You are on page 1of 1

MUSIC: Tekstura

Tekstura ng Himig
- Ang musikal na tekstura ay isa sa mga elemento ng musika na maririnig sa lahat ng
komposisyong musikal. Ang tekstura ay nagsasabi ng kapal o nipis ng isang musika o awit.
Manipis ang tekstura kung ito ay binubuo ng isang melodiya lamang o isang linya ng tunog.
Makapal ang tekstura kapag ang musikang narining ay binubuo ng dalawa o higit pang mga
linya ng tunog.
Melodiya at Armoniya – ito ay tumutukoy sa kaayusan ay kaugnayan ng dalawang sangkap
ng musika.

o Uri ng Tekstura ng Musika

1. Monoponya – hango sa salitang mono na nangangahulugang isang tunog. Isang linya lamang ang
inaawit at walang instrumentong sumasaliw.

2. Homoponya – binubuo ng dalawang tunog, maaaring ang isa ay mula sa boses at ang isa naman
ay mula sa isang intrumentong nagsasaliw ng melodiya. Sa musikang ito, ang melodiya ay
karaniwang nasa pinakamataas na boses.

3. Poliponya – ito ay hango sa salitang poly na ang ibig sabihin ay marami. May 2 himig na
dumadaloy ang ating narinig. Isa sa itaas at isa sa ibaba.

- Ang dalawang himig ay kailangang magkabagay at upang marinig ang dalawang himig ay
kailangang 2 tao ang aawit o 2 instrumento ang tutugtog o 2 tono ang magkasabay na
titipain sa instrument. Ang mga awit na "rounds" ay kabilang sa mga teksturang poliponya.

You might also like