You are on page 1of 7

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

DIAGNOSTIC TEST

Pangalan: _____ __________________________ Baitang:_______________ Marka: __________

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
puwang na nakalaan.

___1. Kailan isinasagawa ang disenyong eksploratori sa isang pag-aaral?

a. pag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi sa komunidad

b. naghahambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa

c. kapag wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin

d. naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa

___2. Alin sa mga sumusunod na nilalaman ng isang tekstong prosedyural kung saan ay naglalaman
ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosedyur na isinagawa.

a. layunin b. kagamitan c. metodo d.


ebalwasyon

___3. Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa
nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.

a. abstrak b. rebyu c.pagbubuod d.


pagsusulit

___4. Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan na pinagkasunduan bago
ilahad ang katwiran ng dalawang panig.

a. preposisyon b. preparasyon c.proposisyon d. posisyon

___5. Paano isasaayos ang talaan ng mga sangguniang ginagamit sa pananaliksik?

a. ayon sa unang sangguniang ginamit c. ayon sa ayos ng alpabeto

b. ayon sa bahagi ng pananaliksik d. ayon sa haba ng pamagat ng libro

___6. Ang nobela, maikling kwento at tula ay mga halimbawa ng anong uri ng teksto.

a. Impormatibo b. Naratibo c.Persweysib d. Argumentatibo

___7. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan.

a. deskriptibo b. naratibo c.ekspositori d. argumentatibo


___8. Nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon ang tekstong ito kung paano isagawa ang isang
tiyak na bagay.

a. argumentatibo b. persweysib c.prosedyural d. naratibo

___9. Ito ang wastong pagkakasulat ng isang sanggunian.

a. Lumbera, B. (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.

Quezon City: University of the Philippines Press

b. B. Lumbera (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.

Quezon City: University of the Philippines Press

c. Lumbera, B. Writing the nation: Pag-akda ng bansa. (2000)

Quezon City: University of the Philippines Press

d. Writing the nation: Pag-akda ng bansa. Lumbera, B. (2000).

Quezon City: University of the Philippines Press

___10. Ito ang pinakahuling bahagi ng pananaliksik kung saan inilalahad ang kabuuang kaisipan mula
sa bunga ng pag-aaral.

a.metodolohiya

c. Resulta at diskusyon

b.rasyonal at kaligiran ng paksa

d.Kongklusyon at rekomendasyon

___11. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Bianca. Anong uri ng paglalarawan ang
inilalahad sa pangungusap?

a. obhetibo b. subhetibo c. pang-uri d. abstrak

___12. Bakit pangunahing Isinaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang


naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanan?

a. Magkakaroon ng isang pananaliksik na mahusay at maayos

b. nasasagot lahat ng mga katanungan sa isang suliranin

c. magkakaroon ng isang tapat at tiyak na bunga na tutulong sa lipunan

d. upang purihin ng mga mambabasa ang ginawang pananaliksik

___13. Kailangan nito sa isang tekstong argumentatibo upang mapagtibay ang isang paksa.

a. ideya b. awtor c. ebidensya d. pahayag

___14. Ano sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?

a. Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmumulan ng
talakayan

b. Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan


c. Ang impormasyon galing sa ibang pag-aaral at literatura ang pinagmumulan ng talakayan

d. Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan

___15. Ito ang tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.

a. rebyu b. paraphrase c. abstrak d. buod

___16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian at nilalaman ng isang mahusay
na tekstong argumentatibo.

a. Mahalaga at napapanahong paksa

b. maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto

c. magulo ang pagkakaayos ng mga talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento

d. matibay na ebidensya para sa argumento

___17. Kailan isinasagawa ang pag-alis ng mga pagkakamaling gramatikal?

a. paghahanap ng suliranin c. pagbibigay ng rekomendasyon

b. pagsusuri ng mga datos d. rebisyon ng pananaliksik

___18. Nilalaman sa bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.
a. lokal at populasyon ng pananaliksik c. paraan sa pagsusuri ng datos

b. paraan sa paglikom ng datos d. disenyo at pamamaraan ng pananaliksik

___19. Isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang
makakuha at makabuo ng kahulugan.

a. pagbigkas b. pakikinig c. pagbasa d. pagsulat

___20. Nangangailangan ng pagtatanggol ng manunulat ay posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin


gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.

a. argumentatibo b. persweysib c. naratib d. prosedyural

___21. Ito ang sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyon
na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik

a. komparatibong pananaliksik c. lokal at populasyon ng pananaliksik

b. metodolohiya ng pananaliksik d. etnograpikong pananaliksik

___22. Layunin ng tekstong ito ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari,
totoo man o hindi.

a. persweysib b. argumentatibo c. prosidyural d. naratibo

___23. Ito ang pagkakaiba ng sintopikal sa analitikal na antas ng pagbasa. a. nagiging batayan
ang mga kaalamang inilahad sa aklat

b. sinusuri ang mabuti ang mga ideyang ipinapahayag ng isang manunulat


c. pagbuo ng isang tiyak na paksa na tatalakayin

d. Nakabubuo ng sariling pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga


akdang inunawa

___24. Habang nagbabasa, binago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap
ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa. Alin sa mga pamamaraan ang ginamit ng
mambabasa.

a. paghinuha b. pagtantiya sa bilis ng pagbasa c. pagbuo ng koneksyon d. muling pagbasa

___25. Ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito ay tinatawag na ___________.

a. pananaliksik b. plagiarismo c. paraphrase d. abstrak

___26. Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ang kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba
at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.

a. sanhi at bunga b. pagbibigay-depinisyon c. paghahambing d. paglilista


ng klasipikasyon

___27. Ito ang proseso kung saan inoorganisa ang mga datos na nakalap mula sa survey o panayam
sa pamamagitan ng paglalapat nito sa mga working table.

a. paglilista b. pagsusuri c. tabulation d. tallying

___28. Si Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Ano ang kaisipang
ipinapahayag mula sa pangungusap?

a. opinyon b. katotohanan c. tsismis d. ideya

___29. Kung ang bar graph ay mabuting gamitin kapag magpapakita ng paghahambing, ang line
graph naman ay ginagamit kung _______________.

a. maghahalintulad at mag-iiba c. magpapakita ng iba’t ibang


kulay

b. magpapakita ng iba’t ibang antas sa paglipas ng panahon d. magpapakita ng iba’t ibang


bilang

___30. Ito ay nasa pinakahuling bahagi ng papel-pananaliksik kung saan dito makikita ang mga
impormasyon na kailangan upang mahanap ang ginamit sa katawan ng pananaliksik.

a. paglalahad ng resulta c. lagom, kongklusyon at rekomendasyon

b. metodolohiya at pamamaraan d. talaan ng sanggunian

___31. Ang etikal na pananaliksik ay tumutukoy sa _____________.

a. pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano


ang tama at mali

b. pamantayan ng pagsunod sa isang sistema na di lumalabag sa nakasanayang format

c. pagtataguyod ng isang makatarungang pangangalap ng mga datos

d. pagpapabuti ng pagsusulat upang mahanap ang tiyak na kasagutan sa isang suliranin


___32. Naglalayon ang pamamaraang ito na kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula
sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal na pagkakaunawa sa paksa ng
pananaliksik.

a. sarbey b. pakikipanayam c. obserbasyon d. pagsusuri

___33. Ipinaliliwanag sa kabanatang ito ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang


instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. Inilalarawan din dito ang populasyon at lokal ng
pananaliksik.

a. Metodolohiya c. Resulta at diskusyon

b. Rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon

___34. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliliwanag sa teksto.

a. pagbuo ng hinuha c. pagpapagana ng imbak na kaalaman

b. pagbibigay-depinisyon d. sanhi at bunga

___35. Tukuyin sa mga pangungusap ang naglalahad ng sanhi at bunga. a. Tanging sa Mindoro
matatagpuan ang Tamaraw

b. Dapat gamitin sa tamang paraan ang kaban ng bayan

c. Nagdulot ng pagkasira ng kalikasan ang di- kaaya-ayang gawain ng mga tao

d. unang ihalo sa pinakuluang sabaw ang mga pampalasa

___36. Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang
tiyak na populasyon o sample ng pananaliksik.

a. sarbey b. pakikipanayam c. dokumentaryong pagsusuri d. pagmamasid ___37. Bago


ang presentasyon ng datos, alin sa mga sumusunod ang mahalagang gawin? a. Isulat muna ang
kongklusyon at rekomendasyon mula sa nakalap na datos

b. gawin muna ang proseso ng tabulasyon o pagsasaayos ng impormasyong nakalap

c. ilahad muna ang suliranin ng pananaliksik

d. kailangang suriin ng mabuti ang mga datos ng pananaliksik

___38. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos.

a. metodolohiya c. Resulta at diskusyon

b. rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon

___39. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay at ano ang resulta nito.

a. paghahambing b. pagbuo ng hinuha c. paghahanay d. sanhi at bunga

___40. Ano ang gamit ng pie chart kapag naglalahad ng mga datos sa isang pananaliksik? a.
nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati-hati ng bawat bahagi
b. presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng kabuuang padron,
ugnayan, o kalakarang batay sa uri nito

c. paghahambing ng mga datos ayon sa antas nito

d. pantay-pantay na pagkakahati ng mga datos

___41. Nagsisilbing introduksiyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa konteksto o kaligiran


nito, at nagbibigay na rin ng layunin ng pananaliksik.

a. Metodolohiya c. Resulta at diskusyon

b. Rasyonal at kaligiran ng paksa d. Kongklusyon at rekomendasyon

___42. Direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanang at di mapasusubalian ang uri ng


paglalarawang ito sa isang tekstong naratibo.

a. subhetibo b. obhetibo c. imperpektibo d. metodo

___43. Tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong


panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na
gumagamit ng kompyutasyon.

a. deskriptibo b. kwalitatibo c. kwantitatibo d. historikal

___44. Alin sa mga sumusunod ang maglalarawan sa tinatawag na “Plagiarism”? a. pag-


angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba

b. hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag

c. pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag

d. lahat ng mga nabanggit

___45. Alin sa mga katangian ang hindi kabilang sa wikang madalas gamitin sa mga tekstong
prosidyural. a. nakasulat sa paraang argumentatibo

b. nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang

c. gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksyon

d. m ahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon

___46. Kung iniuugnay ang pagsusuri ng isang grupo ng datos sa iba pang datos na bahagi rin ng
resulta, ang ginagawa mo ay _____________.

a. cross-referencing b. cross-sectioning c. cross-dissecting d. cross-analyzing

___47. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong (follow-up
question)

a. sarbey b. pakikipanayam c. obserbasyon d. dokumentaryong


pagsusuri

___48. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa bilingual
education. Anong uri ng teksto ang inilalarawan sa pahayag?

a. naratibo b. argumentatibo c. deskriptibo d. impormatibo


___49. Ang ______ ay disenyo na naglalayong unawain ng malaliman ang isang particular na kaso
kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.

a. Action Research b. Quasi-experimental Research c. Comparative Research d.


Case Study

___50. Ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t
ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtatalakay.

a. sanhi at bunga b. pagbibigay-depinisyon c. paghahambing d. paglilista ng


klasipikasyon

You might also like