Professional Documents
Culture Documents
DLP FILIPINO 5 Quarter 4 Week 3 by Reontare
DLP FILIPINO 5 Quarter 4 Week 3 by Reontare
ANTIPOLO
LESSON Paaralan STA CRUZ Asignatura FILIPINO 5
PLAN ELEMENTARY
SCHOOL
Guro ROSALINDA T. Markahan Ika-apat na Markahan /
REONTARE week 3
Oras Petsa
PANIMULANG GAWAIN
1. Panimulang Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pamagat ay teleserye o
pelikula.
1. ENCANTADIA
2. PANGAKO SA IYO
3. BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA
4. ANG PROBINSYANO
5. BITUIN WALANG NINGNING
Paglalahad
Estratehiya: Picture study
Alam mo ba …
Ang dokumentaryo ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan,
sitwasyon at reyalidad sa lipunan, sa buhay
ng isang tao o sa isang lugar. Ang layunin nito ay upang mapamulat o
matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o pangyayari sa isang tao o lugar.
Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan at korapsyon, problema sa
edukasyon at iba pang suliraning panlipunan.
2 Uri ng Dokumentaryo
Dokumentaryong pampelikula- ay mayroong pangunahing layunin na
magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at
magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.
Maaaring ibang tao o mga tao ang gumaganap sa paglalahad ng kwento.
Inihanda ni:
ROSALINDA T. REONTARE
Guro III - Baitang 5
STA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
ANTIPOLO CITY