ay mabilis, ang
iba ay mabagal, depende sa tao at depende rin sa sitwasyon nila sa buhay.

AD Download to read ad-free.

~ 20 ~

12-Week Story of God (Overview)

Weeks Stories Biblical References


Week 1 Creation and Rebellion
 Scene 1 ~ Ang Paglikha Genesis 1-2
 Scene 2 ~ Ang Pagrerebelde Genesis 3 (Job 38:4-7; Isa. 14:12-21; Pah. 12:7-9)
Week 2 Spread of Rebellion
 Scene 3 ~ Ang Magkapatid Genesis 4
 Scene 4 ~ Ang Baha Genesis 6-9
Week 3 The Promise of God
 Scene 5 ~ Ang Pangako Genesis 11-18, 21
 Scene 6 ~ Ang Anak Genesis 22
Week 4 The Law of God
 Scene 7 ~ Ang Pagliligtas at ang Kautusan Exodus 1-2, 7-12, 19-20
 Scene 8 ~ Mga Hari at mga Propeta Deuteronomy; Joshua; Judges; 2 Samuel; 2 Kings;
Prophecies from 2 Sam 7; Isa 7, 9, 40, 53, 61; Psa
22; Mic 5; Zec 12
Week 5 The Coming of Jesus
 Scene 9 ~ Ang Kapanganakan ni Jesus Matthew 1-2; Luke 1-2
 Scene 10 ~ Ang Bautismo kay Jesus Matthew 3; Mark 1; Luke 3; John 1
 Scene 11 ~ Ang Pagtukso kay Jesus Matthew 4; Luke 4
Week 6 The Authority of Jesus
 Scene 12 ~ Mga Himala ni Jesus Mark 2-5; Luke 3; John 1
 Scene 13 ~ Ang Kaharian ng Diyos Matthew 5, 7, 10, 13, 18-20; Mark 3-6, 10, 13; Luke
6, 8-10, 12-15, 17; John 3
Week 7 The Death and Resurrection of Jesus
 Scene 14 ~ Ang Mahabaging Ama Luke 15:11-32
 Scene 15 ~ Ang Kamatayan at Muling Matthew 26-28; Mark 14-16; Luke 22-24; John 13,
Pagkabuhay 17-20
(optional) Ang Pag-asa (Video)
Week 8 The Spirit and the Church
 Scene 16 ~ Ang Misyon at ang John 20; Matthew 28; John 14; Acts 1-2;
Kapangyarihan 1 Corinthians 15:3-8
Week 9 Living by the Spirit’s Power
 Scene 17 ~ Ang Pamumuhay ng Iglesia Acts 2, 4, 9:31; 1 Corinthians 16; 2 Corinthians 8
 Scene 18 ~ Ang Pakikipaglaban sa 1 Corinthians; Galatians 5:16-25; Romans 12:1-2
Kasalanan
Week 10 Life to the End
 Scene 19 ~ Ang Katapusan Mateo 13:24-30, 36-42; 22:13; 24:14; 28:18; Juan
15:20; 16:33; 1 Tesalonica 4:13-5:11; Santiago
1:12; Pahayag 2:10; 20:10, 21:1-22:21
Week 11 Forsaking Idols and Following Jesus
 Scene 20 ~ Si Jesus at ang Mayamang Lalaki Mark 8:34-38; 10:17-31
Week 12 Following Jesus in Baptism and the New Life
 Scene 10 ~ Ang Bautismo kay Jesus Matthew 3; Luke 3
 Scene 16 ~ Ang Bautismo sa Unang Iglesia Matthew 28:18-20; Acts 1-2

AD Download to read ad-free.

~ 21 ~

WEEK 1: Creation and Rebellion

PARA SA TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang inaasahan nating lalabas sa kuwentuhan:

1. Ang Diyos ang Manlilikha at Siya’y dakila at makapangyarihan.


2. Ang tao ay nilikha sa larawan o wangis ng Diyos.
3. Lahat ng kailangan ng tao para mabuhay nang may kasiyahan ay ibinigay ng Diyos.
4. Nilikha ang tao para sa walang-hanggang buhay.
5. Binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaang pumili kung magtitiwala sa Diyos o sa sarili.
6. Nagrebelde ang tao at pinalayas sa presensiya ng Diyos.
7. Walang karapatan ang taong husgahan kung ano ang mabuti at masama; Diyos lang ang may
awtoridad dito.
8. Hinahabol ng kabutihan ng Diyos ang tao, kahit na sila’y mga rebelde.
9. May misyon ang Diyos na binigay din niya sa tao.

IPAALALA SA GRUPO

Ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan.

1. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding
mapalapit sa isa’t isa para tumibay ang samahan.
2. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat.
3. Tanggapin ang anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo, magtanong at
mag-isip.
4. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay
confidential at di dapat ibahagi sa iba.
5. Hangga’t maaari sa pagsagot sa mga tanong, subukang galing din ang sagot sa mga
kuwentong narinig ninyo. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Diyos at sa tao ay
makikita sa Kuwentong ito.

PANIMULA

Anu-ano ang gusto mong makita sa mundong tinitirhan natin na iba sa nangyayari ngayon?
Di ganyan ang nakikita natin ngayon, pero may panahon na ang mundo natin at buhay ng tao ay
katulad ng isinalarawan ninyo…at darating ang araw na ibabalik ng Diyos sa dati ang lahat ng ito.

AD Download to read ad-free.

~ 22 ~

Ipinakita sa Biblia – ang Salita ng Diyos – kung paano gagawin iyon ng Diyos…Simulan natin sa
pinaka-simula ng Kuwento ng Diyos…

SCENE 1 ~ ANG MGA UNANG TAO

Ikuwento…(Galing sa Genesis 1-2)

Ang Kuwentong ito ay matatagpuan sa Bibliya. Ito ay tungkol sa Diyos –


kung sino siya, ano ang ginawa niya, at ano ang plano niyang mangyari.
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang mundo. Wala pa ang lahat
ng bagay narito na ang Diyos. Lahat ng bagay sa mundo at sa langit ay
ginawa ng Diyos mula sa wala. Lahat ay galing sa Diyos at para sa Diyos.

Sa kapangyarihan ng kanyang salita, nalikha ang lahat. Sinabi niyang,


“Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag.

ngDigos. Linmone LalakiatBabae

Dito nagsimulang buuin ng Diyos ang mundong titirhan ng tao, ang


mundong magsisilbing lugar na paghaharian ng Diyos. Sa loob ng anim na
araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ang tubig at kalawakan,
ang tubig at lupa sa mundo.
AngMundo NilikhangDigos. Linmone LalakiatBabae

Nilikha niya ang araw, buwan at mga bituin. Inihanda niya ang mundo para
maging maganda at kapaki-pakinabang. Pinatubo niya ang iba’ t ibang uri ng
puno at halaman. Pinuno niya ang mga tubig ng mga isda at ang himpapawid
ng mga ibon, at ang lupa ng mga hayop. Nakita ng Diyos ang lahat ng
kanyang ginawa at nasiyahan siya sa ganda ng nakita niya.

Pero may kulang pa, hindi pa tapos ang kanyang obra maestra. Pagkatapos
niyang ihanda ang mundo, sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao ayon sa
ating larawan. Sila ang mamamahala sa mundo, sa mga halaman at mga
hayop na naririto.”

Kaya dumampot ang Diyos ng lupa, hiningahan niya ito, nagkaroon ng


buhay, at naging tao. Siya ang unang lalaki na ang pangalan ay Adan.
Pagkatapos nito, nilikha ng Diyos ang unang babae, si Eba. Hindi lang lalaki
ang ginawa ng Diyos dahil sabi niya, “Hindi mabuting mabuhay an g tao nang
nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at
nararapat sa kanya.” Kaya mula sa isa sa mga tadyang ni Adan, ginawa itong

AD Download to read ad-free.

~ 23 ~

babae ng Diyos, at iniharap kay Adan. Kaya nilikha ng Diyos ang tao na lalaki
at babae ayon sa wangis niya.

Pinagpala ng Diyos ang unang mag-asawa at binigyan ng kakayahang


magpakarami sa pamamagitan ng mga anak na galing sa kanila. Sinabihan
niya sila, “Magpakarami kayo para mangalat ang lahi ninyo at mamahala sa
buong mundo.”

Inilagay niya sila sa isang magandang hardin, isang lugar kung saan nasa
kanila na ang lahat ng kailangan nila para masiyahan sa buhay.
Sa gitna ng hardin, merong dalawang espesyal na puno. Ang isa ay ang
Punong Nagbibigay-Buhay. Ang isa naman ay ang Punong Nagbibigay-
Kaalaman ng Mabuti at Masama. Sinabi ng Diyos kay Adan at Eba na puwede
silang kumain ng galing sa anumang puno maliban lang sa isa – ang Punong
Nagbibigay-Kaalaman ng Mabuti at Masama. Nagbigay siya ng babala na
kung kakain sila ng bunga nito, tiyak na mamamatay sila.

Araw-araw, dumarating ang Diyos, naglalakad na kasama ng mga tao, at


nakikipagkuwentuhan sa kanila. Ipinakita niya sa kanila kung paano
mamuhay nang kasiya-siya – isang buhay na malapit sa Diyos at nasa ilalim
ng kanyang pangangalaga at pamamahala. Nasisiyahan naman sina Adan at
Eba na kasama ang Diyos.

Nang matapos ang paglikha ng Diyos, tiningnan niya lahat ng ginawa niya at
lubos siyang nasiyahan. Nagpahinga siya at naglaan ng isang araw sa loob ng
isang linggo bilang araw ng pamamahinga para sa kanyang mga nilikha.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano ang kaibahan ng tao sa lahat ng nilikha ng Diyos? Nilikha sa larawan ng


Diyos…hiningahan ng Diyos para magkabuhay…may awtoridad na mamahala sa iba pang
nilikha ng Diyos.
2. Saan natin makikita sa Kuwento na nilikha ang tao na mabuti at maganda? Nilikha sa
larawan ng Diyos…nasiyahan ang Diyos sa nakita niyang nilikha niya.
3. Ano ang pagkakakilala mo sa sarili mo (trabaho, pamilya, relasyon, abilidad)? Gaano
kahalaga ang mga bagay na ito sa iyo? Anong magbabago kung ang pagkakakilanlan
(identity) mo ay nakadepende sa pagiging “larawan ng Diyos”?
4. Anong klaseng relasyon meron ang Diyos sa mga tao? Nakikipagkuwentuhan siya sa mga
tao…nasisiyahan silang kasama ang Diyos…Binigyan sila ng responsibilidad…Pinakita niya
kung ano ang kasiya-siyang buhay…Inilalayo sa kapahamakan.

AD Download to read ad-free.


~ 24 ~

5. Anong klaseng relasyon meron ang tao sa isa’t isa? Malapit…Si Eba galing sa katawan ni
Adan…Hubo’t hubad at di nahihiya.
6. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng dalawang puno sa gitna ng hardin?
7. Sa tingin mo ba’y nilikha ang tao na mabuhay nang walang hanggan (di mamamatay)?
Saan sa kuwento makikita iyon?
8. Ano ang natutunan natin tungkol sa Diyos sa eksenang ito? Pinagmumulan ng lahat ng
pagpapala… Makapangyarihan, Manlilikha ng lahat…Ipinapakita sa tao kung paano
mamuhay…Ipinagkatiwala sa tao ang pangangalaga sa kanyang nilikha…Nagbibigay ng lahat
ng kailangan ng tao…Nasisiyahan sa kanyang ginawa…Nag laan ng araw ng pahinga.
9. Ano ang natutunan natin tungkol sa kahulugan o layunin ng buhay ng tao? Bakit tayo
naririto? Saang bahagi ng kuwento makikita natin iyon? Para masiyahan at matuto sa
Diyos…Gugulin ang panahong kasama siya at namumuhay ayon sa kanya ng kalooban.
10. Anong kaibahan nito sa buhay at pag-iisip ng mga tao ngayon?

SCENE 2 ~ ANG PAGREREBELDE

Ikuwento…(Galing sa Gen. 3; Job 38:4-7; Isaias 14:12-21; Pahayag 12:7-9)

Habang inilalagay ng Diyos ang pundasyon ng mundo, nanonood ang mga


anghel – hangang-hanga sa ginagawa niya, kumakanta, at humihiyaw sa
tuwa! Nilikha niya ang magagandang anghel na ito para sambahin siya. Pero
ang ilan sa mga ito ay nagrebelde sa Diyos at sa kanyang paghahari.
Anumang pagrerebelde sa Diyos – sa isip, sa salita, at sa gawa – ay tinatawag
na kasalanan. Dahil di hahayaan ng Diyos na manatili ang kasalanan sa
kanyang presensiya itinapon niya ang mga rebeldeng anghel sa kadiliman sa
mundo, at darating ang araw na haharapin nila ang tiyak na parusa ng Diyos.

Isang araw, ang pinakapuno sa mga anghel na ito na si Satanas ay nag-


anyong ahas at lumapit kay Eba. Tinanong niya ang babae, “Totoo bang
pinagbawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alin mang puno sa
halamanan?”

Sumagot si Eba, “Hindi, puwede naman naming kainin lahat puwera lang dun
sa Puno na Nagbibigay-Kaalaman ng Mabuti at Masama. Sinabi ng Diyos na
kapag kinain namin iyon, o hinawakan man lang, tiyak na mamamatay kami.”
Sabi ng ahas sa kanya, “Hindi totoong mamamatay kayo! Sinabi iyan ng Diyos
dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang
mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang
mabuti at masama.”

AD Download to read ad-free.

~ 25 ~

Nang makita ni Eba na maganda at mukhang masarap ang prutas na iyon, at


dahil gusto niyang maging marunong, pumitas siya at kumain. Binigyan din
niya ang asawa niya, na katabi niya, at kumain din si Adan! Pinili nilang di
maniwala sa Diyos kundi sa kasinungalingan.

Noon din ay nabuksan ang kanilang isip at nalaman nilang hubad sila kaya’t
nahiya sila at natakot. Kumuha sila ng mga dahon at pinagtagpi-tagpi para
pantakip sa kanilang katawan.

Pagdating ng hapon, narinig nila ang Diyos na dumarating, kaya nagtago sila
sa likod ng puno. Tinawag ng Diyos si Adan, “Nasaan ka?” Sumagot si Adan,
“Narinig ko po kayong dumarating, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil
hubad ako.”

Sumagot ang Diyos, “Sino ang nagsabi sa iyo na hubad ka? Kumain ka ba ng
bunga ng punongkahoy na sinabi ko sa iyo na huwag ninyong kakainin?”
Sinisi ni Adan ang asawa niya at ang Diyos, “Ang babae po kasi na ibinigay
n’yo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.”
“Bakit mo ginawa iyon?”, tanong ng Diyos kay Eba. Sinisi naman ni Eba ang
ahas, “Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako.”

Kaya sinabi ng Diyos sa ahas, “Dahil sa ginawa mong ito, sa buong buhay
mo’y gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay
palaging makakakain ng alikabok. Ikaw at ang babae ay mag-aaway. Ang
lahi mo at ang lahi niya ay mag-aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at
tutuklawin mo ang sakong niya.”

Nalungkot ang Diyos sa ginawang pagsuway ng tao, pero di niya puwedeng


palampasin lang iyon. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, tama at
perpekto – dahil makatarungan siya dapat lang na parusahan ang kanilang
pagrerebelde sa kanya. Kaya pinarusahan sila ng Diyos at pinalayas sa
hardin – malayo na sa naranasan nilang pangangalaga at pag-iingat ng
Diyos. Dahil di na sila nagpasakop sa Diyos, pumasok ang sakit, hirap, sirang
relasyon at kamatayan sa buhay ng tao. Sa kabila noon, patuloy pa ring
ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig kina Adan at Eba – tumahi pa nga
siya ng damit para sa kanila na mula sa balat ng hayop na pinatay niya.
Ginawa niya para sa kanila, para matakpan ang kanilang kahihiyan.

AD Download to read ad-free.

~ 26 ~

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano ang kaibahan ng tao sa lahat ng nilikha ng Diyos?


2. Pero ano ang piniling gawin nina Adan at Eba sa eksenang ito? Pinaniwalaan ang
kasinungalingan ng ahas…piniling hindi magtiwala sa salita ng Diyos…sa halip ay nagtiwala
sa sarili…na pamahalaan ang mabuti at masama sa kanilang buhay nang hiwalay sa Diyos.
3. Ano ang tuksong iniharap ng ahas kina Adan at Eba? Na piliin ang sarili nang hiwalay sa
relasyon sa Diyos (pagmamataas)…na paniwalaang may karapatan tayong husgahan kung
ano ang mabuti at masama nang hiwalay sa Diyos.
4. Ano ang karaniwang kuwento ng buhay ng tao ngayon? Ano ang resulta nito? Sino ang
bida sa kuwentong ito? Makababalik pa kaya tayo sa orihinal na kuwento?
5. Ano ang unang tugon ng Diyos kay Adan pagkatapos na siya’y sumuway? Hinanap sila
ng Diyos…Tinanong, “Nasaan ka?”
6. Sa tingin mo ba’y di alam ng Diyos kung nasan siya? Bakit niya hinanap si Adan at
tinanong?
7. Ano ang resulta ng ginawang pagsuway nina Adan at Eba? Paghatol ng Diyos –
pagkahiwalay sa kanya…Nasirang relasyon sa Diyos at sa isa’t isa…sakit, hirap at
kamatayan…ngunit may awa pa rin ang Diyos…di sila agad pinatay…binihisan pa sila.
8. Bakit sa tingin mo may parusa sa ginawang pagsuway ng tao? Bakit di na lang ito
pinalampas ng Diyos? Hindi niya hahayaang manatili ang kasalanan sa presensiya
niya…Banal siya – lahat ng ginagawa ay tama, mabuti at perpekto.
9. Tulad ba tayo nina Adan at Eba o iba sa kanila? Sa paanong paraan?
10. Anu-ano ang natutunan natin tungkol sa Diyos sa kuwentong ito? Alam niya ang lahat
ng bagay, walang maitatago ang tao sa kanya…Makatarungan at banal…Nangako ng Isang
darating na papatay sa ahas… Pinagmumulan ng lahat ng biyaya at p agpapala.

PAGSASABUHAY

Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang
puwedeng pag-usapan ng grupo:

1. Kung totoo ang kuwentong ito, anu-ano ang dapat na magbago sa buhay mo?
2. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa Diyos?
3. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA PAG-UWI

 Genesis 1-3
 Job 38:4-7
 Isaias 14:12-21; Pahayag 12:7-9

AD Download to read ad-free.

~ 27 ~

WEEK 2: Spread of Rebellion

PARA SA TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang inaasahan nating lalabas sa kuwentuhan:

1. Bawat tao ay piniling magkasala – piniling pahalagahan ang sarili nang higit sa Diyos at
hiwalay sa Diyos.
2. Tumitingin ang Diyos sa puso ng tao.

3. Ang kasalanan at pagkamakasarili ay nauuwi sa pagkahiwalay sa Diyos at sa kamatayan.


4. Ang pagtitiwala at pagsunod ay tungo sa ganap na buhay at relasyon sa Diyos.
5. Nilikha tayo ng Diyos at inutusang mamunga o magpakarami.

6. Ang Diyos ang pinagmumulan ng awa at pagpapala.

IPAALALA SA GRUPO

Ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan.

1. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding
mapalapit sa isa’t isa para tumibay ang samahan.
2. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat.
3. Tanggapin ang anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo, magtanong at
mag-isip.
4. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay
confidential at di dapat ibahagi sa iba.
5. Hangga’t maaari sa pagsagot sa mga tanong, subukang galing din ang sagot sa mga
kuwentong narinig ninyo. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Diyos at sa tao ay
makikita sa Kuwentong ito.

BALIK-TANAW

Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo.

1. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo?


2. Paano nangusap ang Diyos sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa
mga napagkuwentuhan natin?

AD Download to read ad-free.

~ 28 ~

SCENE 3 ~ ANG MAGKAPATID

Ikuwento…(Galing sa Genesis 4)

Pagkatapos palayasin ng Diyos, nagkaroon ng dalawang anak na lalaki sina


Adan at Eba, na ang pangalan ay Cain at Abel.

Paglaki nila, si Cain ay naging magsasaka at si Abel naman ay nag-aalaga ng


hayop.

Nang umani na si Cain, naghandog siya sa Diyos ng galing sa kanyang ani. Si


Abel naman ay nagdala ng pinakamaganda sa kanyang mga alagang hayop.

Tinanggap at natuwa ang Diyos sa handog ni Abel, ngunit kay Cain ay hindi.

Dahil dito nagalit si Cain.

“Ano ba ang ikinagagalit mo?” tanong ng Diyos sa kanya. “Bakit ka


nakasimangot? Tatanggapin ko ang handog mo kung tama sana ang puso mo
sa paghahandog. Pero mag-ingat ka! Ang kasalanan ay maghahari sa iyo.
Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay
sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito.”

Di nakinig sa Diyos si Cain. Naghari sa kanya ang inggit at galit kaya pinatay
niya si Abel.

AD Download to read ad-free.

~ 29 ~

“Nasaan ang kapatid mo?” tanong ng Diyos. Sumagot si Cain, “Ewan ko. Bakit,
ako ba ang tagapagbantay niya?”

Sabi ng Diyos, “Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Kahit magtanim ka pa, ang
lupa ay hindi na magbibigay sa iyo ng ani. At wala kang pirmihang
matitirhan, kaya magpapagala- gala ka kahit saan.”

Sabi ni Cain, “Napakabigat ng parusang ito. Itinaboy ninyo ako ngayon sa


lupaing ito at sa inyong harapan. Kung may makakakita sa akin, tiyak na
papatayin ako.”

Sumagot ang Diyos, “Hindi! Ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko


ng pitong beses.” Kaya nilagyan ng marka ng Panginoon si Cain para hindi
siya mapatay. Pagkatapos, lumayo si Cain sa presensiya ng Diyos at doon
tumira sa bandang silangan ng hardin.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano ang sinabi ng Diyos kay Cain pagkatapos na di niya tanggapin ang inihandog nito?
Ano sa tingin mo ang ibig sabihin noon? Tumitingin ang Diyos sa puso ng tao. Hindi isyu
ang handog kundi ang puso ng naghahandog. Alam ni Cain kung ano ang dapat gawin pero di
naman niya ginawa. Di tama ang relasyon niya sa Diyos.
2. Bakit sa tingin mo pinatay ni Cain ang kanyang kapatid? Galit…inggit…pagnanais na
maging katanggap-tanggap sa sariling paraan.
3. Ano ang ginagawa mo kapag hindi mo nararamdamang tanggap ka? Ano ang gagawin
mo para maging katanggap-tanggap?
4. Ano sa tingin mo ang magbabago sa buhay mo kung alam mong kahit sino ka pa at ano
ang ginawa mo ay minamahal ka at tinatanggap ng Diyos?
5. Ano ang reaksiyon ng Diyos sa pagpatay ni Cain sa kanyang kapatid? Bakit di niya na
lang pinalampas ang kasalanan ni Cain? Dapat lang na mamatay si Cain. Makatarungan
ang Diyos, pero nagpakita pa rin siya ng habag at awa.
6. Ano ang matututunan natin tungkol sa tao sa eksenang ito? Nagtatago sa
kasalanan…Naiiinggit…Di marunong makinig sa Diyos…Di ginagawa ang alam na dapat
gawin.

AD Download to read ad-free.

~ 30 ~

7. Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos sa eksenang ito? Interesado ang Diyos sa
buhay ng tao…Pinaparusahan ang kasalanan….Mahabagin at maawain…Alam ang lahat ng
bagay.
8. Sino ang mas katulad mo sa eksenang ito? Si Cain o si Abel? Paano mo nasabing
ganoon?

SCENE 4 ~ ANG BAHA

Ikuwento…(Galing sa Genesis 6-9)

Hindi nagtagal, dumami nang dumami ang mga tao sa mundo. Sa pagdami
ng tao, kumalat din ang kasalanan hindi lang mula kina Adan at Eba tungo sa
kanilang mga anak, kundi sa bawat salinlahi.

Kahit na ang tao’y nilikha sa larawan ng Diyos, pinili nilang sumuway sa


Diyos. Naging marahas sila sa isa’t isa.

Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro


kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama, nanghinayang siya
kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya,
kaya sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain.
At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa dahil nanghihinayang ako sa
paglikha sa kanila.”

Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe. May


malapit siyang relasyon sa Diyos at siya lang ang namumuhay na matuwid
noon.

Kaya sabi niya kay Noe, “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Pababahain ko ang
mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa
mundo. Pero may plano ako para maligtas ka at ang pamilya mo. Pangako ko
ito sa iyo.”

AD Download to read ad-free.

~ 31 ~

At sinabihan siya ng Diyos na gumawa ng isang barko – kung gaano ito


kalaki at kung ano ang itsura nito. “Gumawa ka ng isang barko na may mga
kuwarto para sa iyo at para sa mga hayop na ililigtas ko. Magdala ka ng
pitong pares ng mga hayop na ihahandog n’yo sa akin at tig-isang pares ng
iba pang hayop. Magdala ka ng sapat na pagkain para sa pamilya mo at sa
mga hayop.”

Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Diyos sa kanya. Nang mayari ang
barko, pumasok na si Noe at ang kanyang pamilya sa loob.

At tulad ng sinabi ng Diyos, dumating nga ang malaking baha. Nagsimulang


maglabasan ang mga tubig mula sa lupa at bumuhos ang malakas na ulan.

Sa pagbuhos ng malakas na ulan, tumaas nang tumaas ang baha hanggang


nalubog ang pinakamataas na bundok, at lahat ng tao at lahat ng nabubuhay
sa mundo ay nalunod at namatay; maliban lang doon sa mga nasa loob ng
barko.

Tumigil ang ulan pagkatapos ng 40 araw, at pagkatapos ng halos isang taon


nang magsimulang umulan, humupa na ang baha, at lumabas na sa barko si
Noe at ang kanyang pamilya, pati mga hayop.

Paglabas ng barko, gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon, pumili ng


mga malilinis na hayop para ihandog, at sinunog niya ito sa altar bilang
handog sa Panginoon, bilang pasasalamat at pagsamba sa kanya.

Natuwa ang Diyos sa handog ni Noe at nangako siya, “Hindi ko na muling


susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam kong makasalanan
ang tao mula nang bata pa siya.” Pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang
mga anak, at sinabing sila’y magpakarami, at muling punuin ang mundo ng
mga tao.

AD Download to read ad-free.

~ 32 ~

Iniutos ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya, “Kayo ang maghahari sa lahat
ng mga hayop. Puwede n’yo silang kainin, ‘wag lang ang mga hayop na hindi
pa lumalabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay. Sisingilin ko ang
sinumang papatay sa kanyang kapwa. Sapagkat ang tao ay ginawa ng Diyos
na kawangis niya.”

At dugtong pa niya, “Bilang palatandaan ng kasunduan ko sa inyo at sa mga


hayop, maglalagay ako ng bahaghari sa ulap. Tuwing lilitaw ang bahaghari
sa mga ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang kasunduan ko sa
lahat ng uri ng nilikha na nabubuhay sa mundo.”

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Bakit sinira ng Diyos ang halos lahat ng nilikha niya sa mundo? Meron ba siyang sapat
na dahilan para gawin ‘to? Kasalanan ng tao at pagrerebelde sa Diyos.
2. Bakit naligtas si Noe at ang kanyang pamilya?
3. Ano ang ibig sabihin ng “namumuhay na matuwid”? Wala bang kasalanan si Noe?
Hindi dahil sa ginagawa ni Noe, kundi dahil sa relasyon niya sa Diyos at sa biyaya ng Diyos
sa kanya.
4. Ano ang kahahantungan ng kasamaan, pagrerebelde at karahasan ng tao? Kamatayan!
5. Ano naman ang kinahantungan ng pagtitiwala at pagsunod ni Noe? Naligtas ng Diyos,
kasama ang pamilya…Gumawa ang Diyos ng paraan para siya maligtas.
6. Batay sa eksena ngayon, at sa mga nauna pa sa Kuwento, ano ang pagsasalarawan sa
mga tao? Simula sa pagrerebelde nina Adan at Eba, lahat ng tao ay mga rebelde rin at
makasalanan.
7. Ang mundo ba at mga tao sa panahon ni Noe ay iba sa panahon natin ngayon? Paano
mo nasabi?
8. May nakilala ka na bang isang taong PERPEKTO ang naging buhay? Na walang
nagawang makasariling bagay, kahit kailan?
9. Mula sa eksenang ito, ano ang nararamdaman ng Diyos sa mga tao? Nalulungkot at
nagagalit sa kanilang kasamaan…Nahahabag, pinakita nang iligtas si Noe at mangakong ‘di
na niya ulit sisirain ang kanyang nilikha.
10. Ano ang ibig sabihin ng mamunga at magpakarami? Ano ang kinalaman nito sa
pagpapalaki ng anak, sa paghawak ng pera, sa paggamit ng talento, sa paggamit ng
oras, at sa relasyon sa ibang tao?

AD Download to read ad-free.

~ 33 ~

11. Ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa hayop at sa dugo nito? Tungkol sa pagpatay at
buhay ng tao? Bakit ito mahalaga? Lahat ng buhay ay para sa Diyos, at ang buhay ay nasa
dugo. Sisingilin niya ng dugo (buhay) ang sinumang aagaw ng buhay ng kapwa.
12. Anu-ano ang natutunan natin tungkol sa Diyos sa kuwentong ito? Makapangyarihan,
kontrolado ang kalikasan…Hindi hahayaan ang kasamaan sa kanyang
presensiya…Nagpaparusa…Nagbibigay babala sa parating na paghatol…Nangakong di na
muling sisirain ang mundo, kahit makasalanan ang tao.

PAGSASABUHAY

Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang
puwedeng pag-usapan ng grupo:

1. Kung totoo ang kuwentong ito, anu-ano ang dapat na magbago sa buhay mo?
2. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa Diyos?
3. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA PAG-UWI

 Genesis 4, 6-9
 Hebreo 11:4-7
 Roma 3:9-18

AD Download to read ad-free.

~ 34 ~

WEEK 3: The Promise of God

PARA SA TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang inaasahan nating lalabas sa kuwentuhan:

1. Ang ating pagkakakilanlan (identity) bilang isang bayan o pamilya ng Diyos.


2. Pinili ng Diyos ang kanyang bayang pag-aari (o pamilya) dahil lamang sa kanyang biyaya
(grace), hindi sa anumang kabutihan o kakahayan na mayroon sila.
3. Nais ng Diyos sa kanyang pamilya ay magtiwala sa kanya at sa kanyang pangako – hindi
magtiwala sa sarili nilang pamamaraan o kakayahan.
4. Ang kasalanan at pagkamakasarili ay nauuwi sa pagkahiwalay sa Diyos at sa kamatayan.
5. Ang mga taong pinili niyang gamitin para matupad ang kanyang pangako at layunin ay mga
makasalanan at mahina ang pananalig sa kanya. Ito ang kundisyon ng lahat ng tao.
6. Paulit-ulit ang Diyos sa kanyang pangako para patibayin ang pagtitiwala sa kanya ng
kanyang mga anak, at alisin ang mga takot nila.

IPAALALA SA GRUPO

Ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan.

1. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding
mapalapit sa isa’t isa para tumibay ang samahan.
2. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat.
3. Tanggapin ang anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo, magtanong at
mag-isip.
4. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay
confidential at di dapat ibahagi sa iba.
5. Hangga’t maaari sa pagsagot sa mga tanong, subukang galing din ang sagot sa mga
kuwentong narinig ninyo. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Diyos at sa tao ay
makikita sa Kuwentong ito.

BALIK-TANAW

Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo.

1. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo?


2. Paano nangusap ang Diyos sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa
mga napagkuwentuhan natin?

AD Download to read ad-free.

~ 35 ~

SCENE 5 ~ ANG PANGAKO

Ikuwento…(Galing sa Genesis 11-18, 21)

Di lumaon, nakalimutan ng mga sumunod na lahi ni Noe ang Diyos na


nagligtas sa kanila sa baha. Nagbalak silang gawing tanyag ang sarili nila sa
halip na bigyang karangalan ang Diyos. Sabi nila, “ Magtayo tayo ng isang
lungsod na may toreng aabot sa langit, para maging tanyag tayo.”

Nakita ng Diyos ang kahambugan ng tao. Sa panahong iyon, lahat ng tao sa


mundo ay may iisang wika lang. Kaya pinag-iba-iba ng Diyos ang wika ng
mga tao para di sila magkaisang magrebelde sa kanya. At ikinalat ng Diyos
ang mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo. Noon nagsimula ang mga bansa…

Pagkatapos ng ilang panahon, mula sa mga bansang ito ay tumawag siya ng


isang tao na ang pangalan ay Abram at nagbitaw siya ng isang pangako na
tinatawag na tipan – na siyang pinakamatibay sa lahat ng kasunduan sa
pagitan ng dalawang tao.

Ito ang tipan ng Diyos kay Abram, “Gagawin kong isang tanyag na bansa ang
lahi mo. Pagpapalain kita at magiging tanyag ka …Pagpapalain ko ang
magmamagandang-loob sa iyo. Pero isusumpa ko naman ang susumpa sa iyo.
Sa pamamagitan mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”

Napakalaking pangako ang binitawan ng Diyos. Pinili niyang pagpalain ang


buong mundo sa pamamagitan ng isang pamilya! Pero merong isang
problema. Si Sarai, na asawa ni Abram, ay di magkaanak. Paano ngayong
mangyayaring pagpapalain ang mundo sa pamamagitan ng mga anak nila?
Bukod doon, tumatanda pa sila. Si Abram ay 75 taon na at si Sarai ay 65!

Iniutos ng Diyos kay Abram, “Iwan mo ang bansa mo at mga kamag-anak mo


at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.” Dinala ng Diyos sina Abram
at kanyang pamilya sa lupang tinatawag na Canaan.

Doon, sinabi ng Diyos sa kanya, “Ang lahat ng lupain na maaabot ng


paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito
magpakailanman.” Kaya ang Canaan ay tinawag na Lupang Pangako.

AD Download to read ad-free.


~ 36 ~

Lumipas ang ilang taon, wala pa ring anak ang mag-asawang Abram at Sarai.
Nagtanong si Abram sa Diyos, “Ano po ang halaga ng gantimpala n’yo sa akin
dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak. Tumatanda na ako at ang
magiging tagapagmana ko ay isa sa mga tauhan ko.” Pero tugon ng Diyos,
“Hindi siya kundi ang sarili mong anak ang magiging tagapagmana mo .”

Pagkatapos dinala siya ng Diyos sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga


bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din
karami ang lahi mo.” Nagtiwala si Abram sa Diyos at sa kanyang pangako, at
dahil dito, itinuring siyang matuwid ng Diyos.

Lumipas pa ang maraming taon at nainip na si Sarai dahil di pa siya


nagkakaanak. Nagplano siyang ibigay ang alipin nilang si Hagar para
magkaanak para sa kanya. Pumayag naman si Abram. Dahil doon, nabuntis
si Hagar at ipinanganak niya si Ismael. Di naging maganda ang relasyon ng
mag-inang ito sa pamilya ni Abram kaya di nagtagal ay umalis din sila.

Nang 99 taon na si Abram, muling nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabi,


“Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo;
pararamihin ko ang mga lahi mo. Abraham na ang itatawag sa iyo dahil ikaw
ay magiging ‘ama ng maraming bansa.’ Si Sarai naman ay tatawaging Sara,
dahil siya ang magiging ‘ina ng maraming bansa.’”

Parehong natawa ang mag-asawa at nagduda sa ipinangako ng Diyos.


Nagtaka si Abraham, “Magkakaanak pa ba ako na nasa 100 taong gulang na?
At si Sarah, mabubuntis pa kaya siya na nasa 90 taong gulang na?” Si Sarah
naman, sa isip-isip niya, “Magkakaanak pa ba ako ngayong matanda na ako,
at mas matanda pa ang asawa ko?”

Nagtanong si Abraham sa Diyos, “Puwede po bang kay Ismael n’yo na lang


ipasa ang pagpapalang pinangako n’yo?” Pero sabi ng Diyos, “Bakit kayo
natawa? May bagay ba na hindi ko kayang gawin? Isang taon mula ngayon,
magkakaroon ka ng anak na lalaki. At sa kanya ko ipapasa ang pagpapalang
ipinangako ko sa iyo – hindi kay Ishmael.”

Totoo nga, paglipas ng isang taon – eksakto ayon sa sinabi ng Diyos –


nanganak si Sara ng isang lalaki, at pinangalanang Isaac, na ang ibig sabihi’y
“tawa.” Ang pagsilang kay Isaac ang pasimula ng pagtupad ng Diyos sa
pangako niya kay Abraham. Nais ng Diyos sa lahi ni Abraham na sila’y
maging isang bagong bayan, pamilya ng Diyos, na magpapakita sa buong
mundo kung paano mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

AD Download to read ad-free.

~ 37 ~

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Bakit pinigilan ng Diyos ang balak ng mga taong gumawa ng tore? df


2. Mula sa eksenang ito, ano ang matutunan natin tungkol kay Abraham? Pinili siya ng
Diyos para dalhin ang kanyang pagpapala sa mundo…Matanda na siya…Nagtiwala siya sa
Diyos at sumunod…Kahit na nagtiwala siya’t sumunod, nahirapan pa rin siyang lubos na
magtiwala sa pangako ng Diyos.

3. Saan sa eksenang ito makikita nating nagduda o nag-alinlangan si Abraham sa


pangako ng Diyos? Inisip ni Abraham na ang isa sa mga alipin niya ang magiging
tagapagmana niya…Silang mag -asawa ay natawa sa pangako ng Diyos at nagtanong,
“Paanong mangyayari ‘to?”
4. Bakit tinawag ng Diyos na matuwid si Abraham? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng
“matuwid”? Paano mo isasalarawan ang relasyon ng Diyos kay Abraham?
5. Ano ang tawag sa espesyal na pangakong ito ng Diyos kay Abraham? Bakit ito
espesyal? Saang bahagi ng Kuwento nakita n’yong nagbitiw ang Diyos ng pangako?
Tipan o covenant…Kay Cain…kay Noe.
6. Ano ang ipinangako ng Diyos kay Abraham? Gagawin siyang ama ng dakilang
bansa…bibigyan ng maraming anak…pagpapalain…iingatan…Pagp apalain lahat ng bansa sa
pamamagitan niya.

7. Kung maghihintay ka ng 25 taon bago matupad ang pangako ng Diyos, magtitiwala ka


pa kaya sa Diyos?

8. May narinig ka ba sa eksenang ito na may koneksiyon sa mga naunang bahagi ng


Kuwento? Ano ‘yon?
9. Anong sinasabi ng pangakong ito ng Diyos tungkol sa kung sino siya? Gusto niyang
pagpalain ang lahat ng tao…Pumili siya ng isang pamilya (bansa) na pagpapalain niya at
mamumuhay sa kanyang kalooban.

SCENE 6 ~ ANG ANAK

Ikuwento…(Galing sa Genesis 22)

Nang magbibinata na si Isaac, sinubukan ng Diyos ang pananampalataya ni


Abraham. Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Dalhin mo ang kaisa-isa at
pinakamamahal mong anak na si Isaac. Umakyat kayo sa bundok na ituturo
ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang hando g na sinusunog.”

AD Download to read ad-free.

~ 38 ~

Kinabukasan, maagang-maaga pa’y bumangon na si Abraham. Nagsibak siya


ng ilang kahoy para sa paghahandog. Nang maigayak na niya ang lahat ng
gamit na kailangan, isinama niya si Isaac at ang dalawa sa kanyang mga
tauhan at naglakbay papunta sa bundok na sinabi ng Diyos.

Pagkaraan ng tatlong araw ng paglalakbay, nakita na nila ang bundok.

At sinabi ni Abraham sa kanyang mga tauhan, “Dito muna kayo, dahil aakyat
kami roon ni Isaac para sumamba sa Diyos. Babalik din kami agad.”
Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa
paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.

Habang naglalakad sila papunta sa bundok, nagtaka si Isaac at nagtanong,


“Tatay, may dala po tayong sulo at pa nggatong pero nasaan po ang tupa na
ihahandog?” Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay sa atin
ng tupang ihahandog.”

Pagdating nila sa taas ng bundok, gumawa sila ng altar at inilagay ang mga
kahoy sa ibabaw. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa altar.
Pagkatapos, kinuha niya ang itak, itinaas ito at nakahanda nang patayin ang
kanyang anak bilang handog sa Diyos.

Sa oras ding iyon, sumigaw ang Diyos, “Abraham! Abraham!” “Opo, nakikinig
po ako!” sagot naman niya. Sinabi ng Diyos, “Ibaba mo na ang itak. ‘Wag mo
nang saktan ang anak mo. Ngayon, napatunayan ko nang nagtitiwala ka sa
akin dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa- isa mong anak.”

Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang tupa na ang sungay ay


nasabit sa mga sanga ng kahoy.

Kinuha ito ni Abraham at sinunog bilang handog sa Diyos kapalit ng


kanyang anak. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Ang Diyos ang
Naglalaan.”

AD Download to read ad-free.

~ 39 ~

Pagkatapos noon, sinabi ng Diyos kay Abraham, “Sumusumpa ako sa sarili ko


na pagpapalain kita dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong
anak. Lalaki nang lalaki ang pamilya mo – magiging singdami ng mga bituin
sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sa pamamagitan ng iyong lahi
pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil pinili mong sumunod sa
akin.”

Pagkatapos nito, bumaba na sila ng bundok, binalikan ang mga kasama nila,
at umuwi na sa kanila.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano ang ipinapakita ng eksenang ito tungkol kay Abraham?


2. Tungkol sa relasyon ni Abraham sa kanyang anak na si Isaac?
3. Tungkol sa relasyon ng Diyos kay Abraham? May espesyal na relasyon sa Diyos…piniling
maging pagpapala…May pananalig sa Diyos na tutuparin ang pangako…Mahal ni Abraham si
Isaac…Nakikinig siya sa Diyos.
4. Ano ang sabi ni Abraham sa kanyang mga alipin? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa
pananampalataya ni Abraham? Babalik kami…Naniniwala si Abraham na gagawa ang
Diyos para di mabali ang ipinangako niya.
5. Ano ang makikita natin tungkol kay Isaac? May tiwala sa kanyang ama.
6. Ano ang nakasalalay sa pagsunod ni Abraham sa Diyos sa eksenang ito? Ang
pangakong pagpapalain ng Diyos ang buong mundo sa pamamagitan ng mga lahi niya.
7. Saang bahagi ng Kuwento nakita na nating naghahandog ang tao sa Diyos? Bakit nila
ito ginagawa? Ano ang itinuturo ng Diyos tungkol sa mga paghahandog na ito? Cain at
Abel…Noe…pagkilala sa mga biyaya ng Diyos…na ang Diyos ang nagbibigay ng buhay…siya
ang nagkakaloob ng kapalit na ihahandog…buhay sa buhay.
8. Ano ang tinuturo ng eksenang ito tungkol sa Diyos? Siya ang naglalaan ng kailangan ng
kanyang mga anak para makasunod sa kanya…Sinusubok niya ang pananampalataya ng
kanyang mga anak…Nais niyang pagpalain niya tayo…Sa kanya nagmumula lahat ng
biyaya…Tinutupad niya ang pangako niya.
9. Susunod ka ba sa Diyos kapag sinabi niyang gawin mo ang tulad ng pinagawa niya kay
Abraham? May nakikita ka bang koneksiyon nito ngayon sa nais niyang ipagawa sa
iyo ngayon?

AD Download to read ad-free.

~ 40 ~

PAGSASABUHAY

Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang
puwedeng pag-usapan ng grupo:

1. Kung totoo ang kuwentong ito, anu-ano ang dapat na magbago sa buhay mo?
2. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa Diyos?
3. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA PAG-UWI

 Genesis 11-18, 22
 Roma 4

AD Download to read ad-free.

~ 41 ~

WEEK 4: The Law of God

PARA SA TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang inaasahan nating lalabas sa kuwentuhan:

1. Ang Diyos ang nagliligtas sa kanyang bayan mula sa pagkaalipin/pagkabihag sa kasalanan.


2. Ibinigay ng Diyos ang kanyang kautusan para ipakita sa kanila kung paano mamuhay na siya
ang kinikilalang Diyos. Ang Kautusan ay ibinigay sa kanila pagkatapos na sila ay iligtas mula
sa pagkaalipin, nagpapakita kung paano sila dapat mamuhay bilang mga malaya na.
3. Nagbigay ang Diyos sa kanyang bayang pinili ng paraan para sa kapatawaran o kabayaran
ng kanilang kasalanan at mamuhay na malapit ang relasyon sa kanya.
4. Sila ay dapat maging isang bayang ipinapakita sa mga bansa ang karangalan ng Diyos.

5. Nagrebelde ulit sila at namuhay sa sarili nilang paraan – na ginagawa kung ano ang sa tingin
nilang tama (nagpapasya kung ano ang mabuti at masama para sa kanilang sarili).

IPAALALA SA GRUPO

Ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan.

1. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding
mapalapit sa isa’t isa para tumibay ang samahan.
2. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat.
3. Tanggapin ang anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo, magtanong at
mag-isip.
4. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay
confidential at di dapat ibahagi sa iba.
5. Hangga’t maaari sa pagsagot sa mga tanong, subukang galing din ang sagot sa mga
kuwentong narinig ninyo. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Diyos at sa tao ay
makikita sa Kuwentong ito.

BALIK-TANAW

Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo.


1. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo?
2. Paano nangusap ang Diyos sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa
mga napagkuwentuhan natin?

AD Download to read ad-free.

~ 42 ~

SCENE 7 ~ ANG PAGLILIGTAS AT ANG K AUTUSAN

Ikuwento…(Galing sa Genesis 37-50, Exodo 1-2, 7-12, 19-20)

Ang bayang nagmula kay Abraham ay tinawag na Israel, pangalang ibinigay


ng Diyos sa apo niya kay Isaac na si Jacob. Si Jose, isa sa 12 anak na lalaki ni
Jacob, ay napunta sa Egipto. Inanyayahan niya ang kanyang pamilyang doon
na tumira para makaligtas sa matinding taggutom.

Habang nasa Egipto sila, dumami nang dumami ang mga Israelita. Nang
mamatay si Jose, nabahala ang Hari ng Egipto sa dami ng mga Israelita.

Pinagmalupitan niya sila at ginawang mga alipin. Naging alipin sila nang
halos 400 taon. Nagsimula silang dumaing sa Diyos at inalala ng Diyos ang
kanyang pangako na pagpapalain niya ang kanyang bayan.

Tumawag ang Diyos ng isang taong gagamitin niya para iligtas ang mga
Israelita mula sa pagkaalipin, ang pangalan niya ay Moises. Pinadala niya si
Moises sa Hari para balaan na masasama ang mangyayari kung hindi
papakawalan ng mga Egipcio ang mga Israelita.

Pero nagmatigas si Faraon at hindi nakinig. Kaya nagpadala ang Diyos ng


sunud-sunod na mga nakapangingilabot na mga salot para parusahan ang
mga Egipcio, pero ang mga salot na ito ay hindi nakaapekto sa mga Israelita.

Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, ayaw pa ring paalisin ni Faraon ang mga
Israelita. Kaya nagpadala ng panghuling salot ang Diyos…isang salot na
papatay sa bawat panganay – tao at hayop – sa Egipto. Ngunit nagbigay ang
Diyos ng paraan para maligtas ang mga panganay ng mga Israelita.

Binilinan niya sila na kumuha ng isang panganay na lalaking tupa na walang


kapintasan, at ihandog ito sa kanya na hindi binabali ang anumang buto nito.

AD Download to read ad-free.

~ 43 ~

Pagkatapos, kukunin nila ang dugo ng tupa at ipapahid sa hamba ng pinto ng


kanilang bahay. Kaya ginawa ng mga Israelita ang mga sinabi ng Diyos.

Pagdating ng hatinggabi, nagpadala ang Diyos ng anghel na dadaan sa buong


Egipto para patayin ang lahat ng panganay, pero nilagpasan nito ang lahat
ng bahay na may nakapahid na dugo sa hamba ng kanilang pinto.

Umiyak ang mga Egipcio sa nangyaring trahedya sa kanila at


nagmakaawang umalis na ang mga Israelita. At ngayon ang Israel, malaya na
mula sa pagkaalipin sa Egipto at higit dalawang milyon na ang dami, ay
nagsimulang bumalik sa lupang pinangako ng Diyos kay Abraham.

Pero gustong maghiganti ng Hari – nagpadala siya ng mga tauhan para


habulin ang Israel at patayin. Nang malapit na ang mga Israelita sa dagat,
natakot sila dahil akala nila aabutan sila ng mga kalaban.

Pero hinati ng Diyos ang dagat para makatawid sa tuyong lupa ang mga
Israelita.

Nang subukan ng mga kalaban na tumawid din sa dagat, nagpadala ang


Diyos ng malakas na hangin na nagbalik sa mga tubig. Patay lahat ng mga
kalaban nila, ngunit ang mga Israelita ay naligtas.

Dalawang buwan pag-alis sa Egipto, nagpahinga muna ang mga Israelita sa


paanan ng Bundok ng Sinai. Bumaba ang Diyos sa bundok sa naglalagablab
na apoy at nabalot ng usok ang bundok. Tinawag ng Diyos si Moises na
humarap sa kanya sa tuktok ng bundok.

Doon, sinabi ng Diyos sa kanya, “Sabihin mo ito sa aking bayan, ‘Nakita n’yo
kung paano ko kayo dinala na parang sa isang pakpak ng agila at iniligtas
mula sa Egipto. Ngayon kung susundin n’yo ako at magiging tapat sa tipan ko
sa inyo, kayo ay magiging bayang pag-aari ko – isang kaharian ng mga pari –
ibinukod para kumatawan sa akin sa mundo.” Pagkatapos noon, binigyan ng
Diyos si Moises ng mga tagubilin kung paanong ang mga tao ay babalik sa

AD Download to read ad-free.

~ 44 ~

pagsunod sa kanyang kalooban at mamuhay nang may kalayaan, isang


buhay na malapit sa Diyos at nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Ilan sa
mga nasa Kautusan ng Diyos ay ito…

“Ako ang inyong Diyos na nagligtas sa inyo mula sa pagkaalipin sa Egipto.


Pahalagahan n’yo ako nang higit sa lahat. Huwag kayong sasamba sa ibang
mga bagay. Huwag kayong gagawa ng mga imahen o rebulto para sambahin.
Huwag n’yong aabusuhin o lalapastangin ang aking pangalan. Alalahanin
n’yong maglaan ng isang araw sa isang linggo para mamahinga at sumamba
sa akin…

“…Igalang n’yo ang inyong mga magulang. Huwag kayong papatay, o


magnanakaw, o magsisinungaling. Huwag kayong sisiping sa iba maliban sa
inyong asawa – maging tapat kayo sa inyong asawa. Huwag mong
pagnanasahan ang pag-aari ng iba – maging kuntento ka kung ano ang bigay
ko sa iyo.”

Pero ayaw ng mga taong mamuhay ayon sa itinakda ng Diyos. Nagrebelde


sila ulit, na tinawag ang mga utos na Diyos na parang isang klase na naman
ng pagkaalipin. Kahit ang mga taong sinubukang sumunod sa mga utos na
ito ay nalamang di pala nila kayang makasunod sa lahat. Kamatayan ang
naging kabayaran ng kanilang kasalanan.

Pero dahil mahal ng Diyos ang kanyang bayan at tapat siya sa kanyang mga
pangako, nagbigay siya ng paraan para ipalit nila sa kanilang buhay bilang
kahalili ang buhay ng isang inosenteng hayop. Magdadala ang mga tao ng
malinis na hayop sa Diyos, at hihilingin sa kanyang ilipat ang kanilang
kasalanan sa walang kamalay-malay na hayop. Ang hayop ay pinapatay at
ang dugo nito ay binubuhos bilang kabayaran sa kasalanan ng taong
nagkasala. Gagawin nila ito hanggang dumating ang minsanan at panghuling
handog na siyang magbabayad ng mga kasalanan ng mga tao sa mundo.

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano ang itinuturo ng eksenang ito tungkol sa ating mga tao – na masasalamin sa
reaksiyon ni Moises, ng Hari ng Egipto, at ng mga Israelita sa salita ng Diyos? Rebelde,
makasalanan, hindi nagtitiwala sa Diyos.
2. Ano ang itinuturo ng eksenang ito tungkol sa Diyos?
3. Paano maliligtas ang mga Israelita sa pagpatay sa mga panganay? Dapat silang pumatay
sa isang tupang lalaki, panganay, at walang kapintasan, at ilagay ang dugo nito sa pinto ng

AD Download to read ad-free.

~ 45 ~

bahay…Dapat silang pumasok sa loob ng bahay…Ang Diyos ang nagbigay ng kaligtasan!


Magagawa lang nila nito kung maniniwala at magtitiwala sila sa Diyos.
4. Saan pa sa mga nakaraang bahagi ng Kuwento nakita nating ang buhay (o dugo) ng
isang inosenteng hayop ay ibinigay para takpan o bayaran ang kasalanan ng isang tao?
Kay Adan at Eba nang gumawa ang Diyos ng damit nila mula sa balat ng hayop.
5. Bakit mahalaga ang mga handog at ang dugo? Sinabi ng Diyos na dapat pagbayaran ang
kasalanan ng tao. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…Ang bayad sa kasalanan ay
buhay, buhay sa buhay. Ang tipan kay Noe ay nagtuturo sa ating ang buhay ay nasa dugo.
Dugo (buhay na binigay o inialay) lang ang paraan para mabayaran ang kasalanan.
6. Ano ang isang tipan? Anong tipan ang tinutukoy ng Diyos? Kanino ito unang ibinigay?
Kay Abraham… Sa bayang Israel…(balikan ang iba’t ibang bahagi ng mga pangako ng Diyos
sa tipan kay Abraham)
7. Paano ang dapat gawin ng mga Israelita para magampanan ang bahagi nila sa tipan?
Sundin ang lahat ng mga utos ng Diyos.
8. Babalewalain ba ng Diyos ang tipan kung hindi sila sumunod sa kanya? Bakit o bakit
hindi? Hindi lahat, bahagi lang. Maaaring tanggalin niya ang pagpapala at proteksiyon niya,
pero sa bandang huli pinili pa rin niyang iligtas sila para ipakita kung gaano kadakila ang
habag niya, na hindi nakadepende sa nagawa nilang kabutihan.
9. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin niyang, “Kayo’y magiging
isang kaharian ng mga pari ”? Dapat silang maging isang bayan na sasalamin o magpapakita
sa buong mundo kung sino ang Diyos…Sila ang magiging tagapamagitan sa Diyos at sa ibang
bansa, para ang pagpapala ng kaligtasan ng Diyos ay maranasan din nila.
10. Ano ang layunin ng Diyos sa pagbibigay ng mga utos? Para ba ito maging paraan para
maging katanggap-tanggap sila sa Diyos? Ibinigay ang utos pagkatapos na sila’y iligtas
mula sa pagkaalipin, para ipakita sa kanila kung paano mamuhay nang may kalayaan, na
malapit ang relasyon sa Diyos. Para manatili silang tapat na mamuhay ayon sa tipan ng Diyos
sa kanila.
11. Anu-ano sa mga utos ang sa tingin mong pinakamahirap sundin? [Subukang gabayan
ang grupo para makitang ang una sa sampung utos ang nagsasaad ng kabuuang utos ng
Diyos.]
12. Ano ang ipinapakita ng mga utos ng Diyos tungkol sa kanya? Na siya ay banal at nais
niyang sila ay mamuhay na tulad niya at may malapit na ugnayan sa kanya.
13. Ano ang resulta ng pagsunod sa kalooban ng Diyos? Ng di pagsunod?

AD Download to read ad-free.

~ 46 ~

SCENE 8 ~ MGA HARI AT MGA PROP ETA

Ikuwento…(Galing sa Deuteronomio, Josue, Mga Hukom, 2 Samuel, 2 Hari; 2 Samuel 7; Isaias 7, 9, 40, 53,
61; Awit 22; Mikas 5; Zacarias 12)

Pagkatapos na magpaikut-ikot sa disyerto sa loob ng 40 taon, pinangunahan


ng Diyos ang Israel para mapasakanila ang Lupang Pangako mula sa mga
kaaway ng Diyos. Ang Diyos ang nagbigay sa kanila ng maraming tagumpay
sa mga digmaan. Lahat ng ipinangako niya sa kanila, tinupad niyang lahat.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, itinakwil pa rin siya ng mga Israelita at


sumamba sa mga hindi tunay na diyos. Ang pagkakaroon nila ng ibang diyos
ang nagdala sa kanila sa marami pang kasalanan.

Dahil sa kanilang kasalanan at pagsuway, tinanggal ng Diyos ang kanyang


proteksiyon at hinayaan silang masakop at maparusahan ng mga dayuhang
bansa. Kapag nahihirapan na sila, babalik sila sa Diyos at magmamakaawang
tulungan at patawarin.

Muli naman silang pinatatawad ng Diyos at nagpapadala ng mga pinunong


nagliligtas sa kanila sa kanilang mga kaaway. Sa sunud-sunod na digmaan,
tinatalo ng Israel ang mga kaaway nilang bansa nakadikit sa kanila.

Kapag nagtatagumpay sila, sasamba sila sa Diyos, pero di magtatagal


tatalikod na naman sila sa Diyos at gagawin kung ano ang sariling gusto nila.
Nakakalungkot na ganito ang paulit-ulit na nangyayari mula sa isang
henerasyon hanggang sa mga sumunod. Ito ang panahon na ginagawa ng
lahat kung ano ang sa tingin nilang tama.

At dahil mga hari ang namumuno sa ibang mga bansa, nagreklamo ang mga
Israelita sa Diyos at sinabi, “Gusto namin ng isang haring nakikita namin at
siyang mamumuno sa amin.” Ibinigay ng Diyos sa kanila ang gusto nila, pero
ang mga haring namuno sa kanila ay mga nagrebelde rin sa Diyos.

Meron din namang ilang hari na sumunod sa Diyos tulad ni Haring David. Sa
kanya ipinangako ng Diyos na ang kanyang kaharian ay magpapatuloy
magpakailanman. Ang kanyang anak na si Solomon ang nagpatayo ng
templo (bahay-sambahan) para sa Diyos. Sa loob ng templong ito ay may
isang silid na tinatawag na Pinakabanal na Lugar, na natatabingan ng isang

AD Download to read ad-free.

~ 47 ~

makapal na kurtina at walang sinuman ang puwedeng pumasok maliban sa


Punong Pari minsan sa isang taon.

Pero dahil sa kanilang patuloy na pagrerebelde, tinanggal ng Diyos ang


kanyang proteksiyon sa Israel at hinayaang pasukin sila ng ibang mga bansa
para sakupin.

Pinalayas sila mula sa Lupang Pangako at marami sa kanila ang naging


alipin ulit.

Sa panahon ng mga haring ito, nagpadala ang Diyos ng mga propeta para
maging mensahero niya. Sa pamamagitan nila, nanawagan ang Diyos na
magsisi na sila at bumalik sa pagsunod sa kanya. Binalaan sila ng mga
propeta sa mga mangyayari kung patuloy silang magrerebelde sa Diyos.

Sinabi din ng mga propeta ang tungkol sa isang bagong tipan na gagawin ng
Diyos para sa kanila. Sila ang nagturo sa mga tao tungkol sa darating na
Mesias, isang dakilang hari na siyang tutupad sa tipang ito, ililigtas sila at
walang-hanggang mamumuno sa kanila. Binigyan ng Diyos ang mga propeta
ng ilang mga larawan ng darating na Mesias.

Ang mga propetang tulad ni Isaias ay nagsabing, “May isang birheng


magsisilang sa kanya sa Bethlehem…manggagaling siya sa lahi ni Haring
David, na siyang galing sa lahi ni Abraham…wala siyang gagawing mali,
mamumuhay nang walang kasalanan…bubugbugin siya, papatayin at ililibing
sa libingan ng isang mayaman lalaki…ang buhay niya ay iaalay para sa
kasalanan natin…magtatayo siya ng isang kahariang walang kat ulad sa mga
nakita na ng Israel …dahil sa kanya, marami ang magiging matuwid sa
harapan ng Diyos.”

Sa kabila ng mga babala ng mga propeta, ayaw pa ring makinig ng mga


Israelita sa Diyos. Kaya sa loob ng 400 taon, di na nagsalita ang Diyos sa
kanila.

AD Download to read ad-free.


~ 48 ~

Pagkuwentuhan…Ipakuwento…Pag -usapan…

1. Ano, para sa iyo, ang ilan sa mga kakaibang katangian ng kasaysayan o kuwento ng
bansang Israel?
2. Ano ang paulit-ulit na nangyayari sa mga Israelita? Nagtiwala sila sa sarili nila sa halip
na sa Diyos, ginagawa kung ano ang mabuti sa paningin nila…Tapos, paparusahan sila ng
Diyos sa pamamagitan ng ibang mga bansa…Tapos, tatawag sila sa Diyos para humingi ng
tulong…Tapos, ililigtas sila ng Diyos…Tapos, balik na naman sila sa dating gawi, tatalikod sa
Diyos at susunod sa ibang mga diyus-diyosan sa kabila ng mga ginawa ng Diyos para sa
kanila.

3. Sa anu-anong paraan nakikita mo ang sarili mong buhay sa buhay ng mga Israelita? D

4. Paano mo isasalarawan ang naging ugali mo kapag may ibang tao na mas mataas ang
awtoridad sa iyo at sinasabi sa iyo kung anong dapat mong gawin (hal., magulang sa
anak, gobyerno sa mga mamamayan)?
5. Sa kabuuan ng Kuwento (mula pa sa simula), paano mo isasalarawan ang nagiging
buhay ng mga tao kung hindi sila sumusunod sa mga utos ng Diyos at nabubuhay para
lang sa sarili nila?
6. Magbigay ng ilang mga nangyayari sa paligid o sa lipunan natin na nakikita nating
mas pinapahalagahan ng mga tao ang sarili nilang kagustuhan (kung ano ang
kumportable sa kanila) kaysa sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.
7. Sino ang nagligtas sa kanila sa pagkaalipin at siyang paulit-ulit na nagliligtas sa
kanila? Ang Diyos!
8. Sa mga nagdaang bahagi ng Kuwento, anu-ano na ang natutunan mo tungkol sa Diyos?

 Ang Diyos ay banal – hindi niya hahayaan ang kasamaang manatili sa presensiya niya.
 Lahat ng ginagawa niya ay mabuti, tama, at perpekto.
 Makatarungan siya sa lahat ng ginagawa niya, hindi unfair.
o Siya ang humatol kay Satanas at sa mga nagrebeldeng anghel sa pamamagitan ng
pagpapalayas sa kanila mula sa langit.
o Siya ang nagpalayas kina Adan at Eba mula sa hardin.
o Siya ang nagpalayas kay Cain para magpagala-gala siya.
o Winasak niya ang mga buhay sa mundo sa pamamagitan ng baha.
o Siya ang nagparusa sa Egipto.
o Siya rin ang nagparusa sa Israel nang itapon at alipinin sila sa ibang bansa dahil sa
pagsunod nila sa mga diyus-diyosan.
 Nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan.
o Siya ang lumikha ng lahat pati ang mga anghel.
o Siya ang lumikha sa tao at inihanda ang mundo para matirhan nila.
o Pinatay niya ang mga tao at mga hayop sa baha.
o Ang mga babaeng di magkaanak ay binigyan niya ng anak.

AD Download to read ad-free.

~ 49 ~

o Kaya niyang wasakin ang pinakamakapangyarihang bansa (Egipto) at hari (Faraon), sa


isang salita lang niya.
o Kontrolado niya ang lahat sa nilikha niya: Ginawang dugo ang tubig sa ilog, nagpabagyo
nang malakas, nagpadala ng mga insekto para sirain ang mga tanim, nagawang gabi ang
umaga, nahati ang tubig ng dagat. Kontrolado ang hangin at alon!
o Siya ang may kontrol sa mga bansa: Nang sumuway ang Israel siya ang nagpadala ng
dayuhang bansa para alipinin sila.
 Alam niya ang lahat ng bagay.
o Alam niya ang iniisip ni Satanas.
o Alam niyang nagkasala sina Adan at Eba.
o Alam niyang nagbabalak gumawa ng masama si Cain.
o Alam niya ang lahat ng iniisip at binabalak ng lahat ng tao sa mundo.
o Alam niyang magkakaroon ng anak si Sara.
o Alam niyang ililigtas ni Jose ang kanyang pamilya mula sa taggutom.
 Sa kanya nagmumula ang lahat ng biyaya o pagpapala.
o Hindi pa niya pinatay si Satanas.
o Hindi niya agad pinatay sina Adan at Eba.
o Nalugod siya kay Noe.
o Tinawag niya si Abraham at nangakong gagawin siyang isang tanyag na bansa at
pagpapalain lahat ng bansa sa pamamagitan niya.
o Binigyan niya si Sara ng isang anak kahit matanda na siya.
o Sinabi niya kay Moises kung paano maliligtas ang mga panganay ng Israel kapag
dumating na ang anghel na papatay sa mga panganay.
o Gumawa siya ng paraan para mapatawad ang mga kasalanan ng mga Israelita sa
pamamagitan ng dugo ng mga handog na hayop upang manahan ang Diyos sa kanila.
o Siya ang nagpadala ng mga hukom, mga hari at mga propeta para ibigay sa mga tao ang
kanyang salita.
o Nangako siyang may darating na hari na magtatayo ng isang kahariang pangwalang-
hanggan at siyang magliligtas sa mga tao mula sa kanilang mga kasalanan.
o Siya ang nagsasabi kung ano ang dapat gawin o ang layunin ng tao.
 Lagi siyang tumutupad sa kanyang pangako.
o Sinabi niya kina Adan at Eba na kapag kumain sila ng bungang ipinagbabawal niya
mamamatay sila.
o Nangako siyang magpapadala ng baha, at ginawa nga niya.
o Nangako siya ng isang anak kina Abraham at Sara at nagkaanak nga sila.
o Nangako siya kay Abraham na gagawin siyang isang tanyag na bansa at nagkatotoo nga.
o Nangako siyang papalayain niya ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto at
ginawa nga niya.
o Nangako siyang ililigtas niya ang mga panganay kapag nagpahid sila ng dugo ng tupa at
ginawa nga niya.
o Nangako siyang ibibigay sa lahi ni Abraham ang lupa ng Canaan at ibinigay nga niya.
o Nangako siyang may darating na Mesias at Tagapagligtas…darating kaya siya?

AD Download to read ad-free.

~ 50 ~

PAGSASABUHAY

Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang
puwedeng pag-usapan ng grupo:

1. Kung totoo ang kuwentong ito, anu-ano ang dapat na magbago sa buhay mo?
2. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa Diyos?
3. Anu-ano ang dapat magbago sa relasyon mo sa pamilya mo at sa ibang tao?

IPABASA PAG-UWI

 Exodo 14, 20
 2 Samuel 7
 Isaias 7, 9, 53

AD Download to read ad-free.

~ 51 ~

WEEK 5: The Coming of Jesus

PARA SA TRAINER

Ito ang mga pangunahing ideya o mga katotohanang inaasahan nating lalabas sa kuwentuhan:

1. Si Jesus ay ipinanganak ng isang birhen. Siya ay tunay na tao.

2. Si Jesus ay binautismuhan sa tubig. Siya ay nakikipag-isa sa mga makasalanang tao.


3. Siya Jesus ay pinapangunahan ng Espiritu. Sa Espiritu ng Diyos nanggagaling ang kanyang
kapangyarihan.
4. Si Jesus ay tinukso, nagtagumpay at kailanma’y di nagkasala.
5. Si Jesus ay isang perpektong tao. Ginawa niya ang hindi nagawa ni Adan nang magtagumpay
siya sa tukso ni Satanas at patuloy na namuhay na may pagtitiwala, pagpapasakop at
pagsunod sa Diyos.
6. Nais ng Diyos na tayo rin ay maging handa na matuto at magpasakop bilang isang lingkod o
alipin ng isang Panginoon.

IPAALALA SA GRUPO

Ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan.

1. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding
mapalapit sa isa’t isa para tumibay ang samahan.
2. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat.
3. Tanggapin ang anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo, magtanong at
mag-isip.
4. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay
confidential at di dapat ibahagi sa iba.
5. Hangga’t maaari sa pagsagot sa mga tanong, subukang galing din ang sagot sa mga
kuwentong narinig ninyo. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Diyos at sa tao ay
makikita sa Kuwentong ito.

BALIK-TANAW

Alalahanin ang kuwento noong nakaraang linggo.

1. Anu-ano ang natatandaan ninyo sa kuwento natin noong nakaraang linggo?


2. Paano nangusap ang Diyos sa inyo nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa
mga napagkuwentuhan natin?

AD Download to read ad-free.

~ 52 ~

SCENE 9 ~ PAGSILANG KAY JESUS

Ikuwento…(Galing sa Mateo 1-2; Lucas 1-2)

400 taon ang lumipas bago nagsalita ulit ang Diyos sa kanyang bayan. Ang
mga Israelita, na ngayo’y tinatawag nang mga Judio, ay napasailalim sa
kontrol ng iba’t ibang bansa sa panahong ito. Ngayon, sila na ay
pinamumunuan ng mga Romano, ang pinakamakapangyarihang imperyo sa
kasaysayan ng mundo. Naghihintay pa rin ang mga Judio at umaasang
darating ang isang haring magliligtas sa kanila at pangungunahan sila sa
pagpapatalsik sa mga Romano.

Sa wakas, nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa isang dalaga na ang


pangalan ay Maria na nakatira sa Nazareth. Nakatakda siyang pakasal sa
isang lalaking nagngangalang Jose, na siyang galing sa lahi ni Haring David,
at galing din sa lahi ni Abraham.

Sinabi ng anghel kay Maria na siya’y mabubuntis at magsisilang sa Anak ng


Diyos – kahit na siya’y isa pang birhen! Sinabi sa kanya ng anghel na ang
batang ito ay manggagaling sa Banal na Espiritu at magiging isang hari na
ang kaharia’y hindi magtatapos.

Totoo nga, sa sumunod na taon, habang sila ay nasa Bethlehem, nagsilang si


Maria ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Jesus, na ang ibig
sabihin ay, “Ang Panginoon ang nagliligtas.” Tinawag din siyang Emmanuel,
na ang ibig sabihin ay, “Kasama natin ang Diyos.”

Ipinakita ng Diyos hindi lang kina Jose at Maria na ang lalaking ito ang
pinakahihintay na Haring Mesias, kundi sa ibang tao rin. Ibinalita rin ito ng
mga anghel sa mga tagapag-alaga ng tupa…

…na sila namang dali-daling hinanap ang bagong silang na sanggol, at


masayang ikinalat ang nakakatuwang balita!

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.


AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.


AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.


AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.


AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

AD Download to read ad-free.

Share this document


    

You might also like

Document 45 pages

JCA Powerpoint
Presentation Reedited
Pador Celesty
No ratings yet

Document 30 pages

Living God Is A Missionary


God
Ebenezer Gangmei
100% (1)

Document 92 pages

Module 1 Participant
Rutendo Munangati
No ratings yet

Magazines Podcasts

Sheet music

Document 4 pages

Lenasia Christian
Brethren 2022 VISION
rot
100% (1)

Document 5 pages

Book Review: Questioning


Evangelism
Buddy Overman
100% (1)

Document 17 pages

Sermon 12-29 A Solution


To Your Resolution
fbcbumpassva
No ratings yet

Document 22 pages

Able of Ontents:
Approaching A Missiona…
John Greene Jr
Mindset
No ratings yet

Document 3 pages

Go Tell Follow Up Training


PDF
Ina Okopi
No ratings yet

Document 14 pages

Supervised Ministry
Experience Syllabus
April Showers
100% (1)

Document 32 pages

Healing Santong Bobo:


Resolving of Split Level…
Peter Breboneria
Christianity in The
No ratings yet
Philippines

Document 60 pages
Called Book 2016
Carlos Fernando Osio…
Redondo
No ratings yet

Document 24 pages

How To Disciple My
Mentee
hopesgphilippines
No ratings yet

Show more

About Support

About Scribd Help / FAQ

Everand: Ebooks & Accessibility


Audiobooks
Purchase help
SlideShare
AdChoices
Press

Join our team! Social


Contact us Instagram
Invite friends Twitter
Scribd for enterprise
Facebook

Pinterest
Legal

Terms

Privacy

Copyright

Cookie Preferences

Do not sell or share my


personal information

Get our free apps

Documents

Language: English

Copyright © 2024 Scribd Inc.

Download

You might also like