You are on page 1of 83

Pagsagot sa mga

Tanong na bakit at
paano
Pagsasalaysay muli
ng Napakinggang
Kuwento
PAGBABAYBAY
Tuklasin Mo
Sabihin kung :
NARANASAN KO NA! HINDI PA!
1. Gumugol na ako ng lampas limang oras
sa paglalaro ng computer games
2. Nahuli na ako sa klase dahil kakalaro ng
computer games
3. Napagalitan at napalo na ako ng aking
magulang dahil sa katigasan ng ulo
4. Nag-away na kaming magkapatid dahil
sa computer games
5. Nahilo, nasuka at lagi nang nasa isip ko
ang mga nilalaro kong computer games
Ibigay ang kahulugan ng mga salita o
pariralang may guhit sa loob ng
pangungusap.
• 1. Kilos pagong siya sa umaga lalo
na’t kung inaantok pa.
• 2. Nagsasawa na siya sa palagiang
litanya sa umaga ng kaniyang ina.
• 3. Kinahuhumalingan niya ngayon ang
magbasa ng mga kuwentong pambata.
• 4. Tinatamasa niya ang magandang
buhay dahil sa kaniyang responsableng
mga magulang.
• 5. Nakikipag-unahan sa orasan ang kilos
niya lalo’t alam niyang huli na naman
siya sa klase.
Alamin mo

Anong Oras Na?


Ni Mary Ann F. Vidallo
Isang malakas na tunog ng alarm clock ang
gumising kay Buknoy. Sinundan ito ng tapik sa
kaniyang balikat ng kaniyang ina nang
mapansing halos ayaw pa niyang bumangon sa
higaan. Laging ganito ang senaryo sa umaga
bago siya makapasok ng paaralan. Kung minsan
pa nga’y mas nagigising ang dugo niya sa sigaw
ng kaniyang nanay lalo na kapag kilos pagong
siya sa umaga.
“Wala ka bang planong pumasok,
Buknoy? Sinabi ko na sa’yong tigilan
mo yang pagbababad sa kompyuter
kung hindi mo magawang gumising
nang maaga. Anong oras na? Hindi ka
ba nahihiya sa titser mo at lagi kang
huli sa klase ninyo?” paulit-ulit na
tanong ng kaniyang ina sa mga araw
na may pasok siya.
Kapag narinig na niya ang ganitong litanya
ng kaniyang ina, saka pa lamang siya
mapipilitang bumangon at magmadali sa
paliligo. Kung minsan pa nga’y di na niya
nagagawang mag-almusal dahil ayaw niyang
marinig ang iba pang sasabihin ng kaniyang ina.
Sa isip-isip niya hindi niya kailangang magmadali
dahil sampung dipa lang naman ang layo ng
kanilang bahay sa kanilang paaralan. Ang
pinagtataka lamang niya sa tuwing papasok siya
ng klase ay laging nauuna sa kaniya ang kaniyang
mga kamag-aral at ang kaniyang guro sa Filipino
na si Bb. Maliksi.
“Anong oras na, Buknoy? Bakit
huli ka naman? Hindi ba’t diyan lang
ang bahay niyo?” ito naman lagi ang
bungad sa kaniya ng kaniyang guro.
Mapapakamot naman siya sa ulo at
hihingi ng patawad sa pagkahuli sa
klase.
Tulad sa mga tanong ng kaniyang
Nanay Linda, hindi niya rin kayang
sagutin ang mga tanong na ito ng
kaniyang guro sa tuwing nahuhuli siya
sa pagpasok. Mas matimbang sa
kaniya ang paglalaro ng mga
computer games kaysa pag-aaral.
Hindi naman niya masabi na ito ang
dahilan sapagkat alam niyang mali
ang kaniyang ginagawa
Lunes ng umaga, huli na naman
siyang dumating sa klase pero nagulat
siya dahil may nakasabay siyang
kaklase. Napangiti siya dahil hindi
lang siya ang mapapagalitan ngayon
kundi dalawa na sila. Sa kaniyang
paglapit sa may pintuan, nagtataka
siya kung bakit ayaw pang pumasok
ni Gido.
“Bakit hindi ka pa pumapasok?
Natatakot ka ba kay mam? Ako? Hindi
na syempre! Sanay na akong
mapagalitan eh! tila may
pagmamayabang pa sa pagsasalita ni
Buknoy. Hindi naman umiimik ang
kaniyang kausap. Nakayuko lamang
ito at mukhang nahihiya sa pagkahuli
sa klase.
Ilang sandali pa, lumapit sa kanila si
Bb. Maliksi. Hindi na siya tinanong nito.
Naisip niya na baka nanawa na ito sa
katatanong sa kaniya kung bakit huli na
naman siya sa klase. Si Gido ang hinarap
nito.
“Bakit nahuli ka ngayon sa pagpasok
sa klase ko? Hindi ka naman nahuhuli dati
hindi katulad nitong si Gido.” tanong na
may pagtataka ng kanilang guro.
“Ipagpaumanhin niyo po, Bb.
Maliksi. Hindi na po mauulit. Sisikapin
ko pong makauwi nang maaga
pagkatapos kong magtinda ng
sampagita sa gabi. Medyo ginabi lang
po kami ng uwi ng bahay kahapon
dahil pinaubos namin ni Nanay ang
mga paninda.” mahinahong tugon ng
kaniyang kaklase.
“Ganoon ba? Sige, pumasok na
kayo para makapagsimula na tayo ng
pagkaklase.” ang sagot naman ni
Bb.Maliksi sabay tapik sa balikat ni
Gido.
Sa mga sandaling iyon, tila napahiya
naman sa sarili si Buknoy. Natulala siya sa
kaniyang kinauupuan. Naisip niya ang
kalagayan ng kaniyang kaklaseng si Gido na
malayo sa masarap na buhay na
tinatamasa niya. Hindi naman sila
mayaman pero alam niyang nakukuha niya
ano man ang hilingin niya sa kaniyang mga
magulang. Tulad na lang ng
kinahuhumalingan niya ngayon na
paggamit ng kompyuter dahil sa mga laro
tulad ng Dota.
Dahil sa nangyari nang araw na iyon,
pinilit ni Buknoy na pigilan ang sarili na
magbabad sa paggamit ng kompyuter.
Pagdating ng bahay ay ginawa niya muna ang
kaniyang mga takdang-aralin. Pagkatapos
maghapunan, naglaro lamang siya sa loob ng
30 na minuto. Bago matulog ay inihanda na
niya ang mga gamit sa pagpasok. Siniguro
niya na alas-9 ng gabi ay tulog na siya
sapagkat alas-5 ng umaga kailangang gising
na siya upang hindi mahuli sa klase ni Bb.
Maliksi.
Kinaumagahan, sa unang tunog pa
lang ng kaniyang alarm clock ay dali-dali
siyang bumangon. Hindi niya narinig ang
maagang sermon ng kaniyang ina bagkus
isang matamis na ngiti ang sumalubong sa
kaniya pagpasok niya ng kusina para
magalmusal. Mabilis siyang kumilos
ngayon na tila nakikipag-unahan sa
orasan. Maaga rin siyang umalis ng bahay.
Sa gate ng paaralan ay nakasabay
niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo pa
lang ay nakangiti na ito sa kaniya. “Ang
aga mo ngayon ah! Sana tuloy-tuloy na
iyan…” wika nito sa kaniya sabay tapik sa
kaniyang balikat. “Ang sarap pala sa
pakiramdam na ngiti ang bubungad sa
umaga ko at hindi ang sermon ni Nanay at
ni Mam Maliksi.” ang naibulong ni Buknoy
sa kaniyang kaibigan na si Bengie
Sagutin ang mga tanong matapos
mapakinggan ang kuwentong
babasahin ng guro.

1. Ano ang dahilan sa pagiging huli sa


klase ni Buknoy?
2. Anong dahilan ng pagbabago ni
Buknoy?
3. Bakit nahiya sa kaniyang sarili si
Buknoy?
4. Sa iyong palagay, naipagpapatuloy
pa ba ni Buknoy ang kaniyang maling
gawi?
5. Anong pangyayari sa iyong buhay
ang maaari mong iugnay sa kuwento?
6. Sa paanong paraan magiging ganap
ang pagbabago ni Buknoy?
Gawin Ninyo
• Isalaysay muli ang kuwento sa
pamamagitan ng sumusunod:
• Pangkat 1 Gumawa ng Pic Collage ni
Buknoy. Ipakita ang karaniwang gawain
niya na nabanggit sa binasa.
• Pangkat 2 Tukuyin ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari sa kuwento. Ipakita ito
sa pamamagitan ng Fishbone Diagram.
• Pangkat 3 Ipakita sa pamamagitan ng
pantomina ang bahagi ng kuwento na
nagpakita ng pagbabago ng pananaw ng
tauhan.
• Pangkat 4 Gumawa ng patalastas na ang
paksa ay kung paano hindi mahuli sa
klase.
• Pangkat 5- Pangkat-hurado
Gawin Mo
• Bumuo ng sariling timeline na
nagpapakita ng iyong gawi o routine
upang hindi mahuli sa pagpasok sa
klase.
Isaisip Mo
Isipin mo na ikaw ang konsensiya ni
Buknoy, kaharap mo siya ngayon. Ano
ang sasabihin mo sa kaniya upang
hindi siya lagi mahuli sa klase?
Isapuso Mo
Daig nang maagap ang taong
masipag.
Isulat Mo
Sumulat ng isang panata ng
pagbabago.
Paggamit ng iba’t
ibang uri ng
panghalip sa iba’t
ibang sitwasyon
Tuklasin Mo
• Punan ang bawat patlang ng
angkop na salita upang mabuo
ang kaisipang nakakapaloob sa
bawat saknong.
ORASAN
Ikaw at _________
magkasama _________
sa lahat ng oras
ako’y maaasahan _________
Tik! Tak! Tik! Tak! _________
ang maririnig mo.
At sa bawat pag-ikot ng
_________mga kamay oras ay
matagal kapag _________ hinihintay.
• Ano-ano ang mga salitang idinagdag
sa bawat patlang? Isa-isahin ito.
Ano ang tawag sa mga ito?
Alamin Mo
• Basahin ang maikling usapan ng
magkaklase. Isa-isahin ang
tinutukoy ng bawat panghalip na
ginamit sa kanilang pag-uusap.
• Joyce : Nakita mo ba Karen si
Gng. Magpantay?
• Karen : Nakita ko siya kanina sa
kantina.
• Joyce : Ganoon ba? Galing kasi
ako kanina roon pero hindi ko
naman siya nakita.
• Karen : Bakit mo ba siya
hinahanap? Anong kailangan
mo sa kaniya?
• Joyce : Ipapasa ko lang kasi sa
kaniya itong proyekto natin sa
Agham.
• Tandaan mo ang iba’t ibang uri
ng panghalip na maaari magamit
mo sa iba’t ibang sitwasyon.
Apat na Uri ng Panghalip
• Ang panghalip ay salitang ginagamit
bilang panghalili o pamalit sa
pangngalan. Ito ay nakakatulong upang
maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit
sa pangngalang nasa loob ng
pangungusap o talata. May apat na uri
ng panghalip: panghalip na panao,
panghalip na pamatlig, panghalip na
panaklaw, at panghalip na pananong.
• Panghalip na Pananong-mga
panghalili sa ngalan ng tao,
bagay at iba na ginagamit sa
pagtatanong.
• Panghalip na Panao-ginagamit
bilang panghalili sa ngalan ng
tao.
• Panghalip na Pamatlig-ginagamit
bilang panghalili sa ngalan ng
tao, bagay, at iba pa na itinuturo.
• Panghalip na Panaklaw-tawag sa
panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan, dami, o kalahatan ng
tinutukoy tulad ng iba, lahat,
sinoman, kailanman, kuwan at
iba pa.
Gawin Ninyo
• Bumuo ng diyalogo gamit ang iba’t
ibang uri ng panghalip na angkop sa
mga itinalagang lugar.
• Pangkat 1 Paggamit ng panghalip na
panao sa palengke
• Pangkat 2 Paggamit ng panghalip na
pamatlig sa mall
• Pangkat 3 Paggamit ng panghalip na
panaklaw sa istasyon ng tren
• Pangkat 4 Paggamit ng panghalip na
pananong sa sementeryo
• Pamantayan:
• Kaisahan ng pangkat - 3
Kawastuhan - 5
• Kasiningan - 2
10 puntos
Gawin Mo

• Sumipi ng balita sa diyaryo at


idikit sa kuwaderno. Bilugan ang
mga makikitang panghalip na
ginamit dito.
Isaisip Mo
• Ang panghalip ay ginagamit bilang
pamalit sa mga pangngalan upang
maiwasan ang pag-uulit sa mga ito.
Samakatuwid, ginagamit ito upang
maging tiyak at malinaw ang daloy
ng usapan.
Isapuso Mo
• Kung ang pangngalan ay maaaring
palitan ng panghalip, ang oras ay
hindi kaya’t gawin nating sulit ang
paggamit nito.
Isulat Mo
• Bumuo ng isang komik istrip na
ang paksa ay tungkol sa
pamamahala sa oras. Guhitan
ang mga panghalip na ginamit sa
pagbuo ng diyalogo.
Takdang Aralin
• Lumikha ng isang talata na gumagamit
ng iba’t ibang uri ng panghalip pamatlig.
Pumili lamang ng paksa sa ibaba.
• A. Masayang Pagdiriwang sa Paaralan
• B. Pagdating ng Isang Malakas na Ulan
• C. Magagandang Pangyayari sa
Bakasyon
Pagsulat ng Talatang
Nagpapaliwanag
Tuklasin Mo
• Bumuo ng pantomima batay sa
ibibigay na sitwasyon.
• 1. Mga batang nasa elementarya na
naglalaro sa palaruan
• 2. Silid aralan ng mga mag-aaral na
nasa sekondaryang antas
• 3. Mag-aaral na tumutuklas ng
panibagong karunungan
• 4. Eksena sa pagtatapos sa kolehiyo
• 5. Iba’t ibang propesyunalhabang
isinasagawa ang kanilang tungkulin.
Alamin Mo

• Pakinggan ang awit na “Kabataan


Para sa Kinabukasan” ni Francis
Magalona.
• 1. Ayon sa awitin ano raw ang nangyayari
kapag ikaw ay masipag?
• 2. Bakit hindi dapat aksayahin ang oras?
• 3. Bakit tinawag na ang kabataan ay para sa
kinabukasan?
• 4. Ano-ano ang mga mahahalagang kaisipan
na nabanggit sa napakinggang awit?
• 5. Ano ang kaugnayan nito sa nakaraang
aralin?
• 6. Sa paanong paraan magiging matagumpay
sa kinabukasan?
Gawin Ninyo
• Bumuo ng limang pangkat.
Magpakita ng sitwasyon na
nagpapatunay sa huling dalawang
linya ng awit na “Oras ay ginto,
gamitin nang mahusay, Dahil ang
oras ay walang hinihintay.” Gawing
masining at makatotohanan ang
paraan ng pagtatanghal.
• Pamantayan:
• Kaisahan ng pangkat - 2
• Kawastuhan - 5
• Kasiningan - 3
10 puntos
Gawin Mo
• Naniniwala si Dr. Jose Rizal na ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ano ang iyong magiging reaksiyon
sa sumusunod na mga sitwasyon.
• Nakakita ka ng mga batang sumisinghot
ng rugby.
• Niloloko ng isang grupo ng mga
kabataan ang isang pulubi
• Sinisira ng isang mag-aaral ang halaman
ng inyong paaralan
• Naglilinis ng kanal ang grupo ng
kabataan sa inyong barangay
• Nagreresikulo ng mga basura ang inyong
mga kaibigan
Isaisip Mo
• Isa-isahin ang mga napakinggang tugon
mula sa kaklase ayon sa mga ibinigay na
sitwasyon
• Isipin mo na ikaw si Dr. Jose Rizal ano ang
iyong nais sabihin sa mga kabataan ngayon?
• Ano kaya ang magiging mensahe ni Dr. Jose
Rizal matapos niyang marinig ang mga
sinabi mo?
Isapuso Mo
• Buuin ang pahayag. Simula ngayon,
ako ay nangangako na
__________________.
Isulat Mo
• Isang pamosong tula ni Dr. Jose Rizal
ang tulang “Sa aking mga Kabata.”
• Ipagpalagay na ikaw si Dr. Jose Rizal
at muli mo itong isusulat. Ano ang
lalamanin ng iyong tula?
Pagsusuri sa mga kaisipan at
pagpapahalagang nakapaloob sa
napanood na maikling pelikula
Tuklasin Mo
Sa paanong paraan
nagkaroon ng pagbabago sa
pananaw ni Kyle sa kaniyang
paligid?
Ang sine ay hindi tahasang
Alamin Mo
pangongopya ng realidad sa halip ito ay
isang paraan ng paghulma, pagtingin at
pag-alam sa realidad. Kahalintulad ito
.ng mga maikling kuwento. Ipinapakita
nito sa mga manonood ang realidad sa
buhay na mahalagang malaman.
Karamihan sa mga dahilan ng mga
Pilipino na nanonood sa sine ay upang
makapaglibang at pampalipas oras.
Kaya karamihan sa mga naipalalabas sa
mga sinehan sa kasalukuyan ay mga simpleng
palabas sa layuning magpapalipas oras at hindi
upang magmulat at magturo ng mga konsepto.
Sa kasalukuyan, tahasan nang nagsulputan
ang cinemalaya na tumatalakay sa mga
progresibo at mapagpalayang panoorin. Maging
ang MMFF, sa kauna-unahang pagkakataon ay
nagpalabas ng mga kritikal at de kalibreng
pelikulang Pilipino .
Gawin Ninyo
Ipagpalagay na kayo ay kabilang sa
mga hurado ng Metro Manila Film
Festival. Suriin ninyo ang “Footbridge”
batay sa pagkakabuo. Bawat pangkat
ay bibigyan ng aspektong susuriin.
Ipaliwanag ito sa klase.
Pangkat 1 : Tauhang gumanap
Pangkat 2 : Anggulo ng kamera
Pangkat 3 : Simbolismong ginamit
Pangkat 4 : Dating sa manonood
Pangkat 5 : Kaisipan at aral na nais
ipahiwatig
Gawin Mo
Balikan ang mga Pilipino at banyagang
pelikulang napanood. Gamit ang Venn
diagram, ano ang pagkakaiba at
pagkakahatulad ng mga pelikulang batay sa
tema, sinematograpiya.
Isaisip Mo
Isipin mo na ikaw ay isang direktor.
Paano mo babaguhin ang “
Footbridge” pagkatapos
mapakinggan ang pagsusuri ng
mga pangkat?
Isapuso Mo
Pelikulang Pinoy ay tangkilikin
upang industriya nito’y manatili
Isulat Mo
Bibigyan ka ng pagkakataong
gumawa ng liham para basahin sa
harap ng mga kabataan tulad mo
upang makumbinse sila na tangkiliking
higit ang mga pelikulang Pilipino.
Ano ang lalamanin ng iyong
liham?
Paggamit ng
Pangkalahatang Sanggunian
Tuklasin Mo
Pag-usapan ang naging
mahalagang kontribusyon ng
dating Senador Miriam Defensor
Santiago sa lipunang Pilipino
Alamin Mo
Isa sa mga katangi-tanging pulitiko na may
mayamang kaalaman at may malaking puso si
Miriam Defensor Santiago. Kilala siya sa
angking talino dahil sa napakaraming batas ang
naipasa. Nakilala rin siya dahil sa talinong
taglay at malakas na hatak sa mga kabataan.
Bukod dito, ginamit niya ang wika ng mga
kabataan sa kaniyang mga talumpati. Ilan rito
ay ang sumusunod:
“ Dilim ka ba? Kasi Nang dumating ka,
wala na akong makitang iba pa.”
“Hindi naman tayo naglalaro ng tago-
taguan, pero bakit hinahanap-hanap kita?”
“ Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang
bilbil, pilit ko mang itinatago halata pa rin.”
“Ang lampa mo naman! Tatawid ka na nga
lang sa isip ko nahulog ka pa!”
“Kapag namatay na ako, huwag kang
pupunta sa libingan ko, baka tumibok muli ang
puso ko.”
Gawin Ninyo
Pag-usapan ang naging buhay
at tagumpay ni Miriam Defensor
Santiago bilang idolo ng mga
kabataan. Sagutin ang sumusunod
na mga tanong.
Pangkat 1 : Ano ang katangi-tanging inspirasyong
ibinibigay ni Santiago sa mga kabataan sa edukasyon?
Pangkat 2 : Maaari bang maging huwaran siya silang
isang masunuring anak? Patunayan.
Pangkat 3 : Maaari ba natin siyang tularan sa
kaniyang mga ideolohiya? Magbigay ng tatlong
dahilan.
Pangkat 4 : Paano siyang inidolo ng mga kabataan?
Pangkat 5 : Bakit mahalagang malaman ng mga
kabataan na nagnanais sumabak sa pulitika ang
kaniyang mga gawi?
Gawin Mo
Mula sa mga pinag-usapan ng
pangkat, at mga naunang
sanggunian, bumuo ng sanaysay
tungkol buhay at tagumpay ni
Senador Miriam Defensor
Santiago.
Isaisip Mo
Kailan ginagamit ang
pangkalahatang sanggunian?
Isapuso Mo
Kabataan ay hindi na pag-asa
ng bayan bagkus maaasahan na ng
bayan
Isulat Mo
Isapinal ang gawain sa Gawain
Mo. Tiyakin na gumamit ng maayos
na sanggunian.

You might also like