You are on page 1of 1

Konsensiya:Ang Tinig sa Loob ng Iyong Isipan

Mayroon tayong mga bagay na nagagawa minsan na sa tingin natin ay tama. Mga
bagay na ating napag dedesisyunan agad ng hindi muna muna napag iisipan ng makilang
beses. Nariyan na ang dumadating sa puntong nakakasakit ka na pala ng damdamin ng iba.
Dumadating ang pagkakataon na tayo ay napagsasabihan ng ating mga magulang. Subalit
kesa sa makinig at intindihin natin kung ano ang ating pagkukulang o pagkakamali. Dinadaan
natin ito sa pag hindi pag imik sa kanila, kung minsan nga ay hindi na tayo nagiging
komportable hanggang sa tayo ay umiwas. Ang nakita lang natin ay yung galit nila pero hindi
nakikita yung maganda sa tuwing tayo ay nakakagalitan. Yung tunay na intensyon katulad na
lamang na ayaw nila tayong mapahamak at iba pang kadahilanan. Kung minsan hinahayaan
nating lumipas nalang ang maghapon o kaya ay araw na hindi manlang nagagwang humingi ng
paunmanhin. Oo alam natin king anong tama gawin subalit bakit may pagkakataon na hindi
natin magawa kung ano ang tama. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi tayo nakakonsensya,
kaya may oras na nagiging hindi tayo komportable kasi iniisip din natin kung ano yung mali.

You might also like