You are on page 1of 2

Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Naging matagal na usapin sa bansa ang balak na pagtanggal sa asignaturang Filipino sa


kolehiyo. Maraming iba't ibang opinion ang isinaalang alang ng mga tao. Ngunit ano nga ba
talaga ang nararapat na tugon sa isyung ito? Dapat nga ba itong tuluyang alisin o dapat itong
panatilihin? Ika nga ni Gat Jose Rizal: "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at
malansang isda". Pero paano na kung tatanggalin na ito?

Ang asignaturang filipino ay tungkol sa wikang Filipino na napakahalagang asignatura o


subject para sa mga estudyanteng elementary, high school, senior high school o kahit kolehiyo
sapagkat nakabuhol ito sa ating kultura. Hindi ito pwedeng paghiwalayin at ito ang ginagamit
natin sa pakikipag komunikasyon at pagbibigay ng mga impormasyon. Sa inilabas ng CHED na
Memorandum No. 20, series of 2013, maraming guro ng filipino, manunulat man, mananaliksik
o panitikan ay nanindigan at nagsama sama upang labanan ang polisiyang ito. Ikinakatwiran ng
CHED na hindi na magagamit ang panitikan at asignaturang Filipino sa ilang mga pangunahing
kurso sa kolehiyo subalit aking nahihinuha na ang mga katagang binitawan nilang ito upang
suportahan ang mga hakbang na ginawa nila ay hindi konkreto at walang maayos na basehan.

Bakit nga ba dapat panatilihin ang asignaturang ito? Unang una, hindi pa ganon kalawak
ang ating nalalaman ukol sa asignaturang ito. Marami pa tayong hindi nahahalungkat o kaya'y
napag aaralan na siyang makakatulong sa pag unlad ng bawat indibidwal. Pangalawa,
napakaraming guro ng asignaturang Filipino ang maaaring mawalan ng kanilang hanap buhay na
siyang magiging dahilan ng pagtaas ng porsyento ng kahirapan sa bansa o unemployment.
Pangatlo, marami pa rin ang nalilito sa paggamit ng mga kataga, ang pagkakaiba ng "nang" sa
"ng", "rito" at "dito", maging ang pagiging pormal ay napapalitan ng balbal at iba pang mga
terminolohiya na ginagamit ng iba sa komunikasyon ngayon. Pero bakit sa iba ayos lang? Bakit
ganon kadali sa kanila na sabihing "ayos lang na alisin para gumaan ang subjects"?

Hindi naging sapat na dahilan ang layunin na pagaanin ang pag aaral ng mga estudyante
sa kolehiyo kung kaya't dapat tanggalin ito. Hindi ba tayo nahihiya? Filipino ang nagging
pagkakakilanlan ng ating bansa, pinagtanggol at ipinaglaban ito ng ating mga bayani upang ating
matuklasan ang ating karunungan at yumabong ang ating kakayahan kaya dapat hindi natin
kalimutan ang ating kinagisnan. Ano nga ba ang pagtitiis ng 4 na taon sa pag aaral nito kumpara
sa paglaban ng ating mga bayani sa mga banyaga? Sa totoo lang, bilang isang estudyante sa
kolehiyo, maganda naman ang layunin na ito, ngunit mas marami pang ibang isyu ang nararapat
na pagtuunan ng pansin upang mas umunlad pa ang bansa.
Ang pagkatanggal nito ay hindi lamang magdudulot ng malawakang pagbabago
pagdating sa Sistema ng edukasyon, maaapektuhan din nito ang iba't ibang aspekto ng buhay ng
tao. Hinuhulma nito ang kaalaman at mas minumulat ang mga estudyanteh sa tunay na lagay at
estado ng ating lipunan. Sa pagtanggal dito, unti unting mawawala't mamamatay ang ating
wika't pagkakakilanlan maging ang simbolo sa lahi ng ating pinanggalingan. Hindi natin
kailangan tanggalin ang Filipino upang makaakma sa estado ng edukasyon ng ibang bansa, ang
kailangan ay mapagtibay ito upang sa susunod na henerasyon ang ating wika ay mananatiling
buhay sa ating lahi. Isa pa, ayon kay Dr. Jose Rizal kabataan ang pag-asa ng bayan at edukasyon
ang susi sa kaunlaran. Paano magiging pag-asa ang kabataan kung sila mismo ay walang alam sa
ating wika na kakambal ng ating kultura at pinagmulan?

Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Uploaded by Andrea Angelica

November 07, 2021

You might also like