You are on page 1of 2

PANGALAN: PATATAG, JEANLY F.

KURSO: BSED-FILIPINO 2-4


PETSA: MARSO 10, 2024

Pamamaraan ng Pagsasalin
Peter Newmark (1998)

~ Simulaing Lingguwahe (SL) - wikang isinalin.


~ Tunguhang Lengguwahe (TL) - gagamiting wika sa pagsasalin.

1. Salita-sa-Salita (Word-for-Word) - ipinakikita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng


mga wikang tinatalakay.

Halimbawa:
Orihinal: A beautiful design.
Salin: Isang magandang disenyo.

2. Literal - paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika.

Halimbawa:
Orihinal: Spill the tea.
Salin: Itapon ang kape.

3. Kultural na Katumbas - Ibinibigay ang pinakamalapit na katumbas o pagtutumbas ng halos


wastong salin.

Halimbawa:
American: Coffee Break
Filipino: Meryenda

4. Semantiko - binibigyang diin ang estetiko. Layunin nitong maipasok ng nagsasalin ang kaniyang
sariling pananaw.

Halimbawa:
Orihinal: Prevention is better than cure.
Salin: Mas mabuti pang umiwas kaysa magpagaling.

5. Adaptasyon o Panghihiram - pinakamalayang anyo ng salin. Ito ang panghihiram ng buong


salita tungo sa tunguhang wika.

Halimbawa:
Orihinal: We don’t have enough money for your education in college.
Salin: Wala kaming sapat na pera para iyong edukasyon sa kolehiyo.

6. Malayang Salin (Free Translation) - walang kontrol na pagpapahayag ng ideya kahit pa na


gumamit ka ng ilang salita para tumbasan lamang ang isang salita.

Halimbawa:
Orihinal: “Leaves will soon grow from the bareness of trees, all will be alright in time.”
Salin: Magiging maayos rin ang lahat, kahit ang mga puno na nalagsan ng mga dahon ay
tumutubo pa rin paglipas ng panahon.

7. Idyomatikong Salin - Hindi nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus iniaangkop
ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng pinagsasalinan.

Halimbawa:
Orihinal: It’s a piece of cake.
Salin: Madali lang iyan.

8. Leksikal na Kasingkahulugan - Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kahulugan sa


target na wika ng pinagmulan ng wika. Nakabatay ang pagsasalin sa kung paano ginamit ang
salita sa loob ng isang pangungusap.

Halimbawa:
Orihinal: It’s nice meeting you.
Salin: Ikinagagalak kong makilala ka.

MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASALIN


1. Functional Equivalent - ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o
kahulugan (Deculturizing the language).

Halimbawa:
Refreahment - Palamig o Pampalamig (sa halip na malamig na inumin)
Uncooked rice - Hilaw na kanin (sa halip na hindi pa lutong kanin)

You might also like